You are on page 1of 10

Pag-aaral sa Relasyon ng Nutrisyonal na Estado sa Pang-Akademikong Gawain ng mga

Mag-aaral sa Sekondarya sa Panahon ng Pandemya sa


Piling Brgy. ng Pobl. Paranas, Samar

Isang Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi sa Pag-aaral sa Asignaturang Filipino sa Piling


Larang

Inilalahad ni:

Kir Paulo A. Cabasaan

Baitang 12-Boson
Pebrero 2021

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon ang pansin sa relasyon ng nutrisyonal na estado


ng mga mag-aaral sa kanilang pang-akademikong gawain.
Lahat tayo ay humaharap ngayon sa isang pandemya na tinatawag na COVID-19 na
nakaaapekto sa lahat ng anggulo ng ating pamumuhay. May tinatawag tayo ngayong “New
Normal” sa larangan ng pag-aaral, ibig sabihin naapektuhan ito ng problema na kinahaharap
natin ngayon. Maraming tao ang nagkakasakit at sa kasawiang palad ay nawawalan din ng
buhay. Nakakalungkot lang na ang mga napakaimportanteng bagay sa ating buhay ay tuloyan
nang naapektuhan ng pandemyang ito. Ang pagkakaroon ng maganda at angkop na nutrisyon
ay mahalaga sa bawat indibidwal. Ayon sa mga artikulo ng Child Development Institute
(2010), ilang mga pag-aaral na ang naisagawa na nagpakita at nagsabi na ang pagkaroon ng
angkop na nutrisyon sakabataan ay hindi lamang pagkakamit ng malusog na pangangatawan,
kundi pagkakaroon dinng mas matatag na emosyon at maunlad na kagalingan sa mga pang-
akademikong gawain.
Malaki ang posibilidad na makaiwas sa sakit ang taong may angkop na nutrisyon
ayon kay Dr. Robert Avery (2009). Ayon sa kanya, ang katawan ay talagang
nakakamangha,magkasakit man daw ang isang tao, kaya nitong pagalingin ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng pagbibigay sa katawan ng tamang nutrisyon. Ang mga bagay na
nagdudulotng sakit tulad ng mababang immune system, pagkakaroon ng “bad genes”,
inflammation at iba pa ay maaaring baguhin ng masusustansyang pagkain at magbigay ng
positibong epektosa pangagatawan, kaya naman talagang mahalaga ang pagkain ng gulay.
Ayon kay Le Vallée (2003) ang pinakamalaking bilang ng mga kabataang
maymalnutrisyon ay nakatira sa mga bansang kabilang sa Asya. Hindi maitatanggi na
kabilangang Pilipinas sa mga bansang apektado nito. Wala na ngang pagbabago, pero patuloy
pa rinang pagtaas ng malnutrisyon sa mga kabataan. Ang pagkakaroon ng hindi angkop
nanutrisyon sa kabataan ay may higit na masamang epekto sa kanila. Maaari silang
magkaroonng mahinang pangangatawan at maaring maapektuhan ang kanilang pang araw-
araw nagawain lalo na sa paaralan.
Kung hindi maaagapan ang suliraning ito at hinayaang lumala, maaring humantongito
sa kamatayan ng bata. Ayon sa Philippine Ministry of Health, halos kalahati ng mga
nabalitang namatay na mga bata at sanggol sa Pilipinas ay dahilan ng malnutrisyon na
sinabayan ng iba’t iba pang mga sakit. Ito ay nagpapatunay lamang na hindi biro ang
paglaking malnutrisyon sa kabataan at ito ay hindi rin dapat ipagwalang-bahala ng mga
magulang at ng pamahalaan. Ayon sa ulat ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI)
(2008),maaaring hindi sapat o hindi tama ang kinakain ng maraming batang Pilipino sa
ngayon kaya’t patuloy ang paglaki ng porsyento ng malnutrisyon sa bansa. Mula sa suliraning
ito, inalalang mga mananaliksik ang mga kabataang dapat sana ay pag-asa ng bayan. Kung
hindi sila mabibigyan ng sapat na pagkain, maaaring maapektuhan ang kanilang pag-aaral.
Kung hindi mapupukaw ang isipan ng gobyerno sa suliraning ito, sino na lamang ang mag-
aahon sa bansa mula sa kahirapan?
Mula sa mga impormasyon at mga artikulong nakalap, ang mga mananaliksik
aynaisipang magsagawa ng pag-aaral upang matukoy at maipagbigay alam kung ano
angrelasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin
Dahil sa kinakaharap nating problema patungkol sa sakit na COVID-19. Mas naghirap
ang pamunuhay ng bawat isa sa mundo. Lalo na ang mga nasa laylayan na hirap na nga nung
wala pang pandemya mas naghirap pa ngayong panahon. Dahil dito, mas lumala ang
problema sa pangkalusugan sector na nagdulot sa mabagal na responde sa iba pang mga
suliraning pangkalusugan. Dahil sa pagbaba ng enerhiya at nutrisyon sa bawat mag-aaral,
naapektohan nito ang kanilang mga galaw at paglaki. Pati narin ang kanilang akademikong
gawain.

