Professional Documents
Culture Documents
P.E 5 Week 8
P.E 5 Week 8
E 5
WEEK 8
OBJECTIVE:
sa Larong “Sipa”
REview:
Panuto: Pag-aralan ang bawat larawan. Kilalanin at isulat ang
mga larong pinoy.Gawin ito sa inyong kuwaderno
Ang paglalaro ay isang masiglang gawain na
nakakatulong upang higit na mapabuti ang ating
katawan. Ito ay nakatutulong din upang higit na
dumami ang mga kaibigan at maging masigla at
masiyahin ang bawat isa. Batay sa Philippine
Physical Activity Pyramid ang paglalaro sa labas
ay nakatutulong para lalong mapalakas ang
katawan.
Ang paglalaro kasama ng mga kamag-aral o
kaibigan ay lubhang kasiya-siya.Ang mga laro
ay nakatutulong sa pagsasanay ng physical
fitness. Halimbawa ng mga larong ito ay ang
batuhang bola,agawang sulok,agawan base,
lawin at sisiw, patintero, agawang panyo,
basagang palayok,piko at marami pang iba .
Ang mga larong ito ay mga larong pinoy.
Ang pakikilahok sa mga laro ay nakatutulong na
mapalawak ang kaalaman sa loob o sa labas man
ng bahay.Ito ay paraan para maipakita ang iyong
talento at tiwala sa sarili bilang isang
bata.Magbibigay ito ng oportunidad na
ipagpatuloy ang kanyang
interes sa bagay na gustong-gusto niyang gawin.
Isa sa mga dapat matutuhan sa pakikilahok ng
invasion game ay ang pagbantay sa iyong
teritoryo.Maaari ito ay isang sulok,base,o isang
bagay na permanente na nakatayo tulad ng puno
o dingding.Kaya naman dapat linangin ang
pagiging alerto at mabilis upang matugunan mo
agad ang mga kilos ng mga
katunggali.
Sa pakikilahok sa mga gawaing pisikal tulad ng larong
lawin at sisiw at basagang palayok ay tinuturuan tayo ng
mga kasanayan na magagamit natin sa pang araw-araw
na gawain .Ang paglalaro ay mas kasiya-siya kung ang
lahat ng
kalahok ay nagpapakita ng tamang asal. Napagtitibay din
ito ng pagkakaroon ng
kaibigan at nakabubuo ng isang magandang
pagsasamahan.
Ang pagsasagawa ng mga gawaing pisikal ay
nakapagdudulot sa atin ng mga sumusunod.
Nakapagpapatibay sa metabolismo at nakatutulong na
mapanatili ang timbang.
Nakapagpapabuti ng cardiovascular endurance o
katatagan ng kalamnan.
Nababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga
karamdamang may kaugnayan sa puso.
Nakatutulong upang makatulog ng mahimbing.
Nakatutulong upang magkaroon ng balanse,koordinasyon at liksi
ng katawan.
Nakatutulong upang magkaroon ng malakas at matibay na
kalamnan. Ito ang mga mahahalagang asal na makukuha natin sa
paglalaro;
Pagiging patas
Pakikisama
Pakikipagtulungan
Pagsabi ng katotohanan
Pagkakaroon ng pananagutan
Paglalaro ng walang daya
Pagpapakita ng sportsmanship
Pakikipagkamay sa katunggali
Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag
ay Tama at kung ang
pangungusap ay Mali. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.