You are on page 1of 38

Kalusugang Mental ng mga Mag-aaral ng BSOA sa Panahon ng

Pandemya at Epekto nito sa Akademikong Gawain

Nina:

Arnes, May R.

Carael, Jeanifer B.

Hernandez, Kristine Rose H.

Mancera, Mica Jeane M.

Odi, Sheena Maye L.

Santillan, Rizza R.
KABANATA I

ANG SULIRANIN

Introduksiyon

Kinabibilangan ng emosyonal, sikolohikal at panlipunang katayuan

ng isang tao ang kalusugang mental. Nakakaapekto ito sa kung paano

kumikilos, nag-iisip at nakakaramdam ang isang tao. Nagiging daan rin

ito sa pag-alam sa mga paraan kung paano malulunasan ang stress, kung

paano makikihalubilo sa iba, at kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa

paggawa ng desisyon.

Sa kasalukuyan, nasasailalim pa rin sa nararanasang pandemya ang

maraming bansa sa buong mundo na naging hakbang sa pagbuo ng mga

akmang pagkilos ng gobyerno sa iba’t-ibang sektor kabilang na ang pang-

edukasyon. Pilipinas ang isa sa mga bansang labis na naapektuhan ng

pandemya kung kaya’t naging daan ito upang isakatuparan at ilunsad ang

synchronous at asynchronous na klase. Sa kabila ng mga suliraning

kaakibat ng pandemya, patuloy gumagawa ng paraan ang sektor ng

edukasyong upang makapagbigay ng mahusay na kalidad ng edukasyon

ang Pilipinas. Patuloy pa ring pinapaunlad ang ibinibigay na serbisyo


para sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga sakop

ng sistema ng edukasyon.

Pag-aaral ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na nais matamo

at mapagtagumpayan ng bawat mag-aaral lalo na ng bawat estudyanteng

nagsisikap makapagtapos. Nakapaloob dito ang iba’t-ibang gawain sa

bawat asignatura man o gawain sa eskwalahan bilang kabuuan kung saan

sinisikap na hubugin ang bawat mag-aaral. Mayroong mga gawaing pang-

akademiko at mayroon ding hindi.

Kolehiyo ang isa sa mga pangunahing tinutugunan ng bansa ukol

sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukayon. Pinangungunahan ng

Commission on Higher Education o CHED ang pagsasagawa ng mga

hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyong mayroon sa bansa bagama’t

nakakaranas ng maraming pagbabago dahil sa pandemya. Kabilang dito

ang iba’t-ibang kurso at programang iniaalok sa mga estudyante. Isa na

rito ang kursong Bachelor of Science in Office Administration o BSOA.

Binibigyang-pansin ng kursong ito ang mga gawain at aktibidad na

konektado sa opisina.

Ayon sa World Scholarship Forum (2020), isa ang Pilipinas sa mga

bansang nag-aalok ng kursong BSOA sa mga estudyante kung saan

binibigyang-diin ang paghubog sa mga estudyante sa pagkakaroon ng

sapat na abilidad at kakayanan sa mga gawaing konektado sa opisina at


pamamahala. Binibigyang-pansin sa kursong ito ang pagkakaroon ng

malawak na kaalaman ukol sa mga pangunahing asignaturang kaugnay

dito.

Kaugnay ng pandemyang nararanasan sa kasalukuyan, patuloy pa

rin sa pagbibigay ng mga gawaing pang-akademiko ang mga guro sa

kani-kanilang mga estudyante. May mga aktibidad na isinasagawa sa

pamamagitan ng mga gawaing nakasulat, isinusumite online sa anyo ng

litrato o mga bidyu. Hindi maaaring magsagawa ng mga gawaing

magkakaroon ng interaksyon sa personal sapagkat nalimitahan ang

pagkilos ng mg guro, maging ng mga estudyante dahil sa mga protokol na

konektado at ikinokonsidera para sa kaligtasan ng bawat isa.

Sa maraming pagbabago sa pagkilos ng bawat tao dahil sa

pandemya kabilang na ang mga paraan sa pag-aaral ng mga estudyante,

nagiging suliranin ang pagdalo sa mga klase kung saan labis na

naapektuhan ang mental na kalusugan ng mga estudyante. Base sa

artikulo ni Cleofas (2020), nagreresulta sa pagkawala ng gana sa

pagkilos, lubos na pag-iisip, at pagkakasakit ang hindi maayos na

kalusugang mental ng mga mag-aaral. Hindi sila nagiging produktibo sa

mga bagay na kailangang gawin na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Lubos itong nagiging suliranin lalo na sa mithiing makamit nila ang

mataas na kalidad ng edukasyon na nais ibigay ng sektor sa edukasyon,


kung saan nasa anim na milyong Pilipino ang nakakaranas ng depresyon,

pagkabalisa at stress. Nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas sa may

pinakamataas na bilang ng kaso ng mga isyu at problema sa kalusugang

mental. Tinatayang nasa 3.2 kada 100,000 populasyon ang

nagpapatiwakal dahil dito.

Nakababahala ang bilang ng kaso ng problema sa mental na

kalusugan na maaari ding magdulot pa ng ibang suliranin. Hindi lamang

sa sariling buhay, kundi pati na rin sa buhay ng mga nakapaligid at

nakakasalumuha ng isang tao. Isa ito sa mga pangunahing suliraning

kailangan ng masusi at epektibong solusyon.

Konseptuwal na Pangkaisipan

Nagsisilbing isang mapa na gagabay sa mga mananaliksik ang

bahaging ito sa mga pamamaraan o hakbang upang maging matagumpay

sa pag-aaral ng pananaliksik. Nagbibigay ito ng isang balangkas ng

mananaliksik kung paano nila pinaplano na magsagawa ng pag-aaral sa

pananaliksik.

Ayon kay Labrague at De los Santos (2021), tumaas ang

paglaganap ng kalungkutan sa kabataang may edad 18 hanggang 24 taong

gulang nang umusbong ang COVID-19, lalo na sa mga kababaihan

kumpara sa mga lalaki. Ang kalungkutan ay isang malakas na pasimula


ng stress, depresyon at anxiety. Lumabas din na ang sosyal na

pagkakalayo-layo at kalungkutan dahil sa pananatili lamang sa bahay ay

naging dahilan ng pagtaas ng panganib sa psychological distress,

depresyon at anxiety. Karagdagan, nagdudulot din ito ng pisikal na

pagkapagod, sakit ng ulo, at insomniya na nagiging dahilan minsan kung

bakit hindi nagagampanan ng maayos ng mag-aaral ang mga gawain.