Layunin
Ang bawat pag-aaral ay nagkakaroon ng paglalahad ng suliranin. Ito ay ginagawa
upang bigyang kasagutan ang pananaliksik na gagawin. Ito rin ang magsisilbing gabay upang
makamit natin ang mga dapat nating malaman sa ating pag-aaral.
Ang pinakasuliranin ng pananaliksik na ito ay nakafokus sa pag-alam ng relasyon ng
nutrisyonal na estado at pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang antas ng
hayskul sa paaralang Dasmariñas National High School. Nais ng pananaliksik na ito na
mabigyang kasagutan ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang Demographic Profile ng mga sekondaryang mag-aaral ng Pobl.
Paranas, Samar:
1.1 Antas/Baitang
1.2 Edad
1.3 Kasarian
2. Ano ang nutrisyonal na estado ng mga mag-aaral sa sekondarya sa
kasalukuyan:
2.1. Timbang
2.2. Taas
3. Ano ang learning modality na ginagamit ng mag-aaral:
3.1 Online Learning
3.2 Modular Learning
4. Ano ang akademikong kalagayan ng mga sekondaryang mag-aaral sa
kasalukuyan, habang may pandemya?
5. Ano ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng
mga
mag-aaral sa sekondarya?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang sumusunod ay ang mga makikinabang sa pag-aaral ng relasyon ng nutrisyonal na
estado at pang-akademikong gawain ng mga sekondaryang mag-aaral ng piling barangay ng
Poblacion Paranas, Samar.
Mag-aaral. Maiintindihan nila ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at maunawaan
ang epekto nito sa kanilang pang-akademikong gawain.
Guro. Mauunawaan ang iba’t ibang akademikong lebel ng mga mag-aaral upang
makapagbigay ng gabay sa kanila lalo na sa mga batang walang sapat na nutrisyon.
Magulang. Malalaman nila ang kahalagahan nang tama at sapat na pagkain para
makamit ang tamang nutrisyon para sa kanilang mga anak.
Paaralan. Mabibigyang-pansin ang mga mag-aaral na walang sapat na nutrisyon at
mahihikayat silang gumawa ng solusyon ukol dito.
Pamahalaan: Mabibigyang-pansin ang mga suliraning ito at makakapagbigay ng mga
proyekto at programa sa mga paaralan ukol dito.
Komunidad. Malalaman at magiging alerto sa mga problema tungkol sa tamang
nutrisyon at mabibigyan nang sapat na lunas, programa at proyekto upang maayos ang mga
problemang ito.
Iba pang mananaliksik. Magiging isang dagdag kaalaman at impormasyon ang pag-
aaral na ito sa iba pang mga mananaliksik. Bukod pa diyan, magiging mahalagang basehan
ang pag-aaral na ito sa mga nagnanais pang gumawa ng pagsasaliksik na may katulad na
paksa.

Saklaw at Limitasyon

Ang isinagawang pag-aaral ay nakapokus sa mga mag-aaral sa sekondarya ng Pobl.


