You are on page 1of 9

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Kolehiyo ng Agham Pampulitika at Pampublikong Pamamahala
Kagawaran ng Politikal na Ekonomiya
Anonas St. Sta. Mesa, Manila

Kritikong Papel: Pansikolohikal na Epekto ng


COVID-19 sa mga Estudyante

Bilang bahagi ng katuparan ng mga pangangailangan sa Unang Semestro ng


asignaturang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Isang pagsusuri nina:


Gomez, Necelle Lyn B.
Natagoc, Delbert Jewel M.
Roman, Patricia M.
Soliva, Emmanuel John B.
BAPE 2-1

G. Roberto Umil
Tagapayo

Pebrero, 2021

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KABANATA I
INTRODUKSYON

Sa kasalukuyan, buong mundo pa rin ang nakararanas ng mga pagsubok na


dulot ng sakit na COVID-19. Ayon sa Minnesota Department of Health (2020), Ang
sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay sakit sa palahingahan na sanhi ng isang
bagong virus. Sa huling tala ng World Health Organization (WHO), halos 109 milyon
ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo at 2.41 milyon na ang bilang ng namatay
nang dahil sa sakit na ito.

Araw-araw, gabi-gabi, sinusubok ng pandemyang ito ang katatagan ng


bawat isa. Maaaring sa usapang pampinsansyal, pangkalusugan, emosyonal o
maging sa aspetong pansikolohikal. Isa sa mga taong nakararanas ng matinding
epekto ng COVID-19 ay ang mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng
dagok, pangamba at palaisipan kung itutuloy pa ba nila ang kanilang pag-aaral sa
taong pampaaralang ito. Nang dahil sa lubusan at mabilis na pagkabago sa paraan
ng pagkatuto, nagkaroon ito ng pinsala at masamang epekto sa pansikolohikal na
kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon sa International Seafarers' Welfare and
Assistance Network (2018) kapag sinabi nating pansikolohikal na kalusugan, ito ay
tumutukoy at may kaugnayan sa mabuting pananaw sa sarili, pagkakaramdam ng
lugod at kapanatagan at malusog na pag-iisip.

Ang kritikong papel na ito ay tungkol sa mga epektong pansikolohikal ng


COVID-19 sa mga mag-aaral. Lubos naman nating alam sa ating kamalayan na
talaga namang nakadagdag ng pagsubok at pasanin ang pandemyang nararanasan
ng mundo. Sa kabila ng walang kasiguraduhan ng pagkatuto, kakulangan sa
kagamitan, limitadong internet at maaaring pagkabagsak ng kalusugang
pansikolohikal, maraming estudyante pa rin ang piniling magpatuloy ng kanilang
edukasyon, gamit ang makabagong teknolohiya o kaya’y nasa modular na gawi.

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Batay sa pagsisiyasat at pagsasaliksik ng mga kritiko, karamihan sa nakalap


na impormasyon at mga datos ng mga tagasuri ay naglalayong ipabatid sa
lahat na ang COVID-19 ay nagkaroon ng labis na epekto at pinsala sa
pansikolohikal na aspeto ng mag-aaral. Dagdag pa, may mga pag-aaral din na
naglalahad ng kaugnayan ng pandemya, kalusugan, pangkasalukuyang
sitwasyon ng mundo at ng mga mamamayan.

COVID-19 Bilang Sanhi ng Pinsala sa Sikolohikal na Kalusugan

Ayon kina Tee, M. et al. (2020), maraming Pilipino ang nakaranas ng pinsala
sa kalusugan, hindi kaaya-ayang pag-aalala, labis na takot sa maaaring mangyari
sa pamilya at diskriminasyon nang dahil sa pagpapatupad ng quarantine. Dagdag
pa nila, may iilan rin: mga mag-aaral at mga doktor, ang nakararanas ng mas
mataas na antas ng depresyon, anxiety at stress.

