You are on page 1of 8

5

Learning Activity Sheet


PHYSICAL EDUCATION
Quarter 3 –MELC 2
Pag-obserba sa mga Panuntunang
Pangkaligtasan

\\

REHIYON VI _ KANLURANG VISAYAS


MAPEH- 5 (Physical Education)
Learning Activity Sheet (LAS) Bilang 2
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Jessieca C. Bagoning


Editor: Eden A. Ariola
Tagasuri: Ma. Glynda T. Sobrevilla
Tagaguhit: Analiza L. Validor
Tagalapat: Vivian B. Salgado

Division of Bacolod City Management Team


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Eden A. Ariola
Ellen G. De La Cruz
Regional Management Team:
Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Athea V. Landar
MABUHAY!

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City at Kagawarang Edukasyon, Region 6–Kanlurang Visayas sa pakikipag-
ugnayan ng Curriculum Implimentation Division (CID). Inihanda ito upang maging
gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga tagatulong ng pagkatuto, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) No. 2

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________Grado at Seksiyon:__________

Petsa: ____________________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA PE 5

Pag-obserba sa mga Panuntunang Pangkaligtasan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Pag-obserba sa mga panuntunang pangkaligtasan (PE5RD-IIIb-h-3)


II. Panimula

Sa araling ito, aalamin natin ang mga panuntunang pangkaligtasan upang


makapagsayaw ng ligtas at malayo sa sakuna. Matututuhan mo rin pahalagahan ang
pagsasayaw at pagkamalikhain.
Mahalagang bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa mga panuntunang
pangkaligtasan na dapat sundin upang makaiwas sa mga sakuna habang
nagsasayaw. Gaya ng iba pang pisikal na aktibidad, kailangang sundin ang mga
panuntunang pangkaligtasan habang sumasayaw upang maiwasan ang aksidente.
Tandaan ang sumusunod:
1. Magsuot ng tamang kasuotan gaya ng jogging pants, leggings, jazz pants, at
komportableng kasuotan upang makagalaw nang malaya.
2. Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o dancing
shoes. May ilang sayaw na tinatanghal nang walang sapin sa paa. Tiyaking walang
kalat ang sahig na pagsasayawan.
3. Magsimula sa isang warm-up at stretching exercises. Nakatutulong itong ihanda
ang iyong katawan at muscle o kalamnan para sa aktibidad. Huwag kalimutang
gawin ang cool-down exercises pagkatapus ng aktibidad upang ma-relax at
makalma ang iyong katawan.
4. Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghal ay malawak at walang nakasasagabal
na bagay na maaaring magdulot ng pahamak sa mga mananayaw.

Ilan sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pangkat


upang maging maayos ang pagsasayaw ay ang sumusunod:
1. Pakikipagtulungan sa mga kasama.
2. Maayos na komunikasyon sa bawat isa.
3. Pagsunod ng bawat isa sa nakaatas na gawain at tungkulin.
4. Pagiging magiliw na mananayaw.
5. Pagiging tapat sa kasama.
Ang pagsasayaw ay maaaring maging masaya at isang paraan upang
magkasya. Gayunpaman, dapat kang palaging gabayan ng pag-iingat ng kaligtasan
kahit na wala ang pagkakaroon ng iyong mga guro. Dati, sinasayaw mo ito na:

1. Wala kang problema sa kalusugan.


2. Suot mo ang tamang kasuotan sa sayaw.
3. Nasa maluwag ka na lugar na walang mga hadlang.
4. Hindi ka nagdadala ng matatalim na bagay na maaaring makasakit sa iyo.
5. Kailangan mong magwarm-up bago ang pagsayaw.

Halimbawa ng sayaw

https://i.pinimg.com/736x/d5/5c/a3/d55ca340cb88ea6b4098e40f95a1e36d.jpg

https://i.ytimg.com/vi/Uhlel7JJJ9M/maxresdefault.jpg

MGA PANUNTUNANG PANGKALIGTASAN

Sa pagsasayaw kailangang sundin ang mga sumusunod upang


makaiwas sa sakuna o aksidente:
 Basahin at pag-aralan ang panuntunan ng sayaw at sundin ito nang
tapat.
 Siguraduhing nakasuot ng komportableng kasuotan sa pagsayaw.
 Tingnan muna ang lugar kung saan kayo magsasayaw. Siguraduhing
walang nakakalat na mga bagay na maaaring maging sanhi ng
aksidente.
 Gawin muna ang mga warm-up exercises bago magsayaw. Huwag din
kalimutang magcool-down exercises pagkatapos nito.
 Tandaan na ang warm-up exercises ay nakatutulong upang ihanda ang
iyong katawan sa isang matinding aktibidad. Sa gayon, maiiwasan ang
pagsakit ng mga muscle o kalamnan at iba pang sakuna.