Paranas, Samar, kapwa babae at lalaki. Para makamit ang mga layunin, nagsagawa ng sarbey
sa mga mag-aaral na nabanggit. Sa pamimili ng mga mag-aaral para sa naisagawang sarbey,
gumamit ang mga mananaliksik ng random sampling, upang magkaroon ng kaunting
varyasyon sa mga kasagutan.
Upang matukoy ang nutrisyonal na estado ng mga mag-aaral, ang huling naitalang
timbang at tangkad ng mga mag-aaral ay kinuha sa pamamagitan ng mga kagamitan na
panukat. Ikinumpara ito ng mananaliksik sa pamantayan ng tamang tangkad at timbang ng
mga mag-aaral na kaniyang nakalap.

Upang matukoy naman ang estado nila sa paaralan, kinuha na lamang ng


mananaliksik ang grado ng mga mag-aaral simula sa piling markahan sa apat na asignatura,
Matematika, Ingles, Siyensya at Filipino at kinuha rin ang kanilang learning modality. Ang
nutrisyonal na estado at pang-akademikong grado ay ipinagkumpara upang alamin kung ito
ay may kaugnayan sa isa’t isa.

Tinukoy sa pag-aaral na ito ang epekto ng kahalagahan ng nutrisyon sa pang-


akademikong estado ng mga mag-aaral. Nalaman ng mananaliksik ang klase ng nutrisyon
batay sa isinagawang sarbey kung saan tinanong sila tungkol sa mga kinain nilang pagkain
kasama na rin kung gaano sila kadalas kumain ng sapat at tamang pagkain.

*Dalawang* araw ang inilaan sa paggawa ng nasabing sarbey. Ang nakuhang resulta
dito ay ginamit para sa kongklusyon ng pag-aaral. Bukod dito, ang limitadong oras at
panahon ay naging sanhi ng ilang kahinaan ng pananaliksik. Dahil sa kakulangan sa oras,
pinili na lamang ng mga mananaliksik na magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral. Kinuha na
lamang ng mga mananaliksik ang mga grado ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro sa halip
na gumawa ng panayam ukol sa kanilang pang-akademikong gawain. Ang iba pang salik na
maaring makaaepekto din sa nutrisyonal na estado at pang-akademikong gawain ay hindi na
naikonsidera.

Depenisyon ng mga Terminolohiya


Ang pananaliksik na ito ay mag-uugnay sa relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-
akademikong gawain ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay makikita ang
mga termino na gagamitin sa pag-aaral. Ang pagbibigay ng definisyon ay hinango sa
diksyunaryo o sa kilalang tao at pagkakagamit sa pag-aaral.
Akademikong Gawain- Mga gawain ng isang tao na may relasyon sa eskwelahan.

-
Uri ng gawaing na mayroong relasyon sa edukasyon at
pang-intelektwal (Encarta Dictionary Tools, 2003).
Body Mass Index (BMI)- Ito ay kabuuan ng quotient ng timbang (kg.) at taas (m).

- Ang istatistikal na resulta kung saan ipinagkukumpara


ang
timbang at taas ng isang tao (Wikipedia®)
Edad- Gulang ngayon magmula noong kanyang kapanganakan.
- Gulang, katandaan, at edad (Diksyunaryo,English-Filipino,Filipino-English,
Maria Odulo De Guzman, 1998).
Malnutrisyon- Ang hindi sapat na nutrisyon o tabinging halaga ng nutrisyon sa
katawan.
- Kakulangan ng tamang nutrisyon (Dictionary.com, LLC.2010).
Nutrisyon- Ang pangkalahatang kalusugan.
- Pag-aaral tungkol sa pagkain na may relasyon sa kalusugan. (Claudio
and
De Guzman)
Nutrisyonal na Estado- Ang estado ng pangkalusugan ng isang tao na may
relasyon
sa buong kalagayan ng isang tao.
- Ang kondisyon ng kalusugan galing sa pagkain at ang
relasyon ng gamit ng mga pagkain na ito sa katawan.
(FAO/WHO1974).
Pagkain- Ang mga substansiya na nagbibigay na sapat na nutrisyon.
- “Food sustains life.” (Claudio and de Guzman)
Pandemya- COVID-19
- Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na nakakaapekto sa
maraming tao sa sa buong mundo at mabilis kumakalat. (redcross.org)
Poblacion- Barangay 1 hanggang Barangay 6 ng Paranas, Samar.
- Sentro ng isang lugar.
Relasyon- Kaugnayan
- Romantiko, kamag-anak, pagsasalaysay, pagkukuwento (tagalog-dic.)
Sekondarya- hinggil sa hay iskul.
- hakbang sa edukasyon na kasunod ng edukasyong primarya
(Wikipedia®)
Timbang- Bigat ng isang tao.
- Ang espesipikong suma ng bigat ng isang bagay (Elementary&
Highschool,
English-Filipino Diksyunaryo,1975).
Tangkad- Ito ang taas ng isang tao magmula sa kanyang paa hanggang ulo.
- Taas at tangkad (Diksyunaryo, English-Filipino, Filipino-English,Maria
Odulo De Guzman, 1998).

