You are on page 1of 3

EDUKASYONG PANGKATAWAN 4

Unang Markahang Pagsusulit

Pangalan:____________________________________ Iskor:_________

1. Ayon sa Physical Activity Pyramid Guide, ilang beses sa isang linggo ang
kinakailangang pagtulong mo sa mga gawaing bahay?

A. Araw-araw B. 3-5 beses C. 2-3 beses D. 1 beses

2. Gaano kadalas dapat gawin ang paghiga ng matagal?


A. araw-araw
B. 1 beses isang linggo
C. 2-3 beses isang linggo
D. 3-5 beses isang linggo
3. Ikaw ang taga dilig ng mga halaman sa inyong hardin. Anong Health Related
Physical Fitness ang kailangan mo upang matagalan ang paulit-ulit at mahabang
paggawa?

A. Cardiovascular Endurance C. Muscular Endurance


B. Muscular Strength D. Flexibility

4. Alin sa mga sumusunod na laro ang mas nakalilinang ng ating Cardiovascular


Endurance?

A. Piko B. Kadang-kadang C. Tumbang Preso D. Online games

5. Ang mga sumusunod ay gawaing nagpapatatag ng puso maliban sa isa,


alin dito?
A. Paglalaro ng tumbang preso
B. Paglakad ng mabilis
C. Pagsasayaw ng aerobics
D. Pagbasa ng libro

6. Aling Skill Related Physical Fitness ang kailangan mo upang mas mabilis mong
maiwasan ang kalaban sa pakikipaglaro ng patintero?

A. Agility B. Balance C. Coordination D. Power

7. Ang pagsubok na ito ay ginagamitan ng liksi ng pagkilos habang tumatakbo at


naglilipat ng kapiraso ng kahoy.
A. Push Up
B. Shuttle Run
C. Sit & Reach
D. Vertical Jump

8. Alin ang mga kasanayan sa paglalaro ng Batuhang Bola (Kickball)?

A. Paglukso, pagtalon, at paglakbay


B. Paglakad, pag-upo, at paghagis
C. Pagsalo, pagdidribol, at paghagis
D. Pagtalon, pagpapagulong, pagsipa, at paghagis

9. Paano mo maipakikita ang iyong tamang paglinang ng malakas na katawan at


mabuting kalusugan?

A. Araw-araw na pagpapraktis ng tamang pagtambling.


B. Palagiang panonood ng mga educational videos sa TV at YouTube.
C.Pag-aayos ng higaan at silid-tulugan tatlong beses isang linggo.
D. Limitadong paglalaro sa computer isang beses sa isang linggo.

10.Sa paglalaro ng Tumbang Preso, alin sa mga sumusunod na gawain ang


kinakailangan?
A. Paghagis ng bola
B. Paghagis ng tsinelas sa lata
C. Pagpukol ng bato sa lata
D. Pagtumba sa lata gamit ang bato

11. Mahina ka sa pagbalanse, paano mo ito mas malilinang?

A. Pagtakbo, paglalakad nang mabilis, pag-akyat sa hagdanan


B. Gymnastics stunts, pagsasayaw, pagbibisiklita
C. Pagpukol sa bola ng baseball, paghagis ng bola, pagsipa ng bola
D. Pagbangon sa pagkakahiga, pagabot ng bagay mula sa itaas

12.Bakit kailangan na maging maingat sa paglalaro?


A. Upang mas malilinang pa ang kalusugan.
B. Upang maiintindihan ang mga mekaniks sa larong pinoy na sinasalihan
C. Upang maangkin ang mga kasanayan na kailangan matutunan
D. Upang maiwasan ang aksidente at masaktan.

13.Bakit kailangan ng bilis at diskarte sa larong patintero?


A. para makatakbo
B. para makaiwas
C. para makaiskor
D. lahat ng nabanggit
14.Ano ang masasabi mo sa kahalagahan ng pagsasagawa ng pretest para subukin
ang iyong physical fitness?
A. Ito ay napakahalaga upang malaman ang kasalukuyang estado ng physical
fitness at malaman kung saan sangkap mas kailangan ng paglilinang.
B. Ang pagsasagawa ng pretest ay hindi naman kinakailangan sapagkat ang lahat
ng gawain natin sa pang-araw-araw ay pawang sumusubok sa ating physical
fitness.
C. Ang pretest ng physical fitness ay nakaaaliw na gawain na parang laro lamang
at napakagandang pagkakataon para makalabas tayo sa silid-aralan.
D. Hindi ito masayadong mahalaga lalo na sa mga batang katulad ko dahil kami
ay natural na malulusog at malalakas na.
15.Sa isinagawang pretest ng physical fitness ni Joe, nalaman niyang mahina ang
kanyang cardiovascular endurance. Anong gawaing-bahay ang maaari mong
mairekomenda sa kanya upang mapaunlad ito? Isulat sa baba.

You might also like