Sa pananaliksik nina Saladino, V., Algero, D. at Auremmia, V. (2020) na


pinamagatang, The Psychological and Social Impact of Covid-19: New Perspectives
of Well-Being, sinabi rito na dahil sa pandemya ay mas humaba ang stress ng mga
tao. At ang implikasyon noon ay ang mas madalas na pagiging balisa, takot at
kawalan ng epektibo sa paghawak ng negatibong karanasan at emosyon. Dagdap
pa nila, nakaaapekto rin ang COVID-19 dahil may hindi nawawalang takot ang mga
mamamayan na mahawa ng nasabing sakit.

Sa kabilang dako, isang papel pananaliksik naman sa bansang Ethiopia ang


nagpatunay ng mga epekto ng COVID-19 sa panskolohikal na aspeto ng mga
mamamayan. Ayon Aylie, N., Mekonen, M. at Mekuria R. (2020), mga mananaliksik,
may mas mataas na posibilidad na mabuo ang stress sa mga mag-aaral na may

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

nakaraan na sa depresyon. Dahil sa pagiging mas lapitin ng stress, may iilan na


tumataas ang antas ng pagiging maisipin at mapangamba.

COVID-19 Bilang Hadlang sa Epektibong Pagkatuto

Ayon sa United Nations (UN), mahigit kumulang 24 milyong mga mag-aaral


sa buong mundo ang pansamantalang huminto dahil sa pandemya. Napakaraming
dahilan kung bakit humihinto ang mga mag-aaral dahil nga sa panibagong set-up
ng kanilang buhay pang-edukasyon. Halos lahat rin ay nahihirapan dahil ang iba ay
may limitadong internet access, kakulangan sa kagamitan upang makapasok sa
online class at video conference at marami pang iba.

Ayon nga kay Dr. Russell W. Rumberger (2020), ang pandemya ay


ipinapakita ang hindi pagkakapantay ng mga mag-aaral. Ang iba ay walang tahimik
na lugar sa tahanan para makapagklase, ang iba ay walang internet access at iba
pa. Aniya pa, naaapektuhan ng mga ito ang pansikolohikal na kalusugan dahil
kadalasan ay maaaring makatanggap ng mababa o bagsak na marka at iba naman
ay pinipili na lamang mag-dropout dahil sa sitwasyon.

Kasabay ng mga ito ay ang mataas na bilang rin ng pagsasara ng mga


pribadong paaralan at pagtaas ng bilang ng mga gurong nawalan ng trabaho. Sa
madaling sabi, ang pandemyang ito ay talaga naming isang hadlang kung
maituturing hindi lang sa pang-edukasyon at pang-ekonomiya, maging sa
pansikolohikal na aspeto rin.

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KABANATA III
METODOLOHIYA

Sa bahaging ito, nakapaloob ang mga instrumento, paraan at disenyong


ginamit sa pagsusuri o pagkikritiko. Narito rin ang mga hakbang na angkop sa pag-
aanalisa ng mga datos na ginamit sa pag-aaral.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang obserbasyon upang
makahanap ng mga datos kung kaya’t ang papel pananaliksik na kanilang
isinagawa ay nasa ilalim ng kuwalitatibong pag-aaral. Kasabay nito ay gumamit sila
ng mga pilosopiya at mga argumento na talagang makapagtitibay sa mga
argumento niya bilang mananaliksik.

Samantala, ang sangay ng pagsusuri na ginamit ng mga kritiko ay ang


pagdulog na pagkikritiko. Sa sangay na ito ay gumagamit ang mga mananaliksik ng
mga pananaw sa pagsuri at pagsasaayos ng mga ideya. Sa ilalim nito, ang paraan
na sikolohikal na kung saan takbo o galaw ng isipan ng manunuri ang magiging
batayan ng mga argumento sa kritikong papel. Karagdagan pa, sa paraang ito ay
ang antas ng pamumuhay, paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin
ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan ay ang mga
salik na nakaaapekto sa pagsusuri ng mga kritiko.

Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay bumuo ng


konseptwal na balangkas o conceptual framework nang sa gayon ay mas masuri ito
sa paraang mas sistematiko. Sa tulong balangkas ay magkakaroon ng plano ang
mga kritiko kung paano sisimulan ang pagsisiyasat at pagsusuri sa napili nilang
teksto. Nasa ibaba ang balangkas na inihanda ng mga kritiko upang magbigay
tulong sa mas epektibong pagsusuri.

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Kritikong Papel:
Pansikolohikal na epekto
ng COVID-19 sa mga Mag-
aaral
Pananaliksik at pag-
oobserba
Paghahanap ng mga
konseptong may kaugnay sa
COVID-19 at mga epekto
nito sa pansikolohikal na
aspeto

Paggamit ng mga lokal at Dayagram 1.1- Konseptwal na


banyagang literatura at Balangkas
pag-aaral upang
suportahan ang mga
detalye.

Pagbubuod ng
pananaliksik

Sosyolohikal na
Pagsusuri

Konklusyon

Ikalawang hakbang na tinupad ng mga tagasuri ay ang pagsasagawa ng


mga aktong nakaayon sa konseptwal na balangkas. Una ay ang paghahanap ng
mga konsepto, datos at detalye na may kaugnayan sa COVID-19 at pansikolohikal
na epekto ng pandemya sa mga mag-aaral nang sa gayon ay mas maipakita na
tuna yang mga impormasyong nakalap at maabot rin ng mga tagasiyasat ang mga
obhetibo ng nasabing pananaliksik. Kasunod nito ay ang paghahanap ng mga pag-
aaral at mga literatura na may kaugnayan. Ang kahalagahan ng pagsasakatuparan
ng mga gawaing ito ay ang hindi maitatangging pagsuporta sa mga salaysay sa

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

tulong ng mga ideya na nakapaloob sa mga nakalathalang aklat at akda at maging


ng mga pananaliksik na isinagawa sa loob ng mahabang panahon. Kasunod ay ang
paggawa ng buod ng pananaliksik upang maihanay ang mga mahahalagang mga
punto sa pananaliksik. Pagkatapos, sinuri ng mga kritiko ang mga detalye at
impormasyon. Huli, ang mga tagasuri ay bumuo ng konklusyon kung saan
nakalagay ang mga natuklasan at napagtanto nila sa kabuuan.

KABANATA IV
KONKLUSYON
Tunay ngang maraming mga hindi inaasahang pagsubok ang hinaharap ng
mundong ito. Ngunit ang nakatutuwa, ang lahat ay gumagawa ng kani-kanilang
mga paraan upang mairaos ang buhay at malampasan ang bawat pagsubok at
suliranin. Kung titignan, susuriin at hihimayin, talaga naming napakalaki ng epekto
ng pandemya sa pansikolohikal na kalusugan ng bawat tao; lalo na sa mga mag-
aaral. Dahil sa COVID-19, marami ang nakararanas ng takot na sila ay mahawa ng
sakit, mas mataas na antas ng depresyon at anxiety, labis na pagkabalisa at iba pa.
Dahil rin sa mga epekto nito sa aspetong pansikolohikal sa mga mag-aaral,
nagiging sanhi rin ito ng mataas na bilang ng mga estudyanteng pansamantalang
humihinto.

Sa ngayon, ang tanging magagawa lang ng bawat isa ay magtulungan.


Marami man ang nahihirapan ngayong may pandemya, palagi na lamang tayong
tumingin sa mas malinaw na lente nang sa gayon, makita natin ang tinatawag na
silver lining. Maaaring pinsala ang pinaka-idinudulot nito sa ating kalusugang
pansikolohokal ngunit nakatutulong rin ito upang mas maging matatag at ganap
tayong tao. May mga mag-aaral man na huminto dahil sa kakulangan ng
kahandaan sa bagong set-up ng edukasyon, lagi niyo na lamang tandaan na ang
edukasyon ay hindi isang karera na kung saan ay kailangan mong mauna. Mahuli
ka man, ang pinakatama mong gawin ay tumingin sa kung saan ka muna sasaya sa
ganitong panahon at matutong pumalakpak sa mga nauuna sa iyo.

