You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa

mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong

mapalawak ang kanilang mga kaalaman kung paano naging patuloy ang

pagtaas ng bilang nga mga taong may HIV. Ito ay nagsisilbing kamalayan sa

kanila sapagkat kadalasan sa kanila ay mga murang edad pa lamang. Ito ay

nagsisilbing pangdagdag kaalaman sa kanila tungkol sa patuloy na

paglaganap ng HIV. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng

malaki para sa kamalayan ng mga mag-aaral sa HIV at para

maiumpluwensiyahan ang kanilang kaisipan kung ano ang tama.

Sa mga guro – magkakaroon sila ng kaalaman sa pagtaas ng bilang nga

mga taong may HIV sa paglipas ng mga taon. Nang sa gayon, sila ay

makakagabay at makapagbahagi ng kaalaman sa mga estudyante kung ano

ang kasalukuyang sitwasyon ng HIV. Bilang mga guro, sila ay instrumentro

para mapangaralan ang mga mag-aaral tungkol sa sakit na HIV at ang

patuloy na paglaganap nito. Magiging isang malaking karangalan at

tagumpay sa isang guro na madagdagan at mas may kamalayan ang mga

mag-aaral tungkol sa HIV at ang patuloy na pagtaas ng bilang nito.

Sa mga magulang – ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang

mga anak, ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at


maitutulong sa kanilang anak. Sa saliksik na ito, ito ay makapagbigay

kaalaman sa mga magulang tungkol sa HIV at ang patuloy na paglaganap

nito. Sa paraang ito, mababahagi rin nila sa kanilang mga anak ang kanilang

nalaman.

Sa mga administrasyon – makakatulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang kasulukuyang sitwasyon ng HIV

at ang patuloy na pagtaas nito. Malalaman nila kung gaano na kalala ang

nangyayari at ang sitwasyon. Dahil sila ay may kakayahang magpaalam sa

buong mamamayan, magagamit nila ang pagkakataong ito para

mapangaralan ang ,mga mamamayan tungkol sa HIV at ang patuloy na

paglaganap nito.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap- isang malaking hamon para sa

bawat isa kung ang pananaliksik na ito ay nagsilbing gabay ng mga mag-

aaral sa kanilang pag-aaral at sila’y naging matagumpay sa hinaharap.

You might also like