You are on page 1of 21

Mga Uri ng Teksto, Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Tekstong Argumentatibo
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

1. naipaliliwanag mo kung ano ang tekstong


argumentatibo at gamit nito;
2. naisusulat mo ang isang mahusay na t
3. nagagamit ang cohesive devices sa pagsulat
ng tekstong argumentatibo.
Ano ang tekstong argumentatibo?

Paano sumulat ng isang mahusay na tekstong


argumentatibo?

Paano gamitin ang cohesive devices sa


pagsulat ng tekstong argumentatibo?
Tekstong Argumentatibo

Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng


paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng
pananaw patungkol sa isang mahalaga o
maselang isyu.
Layunin nitong mahikayat ang mga
mambabasang tanggapin ang mga
argumentong inilalahad sa pamamagitan ng
mga pangangatuwiran.
Tekstong Argumentatibo

Ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang


sumasagot sa tanong na bakit.

Layunin
din ng ganitong uri ng teksto na
mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag
nito.
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

Kagaya ng ibang pormal na pagsulat, ang


tekstong argumentatibo ay mayroon ding mga
pangunahing bahagi. Bawat bahagi ay
magkakaugnay upang higit na maging matibay
ang mga pangangatuwirang inilalahad. Ang
mga bahaging ito ay ang panimula, katawan,
at konklusyon.
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

Panimula
Ang panimula ay kailangang maging
mapanghikayat sa paraang mahusay na
mailahad ang pangkalahatang paksang
tatalakayin at ang proposisyon.
Ang proposisyon ay isang pahayag na
naglalaman ng isang opinyon na maaaring
pagtalunan.
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

Katawan
Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon
ay kailangang organisadong maihanay sa
katawan ng tekstong argumentatibo.
Mahalagang may malawak na kaalaman ang
manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa
gayon ay magtaglay ng bigat ang mga
pangangatwiran.
Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo

Konklusyon
Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang
kabuuan niyang pananaw ukol sa kaniyang
proposisyon.
Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo
batay sa mga patunay na nabanggit sa katawan
ng teksto.
Mga Paraan ng Pangangatwiran

Ang paghahain ng mga pangangatwiran sa


tekstong argumentatibo ay mayroong apat na
paraan. Ang mga ito ay ang:

1) Pagsusuri
ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi
ng paksa upang ang mga ito ay masuri nang
husto
Mga Paraan ng Pangangatwiran

2) Pagtukoy sa mga Sanhi


inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari
3) Pabuod
sinisimulan sa maliliit na patunay tungo sa
paglalahat
maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad,
pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at mga
patunay
Mga Paraan ng Pangangatwiran

4) Pasaklaw
sinisimulan sapangkalahatang katuwiran o
kaalaman at iisa-isahin ang mga mahahalagang
punto
Paggamit ng mga Cohesive Device

Ang mga cohesive device ay mga panghalip.

Gampanin nitong higit na pagandahin ang


anumang tekstong isinusulat upang hindi paulit-
ulit na banggitin ang paksa at mga pangngalan.
Paggamit ng mga Cohesive Device

Malaki ang naitutulong nito sa pagsulat ng iba’t


ibang uri ng teksto, sapagkat higit na nagiging
organisado ang paghahanay ng mga kaisipan.
Mayroong dalawang paraan sa paggamit
ng cohesive devices, ang mga ito ay
ang anapora at katapora.
Paggamit ng mga Cohesive Device

Anapora
Ang paksa ang nauunang ginagamit o
binabanggit sa pangungusap bago ang panghalip.
Halimbawa:
Ganap nang ipinatupad ang K-12 sa Pilipinas,
sapagkat naniniwala ang pamahalaan na ito raw
ang solusyon para sa mas mataas na kalidad ng
edukasyon.
Paggamit ng mga Cohesive Device

Ang K-12 ang paksa sa pangungusap at hindi na


muling binanggit sa bandang hulihan sapagkat
ipinanghalili ang panghalip na ito.
Katapora
Kabaligtaran ito ng anapora, sapagkat ang
pangngalan ay nasa hulihan dahil nauunang
banggitin ang panghalip.
Paggamit ng mga Cohesive Device

Halimbawa:
Ganap na itong ipinatupad sa Pilipinas, sapagkat
naniniwala ang pamahalaan na ang K-12 raw ang
solusyon para sa mas mataas na kalidad ng
edukasyon.
Ang K-12 pa rin ang paksa sa pangungusap,
nauna nga lamang na binanggit
ang panghalip na ito na pumapatungkol sa K-12.
Anumang uri ng teksto ang isusulat ay
mahalagang maging organisado ang
paghahanay ng mga kaisipan at siguraduhing
ang mga ito ay mayroong mga pinagbatayan.
Kung ang tekstong binasa ay sumasagot sa
mga katanungan gaya ng paano, kailan, at
ano, ito ay hindi maituturing na tekstong
argumentatibo dahil ang tekstong
argumentatibo ay sumasagot sa tanong na
bakit.
Mahahalagang Kaalaman

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng


tekstong nagbibigay-pananaw patungkol sa
isang mahalaga o maselang isyu.

Layuninng tekstong argumentatibo ang


mahikayat ang mga mambabasang tanggapin
ang mga argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga pangangatuwiran.
Mahahalagang Kaalaman

Kagaya ng ibang pormal na pagsulat, ang


tekstong argumentatibo ay mayroon ding
pangunahing bahagi. Bawat bahagi ay
magkakaugnay upang higit na maging matibay
ang mga pangangatuwirang inilalahad. Ang
mga bahaging ito ay ang: panimula, katawan,
at konklusyon.

You might also like