You are on page 1of 12

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & Entrepreneurship

0
EPP - ICT and ENTREPRENEURSHIP 5

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL
(SIM)

Modyul 7
Paglikha ng
Knowledge Product

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Jeric R. Liquigan -Teacher I / Mexico Elem. School, Mexico South District

Editor : Anna Liza Intal-Pineda / Public Schools District Supervisor

Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Michael Q. Manansala – Teacher I / Palimpe Elem. School, Masantol North District
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
1
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Alamin

Magandang araw! Ako si Sir Jec, ang iyong gabay sa


pag-aaral sa araw na ito. Tungkol saan ba and modyul
na ito?

Kapag bumibili ng laruan o gamit sa bahay, mapapansin na may kasama itong


manwal na itinuturo ang tamang paggamit ng nabili. Kapag umorder ng pagkain sa
fastfood para i-deliver o ihatid sa bahay, may makulay na flyer na nakalista ang mga
produkto at kaukulang halaga ng mga ito.
Kapag tumitingin ka sa inyong bulletin board, may makikita kang poster tungkol
sa mahalagang event sa paaralan. Ang tawag sa manwal, flyer, at poster ay
knowledge product.
Nais mo bang gumawa ng mga flyer, brochure, banner, o poster? Makagagawa
rin kayo ng mga ito kahit paisa-isa lang, gamit ang computer na may publishing
software. Kahit word processor ay maaari ring gamitin. Maaaring makagawa ng mga
slide presentation para mapabuti ang inyong pag-uulat o pagpapakita ng mga
produkto sa inyong mga kasama sa negosyo o kahit sa mga inaasahang mamimili.
Sa araling ito, matututunan mo ang mga program o software na maaaring
magamit sa paglikha ng mga knowledge product.
Learning Competency:

 Nagagamit ang word processing tool o desktop publishing tool sa paggawa ng


flyer, brochure, banner, poster na may kasamang nalagom na datos at diagram,
table, tsart, photo, o drawing
 Nagagamit ang basic features ng slide presentation tool sa pagbuo ng anunsiyo
na may kasamang teksto, diagram, table, tsart, o drawing

Subukin

Bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, suriin mo


muna kung ano ang iyong nalalaman tungkol sa mga
araling ating tatalakayin. Mayroon akong mga larawan
na ipapakita at tutukuyin mo kung ito ba ay isang Flyer
or Brochure.

1. 2.

2
3. 4. 5.

Balikan

Ang desktop publishing at slide presentation ay nagagamit sa


komersyal na mga gawain tulad ng pag-aanunsiyo o pag-
aalok ng mga produkto o serbisyo sa mga tao. Ang MS
Publisher at Adobe InDesign ang ilan sa mga kilalang desktop
publishing tool.

Tuklasin

Isa ang poster na maaaring magawa gamit ang word


processing tool o desktop publishing tool. Ito ang ilang
patnubay sa paggawa ng poster.
 Pag-isipang mabuti ang magiging disenyo ng iyong poster.
Maaari mo itong iplano muna gamit ang papel at lapis.
 Kung nangangailangan ng mga larawan ay tiyaking
nakahanda na ang mga ito. Hangga’t maaari ay kumuha o
gumuhit ng sariling mga larawan. Kung talagang
kailangang i-download ang isang clip art o photo na
natagpuan sa internet, siguraduhin lamang na ito ay
walang copyright protection o nakapagpaalam sa may-ari
nito bago gamitin.
 Maaaring gumamit ng mga hugis, clipart, borders at
wordart upang mas lalong mapaganda pa ang poster.
 Magsama rin ng mga aktuwal na larawan ng produkto o
serbisyo upang lubos na mahikayat ang mga mamimili.

3
Suriin

Ngayon naman ay magsimula tayo sa paggawa ng


poster gamit ang MS Publisher. Ihanda ang iyong sarili!

Mga hakbang:
1. Buksan ang MS Publisher sa iyong computer.

4
4. Pwede ring baguhin ang larawan, magdagdag ng text, wordart, table at iba
pang impormasyon ayon sa naisin. Ang mga hakbang sa pagsasagawa nito ay
halos pareho lamang sa hakbang 3 sa itaas. Bilang isang mag-aaral, mag-
explore pa at marami kang madidiskubre upang lalo pang mapaganda ang
output.

5. I-save ang ginawang poster at i-print ito sa papel o sa tarpaulin upang aktwal
na magamit sa negosyo.

Gumawa ng poster tulad ng nasa ibaba. Maaari ring gumawa


ng iba pang dokumento gamit ang desktop publishing tool tulad ng
certificate, business card, label, at iba pa upang mahasa sa
paggamit ng tool na ito.

