You are on page 1of 7

ETIKA SA PANANALIKSIK

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
1. nabibigyang-pansin mo ang etika ng pananaliksik;
2. naiisa-isa mo ang mga tungkulin ng isang mananaliksik;
at
3. natatalakay mo ang mga indikasyon at implikasyon
ng plagiarism.
Ano-ano ang dapat at di-dapat gawin ng isang mananaliksik
upang maging etikal ang kaniyang pag-aaral?
Ano ang plagiarism at ano ang mga posibleng kahihinatnan nito
para sa isang mananaliksik?
Etika ng Pananaliksik
Malaki ang responsibilidad ng isang mananaliksik. Dapat siyang
maging maingat sa bawat hakbang ng pananaliksik, sapagkat
mayroon itong etika na dapat niyang isaalang-alang. Ang etika
ng pananaliksik ay gabay sa tamang pagsasagawa ng pag-
aaral. Ayon kina Constantino at Zafra, ang mga panuntunan sa
pananaliksik ay ang sumusunod:
Kilalanin ang ginamit na mga ideya.
Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan o walang permiso.
Iwasang gumawa ng mga personal na obserbasyon.
Huwag mag-short-cut.
Huwag mandaya.
Tungkulin ng
Mananaliksik

Mayroong mga
tungkuling dapat
tandaan ang bawat
mananaliksik upang
matagumpay
niyang maisagawa
ang kaniyang
pananaliksik.
Ang Plagiarism
Ang plagiarism ay pangongopya ng gawa ng iba nang
walang pagkilala sa kung sino ang naunang nagsabi nito.
Ayon kina Constantino at Zafra, ang ilan sa mga anyo
ng plagiarism ay ang sumusunod:
Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting
pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang
awtor.
Pag-aangkin at/o paggagaya sa pamagat ng iba.
Samantala, ayon naman kina Bernales et.al, mayroong
mga karampatang parusa ang nagsagawa ng plagiarism,
ito ay ang sumusunod:
Bagsak ang grado.
Pagpapatalsik sa estudyante mula sa paaralan.
Tanggalan ng digri kahit matagal nang nakapagtapos.
Sentensiyahan ng multa at ilang taong pagkabilanggo.
Mga Paalala
Gumamit ng mga index card para sa pagtatala ng mga sipi.
Ang pagiging analitikal ay ang paghihimay sa mga datos habang
ang pagiging kritikal naman ay ang pagtitimbang ng datos.
Iiskedyul ang magkakaparehong gawain sa isang araw.
Mahahalagang Kaalaman
Ang mananaliksik ay dapat na matiyaga, sistematiko, maingat,
analitikal, kritikal, matapat, at responsable.
Upang maging etikal ang pananaliksik, kailangang kilalanin ang
mga sanggunian ng datos upang maiwasan ang plagiarism.

You might also like