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon sa blog na KalusuganPH (2008), ang pagkain ng fast food at iba pang junk food
ay nakakasama sa resistensya ng katawan ng tao. Ang resistensya ng katawan ay responsible
sa pagtatag ng depensa ng katawan laban sa iba’t ibang organismo na maaring magdulot ng
sakit. Tungkol naman sa kalusugan ng utak, upang gumana ito ng husto, kinakailangan ng
buong katawan ang sustansya mula sa mga pagkaing kinakain. Ngunit kung ang pagkain sa
araw-araw puro sitsirya at mga pagkaing fast food na kulang sa nutrisyon na kailangan ng
katawan, tiyak na may masamang epekto ito hindi lamang sa utak kundi pati na rin iba pang
parte ng katawan.
Ayon sa Weight Loss Philippines, Maraming pag-aaral naisagawa na nagtuturo ng
koneksyon ng nutrisyon sa pagunlad ng bayan. Ayon sa sekulo ng nutrisyon at pagunlad ang
batang malnoris ay madalas nagkakasakit, kapag ang bata ay laging nagkakasakit malaki ang
posibilidad na tumigil ito sa pagaaral o kaya naman ay lumagpak hanggang sa mapagod siya
sa pagaaral, kapag ang malnoris na bata ay tumigil na sa pagaaral mahihirapan siyang
makahanap ng trabaho na may magandang sweldo, kapag kokunti lang ang sweldo ng
trabahador mahihirapan siyang bumili ng pagkain, gamot at tirahan, ang eksenang ito ang
siya ring magiging sanhi ng pagiging malnoris ng kanayang mga anak at duon iikot ang
sekulo hangang sa ang mga batang malnoris ay mamamatay dahil sa gutom at madalas na
pagkakasakit. Kung maraming taong nagugutom sa bansang ito, malaki ang posibilidad na
lalong lumala ang ekonomiya ng bansa. Walang tao makakabili ng pagkain kaya baba ang
demand sa pagkain, wala ng makakapag trabaho ng maayos kaya baba rin ang supply ng mga
pagkain, at kapag pareho ng bumaba an gang dalawang ito lalong baba ang ekonomiya ng
bansa.
Ayon sa DocSlide, ang pagkain ng street food ang nakatutulong sa mga tulad naming
estudyante na maraming ginagawang pang-eskwela na pamatid gutom. Mas maliit ang
nakokonsumong oras sa pagkain dahil sa mga ready-to-eat na ito. Sa pagkain ng streetfood
nakatutulong din ng malaki dahil sa murang presyo nito na kung minsan ay mas pinababa pa
para maluwang sa bulsa ng mga estudyante. Masarap at tipid ang pagkain nito. Ang pagiging
malikhain ng mga Pilipino ang nagbigay-buhay at ngalan sa mga pagkaing kalye.
Ayon as artikulo na ‘Pagkaing Nang Sama-sama--Nakakapagpatibay ng Pamilya”,
(2010) ang pagkain nang sama-sama ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na
matugunan ang emosyonal na pangangailangan ng knilang mga anak. Nakakatulong din sa
emosyon at kalusugan ng mga bata ang pagkain nang sama-sama. Ayon sa U.S. National
