You are on page 1of 13

PAGBUO NG BALANGKAS TEORETIKAL

LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, dapat na:


1. nabibigyang-kahulugan mo ang balangkas teoretikal;
2. natutukoy mo ang mga elemento at hakbang sa
paggawa ng balangkas teoretikal; at
3. natutukoy mo ang mga katangian ng mahusay na
balangkas teoretikal.
Ano ang teorya?
Ano ang balangkas teoretikal?
Ano-ano ang elemento at hakbang sa paggawa ng
balangkas teoretikal?
Ano-ano ang katangian ng mahusay na balangkas
teoretikal?
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
 Sa nakalipas na modyul ay pinag-aralan ang depinisyon,
hakbang sa paggawa, at mga katangian ng konseptuwal na
balangkas. Magsisilbing pundasyon ang mga ito para sa
gagawing pagtalakay hinggil sa pagbuo ng balangkas
teoretikal.
BALANGKAS TEORETIKAL

Ang teorya ay ang paglalahad na naglalaman ng mga


abstraktong paglalahat tungkol sa pagkakaugnay-ugnay ng
mga konsepto.
Ang balangkas teoretikal ay ang pangkalahatang
paglalarawan ng mga konseptong susuriin sa pananaliksik.
Isinasaalang-alang dito ang iba't ibang magkakaugnay na
teorya na magsisilbing batayan sa gagawing pag-aaral.
BALANGKAS TEORETIKAL
Halimbawa:
Gaya ng/sa naunang leksiyon ng paggawa ng konseptuwal
na balangkas, gagamitin ang pananaliksik ni Atoy M.
Navarro - “Pagkatao at Pagkalalakeng Pinoy …”. Inalam
dito ang pananaw sa pagkalalaki mula sa iba’t ibang bansa.
Sa pagsasanib-puwersa ng sikolohiyang Pilipino at
konstruksiyonismong panlipunan, inalam ang
pagpapakahulugan ng pagkalalaki nang may paniniwalang
nililikha ito ng:
BALANGKAS TEORETIKAL

makro konteksto (institusyon);


mikro konteksto (yugto ng kasaysayang buhay –
kabataan);
panloob at panlabas na mga salik at sitwasyon; at
kontekstong biolohikal, sikolohikal, at sosyo-kultural.
SURIIN ANG HALIMBAWANG DAYAGRAM NG
BALANGKAS TEORETIKAL:
MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGGAWA NG
BALANGKAS TEORETIKAL

Tukuyin ang paksa.


Tukuyin ang/ang mga teoryang gagamitin.
Tukuyin ang mga konseptong nakapaloob sa pag-aaral na
may kinalaman sa teoryang gagamitin.
Alamin ang mga ugnayan ng mga konsepto batay sa
teorya.
Ilarawan kung ano ang tamang hitsura ng balangkas.
MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGGAWA NG
BALANGKAS TEORETIKAL

Ano ang gagamitin:


- dayagram,
- grap, o
- talahanayan?
Iguhit ang balangkas teoretikal.
Ano-ano ang angkop na linya at hugis?
Ano-ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita?
Ano-ano ang naka-bold face na salita?
KATANGIAN NG MAHUSAY NA BALANGKAS TEORETIKAL

 Kompleto ang mga konsepto batay sa teorya.


 Angkop ang mga linya, hugis, at iba pang simbolo.
 Madaling maintindihan.
 Kung mahusay ang balangkas teoretikal, magsisilbi itong
matibay na pundasyon para sa pangangalap ng datos at sa
gagawing pagsusuri.
SANGGUNIAN:

 Evasco, Eugene, et.al. Lilia F. Antonio


(koordinyetor). Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa Agham
Panlipunan, Panitikan, at Sining. Quezon City: C & E
Publishing, 2011.
 “Writing the thesis outline: Theoretical framework.”
devcompage. 20 August 2009. Web. 20 February 2015.
Mga Paalala
Sikaping tiyak ang pagkakaunawa sa teoryang gagamitin.
Kung hindi sigurado, konsultahin ang iyong guro.
Buod
Mainam gamitin ang balangkas teoretikal kung nakabatay
ang pananaliksik sa mga nauna nang pag-aaral. Kailangan ng
pag-iingat sa paggawa nito upang magsilbing malinaw na
gabay para sa mga susunod na hakbang sa pananaliksik.

You might also like