You are on page 1of 3

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan at kapakipakinabang

dahil ang resulta nito ay magbibigay impormasyon ukol sa antas ng

kaalaman sa makabagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo

ng Sorsogon State College na maaaring maging batayan upang

bigyang pansin ang araling Filipino sa tersyarya.

Ang pananaliksik na ito ay higit na makatutulong sa mga

sumusunod:

Mag-aaral ng Kolehiyo. Ito ay magbibigay kamalayan sa mga mag-

aaral sa pagpapalawak ng antas ng kaalaman nila sa araling

Filipino. Ang pagpapakilala sa kahalagahan ng ortograpiyang

Filipino bilang pangunahing kaalaman na kailangang matutunan

upang magkaroon ng matatag na pundasyon sa larangan ng wika.

Magsisilbi rin itong tagapukaw ng damdaming Pilipino na

nagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay halaga sa sariling wika.

Guro sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay magpapabatid sa mga

tagapagtanggol ng wika ukol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral

sa makabagong ortograpiyang Filipino na siyang magtataguyod ng

aksyon sa suliraning pangwika na kinakaharap ngayon.

Commision on Higher Education. Ang resulta ng pag-aaral ay

magsisilbing batayan upang magkaroon ng pagtatayang muli sa mga


desisyon hinggil sa pag-alis ng araling Filipino sa Tersyarya.

Ganoon din ang pag-iisip ng mga programang pangwika na

magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa ortograpiyang

Filipino.

Pinuno ng Paaralan. Ito ay maaaring maging batayan sa

pagpapatupad ng CHEd Memorandum Order No. 20, na nagtatanggal sa

Panitikan bilang pangunahing aralin sa kolehiyo. Sa pamamagitan

nito, matataya rin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa nasabing

asignatura at mabibigyang pansin ang mga paraan upang matugunan

ang nasabing pagkukulang sa pag-aaral ng ortograpiyang Filipino

Komisyon sa Wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay maghihikayat

sa kanila upang patuloy na ipagtanggol ang wikang Filipino hindi

lang maging pangunahing aralin sa paaralan bagkus makamit ang

hangaring globalisasyon ng bansa sa pagkilala ng sariling wika.

Magsisilbi rin itong batayan upang makalikha pa ng mga

makabuluhang proyektong pangwika na nagsusulong sa pagpapa-unlad

at pag-aaral ng ortograpiyang Filipino

Mananaliksik sa Larangan ng Linggwistika. Makatutulong ang pag-

aaral na ito sa mga nais pang manaliksik sa mga pag-aaral na may

kinalaman sa paksang ito sa hinaharap. Maaari nilang gamitin ang

mga nakalap na impormasyon at maaari rin sila magdagdag ng mga

panibagong kaalaman.
MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Talahanayan 1

Respondents Bilang Bahagdan


Education 20 20%

Accountancy 20 20%

Technology 20 20%

Engineering 20 20%

HRM 20 20%
Kabuuan 100 100%

Ang mga respondenteng sangkot sa pag-aaral na ito ay

kinabibilangan ng mga mag-aaral ng Sorsogon State College,

Sorsogon Kampus. Dalawampung (20) mga mag-aaral ng limang

pangunahing kurso sa bawat departamento ang malayang pinili at

pinasagot sa talatanungang inihanda ng mananaliksik. Ang mga

nasabing respondente ay may edad na labing walong taong gulang

(18) pataas. Sa pagtukoy ng mga respondent, pantay ang

pagkakahati ng bahagdan sa bawat kurso ang napagkasunduan upang

ang resulta ng pag-aaral na ito ay maging tiyak na batayan.

You might also like