You are on page 1of 16

Academic Break: Tugon sa Pangangailangan sa Kalusugang Pangkaisipan at

Epekto nito sa Kalagayang Pang-akademiko ng mga Kolehiyong

Mag-aaral sa Our Lady of Fatima University-Antipolo

Isang Aksyon Riserts na iniharap sa Kagawaran ng Filipino

Kolehiyo ng Sining at Agham

Our Lady of Fatima University

Antipolo City

Bilag Bahagi ng Pangangailangan ng Asignatura sa FILP 112

Filipino Sa Iba’t-ibang Disiplina Pagbasa at

Pagsusuri ng Teksto sa Pananaliksik

IPINASA NILA:

Ma. Hana Shaina R. Amogod Maica B. Lectana

Mary Jean M. Cahanding Vinxxent Angelo DG. Matamis

Jastine Mae E. Cascante Alyzza Mitzel P. Ramirez

Christian Jake V. Datoon Nikita N. Sta. Maria

Famela Joy A. Gabiola Yuko S. Sadomoto

BSN 2-Y2-2S

Ipinasa Kay:

Gng. Amelia V. Bucu

Guro

OLFU - Antipolo

2021
TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Pahina ng Pamagat

Talaan ng mga Nilalaman…………………………………………. 1

I. Paksa………………………………………………… 2

II. Rasyonal at Layunin……………………………….. 2

Layunin ng pananaliksik…………………………… 3

III. Pamamaraan………………………………………… 3

IV. Panimula……………………………………………… 4

V. Pagtatalakay………………………………………….. 5

VI. Lagom………………………………………………… 8

VII. Konklusyon…………………………………………… 9

VIII. Rekomendasyon……………………………………… 11

Talaan ng Sanggunian……………………………………………….. 14

1
Academic Break: Tugon sa Pangangailangan sa Kalusugang Pangkaisipan at

Epekto nito sa Kalagayang Pang-akademiko ng mga Kolehiyong Mag-aaral sa Our

Lady of Fatima University-Antipolo

I. PAKSA

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagiging epektibo ng pagsulong ng

“academic break” sa kalagayang pang-akademiko at kalusugang pangkaisipan ng mga

mag-aaral. Tinatalakay dito kung ano ang epekto ng “academic break” at paano ito

nakatutulong sa kalagayang pang-akademiko at estado ng kalusugang pangkaisipan ng

mga mag-aaral. Mas mapapalawig dito ang kahalagahan ng pag-susulong nito lalo na

sa panahon na higit itong kailangan dahil sa mga pagbabagong dulot ng pandemya.

II. RASYONAL AT LAYUNIN

Mahalaga ang paksang ito dahil tumatalakay ito sa pangkasalukuyang

penomenon na siyang tunay na makabuluhan sa ating kasalukuyang panahon. Napili

ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil maaaring ipabatid nito kung epektibo nga

ba ang programang “academic break” at kung ano ang epekto nito sa kalagayang

pang-akademiko at estado ng kalusugang pangkaisipanng mga mag-aaral. Ang

kasagutan sa mga katanungan ng layunin ng pagaaral na ito ay makatutulong sa mga

mag-aaral, sa mga Guro at sa maraming unibersidad, upang bigyan ng importansya

ang kalusugang pangkaisipan at patuloy na isulong at palawakin ang programang

“academic Break”. Ang pananaliksik ay pumapailalim sa disiplinang Agham

Pangkalusugan sapagkat, maraming positibo at negatibong epekto ang nahayag sa

2
pagpapatuloy ng akademikong pag-aaral na lubhang nakaapekto sa kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral sa kabila ng pandaigdigang krisis na bunsod ng

Covid-19, timatalakay nito ang kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa kolehiyo

ng Our Lady of Fatima University (OLFU) na siyang may kaugnayan sa pag-aaral ng

medisina/nursing.

Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang epekto ng kalusugang pangkaisipan sa kalagayang pang-akademiko ng

mga kolehiyong mag-aaral sa Our Lady of Fatima University- Antipolo?

b. Ano ang epekto ng “academic break” sa kalusugang pangkaisipan ng mga

kolehiyong mag-aaral sa Our Lady of Fatima University- Antipolo?

c. Ano ang epekto ng “academic break” sa kalagayang pang-akademiko ng mga

kolehiyong mag-aaral sa Our Lady of Fatima University- Antipolo?

