You are on page 1of 7

KATATAGANG SIKOLOHIKAL NG MGA KOLEHIYONG ESTUDYANTE SA GITNA

NG PANDEMYA

Konseptong Papel na

Inihandog sa Departamento ng Sikolohiya sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas- Sta. Mesa, Manila

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga

Kinakailangan para sa

Sikolohiyang Filipino

Ipinasa kay

Rolf Gian Marcos, RPm

Propesor

Ipinasa ni

Telan, Dhaila Josepha Birion

Pebrero 2021
ABSTRAK

Dulot ng pandemyang COVID-19, ang sikolohiya at kultura ng mga Pilipino na


pakikisalamuha at pakikipagkapwa ay nahadlangan dahilan sa mga pagbabawal na lumabas at
iba pang mga paghihigpit pangkalusugan. Gayon nga ang epekto sa moral at sikolohikal na
aspeto sa kabataan nitong nagaganap na pandemya. Ayon kina Son, et al., (2020), 71% ng mga
mag-aaral sa Estados Unidos ang nadagdagan ang nararamdamang stress at anxiety mula nang
magkaroon ng pandemya. Layon ng pananaliksik na ito na alamin ang lebel ng katatagang
sikolohikal ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Agham Pampolitika at Pampublikong
Pangangasiwa sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas nang sa gayon ay makapaglapat ng mga
gabay at pag-iingat sa sikolohikal na kalusugan ng mga kabataan lalo sa mga ganitong panahon
na may pandemya.

Keywords: depresyon, pandemya, katatagan, pakikisalamuha, pakikipagkapwa, resilience


TAAAN NG MGA NILALAMAN

Mga Nilalaman Pahina

I. Panimula 1
II. Mga Suliranin 2
III. Katutubong Metodo ng Pananaliksik 3
IV. Kalahok/Respondente 4
V. Lokal ng Pananaliksik 5
VI. Instrumento/Mga Instrumento 6
VII. Paraan ng Sampling 7
VIII. Paraan ng Pagkalap ng Datos 8
IX. Gantt Tsart 9
X. Mga Sanggunian 10
I. PANIMULA
Disyembre 2019 nang umusbong ang balita tungkol sa bagong sakit na tinatawag na novel
coronavirus o mas kilala sa tawag natin ngayon na COVID-19. Ito ay bagong diskubreng uri ng
coronavirus na kumalat na sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang coronavirus ay pamilya ng mga
virus na nagdudulot ng sakit mula sa simpleng sipon hanggang sa maging malubhang sakit na ito
tulad ng severe acute respiratory syndrome (SARS) at middle east respiratory syndrome o
MERS-COV (SCCGOV, 2020). Sa kadahilanang bagong tuklas pa lamang ang naturang virus ay
kakaunti pa lamang ang mga pag-aaral ukol dito kaya naman hindi ito naging sapat upang mas
makapaghanda ang mga pamahalaan sa nasabing sakit na nakaapekto na sa mga indibidwal sa
maraming aspeto: pangkalusugan, sosyal at pangkabuhayan. Idineklara ang novel coronavirus
bilang pandemya noong Marso 2020 dahil sa malawakang pagkalat nito sa anim na kontinente sa
mundo. Dahilan ito ng pagdedeklara ng mga bansa ng travel ban o pansamantalang pagbabawal
sa mga tao na lumasa at pumasok ng bansa, gayundin ay naglunsad ng mga community
lockdowns o pagbabawal sa mga taong lumabas ng kanilang mga tahanan upang maiwasan ang
pagkalat pa ng sakit (Ozili & Arun, 2020).
Isa nga ang Pilipinas sa matinding tinamaan ng pandemya. Pebrero 2020 nang
imbestigahan ang unang kaso ng sakit dito sa bansa at saka naman sinundan ng mga community
lockdowns sa mga sumunod na buwan. Ang mga pangyayaring ito ang nagpasimula ng malaki at
malawak na pagkagambala sa pamumuhay ng mga Pilipino (Bernardo & Mendoza, 2020).
Kaugnay nito ang pagsasara ng napakaraming establisimyento at negosyo. Ayon sa tala ng
World Health Organization, sa kasalukuyan, Pebrero 2021 ay umabot na ng mahigit alawang
milyon ang namatay sa sakit. Sa kabila ng mabilis na pagkalat at pagpatay ng pandemyang ito,
ang mga unang-hanay (frontline workers) ang humaharap sa hindi matatawarang pangyayari na
nangangailangan ng matindi at mabigat na pagpapasya at pagtatrabaho sa ilalim ng kagipitan
(Nyashanu, Pfende, & Ekpenyong, 2020).
Ayon sa UP Octa Research, ang peligro ng pagkalat ng sakit (r0/ r-naught) sa Metro
Manila ay umabot sa 0.96 kung saan ay maituturing ito sa uring medium transmission
samantalang ang kabuuan ng bansa ay umabot sa 1.2 lalo sa bahaging Cebu kung saan ay
maikakategoryang high transmission ang sakit o mabilis ang pagkalat. Sa kabila ng mga ito, ang
taong akademya ay nagpatuloy pa rin bagaman nahuli magsimula. Karaniwang umpisa ng taong
akademya ay hunyo ngunit iniurong ito ng Oktubre dahil nga sa pandemya. Ilang buwan
nagplano ang mga opisyal at nagpasya sa pagbubukas ng klase. Isa nga itong dahilan ung bakit
nakilala ang mga Pilipino sa kanilang katatagan o resilience sapagkat sinasabing hindi matitibag
ang mga ito sa kahit anong unos man ang dumating. Ito nasubok na ng maraming kalamidad na
nagdaan sa bansa ngunit ngayon ay normal nang nakapamumuhay. Ngunit, hindi maitatanggi na
ang mga mag-aaral ngayon ay nakagapos sa ma takdang petsa, gabundok na mga gawain, at iba
pa na bumabagabag sa kanilang isipan sa kabila ng nagaganap na pandemya.
II. MGA SULIRANIN
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang katatagang sikolohikal ng mga
kolehiyo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa kabila ng pandemya. Samakatuwid, ang
pag-aaral na ito ay nais masagot ang mga sumusunod:
1. Ano ang demograpikong propayl ng mga kalahok: edad, kasarian, taon, kurso?
2. Ano ang antas ng kapasidad na umangkop sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid?
3. Ano ang perspektibo ng mga mag-aaral sa kanilang tunguhin at pagsubok sa kanyang
buhay?
4. Ano ang lebel ng katatagang sikolohikal ng mga mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas?

