You are on page 1of 11

LAYUNIN NG PAKSA

LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na:
1.nakapaglalahad ng kahulugan ng layunin ng paksa;
2.nakapag-iisa-isa ng mga bahagi ng layunin ng paksa; at
3.nakasusulat ng sariling layunin ng paksa.
Ano ang layunin ng paksa?
Ano-ano ang bahagi ng layunin ng paksa?
Ano-ano ang hakbang sa pagsulat ng layunin ng paksa?
LAYUNIN NG PAKSA
Sa pagsulat ng isang pananaliksik ay mahalagang pag-
aralang mabuti ang paksa upang makabuo ng mahuhusay
na layunin. Ang mga layunin ang magsisilbing gabay sa
manunulat kung paano niya gagawing mas komprehensibo
ang kaniyang isusulat.
Ang layunin ng paksa ay mga hakbang na kailangang
isagawa upang masagot ang mga tanong tungkol sa
paksa.
LAYUNIN NG PAKSA
Mayroong dalawang bahagi ang layunin--pangkalahatan
at tiyak. Ang pangkalahatang layunin ay sumusukat sa
kabuuang larawang nais gawin ng manunulat. Ang tiyak
na mga layunin, ay ang mga tiyak na hakbang na
kailangang isagawa upang humantong sa pagsagot sa
pangkalahatang layunin.
PAGSULAT NG LAYUNIN
Ang mga layunin ay nakapaloob sa iisang pangungusap. Ito
ay hango sa paksa at nakasulat sa paraang mailalahad
ang layunin ng pananaliksik. Narito ang ilang mga
halimbawang salita na maaaring gamitin sa simula ng
pagsulat ng layunin.
nakatutukoy nakapaglalahad
nakapangangalap nakapagbibigay-linaw
nakapagpapaliwanag nakapagmumungkahi
nakapaglalarawan nakapagsusuri
PAGSULAT NG PANGKALAHATANG LAYUNIN
Gaya ng nabanggit sa una, ang paksa ay kailangang pag-
aralang mabuti bago bumuo ng mga layunin. Kailangang
ang pangunahing layunin ang unahing buuin bago ito himay-
himayin sa mga tiyak na layunin.
Halimbawa:
Paksa: Paggamit ng kabataan sa social media at ang mga
epekto nito sa kanilang ugali at pag-aaral
PAGSULAT NG PANGKALAHATANG LAYUNIN
Pangkalahatang Layunin: Nakatutukoy ng mga epekto
ng paggamit ng social media sa ugali at pag-aaral ng
kabataan
Paliwanag:
Sa pagbuo ng pangkalahatang layunin ay inilalahad
kung bakit isinasagawa ang naturang pag-aaral sa isang
paksa gaya ng ibinigay sa halimbawa.
Pagsulat ng Tiyak Layunin
Ang mahusay na layunin ay nagsisilbing checklist ng isang
mananaliksik. Mula sa simula hanggang sa katapusan ay
nagiging gabay ito sa pagbuo ng mga datos hanggang
sa pagbuo ng konklusyon. Ang tiyak na layunin ay
maaaring sumagot sa:
Paanong gagamitin ang kaugnay na literatura, teorya, o
mga konsepto ng paksa?
Ano ang metodo ng pananaliksik?
Ano ang hihingin sa mga kapanayam o mga respondent?
Halimbawa:
Paksa: Paggamit ng kabataan sa social media at ang mga
epekto nito sa kanilang ugali at pag-aaral
Mga Tiyak na Layunin:
Nakapangangalap ng impormasyon tungkol sa ugali ng
kabataan sa patuloy na paggamit ng social media (haba
ng panahon, mga oras ng paggamit, gadget na gamit,
atbp.)
Nakapangangalap ng impormasyon tungkol sa nagiging
ugali ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral (antas ng
interes, lebel ng pagsisipag, atbp.)
Nakapangangalap ng impormasyon tungkol sa ugali ng
kabataan sa kanilang pag-aaral sa bahay (haba ng
panahon sa paggawa ng gawaing bahay, oras ng pag-
aaral sa bahay, pagkakaroon ng gabay na magulang o
pagtuturo)
Nakatutukoy ng ugnayan ng paggamit ng social media sa
ugali at pag-aaral ng mga kabataan sa tuwing sila ay
nasa eskuwelahan at sa bahay
Paliwanag:
Mapapansing ang mga tiyak na layunin ang nagbibigay-
daan upang maisa-isa ang hinihinging kasagutan sa
pangkalahatang layunin.
Mga Paalala
Ang pangkalahatang layunin ay tumutukoy sa kabuuang sasagutin
ng pag-aaral ng paksa ng pananaliksik.
Mas mapadadali ang pag-aaral at mas mapabibilis ang
pagtukoy ng mga metodo ng pananaliksik na gagamitin kung tiyak
ang mga ilalahad na layunin.
Mahahalagang Kaalaman
Ang mga layunin ay dapat na maging malinaw sa paglalahad ng
mga nais mangyari sa pananaliksik.
Ang mga layunin ay makatotohanang listahan ng mga gawaing
tutuparin sa tiyak na panahon, gamit ang mga nakalap
na resources.

You might also like