III. PAMAMARAAN

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng “convenient sampling”

kung saan limampu’t isang (51) respondente ang pinili mula sa mga kolehiyong

mag-aaral ng Our Lady of Fatima University mula sa Antipolo Campus. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng “Google form” upang makakalap ng datos at ito ay

naglalaman ng talatanungan na nagsisilbing sarbey para sa mga napiling kalahok ng

pananaliksik. Sinigurado na ang sarbey na ibinigay ay akma at ang mga katanungan ay

may kaugnayan sa paksa.

3
.IV. PANIMULA

Ang “academic break” na ito ay tumutukoy sa mga kolehiyong mag-aaral ng Our

Lady of Fatima tugon sa pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan at epekto nito

sa kalagayang pang akademiko. Sa bahaging ito malalaman kung bakit kailangan

ilahad ang mga dahilan at kung bakit isinagawa ang pag-aaral na ito, at kung bakit ito

napapanahon at isinagawa sa panahong ito.

Ang mga estudyante ay kumakaharap sa iba’t-ibang suliranin pagdating sa

kanilang pag- aaral, isa na rito ay ang pagbabago sa pamamaraan ng pagtuturo ng mga

guro. Nakasanayan na ng mga mag-aaral ang “face-to-face” kung saan pumapasok ang

mga estudyante sa paaralan upang mag-aral at matuto ng mga aralin. Ngunit, dahil sa

dinaranas na pandemya ng bansa at sumasailalim ito sa mahigpit na “lockdown” ay

napag desisyunan ng pamahalaan na gawing “online” ang pagtuturo sa mga

estudyante. Ang pagbabagong ito ay nagdulot ng malaking suliranin at pagsubok sa

mga mag-aaral at naaapektuhan nito ang pangkaisipang kalusugan o ”mental health”

ng mga estudyante lalo na sa mga nasa kolehiyo. Kaya naman, nag sulong ang mga

estudyante na magkaroon ng "academic break" kung saan nakasaad rito na ang mga

estudyante ay magkakaroon ng sapat na oras upang mapanatiling malusog ang

pag-iisip at pisikal na pangangatawan.

Ayon sa (WHO, 2020) "Though the Philippines has consistently ranked in the Top

5 of a global optimism index, the National Center for Mental Health (NCMH) has

revealed a significant increase in monthly hotline calls regarding depression, with

numbers rising from 80 calls pre-lockdown to nearly 400". Ang Pilipinas ay isa sa may

4
mga pinakamataas na kaso ng depresyon batay sa datos ng “World Health

Organization”. Kaya naman, pinangunahan ng iba’t-ibang unibersidad na pakinggan

ang hiling ng mga estudyante na magkaroon ng “academic break”. Naglapat ng polisiya

ang mga unibersidad na pansamantalang itigil ang pagbibigay ng mga gawaing

pampaaralan sa mga estudyante sa kasagsagan ng “academic break”. Bagama’t

nagkaroon ng isang linggong “academic break” ay nag lunsad ng panibagong petisyon

ang mga estudyante kung saan nakalahad dito na nais na mapahaba pa ang panahon

sa pagkakaroon ng “academic break” ngunit ibinasura ito ng pamahalaan ng mga

unibersidad.

Sa kabilang banda, malaking pasasalamat ang natanggap ng pamahalaan ng

mga unibersidad na nakinig sa hiling ng mga estudyante sa kolehiyo sapagkat

matugunan ang kanilang pangangailangan na magkaroon ng pansamantalang

“academic break” kahit sa maikling panahon. Naging malaking tulong ito lalo na sa mga

mag-aaral sa kolehiyo at marahil ito ay isa sa mga paraan upang pansamantalang

makapagpahinga at manumbalik ang kanilang malusog na pag-iisip at pangangatawan.

Ayon nga kay (Eisenberg,2009), “mental distress has been linked to lower academic

self-efficacy and poor study progress, yet underpinning mechanisms are complex and

not fully elucidated.” Ang hindi matibay na “mental health” ay nakakaapekto sa

pag-aaral ng estudyante sapagkat maaari din na sumabay ang emosyonal at personal

na problema ng mga estudyante sa kolehiyo.

