You are on page 1of 7

Pagbuo ng Balangkas Teoretikal

Pagkatapos ng araling ito, dapat na:


Nabibigyang-kahulugan mo ang balangkas teoretikal;
Nnatutukoy mo ang mga elemento at hakbang sa paggawa ng balangkas
teoretikal; at
Nnatutukoy mo ang mga katangian ng mahusay na balangkas teoretikal.
 Ano ang teorya
 Ano ang balangkas teoretikal?
 Ano-ano ang elemento at hakbang sa paggawa ng
balangkas teoretikal?
 Ano-ano ang katangian ng mahusay na balangkas
teoretikal?
Konseptuwal na Balangkas
 Sa nakalipas na modyul ay pinag-aralan ang depinisyon, hakbang sa
paggawa, at mga katangian ng konseptuwal na balangkas.
Magsisilbing pundasyon ang mga ito para sa gagawing pagtalakay
hinggil sa pagbuo ng balangkas teoretikal.

Balangkas Teoretikal
Ang teorya ay ang paglalahad na naglalaman ng mga abstraktong
paglalahat tungkol sa pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto.

 Ang balangkas teoretikal ay ang pangkalahatang paglalarawan


ng mga konseptong susuriin sa pananaliksik. Isinasaalang-alang
dito ang iba't ibang magkakaugnay na teorya na magsisilbing
batayan sa gagawing pag-aaral.
 Halimbawa:
Gaya ng/sa naunang leksiyon ng paggawa ng konseptuwal na
balangkas, gagamitin ang pananaliksik ni Atoy M. Navarro - “Pagkatao
at Pagkalalakeng Pinoy …”. Inalam dito ang pananaw sa pagkalalaki
mula sa iba’t ibang bansa.
Sa pagsasanib-puwersa ng sikolohiyang Pilipino at
konstruksiyonismong panlipunan, inalam ang pagpapakahulugan ng
pagkalalaki nang may paniniwalang nililikha ito ng:
 makro konteksto (institusyon);
 mikro konteksto (yugto ng kasaysayang buhay – kabataan);
 panloob at panlabas na mga salik at sitwasyon; at
 kontekstong biolohikal, sikolohikal, at sosyo-kultural.
Suriin ang halimbawang dayagram ng balangkas
teoretikal:
Mga Elemento at Hakbang sa Paggawa ng
Balangkas Teoretikal
 Tukuyin ang paksa.
 Tukuyin ang/ang mga teoryang gagamitin.
 Tukuyin ang mga konseptong nakapaloob sa pag-aaral na may
kinalaman sa teoryang gagamitin.
 Alamin ang mga ugnayan ng mga konsepto batay sa teorya.
 Ilarawan kung ano ang tamang hitsura ng balangkas.
Ano ang gagamitin:
- dayagram,
- grap, o
- talahanayan
 Iguhit ang balangkas teoretikal.
 Ano-ano ang angkop na linya at hugis?
 Ano-ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita?
 Ano-ano ang naka-bold face na salita?
Katangian ng Mahusay na Balangkas Teoretikal
 Kompleto ang mga konsepto batay sa teorya.
 Angkop ang mga linya, hugis, at iba pang simbolo.
 Madaling maintindihan.
 Kung mahusay ang balangkas teoretikal, magsisilbi itong matibay
na pundasyon para sa pangangalap ng datos at sa gagawing
pagsusuri.

You might also like