Center on Addiction and Substance Abuse sa Columbia University, ang mga kabataang
kumakain nang mga limang beses sa isang linggo kasama ng kani-kanilang pamilya ay hindi
gaanong nagkakaroon ng mga problemang nauugnay sa pagkabalisa, pagkainip, o kawalan ng
interes, at mas matataas ang marka nila sa paaralan.
Ayon kay Jessa, Pondang (USEP – Department of English), Jesusa, ang layunin ng
alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kung magmumula sa isang
malayong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan. Ang pakinabang
na ito ay lalo nainilaan upang pagsamahing muli ang isang full-time na post-sekundaryong
mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo (kabilang ang mga post-baccalaureate antas), teknikal o
bokasyonal na paaralan sa mga empleyado/magulang paghahatid sa US na pamahalaan sa
ibang lugar.
Gayun paman, ang pang-edukasyon na paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang
bata sa sekundaryong paaralan (grado 9 sa pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng
allowance nainilarawan sa itaas.
Pang-edukasyon sa paglalakbay ay hindi maaaring bayaran sa parehong oras bilang
ang alawans ng edukasyon at hindi dapat malito sa transportasyon bahagi ng ang "malayo-
mula sa-post" na edukasyon alawans.Educational travel can commence from either the school
or the post, but only one round trip between school and post is allowed annually.
Pang-edukasyon paglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa paaralan o sa
mga post, ngunit lamang ang isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at pagkatapos ay
pinapayagan taun-taon. Based on achange in law, the DSSR changed effective July 22, 2007
eliminating the restriction that the school attended full-time had to be in the United States.
Batay sa isang pagbabago sa batas, ang DSSR ang nagbago epektibo Hulyo 22, 2007
aalis ang paghihigpit na pumasok ng paaralan ng full-time na nagkaroon na maging sa
Estados Unidos.
Ayon sa DDS Safety Net, gamitin ang mga kasangkapan para sa malusog na pagkain
na makikitasa. Ang mga kasangkapang ito ay para tulungan ka at mga taong sinusuportahan
mo na kumain ng tama at maging aktibo. Panoorin ang mga video ng SafetyNet nang
magkakasama at pag-usapan ang mga natutunan ninyo. Kausapin ang mga tao tungkol sa mga
pagkain na mabuti sa kanila at bakit. Kung naghahanda ka ng pagkain para sa iba, sundan ang
mga payong ito para sa malusog na pagkain. Magbigay ng prutas, gulay, at whole grains.
Magbigay ng pagkain na mababa sa taba, asukal at asin. Pumili ng walang tabang karne.
Hikayatin na uminom sila ng maraming tubig.Gumawa ng mga malusog na miryenda.
Maghanap ng ibang paraan para gawing mas malusog ang mga pagkain.