V. PAGTATALAKAY

Ayon kina Son, C., Hegde, S., Smith, A., Wang, X., & Sasangohar, F. (2020).

5
Effects of COVID-19 on College Students' Mental Health in the United States: Interview

Survey Study. Journal of medical Internet research, 22(9), e21279 Nagsagawa sila ng

mga survey sa 195 na mga mag-aaral sa kolehiyo sa isang malaking pamantasan sa

publiko sa United States of America upang maunawaan ang mga epekto ng pandemya

sa kanilang kalusugan at kalusugang pangkaisipan.

Nagpapahiwatig sa survey dito na tumaas ang stress at pagkabalisa sanhi ng

pagsiklab COVID-19. Kasama dito ang takot at pag-aalala tungkol sa kanilang sariling

kalusugan at sa kanilang mga mahal sa buhay (177/195, 91% ang nag-ulat ng mga

negatibong epekto ng pandemya), kahirapan sa pagtuon (173/195, 89%), mga

pagkagambala sa sleeping pattern (168/195, 86%), nabawasan ang mga

pakikipag-ugnayan sa lipunan dahil sa pisikal na distansya (167/195, 86%), at

nadagdagan ang mga alalahanin sa pagganap ng akademiko (159/195, 82%).

Ayon sa nakalap na datos nagsawa kami ng survey na may 51 na respondent na

nag aaral sa Our Lady of Fatima University - Antipolo upang maunawaan ang

Pangkaisipan at Epekto ng “academic break” sa mga mag aaral.

Sa unang resulta sa survey Nagpapahiwatig sa survey na nawawala ang

kanilang pokus sa pag aaral kapag maraming iniisip (35/51), nawalan nang gana

makipag bahagi sa klase dahil sa mga personal na isipin (12/51), malaking bahagi ng

ng pagkatuto at interes sa pag aaral ay may mga positibong pangyayari sa kanilang

buhay (3/51), at nawawalan ng gana makibahagi sa klase dahil sa personal na isipin

(1/51).

Sa ikalawang resulta sa survey nagkaroon ng mas maraming oras sa kanilang

6
sarili at pamilya (34/51), mas naging handa sa pagkatuto ng mga bagong aralin

matapos ang “academic break” (12/51), at mas naging aktibo sa pakikibahagi sa klase

(5/51).

Sa ikatlong resulta sa survey mas nababawasan ang kanilang isipin dahil sa

“academic break” (35/51), mas naging produkto ang kanilang pang araw - araw dahil sa

“academic break” (10/51), mas mapabuti ang kanilang pangkaisipang kalusugan dahil

sa “academic break” (5/51), at mas tumaas ang kanilang mga resulta sa kanilang

pagsusulit matapos ang “academic break” (1/51).

Ayon kina Kecojevic A, Basch CH, Sullivan M, Davi NK. The impact of the

COVID-19 epidemic on mental health of undergraduate students in New Jersey,

cross-sectional study. PLoS One. 2020;15(9):1–16. doi: 10.1371/journal.pone.0239696.

Batay sa isang survey mula sa 162 undergraduate na mag-aaral sa New Jersey,

Kecojevic et al.(2020) natagpuan na ang mga babaeng mag-aaral ay may mas mataas

na antas ng stress kaysa sa mga mag-aaral na lalaki (Kecojevic et al.,2020).

Ayon kay Skaalski A, Smith M. Responding to the mental health needs of

students. Principal Leadership. 2006; 7(1): 12-15 kapag ang mga kabataan ay

nakikipagpunyagi sa mga problema sa kalusugan ng kaisipan, madalas silang may mga

problema sa pagdalo, nahihirapang makumpleto ang mga takdang-aralin, nadagdagan

ang mga salungatan sa mga may sapat na gulang at kapantay

Ayon naman kina Heiligenstein E, Guenther G, Hsu K, Herman K. Depression

and academic impairment in college students. Journal of American College Health.

1996; 45(2): 59-64 ang mga problemang pangkalusugan sa pag-iisip ng mga kabataan

7
ay may negatibong epekto sa kanilang pagiging produktibo sa akademiko at mga

ugnayan sa pagitan ng tao.

