You are on page 1of 14

EDUKASYON 4

PANGTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & ENTREPRENEURSHIP


Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Roxanne F. Turla – T-1 / Mexico North District


Editor : Anna Liza Intal Pineda / Public School District Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Cristopher P. Trajano – T-1 / Guillermo D. Mendoza NHS
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Guide Card

ALAMIN?

Sa paglago ng ating kaalaman sa makabagong teknolohiya ay


unti-unting nagbabago ang ating pamumuhay. Isa sa mga naging
pangunahing kagamitan sa pagbabago ay ang computer na
kadalasang ginagamit natin sa pangangalap at pagpoproseso ng
mga datos at impormasyon.

Sa araling ito, matututunan ninyo kung paano mapapabilis at


mapapadali ang pagsasaayos at pagproseso ng mga files at datos
gamit ang computer file system, kumuha ng makabuluhang
impormasyon gamit ang web browser at website, at makapag-
download ng mga nakalap na impormasyon sa internet.

Learning Competencies:
1. Nagagamit ang computer file system (EPP4IE0e-9)
2. Nagagamit ang web browser at ang basic features ng isang search
engine sa pangangalap ng impormasyon (EPP4IE0e-10)
3. Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng impormasyon
(EPP4IE0f-11)
4. Nakokopya o nada-download sa computer ang nakalap na
impormasyon mula sa internet (EPP4IE0f-12)

SUBUKIN

A. Maglagay ng tsek (√) sa hanay ng thumbs up icon kung TAMA ang


sagot at thumbs down icon kung MALI. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Kasanayan sa Paggamit ng Computer File System

1. Nakakatulong ang computer sa pagsasaayos ng mga


datos at impormasyon upang madali itong mahanap.

2. May isang uri lamang ng files computer file system.


3. Softcopy ang nag-aayos at nag-iimbak sa mga datos at
impormasyon sa computer.

4. Ang file extension ang natatanging pangalan ng isang


file sa isang computer.

5. Ang flashdrive ay isang halimbawa ng hardware


device kung saan naka-save ang files.

B. Kilalanin ang mga sumusunod pumili ng sagot sa kahon. Ilagay ang


tamang sagot sa inyong kwaderno.

Panipi Search Box Web Browser Search Engine


Google Chrome

_____1. Uri ng websites na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon


sa internet. Ang halimbawa nito ay Yahoo at Google.

_____2. Computer application na ginagamit upang makapunta sa


iba’t ibang website.

_____3. Libreng web browser na binuo ng Google noong taong 2008.

_____4. Bahagi ng search engine window kung saan dapat i-type


ang keywords sa paghahanap.

_____5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na


paksa, pangngalang pantangi at eksaktong parirala sa pagsasaliksik
gamit ang search engine.

BALIKAN
Maraming naidudulot na pakinabang ang paggamit ng ICT
sa atin gaya nang mas mabilis na pakikipagkomunikasyon,
pagbibigay ng pagkakataon sa marami na makahanap ng trabaho,
nagiging maunlad ang komersyo at nagagamit ito sa pag-iimbak, at
pagbabahagi ng mga impormasyon. Ang computer ay isang
kagamitang tumutulong sa atin upang mapadali at mapabilis ang
paghahanap at pagpoproseso ng mga impormasyon at datos
gamit ang mga software application. Ang internet naman ay
binubuo ng maraming computer networks sa buong mundo.
Activity Card

TUKLASIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


inyong mga sagot sa kwaderno.

1. Paano mo iniingatan ang iyong mga gamit sa paaralan?

2. Mahalaga ba ang pagiging masinop sa mga gamit at dokumento


sa pag-aaral? Bakit?

3. Bakit kailangang matutunan ang kasanayan sa pagsasaayos ng


mga gamit at dokumento?

4. Paano naman kaya maisasaayos ang files sa computer?


Ipaliwanag.

5. Sa paanong paraan nagagamit ang computer file system upang


mas maging produktibo sa trabaho?