Batay sa pag-aaral na isinagawa nina Bautista at Manuel (2020) na

“Mental Health of Students in the Philippines during Pandemic: An

assessment”. Ang mga kababaihan ang lubos na apektado ang kalagayang

mental dulot ng pandemya. Ang mga babae ang karaniwang nakakadanas

ng pisikal at emosyonal stress kumpara sa lalaki. Ang hindi paglabas ng

kabataan dahil sa Genereal Community Quaratine ay nakakaapekto dahil

walang pagpipiliian kung hindi ang manatili sa tahanan. Inirekomenda ng

pag-aaral na patatagin ang suporta ng bawat miyembro ng pamilya upang

mabawasan ang negatibong epekto ng pandemya at palakasin ang pisikal

na kalusugan lalo na ang mental na kalusugan.

Ayon kina Bostani, Nadri, at Nasab (2013), ang kalusugang mental

at ibang bahagi nito tulad ng depresyon at anxiety ay may kaugnayan sa

kakayang edukasyonal ng mag-aaral. Ang depresyon at anxiety na isyu sa

kalusugang mental ay nakakaapekto sa pagbaba ng edukasyonal na

pagganap ng estudyante. Mahihinuha na ang mga estudyanteng may


maayos na kalusugang mental ay mas maayos ang pagganap sa mga

gawain sa eskwelahan.

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Sundarasen et. al. (2020),

lumabas na malala ang antas ng axiety sa panahon ng COVID-19 at

karagdagang dulot ay ang lockdown protokol. Ang kadalasang sanhi ng

stress ay pinansyal na kakulangan at online learning na nakakaapekto sa

akademikong gawain. Bukod pa dito, ang tungkulin ng paaralan ay

mahalaga sa pagtulong sa mga estudyante upang makaya o mapatnubayan

ang anxiety at depresyon.

Sa ulat ng College Editors’ Guild of the Philippines (2020), may

estudyanteng lalong nalugmok sa kahirapan noong nagsimula ang

pandemya. Sa kadahilanang hindi kayang tustusan ng pamilya ang gadyet

na kailangan sa distance learning, ito ang naging sanhi ng

pagpapatiwakal. Ang COVID-19 ay lubhang nakakaapekto sa kalusugang

mental ng lahat. Madami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at

bilang resulta, tumaas ang bilang ng mga pamilyang hindi kayang

tustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak sapagkat mas mababa ang

kapasidad na makabili ng mga kinakailangan gadyet at ang matatag na

internet connection. Naaapektuhan ang kalidad ng awtput na naipapasa ng

mag-aaral dahil sa kakulangan sa gamit para sa online class at may mga

kaso na hindi nakokompleto ang mga gawain.


Konseptwal na Balangkas

Kalusugang Mental ng mga Mag-aaral ng BSOA sa Panahon ng Pandemya

at Epekto nito sa Akademikong Gawain

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Demograpikong 1. 1. Paghingi ng permiso Programang


tala ng mga mula sa punong guro ng B.R.A.I.N o
respondente. paaralan para sa Binhing magiging
isasagawang pag-aaral.
Resulta ng Ayos na
2. Ang epekto ng mga
2. 2. Ipaalam sa respondete daloy ng Isipan sa
akademikong gawain na sila ang gagamitin
sa kalusugang mental Nararanasan, na
para sa isasagawang
ng mga estudyante ng pag-aaral.
naglalayong
BSOA iparating sa mga
3. 3. Pagsasagawa ng
mag-aaral ang mga
surbey
3. Ang epekto ng kaalaman ukol sa
kalusugang mental sa 4. 4. Alamin ang mga datos kalusugang mental
akademikong gawain na nakalap
na kaugnay ng mga
ng mga mag-aaral ng 5. 5. Buuhin ang datos na akademikong
BSOA nakalap
gawain

Pigura 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ipinakikita ng pigura 1 Ang Paradigma Ng Pag-Aaral Kung Saan

Gumamit Ang Mga Mananaliksik Ng Ipo Model O Modelong Input -

Proseso - Awtput.
Ang Input ay naglalaman ng lahat ng impormasyon na

kinakailangan sa pananaliksik. Kukunin ng mga mananaliksik ang

demograpikong tala ng respondente (kasarian, edad, uri ng gadget na

ginagamit sa klase, tirahan at pinagmumulan ng koneksyon sa internet),

epekto ng mga akademikong gawain ng sa kalusugang mental ng mga

mag-aaral ng BSOA at epekto ng kalusugang mental sa akademikong

gawain ng mga mag-aaral ng BSOA.

Ang proseso ay nagpapakita ng mga hakbang ng pamamaraan sa

pagsasagawa ng pag-aaral. Kasama dito ang paghingi ng pahintulot mula

sa pinuno ng paaralan na magsagawa ng pag-aaral sa pananaliksik.

Matapos ang pag-apruba, ipapabatid ng mananaliksik sa mga respondente

na sila ang gagamitin sa pag-aaral. Pagkatapos ay sisimulan ng

mananaliksik na magsagawa ng sarbey. Matapos ang pagtipon ng

kinakailangang datos, sisimulan ng mananaliksik na suriin ang datos. Ang

huli ay ang pagbuo ng datos na nakalap.

Ang awtput ay nagpapakita ng resulta o panghuling awtput.

Iminumungkahi ng mga mananaliksik ang isang Programang B.R.A.I.N o

Binhing magiging Resulta ng Ayos na daloy ng Isipan sa Nararanasan

bilang awtput na naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na

impormasyon at kaalaman tungkol sa kalusugang mental na konektado sa


akademikong pag-aaral at sa parehong oras, matututunan nila kung paano

ito masosolusyunan.

Paglalahad ng Suliranin

Nais pag-aralan ng pananaliksik na ito ang Kalusugang Mental ng

mga Mag-aaral ng BSOA sa Panahon ng Pandemya at Epekto nito sa

Akademikong Gawain.