VI. LAGOM

Bilang pagbubuod, batay sa sarbey na isinagawa nagkaroon ng 51 na

kolehiyong mag-aaral mula sa Unibersidad ng Fatima Antipolo Campus ang naging

respondente ang sumagot sa sarbey-kwestyuner.

Ayon sa tugon ng mga kolehiyong mag aaral sa unang parte ang resulta sa

survey ay (30) kataong ang lubos na sumasang ayon dito mula sa limampu't isang (51)

taong tumugon sa sarbey. Nasa tatlo naman (3) ang hindi sumang ayon sa pagkawala

ng kanilang pokus kapag marami silang isipin. Nasa apatnapung (40) kolehiyong mag-

aaral sa OLFU naman ang sumang- ayon na nawawalan sila nang ganang makibahagi

sa klase dahil sa kanilang mga personal na isipin. At batay rin sa apatnaput dalawang

(42) mag aaral, ang mga positibong mga pangyayari sa kanilang buhay ay malaking

bahagi ng kanilang pagkatuto.

Sa Ikalawang parte, Marami sa mga tumugon ay nagsasabing nagkaroon sila ng

mas maramin oras sa pamilya nang magkaroon ng “academic break”. Apatnapu’t apat

(44) ang sumang- ayon samantalang tatlo (3) naman ang hindi. Mula sa limamput (51)

na sumagot tatlumpu’t lima (35) ang nagsasabing mas naging produktibo ang kanilang

pang araw-araw nang dahil sa “academic break” ngunit may pitong (7) ang hindi

sumang ayon dito. Malaki rin ang lamang ng mga kolehiyong mag aaral na mas

napabuti ang kalusugang pangkaisipan dahil sa “academic break”. Apatnapu’t isa (41)

ang sumang-ayon at lima (5) ang hindi.

Sa huling parte kung saan tinanong ang mga kolehiyong mag aaral tungkol sa

8
epekto ng “academic break” sa kalagayang pang akademiko nila, apatnapu’t lima (45)

ang nagsabi na nabawasan ang kanilang isipan dahil sa “academic break” na nangyari.

Tatlumpu’t pito (37) naman ang suman ayon na mas nakapag handa sila sa pagkatuto

ng bagong aralin ng bumalik mula sa “academic break”. Sa tanong naman tungkol sa

pagiging mas aktibo sa pakikibahagi sa klase, bagaman marami pa ring sumagot na sila

ay sumasang ayon may iilan din ang hindi sumasang ayon. Tatlumpu’t tatlo (33) ang

sumang ayon at siyam (9) naman ang hindi. Sa pagtaas ng resulta ng kanilang mga

pagsusulit, tatlumpu’t apat (34) ang sumang ayon samantalang wala (8) naman ang

hindi sumang ayon.

Base sa mga naging resulta maiuugnay ang datos na nakalap sa impormasyon

na mula pag-aaral nina Heiligenstein E, Guenther G, Hsu K, Herman K. na ang mga

problemang pangkalusugan sa pag-iisip ng mga kabataan ay may negatibong epekto

sa kanilang pagiging produktibo sa akademiko at mga ugnayan sa pagitan ng tao.

VII. KONKLUSYON

Natuklasan sa pananaliksik ang mga sumusunod:

a. Ayon sa tugon ng mga kolehiyong mag-aaral ng Our Lady of Fatima University,

Antipolo Campus, marami ang nawawala sa pokus sa pag-aaral kapag sila ay

maraming isipin. Marami rin ang sumagot na sila ay sang-ayon na nawawalan

sila ng ganang makibahagi sa klase dahil sa kanilang mga personal na isipin.

Karamihan rin ang nagsabi na ang mga positibong mga pangyayari sa kanilang

buhay ay malaking bahagi ng kanilang pagkatuto at interes sa pag-aaral. Base

sa nakalap na datos na ito, masasabing malaki ang epekto ng kalusugang

9
pangkaisipan sa kalagayang pang-akademiko ng mga mag-aaral. Ang

kalusugang pangkaisipan ang isa sa kadahilanan kung bakit ang mga mag-aaral

ngayon ay nahihirapan o nagiging mahina pagdating sa akademikong pagganap.

