You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

ABSTRAK

Ipinasa nina:

• Aliet, Sheen
• Benedico, Nivea Erika
• Guia, Febb Daphenie
• Jumawan, Vic Martin

Ipinasa kay:

Mr. Lacay, Nelson Ibanay Jr.


Ang Epekto ng Pandemya sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Senior High School

sa Isang Pribadong Unibersidad sa Lungsod ng Maynila

ORIHINAL NA ABSTRAK

Sa pagsapit ng buwan ng Enero, taon 2020 idineklara ng World Health Organization (WHO)

Ang Coronavirus disease-2019 bilang isang pandemya. Nagdulot ito nang biglaang pagbabago sa

bawat aspeto ng buhay ng mga tao lalo na sa mga nakababatang henerasyon (Kontoangelos et al.

2020). Lubos na naapektuhan ng pandemya ang kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan. Sa

gayong dahilan, napukaw ang interes ng mga mananaliksik na tuklasin kung ano ba ang lubusang

nakaaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa senior high school sa isang

pribadong unibersidad sa lungsod ng Maynila. Ang pananaliksik na ito ay isang kwantitatibo at

gumamit ng deskriptib-sarbey na disenyo ng talatanungan. Ang pokus lamang ng pag-aaral na ito

ay malinang kung ano ang sanhi ng pandemya na pinaka nakakaapekto sa mga mag aaral mula sa

pribadong unibersidad. Ginamit ng mga mananaliksik ang simple random sampling teknik upang

makalikom ng 66 na respondente mula sa populasyon ng 1,701 na ika-11 baitang na mag-aaral.

Ayon sa nakalap na datos at resulta ng statistical na pag-kalkula ng mga mananaliksik, nalinang

ang mga salik at nangungunang tatlong salik na lubos na nakaaapekto sa kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral dulot ng pandemya, kung kaya’t iminungkahi ng pag-aaral na ito

na may malaking epekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral ang pandemya.


ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang epekto ng pandemya sa kalusugang

pangkaisipan ng mga mag-aaral sa Senior High School sa isang pribadong unibersidad sa

Lungsod ng Maynila. Noong Enero 2020, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang

Coronavirus disease-2019 bilang isang pandemya, na nagdulot ng makabuluhang pagbabago sa

iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga tao, partikular sa mga nakababatang henerasyon. Ang

kalusuganng pangkaisipan ng mga kabataan ay lubhang naapektuhan ng pandemya, na nag-

udyok sa mga mananaliksik na tuklasin ang mga partikular na salik na may pinakamalaking

epekto sa kalusugan ng isip ng mga mag-aaral sa senior high school sa isang pribadong

unibersidad sa Maynila.

Ang pananaliksik na ito ay sumusunod sa isang quantitative approach at gumagamit ng

descriptive-survey questionnaire na disenyo. Ang tanging pokus ng pag-aaral na ito ay upang

matukoy ang mga pangunahing sanhi ng pandemya na may pinakamaraming impluwensya sa

mga mag-aaral mula sa mga pribadong unibersidad. Ginamit ng mga mananaliksik ang simple

random sampling teknik upang mangolekta ng mga datos mula sa isang grupo ng 66 na

respondente na pinili mula sa populasyon na 1,701 na mag-aaral sa ika-11 baitang. Batay sa mga

nakalap na datos at mga istatistikal na kalkulasyon na isinagawa ng mga mananaliksik, natukoy

ang mga salik na makabuluhang nakakaapekto sa kalusugan ng isip ng mga mag-aaral dahil sa

pandemya tulad ng (1) Ang mga mag-aaral ay nahihirapang makasabay sa mga diskusyon tuwing

online class. (2) Hindi nila ma-manage nang maayos ang oras ngayong online class kung kaya’t

naiipon ang kanilang mga schoolworks, at sila ay madalas mag-cram o mag-clutch ng mga

gawain. At (3) ang paggawa ng mga responsibilidad sa bahay tulad na lamang ng paghuhugas ng

pinggan, pagtulong sa paglalaba, pagtulong sa paglilinis ng bahay, pagluluto, atbp. Samakatuwid,

ang pag-aaral na ito ay nagmumungkahi na ang pandemya ay may malaking epekto sa mental na

kagalingan ng mga mag-aaral (Narvaez et al., 2022).


Reference:

Narvaez, A. M., Landicho, L., Alfonso, C., & Clavero, A. B., Jr. (2022). Ang Epekto ng

Pandemya sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa Isang. . .

ResearchGate. Retrieved September 14, 2023 from https://tinyurl.com/35557vuu

You might also like