Nais din ng pag-aaral ng itong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang demograpikong tala ng mga respondyente base sa:

1.1. Kasarian

1.2. Edad

1.3. Uri ng gadget na ginagamit sa klase

1.4. Tirahan

1.5. Pinagmumulan ng koneksyon sa internet (Data o WiFi)

2. Ano ang kalagayan ng kalusugang mental ng mga mag-aaral ng BSOA

sa panahon ng pandemya?
3. Paano nakakaapekto ang kalusugang mental ng mga mag-aaral sa mga

akademikong gawain?

4. Paano nakakaapekto ang mga akademikong gawain sa kalusugang

mental ng mga mag-aaral ng BSOA?

5. Base sa pag-aaral, anong rekomendasyon ang nabuo upang

mapanatiling maayos ang kalusugang mental ng mga mag-aaral?

Haypotesis

Nagbibigay ng matalinong hula ang bahaging ito tungkol sa

pagkakaroon ng epekto ng kalusugang mental at akademikong gawain

ayon sa kanilang demograpikong tala.

H1: Mayroong epekto ang kalusugang mental at akademikong gawain ng

isang mag-aaral kapag inigrupo ayon sa kanilang demograpikong profayl.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral upang malaman ang epekto ng kalusugang

mental at akademikong gawain sa mga mag-aaral lalo na sa nararanasang

pandemya sa kasalukuyan. Sa saklaw at limitasyon tatalakayin ang sakop

o hangganan ng isang pananaliksik na kung saan dito aalamin kung sino

at saan ang magiging paksa ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito na

pinamagatang; “Kalusugang Mental ng mga Mag-aaral ng BSOA sa

Panahon ng Pandemya at Epekto nito sa Akademikong Gawain”, ay nais


masiyasat ang kalagayang mental at ang epekto nito sa akademikong

gawain ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya. Ang saklaw ng pag-

aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas - Lopez Branch at ang limitasyon ay ang mga mag-aaral sa

kursong Bachelor of Science in Office Administration. Napili ng mga

mananaliksik ang PUP bilang lugar ng pagsasagawaan ng pag-aaral dahil

ito ang unibersidad na kilala sa nag-aalok ng nasabing kurso. Ang mga

mag-aaral ng kursong BSOA ang napiling respondente ng mga

mananaliksik sapagkat dito nakapokus ang pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalayong alamin sa pag-aaral na “Kalusugang mental ng mga

Mag-aaral ng BSOA sa panahon ng pandemya at Epekto nito sa

Akademikong Gawain” ang mga kahahantungan at kinakaharap ng mga

mag-aaral ng BSOA na maaaring makaapekto sa kanilang akademikong

gawain at sa kanilang mental na kalusugan sa panahon ng pandemya na

maaaring magbigay ng mahahalagang impormasyon at benepisyo sa mga

sumusunod:

Sa mga Mag-aaral sa kolehiyo (BSOA), ang resulta ng pag-aaral

ng pananaliksik ang isa sa makakatulong sa mga mag-aaral na matukoy

ang mga epekto at hamon na kanilang kahaharapin lalo’t higit sa


kanilang kalusugang mental sa panahon ng pandemya na magsisilbing

gabay sa kanila upang mas maging malawak ang kaalaman ukol dito.

Sa mga Guro o Propesor, sa pag-aaral na ito makikinabang ang

mga guro upang mas maging bukas-palad sila na maturuan at gabayan

nang mahusay ang kanilang mga estudyante at mabigyan ng pagkakataon

na gawin ang mga bagay nang mas produktibo. Magsisilbi rin itong daan

upang mabigyan sila nang pagkakataon na magkaroon ng kamalayan sa

mga bagay tulad na lamang ng mga hamon na kinahaharap ng mga

estudyante at sa magiging epekto nito sa kalusugang mental ng bawat isa.

Makatutulong ito sa kanila na gumawa ng bagong pamamaraan at

estratehiya tungkol sa mga akademikong gawain. Gayundin, ang pag-

aaral na ito ng pananaliksik ang makakatulong din sa kanila na gumawa

ng mga bagong pagsulong para sa kasalukuyan at sa susunod na mga

henerasyon o batch ng mga mag-aaral na magkaroon ng pundasyon o

pangunahing kaalaman sa kung paano harapin ang ganitong uri ng

sitwasyon. Maaaring bigyan sila ng pananaw at impormasyong

kinakailangan upang mapabuti at mabuo ang mga pamamaraan ng mga

guro kung paano nila ipakikilala sa mga mag-aaral ang mga bagay na

makatutulong sa kanila upang harapin ang mga hamon sa panahon ng

pandemya.
Sa Administrador, makikinabang sa pag-aaral na pananaliksik na

ito ang mga administrador sapagkat makakatulong din ito sa kanila upang

magkaroon ng kamalayan sa kinakaharap ng mga mag-aaral. Maaari ding

magsulong at manguna ang administrador sa malawakang paggawa ng

hakbang at solusyon ukol sa mga akademikong gawain at kalusugang

mental ng mga mag-aaral.

Sa Magulang ng mga Estudyante, ang pag-aaral sa pananaliksik

ang maaaring makatulong sa mga magulang upang mas mapangalagaan

ang kalusugang mental ng kanilang mga anak. Makatutulong ito sa mga

magulang upang mas magkaroon ng kamalayan tungkol sa kanilang mga

anak.Magiging daan din ito sa kanilang pagiging mas mahusay at

epektibo sa paggabay upang makaiwas ang kanilang mga anak sa mga

bagay na hindi kasiya-siya patungkol sa kalusugang mental. Magbibigay

din ito sa kanila ng kamalayan na kailangan nila sa pagtupad ng kanilang

mga tungkulin o piraso ng payo na mahalaga sa pagkakaroon ng

positibong pananaw ng kanilang mga anak.

Sa mga Mananaliksik, makatutulong ang resulta ng pag-aaral sa

mga mananaliksik na bumuo ng isang bagong pananaw ukol sa pagbuo

ng isang mas magandang posibleng solusyon na makakatulong sa mga

estudyante na nagkakaroon ng hindi magandang kalusugang

pangkaisipan. Magiging daan din ito upang makapagbigay ng


impormasyon sa ibang tao at magsilbing inspirasyon pa sa ibang tao

upang tugunan ng tama at masolusyunan ang suliraning ito.

