You are on page 1of 13

“LEBEL NG KAMALAYAN SA HIV/AIDS NG IBAT IBANG KASARIAN NG MGA

PILING MAG-AARAL SA UNP”

Isang Sulating Pananaliksik

Na inihaharap kay

BB. RUTHIE CHARMAINE TUBON

University of Northern Philippines

Tamag, Vigan City

Bahagi ng Katuparan sa Asignaturang

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

ZAPATA, JAIRUS JERARD

MARQUEZ, RAYMOND BILL V.

GAMOSE, LARNEY JANE

VIEJO, KENT JAMES T.

Bachelor of Science in Psychology

2021
Kabanata I
Kaligiran ng Pananaliksik

Panimula

Ang kamalayan sa HIV/AIDS ay isa sa mga estratehiya na epektibo upang makontrol

ang bilang ng mga apektado nito mapa-lokal, nasyonal, at sa buong mundo. Maaaring

magdulot ng peligrosong gawi ang hindi sapat na kaalaman dito na pwedeng magbigay ng

daan upang magkaroon ng HIV at AIDS. Ang HIV o ang human immunodeficiency virus ay

isang uri ng virus na umaatake sa immune system ng katawan at kung hindi naagapan, maaari

itong humantong sa AIDS o di kaya’y ang acquired immunodeficiency syndrome. Tayong

mga kabataan ngayon ay ang unang henerasyon na hindi pa nakakaalam at nakaranas ng

mundong walang HIV at AIDS.

Ayon sa datos ng Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS) ang

epidemya ng HIV sa Pilipinas ay ang pinaka mabilis na paglaki sa rehiyon ng Asya at

Pasipiko. Ang pagkalat nito ay tumaas ng 207% mula 2010 hanggang 2019 at ang mga

pagkamatay na nauugnay naman sa AIDS ay tumaas ng 338% sa parehong panahon. Sa taong

2019 naman, tinatayang 97,000 katao ang nabubuhay na may HIV sa Pilipinas. Sa mga iyon,

73% ang nakakaalam ng kanilang katayuan at 44% ay tumatanggap ng antiretroviral

treatment. Bagama't ang mga istatistikang ito ay nagpapahiwatig ng ilang pag-unlad, ang

Pilipinas ay mas mababa pa rin sa 90-90-90 na target na itinakda ng UNAIDS. Naglalayong

wakasan ang epidemya ng HIV sa 2020, nais ng programa na matiyak na 90% ng mga taong

may HIV ay malalaman ang kanilang kalagayan. Nagsumikap din itong bigyan ang 90% ng

mga taong may na-diagnose na HIV antiretroviral therapy at himukin ang pagsugpo sa viral

sa 90% ng mga tumatanggap ng paggamot. Sa kasamaang palad, ang mundo ay wala sa

landas upang maabot ang mga layuning ito, at ang mga bagong target ay binuo para sa 2025.
Hindi rin maipagkakaila na, ang mga kabataan ay mas madaling kapitan ng

impeksyon sa HIV dahil sa kakulangan ng maaasahan at napapanahong impormasyon

tungkol sa pag-iwas at paghahatid ng HIV/AIDS (Grey, 2021). Sa pagtatangkang alamin ang

pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa HIV-AIDS, ang mga mananaliksik ay nagpasya na

alamin ang lebel ng kamalayan ng mga iba’t ibang kasarian ng mga estudyante sa Unp. Sa

pamamagitan nito, ang pag-aaral na isasagawa ay naglalayong ipakita ang pagkakaiba sa

pagitan ng kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa HIV-AIDS na binibigyan ng iba't ibang

mga kondisyon sa pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lebel ng awareness ng mga mag-aaral

sa UNP tungkol sa HIV/AIDS. Sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga estudyante ayon sa:

1.1. Gulang;

1.2. Kasarian;

a) Binary (Babae o Lalaki)

b) Non-Binary (LGBTQIA+)

1.3. Kurso, taon at seksyon

2. Ano ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa HIV/AIDS ayon sa kaalaman nila

sa:

a. HIV-AIDS;

b. Transmisyon ng HIV-AIDS

c. Pag-iwas sa HIV-AIDS at

d. Paglapat ng lunas at paggamot sa HIV-AIDS?


