You are on page 1of 1

Tandaan mo Juan!

Determinasyon, lakas ng loob at kumpyansa sa sarili ang pinakamahalaga na dapat taglayin ng bawat
manlalaro nang sa ganun maging matagumpay at makamit ang kampyeonato sa kanilang mga napiling
isport.

Hindi madali ang maging isang atleta, maraming kailangang taglayin upang tuluyang maging mahusay na
manlalaro. Unang-una na dapat mayroon ang isang atleta, ang pagiging determinado na kung saan hindi
ito madaling susuko kahit na gaano pa kahirap ang kanilang gustong makuha at makamit. Sa kabila ng
maraming kabiguan sa buhay, patuloy pa rin ang paglaban.

Pangalawa naman ang lakas ng loob na importanteng taglayin din ng isang mahusay na manlalaro.
Walang manlalaro na walang may lakas ng loob sapagkat sa bawat laro kailangan nila ito upang
makapaglaro ang mga ito ng walang pag-aalangan.

Isa rin sa mga mahahalagang dapat mayroon ang isang atleta ang pagkakaroon nito ng kumpyansa sa
sarili. Kaakibat ng mga ito ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili upang maging positibo lang at mas mahasa
pa ang kakayahan nito. Marami ang nabibigyan ng oportunidad na makapaglaro sa iba’t ibang isport
subalit nahihiya silang maglaro nang dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili.

Kailangang pagkatiwalaan ang sarili upang tuluyang maging isang mahusay na manlalaro. Laging
tatandaan na mahalaga ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili subalit huwag dapat sobrahan dahil
hindi rin ito nakabubuti. Upang maging isang magaling na atleta, ito ang tandaan mo Juan!

You might also like