II. Mga Sanggunian:

5 Batayang aklat sa Physical Education, Masigla at Malusog na Katawan


at Isipan.(Pahina 70-77)

Mga may Akda:Helen G. Gatchalin


Gezyl G. Ramos
Johannsen C. Yap
III. Mga Gawain
1. Panuto
a. Tukuyin.
Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Isulat ang T kung
ang mga sumusunod na sitwasyon ay tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa
papel.

_____________1. Gamitin ang tamang kasuotan sa pagsasayaw.

_____________2. Sumayaw sa isang lugar na ligtas at malaking espasyo.

_____________3. Sumayaw kahit masama ang pakiramdam.

_____________4. Mag warm-up lamang bago at pagkatapos nang sayaw.

_____________5. Alisin ang mga bagay na sagabal sa pagsasayaw.

b. Gawin.
c. Basahin at lagyan ng tsek ( ) kung ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-
oobserba ng mga panuntunang pangkaligtas at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa papel.

_____________1. Pag warm-up bago ang isang matinding aktibidad upang


maihanda ang iyong katawan at maiwasan ang pagsakit ng mga
muscle o kalamnan.
_____________2. Sumayaw kahit na may sugat.
_____________3. Ipagpatuloy ang pagsasayaw kahit may nakitang mga nakakalat
na mga gamit gaya ng pako, kutsilyo. yero at kung ano pa na
maaring pagmumulan ng sakuna o aksidente.
_____________4. Siguraduhing nakasuot ng tamang damit para sa pisikal na
aktibidad.
_____________5. Huwag kalimutang mag-cool-down pagkatapus gawin ang isang
sayaw.

d. Lagyan.

Lagyan ng ( ) kung ang sumusunod ay nagpapakita ng mahalagang katangian


na dapat taglayin ng isang pangkat upang maging matagumpay sa paglalaro at ekis
( ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

______________1. Pakikipagtulungan sa mga kasama.


______________2. Pagiging masungit sa mga kagrupo..
______________3. Sumisigaw habang sumayaw.
______________4. Maayos na komunikasyon sa bawat isa.
______________5. Pagiging tapat sa pangkat at sa layunin nito.
2. Mga Batayang Tanong

Mga Tanong:

1 Bakit mahalaga ang pag-obserba sa mga panuntunang pangkaligtasan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ano ang maaring mangyari sa mga batang hindi sumusunod sa panuntunang


pangkaligtasan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
__________________________________________________________.

IV. Mga Gawain


Gawin
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa papel.

pakikipagtulungan warm-up exercises cool-down exercises

komunikasyon sayaw muscle o kalamnan

1. Gawin muna ang mga _______ exercise bago sumayaw.


2. Ang _______ ay ginagawa pagkatapos nang pagsasayaw.
3. Ang pagwarm-up exercises ay makatutulong upang ihanda ang iyong
katawan
sa mga aktibidad at maiwasan ang pagsakit ng mga ______ ng iyong
katawan.
4. Ang _______ sa mga kasama ay isang mahalagang katangian na kailangan
upang upang magtagumpay ang pagsasayaw.
5. Upang maging maayos ang pagsasayaw, kailangan ang ______ sa bawat
isa,
ang pagsigaw sa iyong kasama ay hindi makatutulong upang maging
perpekto
ang sayaw.

V. Repleksiyon

1. Paano ka makakaiwas sa aksidente habang sumasayaw?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________
Repleksyon
1. Ang paglalaro ng invasion game ay nakakatulong sa pagsasanay ng liksi,
bilis at koordinasyon ng katawan.
2. Mahalagang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro.
Mahalaga din na magpakita ng team-work, katapatan, respeto, at
sportsmanship ang bawat manlalaro.
Mga Batayang Tanong
1. Mahalaga ang pag-obserba sa palatuintunang
pangkaligtasan para maiwasan ang sakuna sa
pagsasayaw at magkaroon ng magandang relasyon sa
kasama.
2. Ang aksidente o sakuna ay maaring maiwasan kung
susundin ng tama ang mga panuntunang pangkaligtasan
sa pagsasayaw.
Repleksiyon
Mga Gawain
A. Basahin
1. T 1. warm-up exercises
2. T 2. cool-down exercises
3. M 3. muscle o kalamnan
4. M 4. pakikipagtulungan
5. T 5. komunikasyon
B.
1.√
2. x
3. x
4.√
5. √
C.
1.
2.
3.
4.
5.
VI. Susi sa Pagwawasto

You might also like