SURIIN

Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

__1. hard copy A. Mga hardware device o drive kung saan


naka-save ang mga file.

__2. file extension B. Ito ay particular na lalagyan ng mga files.

__3. device C. Natatanging pangalan ng isang file sa


computer.

__4. directory/folders D. Ito ay tumutukoy sa uri ng file sa


computer.

__5. filename E. Dokumento o imaheng nakasulat o


nakaimprenta sa papel.
Ang Computer File System ay ang pagsasaayos ng mga files at
datos sa computer sa paraan na madali itong mahahanap at
ma-access. Ang mga files ay maaaring i-save sa mga folder.

Ang mga hard disk, CD-ROM/DVD-ROM, flashdrives, ay mga


storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang maingatan
ang kopya ng mga files.

Mga soft copy na files ang inaayos at iniimbak sa computer file


system. Tandaan na may dalawang uri ng files - ang soft copy at ang
hard copy.

Soft copy-Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan


gamit ang computer at application software.

Hard copy– Ito ang dokumento o imaheng nakasulat o


naka-imprenta sa papel.

Device– Ito ang hardware device o drive kung saan naka-save ang
file.

Directory o folders– Ito ay particular na lalagyan ng mga files. Maaari


itong magkaroon ng mga subfolders, base sa uri ng file.

Filename– Ito ang natatanging pangalan ng isang computer file.

File Extension- Tumutukoy sa uri ng computer file, hal. MS Word file


(.doc o .docx), MS Excel file (.xls o .xlxs) at MS Powerpoint (.ppt o
.pptx).

Mga Uri ng Files

May iba’t ibang uri ng files na maaaring i-save sa computer. (1)


document files (mga file na gawa sa pamamagitan ng software para
sa word processing, electronic spreadsheet, desktop publishing at iba
pang productivity tools); (2) image files; (3) audio files; (4) video files,
at (5) program files (ginagamit bilang pang-install ng mga application
at system files).
Ang web browser ay isang computer application na ginagamit
upang maghanap at makapunta sa iba’t ibang websites.

Mga kilalang web browser na maaaring gamitin:

Internet Explorer- Libre itong web browser mula sa Microsoft


Corporation. Inilabas noong 1995 at isa sa mga pinakapopular na
browser ngayon.

Mozilla Firefox- Libre rin ang web browser na Firefox mula sa Mozilla.
Isa ito sa mga pamantayan ng mga gumagamit ng browser.

Google Chrome– Ang Google Chrome ay isa sa pang libreng web


browser. Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik
bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon.

Mga Bahagi ng Web Browser

A. Browser Window Button– Matatagpuan dito ang minimize button,


restore o maximize button at close button.

B. Tab Name– Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas


na website.

C. Navigation Buttons- Matatagpuan dito ang back button, forward


button at reload button.

D. New Tab– I-click kung nais magkaroon ng panibagong tab kung


saan maaaring magbukas ng bagong website.

E. Customized and Control Google Chrome– Dito makikita ang iba’t


ibang options at commands upang baguhin ang kasalukuyang
setting ng browser.

F. Bookmark this Page– Ginagamit ito upang madaling mabalikan


ang address ng isang website.

G. Address Bar– dito nakalagay kung saan nahanap ang isang


website hal. www.google.com.

H. Display Window– Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na


nagpapakita ng piniling website.

I. Scroll Bar– Ginagamit upang maitaas at maibaba ang kabuuan ng


isang web page sa browser window.
Ang pag-download ay ang pagkuha ng kopya ng isang file
(document, sound, o video file) mula sa isang remote system (server
na katatagpuan ng website) patungo sa ating computer file system.

Ang pag-upload naman ay ang pagpapadala ng isang file


mula sa ating computer patungo sa isang remote system.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng files na maaari nating ma-


download sa ating computer.

Document files– teksto o impormasyon na maaaring i-download


tulad ng word processor file, electronic spreadsheet file at portable
document format (o pdf) na files.