Sa mga Hinaharap na Mananaliksik, maaari itong magsilbing

inspirasyon sa kanila upang makabuo ng mas malaking bersyon ng

pananaliksik na ito bilang pagpapatuloy kung posible at magsisilbing

isang sanggunian sa hinaharap para sa pagpapabuti ng karagdagang

kaalaman. Makakatulong ito sa kanila na makakuha ng sapat na kaalaman

at kinakailangang impormasyon na maaaring kailanganin nila bilang mga

kaugnay na pag-aaral.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa at mabigyang linaw sa

mga tatalakayin ng pananalisik na ito, binigyang kahulugan ng mga

mananalisik ang mga sumusunod na terminolohiya na tatalakayin sa pag-

aaral na ito.

Anxiety. Tugon ng katawan sa stress na pinagdadaanan ito man ay tulad

ng tensyon, takot at nakakabahalang mga isipin.

Asynchronous. Tumutukoy sa hindi sabayang pag-aaral ng mga leksyon

o ang kawalan sa interaksyon sa ibang tao.


COVID-19. Ang nakakahawang sakit na nagdudulot ng lagnat, at sakit sa

baga or respiratory system. Ito rin ay nagdulot ng takot sa mga

mamamayan sa kanilang kalulsugan.

Kalusugang Mental. Ang estadong pang-kaisipan ng isang indibidwal na

makapag-isip at harapin ang mga hamon na hinaharap sa araw-araw.

Protokol. Tumutukoy sa opisyal na panukala na ipinatupad upang

aksyonan ang tukoy na sitwasyon.

Stress. Reaksyon ng katawan sa mga sitwasyong nakakaharap, ito man ay

positibo o negatibo. Resulta ng hindi mapamahalaang presyur o hindi

makayanang lagpasan ang problema.

Synchronous. Uri ng makabagong pag-aaral sa new normal na kung saan

ang mga mag-aaral ay sabay-sabay na lumalahok sa talakayan ng klase.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga sinaliksik na mga literatura

at pag-aaral na kaugnay ng kasalukuyang pananaliksik. Nagpapatibay ang

mga ito sa hangarin ng mga sa mga mananaliksik upang ipagpatuloy ang

pag-aaral gamit ang kaugnay na literatura at pag-aaral.

Lokal na Literatura

Ang paglaganap ng COVID-19 sa mundo ay naging isang

malaking hamon sa industriya ng edukasyon. Iba’t-ibang paraan ang

ginamit ng mga paaralan upang mabigyang solusyon ang patuloy na pag-

aaral ng mga estudyante tulad ng online class at modular learning. Ngunit

hindi maipagkakaila na ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga

mag-aaral. Ayon sa ulat ni Jeffrey Hernaez (2020), ang mga estudyante ay

naging bugnutin dahil hindi na nakakalabas ng bahay simula noong

sumailalim sa quarantine protokol ang mga lugar at dahil dito apektado

rin ang pag-aaral ng kabataan. Tinatayang nasa 3 milyong Pilipino ang

nakakaranas ng problema sa mental at neurological sa unang bahagi pa

lang ng taon. Labis na naapektuhan ang mga mag-aaral ng mga

pagbabagong nangyari dahil sa pandemyang nararanasan pa rin sa

kasalukuyan. Maraming gawain o aktibidad ang hindi na nagagawa dahil


sa mga protokol ukol sa kaligtasan ng bawat isa. Malayo sa nakasanayan

ang mga nangyayari sa kasalukuyan lalo na sa pag-aaral na isinasagawa

na lamang sa online o gamit ang mga modyul na nakalaan ng sektor ng

edukasyon.

Ayon kay Raymund Villanueva (2020), pinapalala ng quarantine at

lockdown na dulot ng Coronavirus ang krisis sa kalusugang mental. Sa

halos isang taon na pag-iral ng quarantine protokol sa bansa ay mas

marami ang nakakaranas ng psychological stress. Isa sa mga dahilan nito

ay ang kawalan ng interaksyon sa mga dating nakakasalamuha bukod sa

ating pamilya, pamamalagi sa bahay, at kasiguraduhan sa hanap-buhay at

trabaho. Ayon sa College Editors’ Guild of the Philippines (2020), isang

21 taong gulang na batang lalaki ang nalugmok sa kahirapan noong

nagsimula ang pandemya. Sa kadahilanang ito hindi kayang tustusan ng

kaniyang pamilya ang gadyet na kailangan sa distance learning at dahil

dito kinitil ng lalaki ang kaniyang sariling buhay. Ang COVID-19 ay

lubhang nakaapekto sa kalusugang mental ng lahat. Madami ang nawalan

ng trabaho dahil sa pandemya, marami rin ang nawalan ng hanap-buhay

at bilang resulta may mga pamilya ang hindi kayang tustusan ang pag-

aaral ng kanilang mga anak, mas mababa ang kapasidad na makabili ng

mga kinakailangan gadyet at makapagpakabit ng mabilis na internet

connection. Naaapektuhan ang kalidad ng awtput na naipapasa ng mag-


aaral dahil sa kakulangan sa gamit para sa online class at may mga kaso

na hindi nakokompleto ang mga gawain.

Hindi katulad noong mga nakaraang taon, tutok sa mga aralin ang

mga estudyante ngunit nitong kasalukuyang akademikong taon ito ay

nagbago dulot ng pandemya. Ayon kay Magsambol (2021), malaki ang

kakulangan ng pondo para sa industriya ng edukasyon ng gobyerno sa

paghahanda sa pasukan. Hindi sasapat ang pondong inilaan ng gobyerno

sa pagbubukas ng panibagong akademikong taon lalo na at may

pandemya. Sinasabi pa rito na kahit anong sabihin ng Kagawaran ng

Edukasyon na kakayanin nilang magbukas ng panibagong taong

panuruan, nagpapakita pa rin ang sistema ng edukasyon na mababa pa

ang tiyansa at hindi pa handa sa pagbubukas ng panibagong taon.

