You are on page 1of 1

Binabati ko ang lahat ng mga tagapakinig.

Alam natin na napakalaking dagok ang ibinigay ng COVID-19 sa ating lahat. Lalong-lalo na sa ating mga
estudyante at sa ating pag-aaral. Sa ikalawang taon ng bagong normal, hindi natin maitatanggi na
inaasam ng karamihan ang dating paraan ng pag-aaral. Ayon sa UNICEF, isa ang Pilipinas sa may
pinakamataas na panahong isinara ang mga paaralan. Sang-ayon ako at aking kasamang si Shane sa
pagbubukas ng face to face classes sa Pilipinas. Ayon sa Philippine Pediatric Society,maaaring magiging
malala ang epekto ng pangmatagalang pagsasara ng mga paaralan--katulad ng pag-urong ng kaalaman,
pagtaas ng mga kaso ng karahasan, pang-aabuso, at maagang pagbubuntis. Lahat ng mga ito ay
maaaring mapigilan kung ang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay
mahigipit na ipatutupad. Maaaring maging mas malalim at mas matagal ang pinsalang dulot ng
pagsasara ng mga paaralan. Bago pa tumama ang COVID-19, ang mga mag-aaral ay nahuhuli na sa mga
international large-scale assessments at mababa na rin ang mga national achievement scores. At dahil sa
kawalan ng face-to-face classes, internet, at gadgets, napag-iwanan lalo ang mga Pilipinong estudyante.
Nagbabala rin ang PPS na ang isang taong pagsasara ng mga paaralan ay katumbas ng dalawang taong
pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante.

Second statement:

Tama nga naman na mayroon na tayong mga gamit sa panibagong normal lalong-lalo na sa
advancement natin sa teknolohiya. Ngunit masasabi ba natin na ang lahat ng mga nag-oonline class ay
natututo? Lahat ba ay may kani-kaniyag gamit sa online class gaya ng cellphone, laptop, PC at iba pa?
May pero o budget ba ang bawat pamilya sa paglalaan ng load araw-araw? Hindi. Hindi di ba? Marami na
ring kaso ng mga nagpakamatay na mga estudyante dahil sa online class at hirap rin ng mga ito sa mga
modules na napakaraming sasagutan bawat linggo. Iba kasi talaga ang face to face classes. Una, may
interaksyon ang guro at mag-aaral pati na rin ang mag-aaral sa kapwa nilang mag-aaral. Isa ang
interaksyong sosyal sa mga salik na humuhubog sa mga mag-aaral. Isa pa, lahat ng paaralan ay
ginagabayan ng mga programa para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral at ng
mga guro. Muli ring binigyang diin ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and
Culture na base sa mga pag-aaral na ginawa ng Centers for Disease Cntrol and Prevention sa Estados
Unidos, Public Health Agency ng Northern Ireland at University of Warwick ng Inglatera, mas malaki ang
posibilidad na mahawa ang mga kabataan sa mga komunidad kaysa sa mga paaralan kaya posible ang
pagsasagawa ng face-to-face classes basta ipagpatuloy lamang ang health protocols tulad ng pagsuot ng
mask, physical o social distancing, regular na paghuhugas ng kamay at disinfection.

You might also like