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

MGA SANGGUNIAN
 Cellona, J. (2020, September 25). 54% ng mga bata nangangamba,
malungkot sa kabila ng pandemya, ayon sa child welfare office. ABS-CBN
News. https://cwc.gov.ph/news/193-54-ng-mga-bata-nangangamba,-
malungkot-sa-kabila-ng-pandemya,-ayon-sa-child-welfare-office.html

 Australian Government. Department of Health. (2020, June 19). Coronavirus


(COVID-19) – PAPEL-PANGKAALAMAN: ANG KAILANGAN MONG
MALAMAN TUNGKOL SA CORONAVIRUS (COVID-19). Resources.
https://www.health.gov.au/resources/publications/%20what-you-need-to-
know-tagalog

 Aylie NS, Mekonen MA, Mekuria RM. The Psychological Impacts of COVID-
19 Pandemic Among University Students in Bench-Sheko Zone, South-west
Ethiopia: A Community-based Cross-sectional Study. Psychol Res Behav
Manag. 2020;13:813-821. https://doi.org/10.2147/PRBM.S275593

 DepEd. (2020, May 7). DepEd reinforces mental health awareness


campaign amid COVID-19 situation. Press Releases.
https://www.deped.gov.ph/2020/05/20/deped-reinforces-mental-health-
awareness-campaign-amid-covid-19-situation/

 Feuer, W. (2020, September 15). At least 24 million students could drop out
of school due to the coronavirus pandemic, UN says. Health and Science.
https://www.cnbc.com/2020/09/15/at-least-24-million-students-could-drop-
out-of-school-due-to-the-coronavirus-un-says.html

 Hernaez, J. (2020, October 11). Quarantine, online learning may epekto sa


mental health ng mga bata. ABS-CBN News. https://news.abs-
cbn.com/news/10/11/20/quarantine-online-learning-may-epekto-sa-mental-
health-ng-mga-bata

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

 Institute of Education Sciences. (2020, April). Preventing Students from


Dropping Out During COVID-19 School Closures. Regional Educational
Laboratory Program Blogs.
https://ies.ed.gov/ncee/edlabs/regions/west/Blogs/Details/14

 ISWAN. (n.d.). Psychological Wellbeing (Sikolohikal na Kagalingan) sa


Dagat. The Seafarers' Health Information Programme.
https://www.seafarerswelfare.org/fil/seafarer-health-information-
programme/maayos-na-kalusugang-pangkaisipan/psychological-wellbeing-
sikolohikal-na-kagalingan-sa-dagat

 Minnesota Department of Health. (n.d.). Ang Sakit sa Coronavirus 2019


(COVID-19). NYC Health. (n.d.). Pagkilala sa Sikolohikal na Trauma at
Pagtataguyod ng Katatagan sa Panahon ng COVID-19.

 Saladino V, Algeri D and Auriemma V (2020) The Psychological and Social


Impact of Covid-19: New Perspectives of Well-Being. Front. Psychol.
11:577684. https://doi:10.3389/fpsyg.2020.577684

 Tee, M. L., Tee, C. A., Anlacan, J. P., Aligam, K., Reyes, P., Kuruchittham,
V., & Ho, R. C. (2020). Psychological impact of COVID-19 pandemic in the
Philippines. Journal of affective disorders, 277, 379–391.
https://doi.org/10.1016/j.jad.2020.08.043

 World Health Organization. (2020, September 8). COVID-19 at mental


health. Impormasyong pampubliko.
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-response-in-the-
philippines/impormasyong-pampubliko/mental-health

This study source was downloaded by 100000830714487 from CourseHero.com on 07-11-2022 10:01:53 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/81720964/Kritikong-Papel-Roman-Natagoc-Gomez-Solivapdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like