Kaugnay nito, maraming problema ang maaaring kaharapin ng mga

estudyante, kabilang na rito ang mabagal na internet connection,

kahirapan dulot na rin ng kawalan ng trabaho ng ilang magulang,

kakulangan sa gadyet na maaring magamit sa online classes. Ngunit sa

kabila nito, marami sa mga estudyante ang gustong magpatuloy sa pag-

aaral at patuloy na nagsusumikap para sa kanilang mga pangarap,

kabilang na rin dito ang mga kaguruan at mga magulang. Dulot ng

maraming kakulangan, nagkakaroon din ng iba’t-ibang suliranin ukol sa

pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon. Mayroong mga kaso na


modular ang mode ng learning subalit nalipat sa online classes, kung saan

hindi sapat o walang maayos na kagamitang aangkop sa kinahinatnang

learning mode.

Bahagi ng paglaban ng mamamayan sa COVID-19 ang

pangangalaga sa kalusugang mental ng mga kabataan dahil sa

nararamdamang takot at kawalan ng kasiguraduhan sa buhay (Gatchalian,

2020). Mahalaga ang ginagampanan ng paaralan at mga guro sa

pagtulong sa mental na kalusugan ng mag-aaral, ngunit salungat ito kung

ang mga gawain sa eskwelehan ang nagbibigay daan upang magkaroon

ng isyu sa mental na kalusugan lalo na sa panahon ngayon na iba ang

paraan ng pag-aaral. Mas madami ang kabataang hindi lalong naiintidihan

ang leksyon sa mga asignatura. Ayon kay Banaag Jr., (2019) ang

kabataang pinoy ay nakakaranas ng krisis sa kalusugang mental dahil sa

lubos na paggamit ng gadyet at paglalaan ng maraming oras sa internet.

Sa pag-usbong ng pandemya mas tumaas ang porsyento ng isyu sa

kalusugang mental sa bansa. Dahil rin sa hindi magkakapareho ang lebel

ng bilis ng pang-unawa ng mga estudyante, nahihirapan silang mabilis na

unawain ang mga aralin. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng hindi lubos

na pagkakaunawa maging sa mga gawaing ibinibigay kaugnay ng mga

asignatura na ikinababahala ng bawat mag-aaral lalo na at nagiging

dahilan ng pagkaudlot ng araw sa pagsusumite ng kanilang mga gawain.


Banyagang Literatura

Ang kalusugang mental ay ang estadong pang-kaisipan ng isang

indibidwal na maunawaan ang sariling abilidad, malampasan ang hamon

ng buhay, maging produktibo at kakayahan upang makapag-ambag sa

lipunan. Ito din ay isang abilidad ng indibidwal na makapag-isip,

maglabas ng emosyon, at makipagusap iba (WHO, 2019). Ayon kay

Tyrrell (1997) sa mga nakaraang pag-aaral, ang pag-aaral ang isa sa

pinakanangangailangan ng pansin at nakaka-stress na gawain bilang isang

estudyante. Marami sa mga mag-aaral ang nakakaranas ng sikolohikal na

pangyayari na humahantong sa pagkabalisa ng isang estudyante. Kaugnay

nito, ang mga dahilan ng pagkabalisa ng mga estudyante ay nasuri na ng

mga propesyonal na may kinalaman sa kalusugang mental na

nangangailangan ng atensyon.

Ayon sa Medline Plus (2015), ang kalusugang mental ay isang

mahalagang parte ng buhay, simula bata hanggang sa karampatang

gulang. Ang pagkakaroon ng maayos na kalusugang mental ay

makakatulong upang mas maisaayos ang pagharap sa mga problema at

gumawa ng mga desisyon. Karagdagan, ang kalusugang mental ay

maaring magbago anumang oras, maaring kapag nalagay ang isang

indibidwal sa mahirap na sitwasyon, ito ay maaring makaapekto kung


paano makakayang lampasan ang problema. Maaring malagay sa mas

malubhang kalagayan ang kalusugang mental.

Ayon sa isang artikulo na “College Students: Mental Health

Problems and Treatment Considerations” (2015), ang pagkakaroon ng

problema sa kalusugang mental ay kadalasang nakikita sa mga kolehiyo.

Ito ay maaring dahil sa mga hamon na dala ng panibagong kapaligiran sa

kolehiyo o ang stress na dulot ng madaming pang-akademikong gawain.

Ang presyur na nanggagaling sa pamilya at sa mga taong nasa paligid ay

maaring maging dahilan din ng pagkakaroon ng karamdaman sa

kalusugang mental.

Ayon sa International Board of Credintialing and Continuing

Education Standards (2019), ang anxiety at depresyon ay ang dalawang

karaniwang problema na kinakaharap ng mga kabataan. Sa pagkakaroon

ng anxiety at depresyon, naaapektuhan nito ang abilidad ng indibidwal na

matuto at maging masaya sa loob ng paaralan. Ang buong pagkatao ng

indibidwal ay naaapektuhan kung mayroong depresyon o anxiety. Ito ay

nakakaapekto sa pagtulog, pagkain, pangkaisipan at pisikal na

kalugusugan, interaksyon sa ibang tao at pagpapahalaga sa sarili. Dahil

dito ang kanilang akademikong gawain ay hindi nagagampanan o

nagagawa ng maayos.

Ang paiba-ibang resulta sa mga akademikong gawain ay maaring


sintomas ng isyu sa kalusugang mental. Ang mga paiba-ibang resultang

ito ay maaaring mag-iwan ng pakiramdam sa estudyante na nagkulang

siya sa ginawang paghahanda na maaring magdulot ng pagpilit sa sarili

na isubsob sa pag-aaral at hindi na napapansin na napapabayaan na ang

mental na kalusugan. Sa kabila ng suporta sa kalusugang mental sa mga

eskwelahan, karaniwang kulang ang naibibigay na pansin at hindi

matugunan ang pangangailangan sa dami ng mag-aaral. (Novotney,

2014).

