You are on page 1of 2

MAPEH (P.

E) 5
Summative Test # 3.1

Pangalan:________________________________________Grado at Seksyon:_________Iskor:_____

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

_____1. Lahat ng sumusunod ay mga mabuting dulot ng pagsasayaw, maliban sa isa.


A. Pagpapanatili ng tamang timbang C. Kaba at panginginig
B. Pagpapabuti ng stamina D. Cardiovascular Endurance

_____2. Isa sa benepisyo ng pagsasayaw ay ang pakikisama at pagpapakita ng magandang asal, alin dito
ang hindi kasama?
A. Kooperasyon C Pakikipagtalo
B. Respeto D. Teamwork

_____3. Alin sa sumusunod ang isusuot sa paa tuwing mag-insayo ng sayaw?


A. medyas B. sandals C. rubber shoes D. tsinilas

_____4. Ang sumusunod ay sangkap ng health-related, maliban sa isa.


A. Katatagan ng Puso at Baga C. Kahutukan
B. Katatagan ng Kalamnan D. Liksi

_____5. Ito ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-araw na gawain na hindi kaagad
napapagod.
A. Activity Pyramid C. Physical Fitness
B. Health-Related D. Skill-Related

_____6. Ano ang dapat ipaniguro sa lugar na pag-insayuhan?


A. Dapat malawak at walang sagabal ang lugar na pag-insayuhan.
B. Dapat maganda at malinis ang lugar na pag-insayuhan.
C. Dapat may maraming tao ang lugar na pag-insayuhan.
D. Dapat mamahalin ang lugar na pag-insayuhan.

_____7. Nililinang ng pagsasayaw ang koordinasyon, anong sangkap ng physical fitness ito?
A. Health-Related na Sangkap C. Skill-Related na Sangkap
B. Sangkap ng Physical Fitness D. Lahat ng nabanggit

_____8. Pagkatapos ng pagsasayaw at pag-eehersisyo, kailangan magkaroon ng _________.


A. Basic Dance C. Exercise
B. Cool down D. Warm up

_____9. Ano ang dapat gawin bago simulan ang pagsasayaw?


A. Cool down C. Pag-egersisyo
B. Pag-unat D. Warm up

_____10. Ano ang dapat isaalang-alang mo sa pag-insayo ng isang sayaw?


A. Kasiyahan B. Kalungkutan C. Kaligtasan D. Kapaguran

B.Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong.


Si Carlos Edriel Yulo ay ipinanganak noong Pebrero 16, 2000 kina Mark Andrew Yulo at
Angelica Yulo sa Maynila, Pilipinas, at lumaki sa Leveriza Street, Malate. Siya ang pangalawa sa limang
anak; ang isa sa kanyang mga nakababatang kapatid na si Drew ay isang gymnast din. Lumaki si Yulo sa
panonood ng grupo ng mga gymnast na Filipino at nakikipagkumpitensya sa Rizal Memorial Sports
Complex sa Malate.
Si Yulo ay nag-aral sa Aurora A. Quezon Elementary School para sa kanyang pangunahing
edukasyon sa Maynila, kung saan nagsasanay na siya para sa Pambansang Palaro ng Pilipinas bilang bahagi
ng koponan ng himnastiko ng National Capital Region. Sa pamamagitan ng suporta ng Gymnastics
Association of the Philippines, nakapag-aral siya sa Adamson University sa Ermita para sa kanyang
pangalawang edukasyon. Pumasok din siya sa Teikyo University sa Itabashi, Tokyo noong 2013 upang
makapagtapos ng degree sa panitikan. Ang gawaing pang-akademiko na ito ay ang dahilan na naging
matatas si Yulo sa wikang Hapon. Noong 2018, tinanggap ni Yulo ang isang alok ng Japan Olympic
Association upang sanayin sa Japan sa ilalim ng isang programang pang-iskolar.
Sagutin ang mga tanong.
1. Anong taon ipinanganak si Carlos Yulo?
__________________________________________________________________________________
2. Saan siya unang nakikipagkumpitensiya ng gymnastic?
__________________________________________________________________________________
3. Saan siya nagtatapos ng kanyang degree sa panitikan?
__________________________________________________________________________________
4. Anong Olympic Association ang nag-alok sa kanya upang sanayin ang kanyang talent ng isang programang
pang-iskolar?
__________________________________________________________________________________
5. Anong magandang asal ang ipinakita ni Yulo?
____________________________________________________________________________________

You might also like