3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kamalayan ng mga binary at

non-binary gender groups ayon sa kaalaman nila sa:

a. HIV-AIDS;

b. Transmisyon ng HIV-AIDS

c. Pag-iwas sa HIV-AIDS at

d. Paglapat ng lunas at paggamot sa HIV-AIDS?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang antas ng

kamalayan sa HIV-AIDS ng mga piling mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo sa kursong

sikolohiya sa UNP. Layunin din ng pag-aaral na malaman kung mayroong significant na

pagkakaiba sa antas ng kamalayan sa HIV-AIDS ng mga mag-aaral na nabibilang sa binary at

non-binary gender groups.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng

karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral sa kasalukuyang kalagayan ng

kamalayan ng mag-aaral ng UNP ukol sa HIV/AIDS. Sa pamamagitan nito ay mababawasan

ang stigma ukol sa HIV/AIDS.

Sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay nila para sa kanilang

kaugnay na pananaliksik.
Sa mga Guro. Ito ay makakatulong upang malaman ang kalagayan ng kamalayan ng mag-

aaral ng UNP ukol sa HIV/AIDS. Sa pamamagitan nito mabibigyan ng kaalaman ang mga

mag-aaral ukol sa HIV/AIDS, at mabasag ang stigma ukol dito.

Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong upang

malaman ng mga magulang ang kamalayan ng kanilang mga anak ukol sa HIV/AIDS. Sa

pamamagitan nito mas lalo nilang ituon ang kanilang atensyon sa kanilang mga anak upang

sila ay magabayan.

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan upang

malaman ang kalagayan ng kamalayan ng mag-aaral ng UNP ukol sa HIV/AIDS. Sa

pamamagitan nito maari silang magsagawa ng karagdagang seminar ukol sa HIV/AIDS.

Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang magsagawa din ng

pag-aaral sa ibang paaralan ukol sa HIV/AIDS. Sa pamamagitan nito, magsasagawa ang mga

may awtoridad ng nararapat na interventions na isasagawa upang maiwasan ang pagkalat ng

HIV/AIDS

Sa Mga Pinuno/Administrator ng Paaralan, Bilang administrator sila ang gagabay sa

mga kaguruan para sa mga dapat nitong gawin kong paano ituturo sa mga bata ang mga

aralin.

Haypotesis

Upang masubok ang layuning itinakda sa pag-aaral na ito ang mga sapantahang ito ay

nabuo:

Ho: A=B

Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng lebel ng kamalayan ng binary (A) at

non-binary (B) gender groups.

Ha: A≠B
Mayroong makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng lebel ng kamalayan ng binary (A)

at non-binary (B) gender groups.

Batayang Konseptual

Input Process Output


Profile ng 1st Year Pangongolekta sa profiles Ang paghahambing ng
Psychology ng mga mag-aaral antas ng kamalayan sa
Students ayon sa: Pagbibigay ng mga pagitan ng binary at
Edad; talatanungan non-binary gender
Kasarian; Pag-ooraganisa ng mga groups
Kurso; tugon ng mga mag-aaral
Year level at Istatistikal na pagsusuri
Seksyon ng datos
Figure 1

Ipinapakita ng Figure 1 ang Batayang Konseptual ng pag-aaral. Ang input ay ang

profile ng mga 1st year Psychology Students ayon sa edad, kasarian, kurso, year-level, at

seksyon. Kasama sa process ng pananaliksik ang pangangasiwa ng mga talatanungan, pag-

tabula ng mga tugon ng mga mag-aaral, at istatistikal na pagsusuri ng mga datos at

interpretasyon. Ang output ay ang paghahambing ng antas ng kamalayan sa pagitan ng binary

at non-binary gender groups.

Batayang Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay sinusuportahan ng Health Belief Model na pinaniniwalaan na

ang pag-uugali sa kalusugan ay isang function ng sosyo-demograpikong katangian, kaalaman

at ugali ng indibidwal.
Ang Health Belief Model ay orihinal na binuo upang ipaliwanag ang (preventive)

health behavior. Gaya ng tinukoy nina Kasl at Cobb (1966), ang health behavior ay anumang

aktibidad na ginagawa ng isang tao, na naniniwala sa kanyang sariling siya ay malusog, para

maiwasan o madetect ang isang sakit sa asymptomatic stage. Kabaligtaran nito ang illness

behavior na tumutukoy sa anumang aktibidad na ginagawa ng isang taong may simptomas

para sa layuning matukoy ang estado ng kanyang kalusugan at ng pagtuklas sa angkop na

lunas ng kanyang karamdaman.

Ayon sa seminal work ni Rosenstock (1966) sa Health Belief Model, ang orihinal na

layunin ng mga mananaliksik na bumuo ng modelo ay ang ituon ang mga pagsisikap ng mga

naghahangad na mapabuti ang pampublikong kalusugan sa pamamagitan ng pag-unawa kung

bakit hindi matagumpay ang pagpapatibay ng preventative health measure. Ang kakayahan

ng modelo na ipaliwanag at ma-predict ang mga iba’t ibang behavior na nauugnay sa mga

positibong health outcomes na matagumpay na na-replicate nang hindi mabilang na beses

(Janz & Becker, 1984). Ginamit din ang modelo upang bumuo ng maraming matagumpay na

health communication interventions sa pamamagitan ng pag-target ng mga mesahe sa mga

varible ng HBM upang baguhin ang health behaviors (Sohl & Moyer, 2007).