Lokal na Pag-aaral

Sa pananaliksik na isinagawa nina Rotas at Cahapay (2020),

makikita na sa kabila ng mga suliranin sa industriya ng edukasyon dulot

ng pandemya ay maraming pamamaraan ang isinasagawa ng kagawaran

upang matugunan ang edukasyon ngunit sa kabila nito maraming paring

mga pagsubok na kinakaharap ang kabataan tulad ng mabagal na internet

connection at ang pangamba sa kanilang kalusugan sa muling pagbabalik

ng face-to-face na klase. Sa kabila ng hamon na kinakaharap, may mga

estratehiyang ginagawa ang mga estudyante upang hindi lubos na

maapektuhan ang kanilang mental na kalusugan at ang kakayahang

gampanan ng maayos ang mga gawain sa eskwelahan tulad ng

panghihiram ng mga learning resources, maghanap ng suporta sa mga


kaibigan at pamilya, pakikipag-usap sa mga guro, paglalaan at

pamamahala ng maaayos sa oras ng pag-aaral ng mga leksyon at gawain.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Bautista at Manuel (2020) na

“Mental Health of Students in the Philippines during Pandemic: An

assessment”. Ang mga kababaihan ang lubos na apektado ang kalagayang

mental dulot ng pandemya. Ang mga babae ang karaniwang nakakadanas

ng pisikal at emosyonal stress kumpara sa lalaki. Ang hindi paglabas ng

kabataan dahil sa Genereal Community Quaratine ay nakakaapekto dahil

walang pagpipiliian kung hindi ang manatili sa tahanan. Inirekomenda ng

pag-aaral na patatagin ang suporta ng bawat miyembro ng pamilya upang

mabawasan ang negatibong epekto ng pandemya at palakasin ang pisikial

na kalusugan lalo na ang mental na kalusugan.

Inilahad din na nagkakaroon ng labis na epekto sa mga estudyante

ang bagong paraan ng pag-aaral dahil sa isipin ng pagsusumite ng mga

gawaing kinakailangang ipasa (Balderama et. al., 2020). Nagkakaroon ng

labis na pag-aalala ang mga mag-aaral sa mga gawaing ibinibigay sa

kanila lalo na at may mga estudyanteng walang sapat na kagamitan at

hindi maayos ang koneksyon ng internet. Hindi nagiging madali sa kanila

ang magpasa sa kaukulang petsa ng pasahan ng mga gawaing ibinigay.

Bagama’t may mga estudyanteng patuloy at may kakayanang magsumite,


mayroon pa ding hindi kinakaya ang lahat ng mga responsibilidad na

nakaatang sa kanila.

Banyagang Pag-aaral

Ayon kina Bostani, Nadri, at Nasab (2013), ang kalusugang mental

at ibang bahagi nito tulad ng depresyon, anxiety ay may kaugnayan sa

kakayang edukasyonal ng mag-aaral. Ang depresyon at anxiety na isyu sa

kalusugang mental ay nakakaapekto sa pagbaba ng edukasyonal na

pagganap ng estudyante. Mahihinuha na ang mga estudyanteng may

maayos na kalusugang mental ay mas maayos ang pagganap sa mga

gawain sa eskwelahan. Mas mabilis at mas nagiging malikhain ang

estudyante kapag walang gumugulong negatibong bagay sa kanyang

isipa. Tuloy-tuloy ang mahusay na pagproseso ng mga ideya sa pag-iisip

ng isang tao at hindi kakikitaan ng pagiging matamlay o walang gana.

Sa pananaliksik na isinigawa nina Moghe, Kotecha at Pati (2020),

lumabas na mas nababahala ang kababaihan sa estado ng kalusugang

mental at sa hinaharap na panahon. Tumaas din ang kamalayan tungkol sa

kalusugang mental ng mga estudyante sa pagpasok ng taong panuruan sa

makabagong pamamaraan ng pag-aaral.

Ayon kina Aylie, Mekonen, at Mekuria (2020), mataas ang antas ng

paglaganap ng depresyon, anxiety at stress sa mga kolehiyo dulot ng


pandemya. Ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa mataas na pagtaas

ng isyu sa mental na kalusugan ay ang pagiging malayo sa kanilang

pamilya, nasa panganib ang estado ng pinansyal, at ang takot na

nadarama kapag ang miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng COVID-19.

Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Sundarasen, Chinna,

Kamaludin, Nurunnabi, Baloch, etc. (2020), lumabas na malala ang antas

ng axiety sa panahon ng COVID-19 at karagdagang dulot ay ang

lockdown protokol. Ang kadalasang sanhi ng stress ay pinansyal na

kakulangan at online learning na nakakaapekto sa akademikong gawain.

Ang tungkulin ng paaralan ay mahalaga sa pagtulong sa mga estudyante

upang makaya o mapatnubayan ang anxiety at depresyon.


KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa

pag-aaral na nagtiyak upang masagot ang mga katanungan sa

pananaliksik. Kabilang dito ang Metodolohiya, Populasyon at Sample ng

Pananaliksik, Paraan ng Pananaliksik, Deskripsiyon ng mga

Respondyente, Instrumento sa Pananaliksik, Pamamaraan ng

Pangangalap ng Datos at Istatistikal.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Gagamit ng deskriptibong disenyo ang pag-aaral kung saan

nakatuon ito sa mga kaugnay na akademikong gawain ng mga estudyante

at ang epekto nito sa kalusugang mental. Dito malalaman kung ano ang

magiging kalalabasan at kahahantungan nito para sa bawat isang mag-

aaral. Isang uri ng disenyo ng pananaliksik ang deskriptibo kung saan

hindi gagawa ng kahit anong pagbabago sa pag-uugali o kondisyon ng

mga variable ang mga mananaliksik sa pag-aaral. Sa halip, ilalarawan ito

sa kung ano ito, pagtatantya ng porsyento nito upang matukoy ang mga

hamon na kinakaharap ng mga estudyante at matukoy ang antas kung

aling mga variable ang kaugnay.


Gagamit ang mga mananaliksik ng sarbey sa pag-aaral kung saan

gagawa ng talatanungan ang mga mananaliksik upang mangalap ng mga

kinakailangang impormasyon at para malaman ang iba't ibang epekto ng

akademikong gawain. Gayundin ang maaaring maging epekto nito sa

kanilang kalusugang mental sa mga pang akademikong gawain.

Gagamit din ang mga mananaliksik ng cross-sectional sa

paglalarawan at pagsusuri ng datos kung saan ang mga variable ay hindi

mamanipulahin ng mananaliksik at paghahambingin ang mga variable sa

iba pang variables.

Populasyon at Sample ng Pananaliksik

Upang makuha ang sample size na kalahok sa pag-aaral, ginamit

ang pormula ng Slovin. Kaya, mula sa kabuuang 169 na mga mag-aaral

ng BSOA sa PUP- Lopez, Quezon, 63 lamang ang mapipili gamit ang

margin ng error na 10%.