III. KATUTUBONG METODO NG PANANALIKSIK


Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng husay na pagsasaliksik. Susuriin ng pag-aaral na ito
ang antas ng katatagang sikolohikal ng mga mag-aaral sa pamamgitan ng mga husay na
pagsasaliksik.

IV. KALAHOK/ RESPONDENTE


Napili ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas upang
maging kalahok sa pananaliksik na ito sapagkat ayon sa isang pag-aaral, maraming kabataan ang
nagpapakamatay dahil sa labis na kalungkutan o depresyon dulot ng iba’t ibang mga dahilan.
Ayon kina Son, et al.,(2020), 71% ng mga mag-aaral sa Estados Unidos ang nadagdagan ang
nararamdamang stress at anxiety mula nang magkaroon ng pandemya.

V. LOKAL NG PANANALIKSIK
Gaganapin ang pananaliksik na ito sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na unang
politenikong unibersidad sa pilipinas. Isa rin ito sa pinaka kilalang unibersidad ng estado na
nagsisilbi sa mahigit kumulang 35,000 estudyanteng mahihirap.

VI. MGA INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK


Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng gabay na panayam kung saan mas malalaman ang
totoong nararanasan ng mga napiling estudyante ngayong may kinakaharap na pandemya.
VII. PARAAN NG SAMPLING
Ang ilan na mag-aaral sa Kolehiyo ng Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya ay maaaring
maging kalahok ngunit ang mananaliksik ay pipili lamang ng 10 mag-aaral mula sa
magkakaibang kurso sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang populasyon ay iggrupo
sa bawat kurso at sa bawat kurso ay kukuha ng 10 mga kalahok.

VIII. PARAAN NG PAGKALAP NG DATOS


Matapos ihanda ng mananaliksik ang katanungan ay ipagpapatibay ito sa isang
propesyunal na sikolohista at saka naman susukatin ng mananaliksik ang reliability nito.
Gagawin ang pangangalap na gabay na panayam sa pamamagitan ng online interview sapagkat
sa panahon ngayon na may pandemya ay pinagbabawalan o iniiwasan ang pagkakaroon ng face-
to-face na pakikisalamuha. Bukod dito, mas mapapadali rin ang pangangalap ng gabay na
panayam sa pamamagitan ng online lalo at ang paraan ng pag-aaral ngayon ay online na rin.

IX. GANTT TSART


X. MGA SANGGUNIAN:
Bernardo, A. B., & Mendoza, N. B. (2020, June 25). Measuring Hope during the COVID19
Outbreak in the Philippines: Development and Validation of the State Locus-ofHope
Scale Short Form in Filipino [Scholarly project]. In SpringerLink. Retrieved
November 05, 2020, from https://doi.org/10.1007/s12144-020-00887-x
Brink, P. J., & Wood, M. J. (n.d.). SAGE Books - Advanced Design in Nursing Research.
Retrieved from https://sk.sagepub.com/books/advanced-design-in-nursing-research-
2e/d208.xml
Connor, K. M., & Davidson, J. R. (2003). Development of a New Resilience Scale:The Connor-
Davidson Resilience Scale (CD-RISC). Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/10576109_Development_of_a_new_resilien
ce_scale_The_Connor-Davidson_Resilience_Scale_CD-RISC#read
Cruz, R. C. (2020, June 11). Covid-19 infection rate in Metro Manila lower than PH total.
Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1105687
JT. Wu, K., VM. Corman, O., C. Huang, Y., L. Yoshida, M., & N. Chen, M. (1970, January
01). First COVID-19 infections in the Philippines: A case report. Retrieved February
04, 2021, from https://tropmedhealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/s41182-020-
00203-0
Mathew Nyashanu, Farai Pfende & Mandu Ekpenyong (2020) Exploring the challenges faced by
frontline workers in health and social care amid the COVID-19 pandemic: experiences
of frontline workers in the English Midlands region, UK, Journal of Interprofessional
Care, 34:5, 655-661, DOI: 10.1080/13561820.2020.1792425
McIntosh, E., & Shaw, J. (2017, May 01). Student Resilience: Exploring the Positive Case for
Resilience. Retrieved November 18, 2020, from
https://www.researchgate.net/publication/321213371_Student_Resilience_Exploring_t
he_Positive_Case_for_Resilience
Ozili, P., & Arun, T. (2020, March 30). Spillover of COVID-19: Impact on the Global Economy
[Scholarly project]. In SRRN. Retrieved November 05, 2020, from
https://ssrn.com/abstract=3562570
SCCGOV. (2020). Mga Katotohanan ng Coronavirus. Retrieved from
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx
Son, C., et al., (2020). Effects of COVID-19 on College Students Mental Health in the United
States: Interview Survey Study. Retrieved from https://www.jmir.org/2020/9/e21279/

You might also like