Ang mga sumusunod na constructs ng HBM ay iminumungkahing magiiba-iba sa

bawat indibidwal at mapre-predict ang pakikipag-ugnayan sa mga sumusunod na health-

related behaviors: perceived severity, perceived benefits, perceived barriers, modifying

variable, cues to action, at self efficacy. (Janz & Becker, 1984)

Sa isang pagsusuri sa mga sexual behavior change intervertions sa HIV na

pinamagatang Sexual Behavior Change for HIV: Where Have Theories Taken Us? na isinulat

ni Rachel King (1999), inilapat ang mga constructs ng HBM sa psychosocial level.

Minumungkahi ng pagsusuri na ang isang tao ay dapat magkaroon ng mga sumusunod na


paniniwala upang mabago ang mga behaviors: (1) perceived susceptibility sa isang partikular

na problema sa kalusugan (“ako ba ay at risk sa HIV?”), (2) perceived seriousness ng

kondisyon (“gaano kalubha ang AIDS; gaano kahirap ang aking buhay kung nagkaroon ako

nito?”), (3) paniniwala sa epektibo ng bagong behavior (“ang mga condom ay epektibo labas

sa HIV), (4) cues to action (“pagsaksi sa kamatayan o karamdaman ng isang malapit na

kaibigan o kamag-anak dahil sa AIDS”), (5) perceived benefits ng preventive action (“kung

sisimulan kong gumamit ng condom, maiiwasan ko ang HIV”), at (6) mga hadlang sa pag-

aksyon (“Ayokong gumamit ng condom”).

Sa isang meta-analysis ni Carpenter (2010), inilarawan niya kung papaanong ang

HBM ay may kakayahang mag-predict ng behavior gamit ang individual’s perceptions of

four variables. Ang model ay nanganagtwirang ang mga tao ay mas magkakaroon ng

motibasyong kumilos sa pamamaraang malusog kung naniniwala sila na sila ay madaling

kapitan ng isang partikular na negative health ourcome (Rosenstock, 1966). Sinasaad ng

model na ang mga tao ay hindi kikilos upang maiwasan ang isang negatibong kahihinatnan sa

kalusugan na malamang na hindi makakasakit sa kanila. Pine-predict din ng model na ang

pang-unawa ng mga tao sa kalubhaan ng negative health outcome ay ang siyang

manghihikayat sa kanilang maiwasan ang outcome na iyon. Kung ang hindi kanais-nais na

resulta sa kalusugan ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ng indibidwal, hindi

siya magaganyak na kumilos upang maiwasan ito. Dapat maisip ng indibidwal ng ang target

behavior ay magbibigay ng magandang benepisyo (Carpenter, 2010). Ang target na pag-

uugali ay dapat na malamang na maiwasan ang negative health outcome. (Hyman et al.,

1994). Ang modelo ay nangangatwiran na kung mayroong napagtanto ang mga tao na

makakahadlang sa kanilang pag-adopt sa preventative behavior, malamang na hindi nila ito

maisasagawa (Rosenstock, 1966)


Kaugnay ng mga ito, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik* na ang model ng HBM

ay mapre-predict ang mga pagbabago sa behavior bilang resulta ng positibong antas ng

kamalayan sa HIV/AIDS. Dahil dito, ipinagpapalagay ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod: ang mga respondente ay tataas ang motibasyong kumilos sa malusog na

pamamaraan kung alam nila na sila ay maaring mahaawaan ng HIV/AIDS; ang modelo ng

HBM ay magpre-predict at magpapaliwanag ng motibasyon ng mga respondente na

maiwasan ang HIV/AIDS dahil sa hindi kanais-nais na kahihinatnan nito sa kalusugan at ang

pag-iwas sa negative outcomes nito ay magdudulot ng positibong epekto sa kalusugan; at ang

HBM model ay mapre-predict na ang mga respondente ay malamang na hindi magkakaroon

ng preventive behavior kung mayroong hadlang sa mga preventive strategies.

*Gamose, Marquez, Viejo, Zapata


Kabanata II
Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito gumamit ang mananaliksik ng pamaraang descriptive,

comparative study upang makapagtipon ng kinakailangang datos sa pag-aaral tungkol Lebel

ng kamalayan sa HIV/AIDS ng ibat ibang kasarian ng mga mag-aaral sa University of

Northern Philippines.