Ang mananaliksik ay gumamit ng probability sampling kung saan

ang pagpili ng mga elements mula sa populasyon ay randomly kung saan

ang bawat elements ng populasyon ay may pantay at independiyente na

mapili.
Stratified random ang paggrupo sa sample ng proporsyonal mula sa

bawat subpopulasyon o stratum. Ginagamit din ito kapag ang populasyon

ay napakalaki upang pangasiwaan at paghahati nito sa mga subgroups.

Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga tutugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

Politeknikong Uniberesidad ng Pilipinas sa Lopez, Quezon na kumukuha

ng kursong BSOA mula sa ika-1 hanggang ika-4 na taon sa kolehiyo. Ang

mga mag-aaral ay angkop bilang magiging respondyente na

mapagkukunan ng mga datos na kailangan ng mga mananaliksik sapagkat

ang mga tutugon na ito ay ang sakop ng nasabing pag-aaral na

“Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral ng BSOA sa Panahon ng

Pandemya at Epekto nito sa Akademikong Gawain”.

Susuriin ng pananaliksik na ito ang makakalap na datos mula sa 63

respondyente. Labinlima (15) ang magmumula sa BSOA 1, sa BSOA 2

naman ay 19, 17 sa BSOA 3 at 12 sa BSOA 4. Ang kooperasyon ng mga

respondyente ay makakatulong sa mga mananaliksik sa paggawa ng

wastong mga konklusyon at mga rekomendasyon.


Instrumento ng Pananaliksik

Gagamit ng talatanungan ang mga mananaliksik upang malaman

ang mga epekto ng akademikong gawain at kalusugang mental ng mga

mag-aaral ng BSOA sa PUP-Lopez.

Upang matukoy ang kalagayan ng kalusugang mental ng

respondyente, gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan ng Likert

scale na naglalaman ng posibleng antas ng kalusugang mental ng mga

respondent. Naglalaman ang talatanungan sa pangalawang bahagi ng apat

na pamimilian na angkop sa pananaliksik kung palagi, madalas, bihira at

hindi kailanman.

Sa pamamagitan nito, makakakalap ang mga mananaliksik ng

angkop na kasagutan mula sa survey na naglalaman ng mga tanong at

impormasyon na magsisibing mga sagot sa mga problema ng pag-aaral.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng pangangalap ng datos mula

sa mga respondente para maging matagumpay ang pagaaral. Una, gagawa

ang mga mananaliksik ng isang liham na nagpapahintulot mula sa

kanilang gurong tagapayo upang makakalap ng datos sa paaralan.

Ibibigay ng mga mananaliksik ang liham sa gurong tagapayo upang

pagtibayin at makagawa ng rebisyon. Matapos maisagawa ang rebisyon,


gagawa ng talatanungan ang mga mananaliksik mula sa kanilang

paglalahad ng suliranin. Sasailalim ang nasabing talatanungan sa

pagsusuri at pagpapatunay.

Magsisimula nang magsagawa ang mga mananaliksik ng sarbey at

pagbibigay ng mga talatanungan sa mga respondente upang makakalap

ng datos at impormasyon. Matapos makalap ang lahat ng kinakailangang

impormasyon, isasaayos ng mga mananaliksik ang mga datos upang

malaman ang angkop na kasagutan na magiging basehan ng mananaliksik

upang masagot ang mga inilahad na suliranin ng pagaaral at

makapagbigay ng solusyon dito. Mula sa datos at impormasyon na

nakalap, makagagawa ng interpretasyon at konklusyon ang mga

mananakiksik.

Pagkatapos, magbibigay at gagawa ng isang output ang mga

mananaliksik na magsisilbing solusyon para sa pag-aaral ng pananaliksik.

Panghuli, magsasagawa ang mga mananaliksik ng programa bilang

output ng pananaliksik.

Pamamaraang Istatistikal

Upang mabisa at epektibong mabigyan ng interpretasyon ang mga

datos sa pagsukat ng kalagayang mental at ang epekto nito sa

akademikong gawain ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya,


gagamitin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na pangsuri ng

istatistika. Ang Weighted Arithmetic Mean (WAM), at T-test para sa mga

independiyenting samples at (ANOVA).

Sa pagkuha ng weighted mean, ang mga mananaliksik ay gagamit

ng Microsoft Excel sa pagkuha ng sagot sa bawat katanungan at

percentage formula upang malaman at mas malinaw ang bahagdan ng

makukuhang sagot. Para sa parte ng sarbey sa instrumento, gagamit ang

mananaliksik ng likert scale upang makuha ang katumbas na resulta sa

pagbibigay ng berbal na deskripsyon.

Pagkuha ng Bahagdan:

P(%)=∑� x 100
N
Na kung saan:

P= porsyento

F= frequency

N= bilang ng kabuuang respondent


Pagkuha ng weighted mean:

4(�) + 3(�) + 2(�) +


1(�)
WM=
N
Na kung saan:

WM= weighted mean

n= bilang ng tumugon na respondente

N= bilang ng kabuuang respondente

Sa pamantayang ito, matutukoy ng mananaliksik ang bigat ng

kasagutan ng mga kalahok sa bawat tutugon sa suliranin ng pag-aaral.

Gagamitin din ng mga mananaliksik ang interval na 75.

ESKALA BERBAL NA DESKRIPSYON


1.00-1.75 Palagi
1.76-2.50 Madalas
2.51-3.25 Bihira
3.26-4.00 Hindi Kailanman

Gannt Chart
Naglalaman ang bahaging ito ng table kung saan ipinapakita ang

skedyul na susundin ng mga mananaliksik upang isakatuparan ang pag-

aaral.