Kung hindi maayos ang kanilang kalusugang pangkaisipan, hindi rin maayos ang

kanilang pag-aaral. Naaapektuhan nito ang kanilang kakayahang mag-isip at

motibasyon na ipagpatuloy ang kanilang mga gawain. Madalas din itong nagiging

sanhi ng pagkagulo ng isip ng mag-aaral kung kaya at sila ay nawawala sa

konsentrasyon. Ang iba naman ay talagang sobrang naapektuhan at

nakakaranas ng “mental breakdown”. At ang pagka istres na ito ang siyang

nagiging dahilan kung bakit nawawalan ng gana ang mga estudyante na

mag-aral.

b. Marami sa mga tumugon ang nagsasabing nagkaroon sila ng mas maraming

oras para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya nang magkaroon ng

“academic break”. Higit na mas marami rin ang sumagot na naging produktibo

ang kanilang pang araw-araw nang dahil sa “academic break” ngunit may iilang

hindi sumang-ayon dito. Malaki rin ang lamang ng mga kolehiyong mag-aaral na

mas napabuti ang kalusugang pangkaisipan dahil sa “academic break”. Ayon sa

mga nakuhang tugon, masasabing ang “academic break” ay nakatulong sa

kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Naging doble ang hirap ng

pag-aaral nang ito ay maging “online” na. Nakatulong ang “academic break” na

magpahinga ang kanilang mga isip at sarili na na-istres na rin dahil sa sitwasyon

ngayon. Ngunit may iilan pa ring nagsasabi na hindi sapat ang “academic break”

10
upang bumalik ang kanilang pagiging produktibo at gana sa pag-aaral.

c. Sa huling parte kung saan tinanong ang mga kolehiyong mag-aaral tungkol sa

epekto ng “academic break” sa kalagayang pang akademiko nila, marami ang

nagsasabi na nabawasan ang kanilang isipin dahil sa “academic break” na

nangyari. Ganoon din ang sumang-ayon na mas naging handa sila sa pagkatuto

ng bagong aralin ng bumalik mula sa “academic break”. Sa tanong naman

tungkol sa pagiging mas aktibo sa pakikibahagi sa klase, bagaman marami pa

ring sumagot na sila ay sumasang-ayon, may iilan din ang hindi sumang-ayon.

Sa pagtaas ng resulta ng kanilang mga pagsusulit, kahit na marami ang sumagot

ng sang-ayon, mayroon ring namang hindi sumang-ayon. Ipinapakita rito na

nakakatulong din ang “academic break” sa kalagayang pang-akademiko ng mga

mag-aaral. Ito ay nagsilbing oras upang manumbalik ang enerhiya para sa ilan

ngunit para sa iba ay hindi pa rin ito sapat. Pero karamihan pa rin, kapag

nagpahinga nila ang kanilang mga sarili kahit sandali, nanunumbalik ang

kanilang gana at motibasyon sa pag-aaral.

VIII. REKOMENDASYON

Iminumungkahi sa pag aaral na ito:

Mungkahi sa konklusyon #1

Ayon sa natuklasan at nakalap na datos malaki ang naging epekto ng

kalusugang pangkaisipan sa akademikong kalagayan ng mga mag-aaral, kaya naman

11
iminumungkahi ng mga mananaliksik na bigyan ng importansya at pagtuunan ng pansin

ang kalusugang pangkaisipan, dahil base sa datos kapag maraming isipin at may

personal na dinadala ang mga mag-aaral nahihirapan sila mag pokus at nawawalan sila

ng ganang makibahagi sa klase, ngunit gayon pa man kapag mayroong magandang

pangyayari sa kanilang buhay nagkakaroon sila ng maayos na pagkatuto at interes sa

pag-aaral. Hinihikayat ng mga mananaliksik na pangalagaan ng mga mag-aaral ang

kanilang kalusugang pangkaisipan dahil malaki bahagi at epekto nito sa kanilang

pag-aaral.