Makikita ang bawat suliranin sa panahong new normal sa pamamagitan ng

talatanungan na ihahanda ng mananaliksik upang sagutin ng mga repondenteng nag aaral sa

University of Northern Philippines.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pangangalap ng impormasyon sa mga kolehiyong

mag-aaral ng University of Northern Philippines sa Tamag, Vigan, Ilocos Sur Campus. Ang

mga respondente ay kukunin sa first-year na may kursong Sikolohiya ng College of Arts and

Sciences.

Hahatiin sa dalawang grupo ang apatnapung (40) kinuhang sample mula sa isangdaan

at limangput-pitong (157) populasyon na mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo sa kursong

sikolohiya, dalawampung (20) binary at dalawampung (20) non-binary gender groups.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawa ng

talatanungan at sinundan ng pag-eedit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga

tanong at upang matiyak ang angkop na mga tanong sa suliraning nais tuklasin ng

mananaliksik.
Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na

pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat

kalahok at ibinigay ang tamang panuto o direksyon sa pagsagot upang makuha o matuklasan

ang nararapat na tugon ng mga respondante. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang

mga sagot sa bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay isang talatanungan na ibibigay

sa apatnapung (40) mag-aaral ng sikolohiya bilang dalawampung (20) binary at

dalawampung (20) non-binary na mga mag-aaral sa University of Northern Philippines. Ang

talatanungan ay binubuo ng 20 na katanungan sa mga respondente. Sinasagot ng mga kalahok

ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kanilang kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan para makakuha ng

mga kinakailangang datosa upang suportahan ang pananaliksik na na ito.

Kahulugan ng mga Katawagan

AIDS - pang huling yugto ng HIV infection, na kung saan ang ating immune system ay

lubhang nasira dahil sa virus.

Awareness o kamalayan - karunungan ukol sa isang konsepto o bagay.

Binary - mga tradisyunal na kasarian tulad ng lalaki at babae.

Estratehiya - isang mahusay na pamamaraan.

Gender - paglalarawan sa karakter ng isang babae o lalaki na binubuo ng lipunan.

HIV - Human Immunodeficiency Virus ay isang virus na umaatake sa immune system ng

ating katawan, at kapag hindi ito agad nagamot maaaring maging acquired immunodeficiency

syndrome ito o AIDS.


Immune System - ay isang kaluponan ng mga mekanismong nagbibigay proteksyon laban sa

mga karamdaman sa pamamagitan ng pagkilala at pagpatay sa mga patogen at mga selulang

lumilikha ng mga tumor.

Non-Binary - mga kasarian tulad ng bakla, tomboy, bisexual, walang kinikilalang kasarian at

iba pang kasarian na kasali sa LGBTQIA+.

Prevention - pagpigil sa isang bagay na maaring mangyari.

Profile - naglalarawan sa isang tao, grupo, o organisasyon.

Transmission - pagkalat ng isang sakit.


Mga Sanggunian

Carpenter, C. J. (2010). A meta-analysis of the effectiveness of health belief model variables

in predicting behavior. Health Communication, 25(8), 661-

669. https://doi.org/10.1080/10410236.2010.521906

Hyman, R. B., Baker, S., Ephraim, R., Moadel, A., & Philip, J. (1994). Health belief model

variables as predictors of screening mammography utilization. Journal of Behavioral

Medicine, 17(4), 391-406. https://doi.org/10.1007/bf01858010

Janz, N. K., & Becker, M. H. (1984). The health belief model: A decade later. Health

Education Quarterly, 11(1), 1-47. https://doi.org/10.1177/109019818401100101

Kasl, S. V., & Cobb, S. (1966). Health behavior, illness behavior and sick role

behavior. Archives of Environmental Health: An International Journal, 12(2), 246-

266. https://doi.org/10.1080/00039896.1966.10664365

Philippines. (n.d.).

UNAIDS. https://www.unaids.org/en/regionscountries/countries/philippines

Rachel King. (1999). Sexual behavioural change for HIV: Where have theories taken

us? UNAIDS.

Rosenstock, I. M. (1966). Why people use health services. The Milbank Memorial Fund

Quarterly, 44(3), 94. https://doi.org/10.2307/3348967

Sohl, S. J., & Moyer, A. (2007). Tailored interventions to promote mammography screening:

A meta-analytic review. Preventive Medicine, 45(4), 252-

261. https://doi.org/10.1016/j.ypmed.2007.06.009

World AIDS day. (n.d.). UNAIDS. https://www.unaids.org/en/World_AIDS_Day

You might also like