You are on page 1of 10

PAGBUO NG KONSEPTUWAL NA

BALANGKAS SA PANANALIKSIK
LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
1. nabibigyan mo ng kahulugan ang konseptuwal na
balangkas;
2. nababatid mo ang mga elemento at hakbang sa
paggawa ng konseptuwal na balangkas; at
3. natutukoy mo ang mga katangian ng isang mahusay
na konseptuwal na balangkas .
Ano ang konseptuwal na balangkas?
Ano-ano ang elemento at hakbang sa
paggawa ng konseptuwal na balangkas?
Ano-ano ang katangian ng mahusay na
konseptuwal na balangkas?
PAGBUO NG KONSEPTUWAL NA
BALANGKAS SA PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay gaya ng kahit na anong estruktura sa
pangangailangan ng matibay na pundasyon. Ang pundasyon ng
pananaliksik ang gagabay sa kung paano tatakbo ang buong pag-aaral.
Ito ay ang konseptuwal na balangkas.
Ang Konseptuwal na Balangkas
Ang konsepto ay ideyang binuo mula sa mga pinagtagni-tagning
naobserbahang katangian.
Ang konseptuwal na balangkas naman ay ang pangkalahatang
paglalarawan na nagpapakita ng mga ugnayan ng mga konseptong
aaralin.
Halimbawa:
 Babasahin sa mga naratibong nakalap ang konteksto at
kahulugan ng pagkalalaki na nakaugat sa pagkatao. Ang
pagkatao ay mahahati sa loob at labas at mayroong mga
sumusuportang konsepto: sexuality/masculinity, kalusugang
seksuwal at reproduktibo, panloob na salik at sitwasyon
(kaisipan, kamalayan, damdamain), panlabas na salik at
sitwasyon (anyong pisikal, kilos, at gawa), kontekstong
makro (institusyon), kontekstong mikro (yugto ng
kasaysayang buhay: kabataan, mga pagpapakahulugan).
HALIMBAWA NG KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
SURIIN ANG HALIMBAWA NG KONSEPTUWAL NA BALANGKAS.
MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGBUO
NG KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Tukuyin ang paksang aaralin.
Tukuyin ang mga konsepto. (Ano-ano ang batayang konsepto at
mga sumusuportang konsepto?)
Alamin ang mga ugnayan ng mga konsepto. (Ano-ano ang
magkakaugnay at magkakasama?)
Ilarawan kung ano ang tamang hitsura ng balangkas. (Ano ang
tamang gamitin: dayagram, grap, o talahanayan? )
Iguhit ang konseptuwal na balangkas. (Ano-ano ang angkop na
linya at hugis? Ano-ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng
konsepto?Ano-ano ang salitang may diin?)
KATANGIAN NG MAHUSAY NA
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

 Kompleto ang mga konsepto.


 Angkop ang mga linya, hugis, at iba pang simbolo.
 Madaling maintindihan.
 Kung mahusay ang konseptuwal na balangkas, magsisilbi
itong matibay na pundasyon para sa pangangalap ng datos
at sa gagawing pagsusuri.
MGA PAALALA

Sikaping tiyak ang paksa upang malinaw ang mga konseptong


gagamitin.
Maging updated sa konseptuwal na balangkas ng ibang pag-aaral.
Mahahalagang Kaalaman
Mahalaga ang konseptuwal na balangkas para sa isang
pananaliksik upang makita kung ano ang sakop ng pagtalakay sa
paksa.
Naipakikita ang konseptuwal na balangkas sa maikli at biswal na
paraan, kailangang maipakita nito ang kabuuan ng pag-aaral.

You might also like