You are on page 1of 4

Pagsusuri sa Kalagayan ng mga Mag-aaral sa Sekondaryang Edukasyon

ukol sa kanilang Pangkaisipang Kalusugan sa Panahon ng Pandemya

Ipinasa nina:
Bagasbas, Japeth
Camacho, Lana Jaimee
Dela Cruz, Maria Xerylle
Espiritu, Kaila Mae
Laconsay, Regina
Limbo, Jana Casey
Tablizo, Fiona Unyss
Vero, Kirsten Cyril

Ipinasa kay:
Bb. Domino, Caroline Gualvez

2021
Introduksyon
Nang magsimula ang pandemya, hindi maitatangging nagkaroon ito ng malaking
epekto hindi lamang sa bansa, ngunit pati na rin sa buong mundo. Nagdulot ito ng
pandaigdigang impluwensya sa buhay at edukasyon ng higit sa 1.6 b ilyong mga bata
(UNESCO, 2021). Maraming mga pagbabago ang isinagawa ng mga iba’t ibang institusyon at
kabilang na rito ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas. Isa na rito ang pagsara ng mga
paaralan mula noong Marso 2020 kaya naman ay isinakatuparan ang remote learning o ang
alternatibong paraan ng pag-aaral na hindi ginaganap sa tradisyunal na silid-aralan. Ang
doktor na si Dr. Cornelio Banaag Jr. ay nagsaad na ang mga pagbabagong dulot ng remote
learning ay naging dahilan ng stress, anxiety, at depresyo n sa mga kabataang Pilipino lalong
lalo na sa mga mag-aaral sa sekondaryang edukasyon (Visco, 2021). Binigyang diin niya rin
na kadalasang dahilan ng mga ito ay ang pagiging malayo sa mga kamag -aral at ang
pangangamba dahil sa kasalukuyang krisis. Dagdag pa rito, maraming mga balita ang naiulat
ukol sa pahayag ng mga mag-aaral na bawasan ang kanilang mga akademikong gawain
upang mapangalagaan ang kanilang pangkaisipang kalusugan. Halimbawa nito ang mga
mag-aaral ng Saint Louis University (SLU) sa Bagiuo na nagprotesta upang dinggin ng
paaralan ang kanilang mga pakiusap at hinaing.

Ang mga salik na ito na nagpapakitang dapat pagtuunan ng pansin ang pangkaisipang
kalusugan ng mga kabataan ang nag-udyok sa mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral
na ito. Ito ay upang makapagbigay kamalayan sa mga mamamayan ukol sa mga karanasan
ng mga mag-aaral pagdating sa kanilang pangkaisipang kalusugan. Layunin din ng
pananaliksik na ito na higit pang maunawaan at masuri ang mga pinagdadaanan ng mga
mag-aaral sa sekondaryang edukasyon ngayong panahon ng pandemya. Nais din ng
pananaliksik na makatulong o magsilbing gabay sa mga paaralan upang lalong mamulat sa
realidad ng kanilang mga mag-aaral at mabigyan ng oportunidad na makapagbigay
mungkahi sa mga paaralan ng sapat na tulong at suporta para sa mga mag -aaral tungkol sa
kanilang pagkaisipang kalusugan. Ayon sa isang manggagawa ng kalusugan na si Miskin
(2020), ang pagkakaroon ng malusog at maayos na pangkaisipang kalusugan ay may
magandang epekto pagdating sa pag-aaral ng isang indibidwal. Ito rin ang isa sa mga dahilan
kung bakit mahalagang pag-aralan ang pangkaisipang kalusugan ng mga mag-aaral.
Ang pangkaisipang kalusugan ay isang kumplikadong konsepto na walang iisang
pandaigdigang kahulugan sapagkat nakadepende ito sa pananaw ng iba’t ibang disiplina. Isa
sa mga ito ay galing sa World Health Organization (2018) na nagsasabing ito ang kalagayan
ng isang indibiduwal kung saan natutukoy niya ang kaniyang kakayahang pangkaisipan
upang harapin ang mga kaganapan sa kaniyang buhay. Ang kalusugang pangkaisipan ay isa
sa mahahalagang bahagi ng kalusugan sapagkat naapaketuhan nito ang emosyonal,
sikolohikal, at pisikal na kalagayan ng isang tao. Kaya naman ay nararapat na pangalagaan
ito at bigyang importansiya ng bawat isa. Kaugnay nito, ang COVID -19 ay nagdulot ng
malaking epekto sa kalusugan ng mga mamamayan hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi
pati na rin sa pangkaisipan (Kamal et al., 2021). Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit
bunga ng SARS-CoV-2. Ito ay airborne kaya nangangahulugang ito ay maipapasa sa ibang tao
sa pamamagitan ng pagbahing, pag-ubo, or pagsasalita (WHO, 2020). Ang sakit na ito ay
nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t ibang paraan katulad ng kalusugan ng tao, ekonomiya
ng bansa, at kabuhayan ng mga Pilipino.

Sa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay kaalaman sa mga mambabasa


ukol sa tunay na estado ng pangkaisipang kalusugan ng mga estudyante sa bansa ngayong
panahon ng pandemya. Sakop ng pag-aaral na ito ang kalagayan ng mga mag-aaral partikular
na ang kanilang mga karanasan ukol sa kanilang pangkaisipang kalusugan. Dagdag pa rito,
ito rin ay isang isyung panlipunan at napapanahon; sa gayon, ito ay angkop na paksang dapat
pag-aralan na maaaring makatulong magbigay kamalayan sa bawat mamamayang Pilipino.
Sanggunian:

Visco, R. (2021, October 13). Covid-19 related mental health issues growing among the youth.
BusinessMirror. Retrieved from https://businessmirror.com.ph/2021/10/13/covid-
19-related-mental-health-issues-growing-among-the-youth/

Why good mental health is important for study. Charles Darwin University. (2020). Retrieved
from https://www.cdu.edu.au/launchpad/student-life/why-good-mental-health-
important-study

Mental health: Strengthening our response. World Health Organization. (2018). Retrieved
from https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/mental-health-
strengthening-our-response
One year into COVID-19 education disruption: Where do we stand? UNESCO. (2021). Retrieved
from https://en.unesco.org/news/one-year-covid-19-education-disruption-where-
do-we-stand
Kamal, R. K. (2021, July 20). The implications of COVID-19 for mental health and substance
use. KFF. Retrieved from https://www.kff.org/coronavirus-covid-19/issue-brief/the-
implications-of-covid-19-for-mental-health-and-substance-use/

You might also like