Mungkahi sa konklusyon #2

Ayon sa natuklasan at nakalap na datos malaki at maganda ang naidudulot ng

“academic break” sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral, kaya inirerekomenda

ng mga mananaliksik na ang programang ito ay mas isulong at palawakin ang

pagpapatupad nito sa bawat unibersidad. Malaki ang maitutulong ng programang ito sa

kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral at maganda ang magiging benepisyo nito

kagaya na lamang nang pagkakaroon ng mas maraming oras sa sarili at sa pamilya,

mas nagiging produktibo sila at lalo’t higit ay nagiging mabuti ang kalusugang

pangkaisipan nila. Kung napatunayan sa unang konklusyon na malaki ang epekto ng

kalusugang pangkaisipan sa akademikong kalagayan ng mga mag-aaral, karapat dapat

lamang na ito ay bigyan ng importansya at ang programang “academic break” ay isang

program na malaki ang naitutulong sa kalagayan ng kalusugang pangkaisipan nila.

Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na magpatupad at mag sulong ang

pamantasan ng iba pang program na mas makatutulong sa mga mag aaral upang mas

12
mapabuti ang kanilang kalusugang pangkaisipan.

Mungkahi sa konklusyon #3

Ayon sa natuklasan at nakalap na datos maganda ang naidudulot ng “academic

break” sa kalagayang pang akademiko ng mga mag-aaral, kaya’t iminumungkahi ng

mga mananaliksik na patuloy na suportahan ang mga mag aaral, mga Guro, mga nasa

posisyon sa loob ng mga pamantasan at unibersidad ang pagsulong ng “academic

break”. Sumang-ayon ang karamihan sa mga mag-aaral na nabawasan ang kanilang

mga isipin ng ipatupad ito, naging hand silang muli na matuto ng bagong aralin, at mas

tumaas ang mga resulta ng kanilang pagsusulit at grado matapos dumaan sa

programang “academic break”. Itong mga benepisyo na naranasan ng mga mag-aaral

ay sapat ng dahilan upang palaging isulong, mas palawakin at suportahan ng

programng lubos na nakatutulong sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral.

Napatunayan na epektibo at may magandang epekto ang programang “academic

break” sa mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang kalusugang pangkaisipan ngunit

ganun din sa kanilang kalagayang pang akademiko, Kaya’t iminumungkahi ng mga

mananaliksik na bilang pagsuporta ng mga guro at ng pamantasan mas makabubuti na

bigyan lamang ng sapat na gawain ang mga mag-aaral na angkop upang makatupad

sila sa mga kinakailangan ng kursong kanilang kinuha, kung kayang mas mapadali mas

makabubuti ngunit palagi pa rin dapat isaalang alang ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

13
IX. TALAAN NG SANGGUNIAN

A. Grotan K. et al,(2019) Mental Health, Academic Self-Efficacy and Study

Progress Among College Students – The SHoT Study, Norway,

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6354661/

B. Heiligenstein E, Guenther G, Hsu K, Herman K. Depression and academic

impairment in college students. Journal of American College Health. 1996; 45(2):

59-64

https://www.intechopen.com/online-first/relation-between-student-mental-health-a

nd-academic-achievement-revisited-a-meta-analysis

C. Kecojevic A, Basch CH, Sullivan M, Davi NK. The impact of the

COVID-19 epidemic on mental health of undergraduate students in New Jersey,

cross-sectional study. PLoS One. 2020;15(9):1–16. doi:

10.1371/journal.pone.0239696.

https://www.jmir.org/2020/9/e21279/

D. Skaalski A, Smith M. Responding to the mental health needs of students.

Principal Leadership. 2006; 7(1): 12-15

https://www.intechopen.com/online-first/relation-between-student-mental-health-a

nd-academic-achievement-revisited-a-meta-analysis

14
E. Son, C., Hegde, S., Smith, A., Wang, X., & Sasangohar, F. (2020). Effects of

COVID-19 on College Students' Mental Health in the United States: Interview

Survey Study. Journal of medical Internet research, 22(9), e21279

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8062254/#CR27

F. WORLD HEALTH ORGANIZATION, (2020) DOH AND WHO PROMOTE

HOLISTIC MENTAL WELLNESS IN LIGHT OF WORLD SUICIDE PREVENTION

DAY,

https://doh.gov.ph/press-release/DOH-AND-WHO-PROMOTE-HOLISTIC-MENT

AL-WELLNESS-IN-LIGHT-OF-WORLD-SUICIDE-PREVENTION-DAY

15

You might also like