Gawain Taong Panuruan


2020-2021
Pebrero Marso Abril May Hunyo
1. Magpresenta ng panukalang tesis sa komitiba ng
pananaliksik.
2. Pagwawasto ng panukalang puna at mungkahi.
3. Pagbuo ng talatanungan.
4. Paghingi ng pahintulot sa isasagawang pag-aaral.
5. Pamumodmod ng mga talatunugan sa mga
respondente, mga mag-aaral ng BSOA sa PUP
Lopez.
6. Pangongolekta ng talatanungan.
7. Pagtatala ng datos.
8. Pagpresinta ng mga datos.
9. Pag-eencode ng manuscript.
10. Pag-imprinta ng manuscript.
11. Pre-oral na pagdedepensa.
12. Pagkunsidera sa lahat ng mungkahing ibinigay
ng komitiba para sa pinal na depensa.
13. Pinal na pagdedepensa.
14. Pagkonsidera sa lahat ng mungkahi para sa
pinal na pag-eedit.
15. Pagpasa para sa special order.
16. Presentasyon ng panukalang programa sa
tanggapan ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas.
17. Publikasyon
BIBLIOGRAPIYA

Agnafors S., Barmark M., and Sydsjö G. (2020). Mental health and academic

performance: a study on selection and causation effects from childhood to

early adulthood. Nakuha mula sa

https://link.springer.com/article/10.1007/s00127-020-01934-5

Aylie N., Mekonen M., at Mekuria R. (2020). The Psychological Impacts of COVID-

19 Pandemic Among University Students in Bench-Sheko Zone, South-west

Ethiopia: A Community-based Cross-sectional Study. Nakuha mula sa

https://www.dovepress.com/the-psychological-impacts-of-covid-19-pandemic-

among-university-studen-peer-reviewed-article-PRBM

Banaag C. (2019). Young Filipinos are in the midst of a mental health crisis. Nakuha

mula sa https://lifestyle.inquirer.net/349884/young-filipinos-are-in-the-midst-

of-a-mental-health-crisis/

Bautista A. at Manuel E. (2020). Mental Health of Students in the Philippines during

Pandemic: An assessment. Nakuha mula sa

https://theshillonga.com/index.php/jhed/article/view/121

Bostani M., Nadri A., at Nasab A. (2013). A Study of the Relation between Mental

health and Academic Performance of Students of the Islamic Azad University

Ahvaz Branch. Nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/260758918_A_Study_of_the_Relati

on_between_Mental_health_and_Academic_Performance_of_Students_of_the

_Islamic_Azad_University_Ahvaz_Branch
Cleofas J. (2020). Student involvement, mental health and quality of life of college

students in a selected university in Manila, Philippines. Nakuha mula sa

https://doaj.org/article/bd6c5d39a5884e57a69ba0af28f91ec8

College Editors’ Guild of the Philippines (2020). Why push for classes when

pandemic affects students’ mental health? – CEGP to DepEd, CHEd. Nakuha

mula sa https://newsinfo.inquirer.net/1323764/cegp-asks-deped-ched-why-

push-classes-when-pandemic-affects-students-mental-health#ixzz6nZrmMO7s

Gatchalian W. (2020). Pag-akyat ng mga kaso ng suicide, dapat pigilan—Gatchalian.

Nakuha mula sa https://pia.gov.ph/news/articles/1052730

Hernaez J. (2020). Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga

bata. Nakuha mula sa https://news.abs-cbn.com/news/10/11/20/quarantine-

online-learning-may-epekto-sa-mental-health-ng-mga-bata

International Board of Credintialing and Continuing Education Standards (2019).

Impact-of-Anxiety-and-Depression-on-Student-Academic-Progress. Nakuha

mula sa https://ibcces.org/blog/2019/05/01/impact-anxiety-depression-student-

progress/impact-of-anxiety-and-depression-on-student-academic-progress/

Legg T. (2020). Everything You Need to know about anxiety. Rete=rived from

https://www.healthline.com/health/anxiety

Magsambo B. (2021). Teachers seek bigger education budget in 2021 amid pandemic.

Nakuha mula sa https://www.rappler.com/nation/teachers-seek-bigger-2021-

education-budget-coronavirus-pandemic

Medline Plus (2015). Mental Health. Nakuha mula sa

https://medlineplus.gov/mentalhealth.html
Moghe K., Kotecha D., at Pati M. (2020). COVID-19 and Mental Health: A Study of

its Impact on Students in Maharashtra, India. Retrieved from

https://www.medrxiv.org/content/10.1101/2020.08.05.20160499v3

Novotney A. (2014). Students under pressure. Nakuha mula sa

https://www.apa.org/monitor/2014/09/cover-pressure

Paunan J. (2020). Pag-akyat ng mga kaso ng suicide, dapat pigilan—Gatchalian.

Nakuha mula sa https://pia.gov.ph/news/articles/1052730

Pedrelli P., Nyer M., Yeung A., Zulauf C., and Wilens T. (2015). College Students:

Mental Health Problems and Treatment Considerations. Nakuha mula sa

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4527955/

Rotas E. at Cahapay M. (2020). Difficulties in Remote Learning: Voices of Philippine

University Students in the Wake of COVID-19 Crisis. Nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/347885314_Difficulties_in_Remote_

Learning_Voices_of_Philippine_University_Students_in_the_Wake_of_COVI

D-19_Crisis

Statistical Research Department (2020). Crude suicide rate in the Philippines 2000-

2016. Nakuha mula sa https://www.statista.com/statistics/702026/philippines-

crude-suicide-rate/

Sundarasen S., Chinna K., Kamaludin K., Nurunnabi M., Baloch G., etc. (2020).

Pyschological Impact of COVID-19 and Lockdown. Nakuha mula sa

https://www.mdpi.com/1660-4601/17/17/6206/pdf

Tyrell J. (1997). Mental Health and Student Health Professionals: A Literature

Review. Nakuha mula sa


https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/030802269706000903?

fbclid=IwAR0y0VFfqtnDp9KLqFxoP8eYk0Nl1yhcsh38Yc03PREw9Rx87V

D7Le3o-6w

Villanueva R. (2020). Paano aalagaan ang mental health ngayong COVID

lockdown? Nakuha mula sa https://kodao.org/paano-aalagaan-ang-mental-

health-ngayong-covid-lockdown/

WebMD (2019). Stress symptoms. https://www.webmd.com/balance/stress-

management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-body

World Health Organization (2019). Mental Health. Nakuha mula sa

https://www.who.int/health-topics/mental-health#tab=tab_1

World Scholarship Forum (2020). 14 Best Office Administration Schools in the World.

Nakuha mula sa https://worldscholarshipforum.com/office-administration-schools/

Balderama et. al. (2020). Epekto ng Online Class sa Kalusugang Pang Kaisipan ng

mga Mag-aaral sa Batangas State University. Nakuha mula sa

https://www.coursehero.com/file/76716719/DEFENSE-PPTpptx/

You might also like