Pamantayan Puntos
4 3 2 1
1. Naipararating ang impormasyon na
nais ipaalam sa makakakita.
2. Kaaya-aya ang kabuuang itsura ng
poster.
3. Gumagamit ng iba’t ibang kulay at
disenyo.
4. Nagpapakita ng “added value” sa
produkto o serbisyo.
Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan
18-20 = Lubos na sumasang-ayon
15-11 = Sumasang-ayon
10-6 = Hindi gaanong sumasang-ayon
5-1 = Hindi sumasang-ayon

5
Mahusay ang iyong ginawa sa unang pagsubok.
Sa susunod na pagsubok na ito, ikaw ay gagawa
ng slide presentation upang ilahad ang magiging
plano mo sa iyong maliit na sisimulang negosyo.
Sundin ang sumusunod na gabay sa paggawa ng
slide presentation. Narito ang mga hakbang:

1. Pagplanuhang maigi ang mga bagay tungkol sa itatayong negosyo. Pag-


isipang mabuti ang tungkol sa mga sumusunod na paksa:
a. Pangalan ng negosyo
b. Mga Produkto o Serbisyong Ibebenta
c. Planong Teknikal o Pamproduksyon
d. Plano sa Pananalapi

2. Buksan ang slide presentation tool na ginagamit ninyo sa computer.

3. Sa Design tab sa menu bar ay mamili ng theme na nais gamitin sa slide


presentation.

4. I-click ang Title placeholder at i-type ang nais na pangalan ng negosyo.

5. I-click din ang Subtitle placeholder at i-type ang “Plano sa Negosyo.”

6. Upang magkaroon ng karagdagang slide ay i-click lamang ang insert tab sa


ribbon at i-click ang New Slide o kaya naman ay i-press ang CRTL+M.

7. Ituloy ang paggawa ng slide presentation. Mas magiging epektibo ang


presentasyon kung gagamitan ninyo ito ng larawan, clipart, table, diagram, at
tsart upang mas maiging mailahad ang inyong plano.

6
8. Maglagay ng animation upang maging mas kaaya-aya ang slide presentation:

a. Upang maglagay ng animation, i-click ang text, image, o alin mang object
sa slide.
b. I-click ang animation tab sa ribbon o menu bar.
c. Pumili ng Entrance animation na nais gamitin sa slide object.

7
d. Maaari ring gumamit ng emphasis at exit animation ngunit tandaan na sa
paggawa ng slide presentation, iwasan ang paggamit ng maraming
animation upang hindi masyadong makaabala sa pagbabasa ng
nilalaman.

9. Gumamit ng transition mula sa isang slide papunta sa susunod na slide.


a. I-click ang transition tab sa ribbon o menu bar.
b. Mamili ng transition na nais gamitin sa slide presentation. Maaaring pumili
mula sa Subtle, Exciting, at Dynamic Content category.
c. I-click ang napiling transition.

d. Maaari ring i-click ang Apply to All button kung nais na i-apply ang transition
sa lahat ng slides.

10. I-save ang slide presentation at magprint ng hand-outs para sa kopya ng mga
kamag-aral.

Pagyamanin

May mga libreng template na maaaring i-


download mula sa internet. Magagamit ito sa
paggawa ng flyer, banner, brochure, poster, o slide
presentation. Subukang maghanap sa internet at
tingnan kung may magagamit ka ayon sa iyong
pangangailangan.

8
Isaisip

Kaaya-aya ang pagbabasa


ng knowledge products kung
nagtataglay ito ng tema,
maganda ang kombinasyon ng
mga kulay, larawan, at teksto, at
hindi masyadong punong-puno
ang isang pahina.

Isagawa

Sa pagsubok na ito makikita ang iyong


pagiging malikhain. Taglay ang natutunan
mo sa araling ito, gagawa ka ng isang
flyer o brochure base sa mga larawan na
nasa kahon sa ibaba.

9
Tayahin

Bilang panghuling pagsubok, sa iyong computer


gawin ang nasa ibaba gamit ang iyong pagiging
malikhain na iyong napag-aralan.

1.

2. Gumawa ng isang Promo Poster ayon sa nais mong tema

10
11
Subukin:
1. Brochure
2. Flyer
3. Flyer
4. Brochure
5. Flyer
Suriin, Isagawa at Tayahin:
Pamantayan
Puntos
Pamantayan
4 3 2 1
1. Naipararating ang
impormasyon na nais ipaalam
sa makakakita.
2. Kaaya-aya ang kabuuang
itsura ng poster.
3. Gumagamit ng iba’t ibang
kulay at disenyo.
4. Nagpapakita ng “added
value” sa produkto o serbisyo.
Kabuuang Puntos
Pagpapakahulugan
18-20 = Lubos na sumasang-ayon
15-11 = Sumasang-ayon
10-6 = Hindi gaanong sumasang-ayon
5-1 = Hindi sumasang-ayon
Modyul 7
Susi sa Pagwawasto

You might also like