Kaugnay na Pag-aaaral

Ayon kay Dr. Drew Ramsey, na humantong sa pag-aaral, nakapagpapalusog


kakulangan ay isang pangunahing sanhi ng asal abnormalities. Nang walang tamang
nutrients, sabi niya, ang katawan ay hindi maaaring gumawa ng mga naaangkop na mga
kemikal at hormones na kinakailangan para sa malinaw na pag-iisip at malusog mood, na
kung saan ay maaaring humantong sa hindi makatwiran at kahit na mapanganib na pag-
uugali.
I-back up ang mga claim na ito, Dr. Ramsey nagpasya upang pag-aralan kung paano
nakakaapekto ang diyeta kalooban at pag-uugali sa isang pangkat ng mga inmates sa
bilangguan. Ayon saCBS Boston, Dr. Ramsey nagbigay ng ilang mga supplement bitamina sa
ilan sa mga inmates bilangguan, at kumpara sa kanilang mga pag-uugali at mga pattern ng
pag-iisip sa mga inmates bilangguan pagkain ng mga tipikal na pagkain ng junk.
Sa pagtatasa, ito ay tinutukoy na ang mga inmates sino ang kumuha ng supplement
bitamina ay higit na mas mababa agresibo at galit kaysa sa mga pagkain pangunahing
naproseso na pagkain ng junk. Ayon sa Dr. Ramsey, ang mga resulta ay nagpapahiwatig na
pagkaing nakapagpalusog kakulangan, na kung saan ay nagiging karaniwang nagiging sa
modernong mundo, ay direktang nauugnay sa pamali-mali at marahas na pag-uugali.
"Deficiencies sa nutrients, magnesiyo o mangganeso, bitamina C, o ilang mga B
bitamina ay maaaring hyperactive ang isang tao patungo sa isang stressor, isang maigsing
fuse kaya magsalita," sabi ni Nicolette Pace, isang nutrisyunista, tungkol sa labis na
pagkonsumo ng walang laman na karbohidrat junk pagkain. (Carbohydrates) huwag bigyan
ang iyong katawan kung ano ang kailangan mo upang makaya na may mga pang-araw-araw
na iginiit.
Ang isang katulad na pag-aaral na kamakailan ilagay sa pamamagitan ng mga
mananaliksik sa Penn Estado dumating sa katulad na konklusyon, pag-nahanap na ang mga
indibiduwal na madaling kapitan ng sakit sa kapanglawan ay mas malamang na maging sa
isang masamang kalagayan ng pag-iisip kung kumain sila ng junk na pagkain. Ayon sa pag-
aaral na, negatibong moods ay amplified lubha sumusunod na pagkonsumo ng pagkain ng
junk.
Ayon kay Fernando Gomez-Pinilla (July, 2008), matagal ng pinaghihinalaan na ang
mga relatibong dami ng mga tiyak na nutrients ay maaaring makaapekto sa cognitib na
proseso at emosyon. Napagalaman na sa mga bagong inilarawang impluwensya ng dietary
factors sa neuronal function at synaptic plasticity na ito ay ilan sa mga mahalagang
mekanismo na responsable sa aksyon ng pagkain sa kalusugan ng utak at pagana nito.
Karamihan sa gut hormones na nakakapasok sa utak o di kaya’y ginawa o niyari sa utak
mismo ay nakakaapekto sa cognitib na abilidad. Ang pag-unawa sa molecular basis ng epekto
ng pagkain sa cognition ay makatutulong upang malaman ang pinakamabuting paraan upang
mamanipula ang diet upang madagdagan ang resistensya ng mga neurons sa masasamang
bagay at magsulong ng kalusugan ng utak.
Ayon kay Edward Leigh Gibson (2006), ang sensory, physiological at sikolohikal na
mga mekanismo ay sinusuri na maging batayan ng emosyonal na impluwensya sa pagpili ng
pagkain. Parehong isinasaalang-alang ang mood at emosyon. Ang pagkain ay inaasahang
nakapagbabago ng mood at emosyonal na predisposisyon ng isang tao, karaniwang
nakapagbaba ng arousal at pagkamayamutin at mas nakakakalma at nagbibiga ng positibong
epekto. Subalit, nakadepende ito sa dami at komposisyon ng kinakain sa pagsasaalang-alang
sa kinasanayan, ekspektasyon, at pangangailangan ng kumakain. Ang mga hindi
pangkaraniwang pagkain – e. g. masyadong maliit ang dami, masama sa katawan – ay
nakakadulot ng negatibong epekto sa mood ng isang tao.
Ayon sa pag-aaral at sa tala ng Department of Education (DepEd), nasa 2 milyong
estudyante mula sa buong bansa ang kulang sa timbang. Malaki diumano ang epekto nito sa
academic performance ng mga estudyante. Kaya’t hindi na rin nakapagtataka kung bakit
pang-pito lang ang Pilipinas pagdating sa edukasyon kumpara sa mga karatig-bansa sa
Timog-Silangang Asya. Ayon rin sa DepEd, ang pagkain ay hindi lamang para sa tiyan kundi
para sa utak din. Kailangang magkaroon ng tamang nutrisyon ang mga estudyanteng Pilipino
kung nais natin ng isang matalino at listong bagong henerasyon.

You might also like