Multimedia files– graphic files, sound files at mga video files.

Program file– application files na kailangang i-install sa computer


gaya ng anti-virus, instant messaging application o mga computer
games.

Enrichment Card

PAGYAMANIN

A. Gamit ang inyong kasanayan sa pananaliksik at sa tulong ng web browser at


search engine, punan ang sumusunod na talaan. Isulat ang mga sagot sa inyong
mga kwaderno.

Bansa Kapital Wika

1. Brunei

2. Cambodia

3. East Timor

4. Indonesia

5. Laos

6. Malaysia

7. Myanmar
8. Singapore

9. Thailand

10. Vietnam

B. Tama o Mali: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag.


Ilagay ang inyong mga sagot sa kwaderno.

________1. Ang website ay koleksyon ng webpage na pinag-uugnay


ng hypertexts o image links.

________2. Ang web page ang pinakapayak at pinakamaliit na yunit


ng World Wide Web.

________3. May malinaw na layunin ang isang maganda at mabuting


website.

________4. Mainam bumisita lamang sa websites na may maitutulong


sa pag-aaral o pagpapaunlad ng kaisipan o pagkatao.

________5. Mabuti ang isang website kung hindi nakikilala ang lumikha
nito.

ISAISIP
Malaki ang tulong ng mga website sa pangangalap ng mga
impormasyon. Siguraduhin lamang na pasado at
mapagkakatiwalaan ang napiling website sa pagbibigay ng mga
impormasyon. Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay
ang mga ito ng makabuluhang impormasyon, makatulong sa iyong
pagkatuto, maging daan sa mas mabilis na komunikasyon,
makapagbenta, o ‘di kaya ay makapaglibang. Mahalagang maging
mapanuri sa pagpili ng website na pagkukunan ng impormasyon.
Bagaman hindi natin maiiwasang gumamit ng produktong
ginawa ng iba na nakita sa isang website, siguraduhin lamang na
mabibigyan ng tamang pagkilala o sitasyon ang orihinal na lumikha
ng akda o produkto. Ang paggamit ng anumang teksto, imahen,
audio, video at iba pang produkto ng kaisipan ng ibang tao nang
hindi nagpapaalam sa kanila ay isang uri ng pagnanakaw na
tinatawag na plagiarism.
ISAGAWA

Punan ang hinihingi sa graphic organizer. Isulat ang mga sagot sa


inyong kwaderno.

KATANGIAN NG ISANG
MABUTING WEBSITE

Assessment Card

TAYAHIN

A. Maglagay ng tsek (√) sa hanay ng thumbs up icon kung TAMA ang


sagot at thumbs down icon kung MALI. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Pag-dodownload ng Impormasyong Nakalap

1. Ang pag-download ay pagkuha ng kopya ng isang


file mula sa isang remote system patungo sa ating
computer file system.

2. Maaaring gumamit ng anumang teksto, imahen,


audio, video at iba pang produkto nang hindi
nagpapaalam sa may-ari.
3. Kung gagamit kayo ng gawa o produkto ng ibang tao
tiyaking kilalanin at bigyan ng sitasyon ang orihinal na
awtor.

4. Legal ang paggamit ng copyrighted materials at


maaari itong ibenta sa ibang tao.

5. Dapat isaalang-alang ang mga terms at condition sa


website na inilapat tungkol sa paggamit ng mga
nilalaman nito.

B. Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

__1. Ang proseso ng pagkuha ng isang


electronic file gaya ng text, image, music, a. upload
o video file mula sa web server.

__2. Mahalagang software ito kung nais


mag-download ng video na nasa b. download
YouTube.

__3. Ito ang tawag sa paggamit at pag-


angkin sa akda ng iba nang hindi
nagpapaalam sa orihinal na awtor o c. YTD
hindi kinikilala ang may tunay na may-
akda.

__4. Ang proseso ng pagpapadala ng isang


d. document
file mula sa inyong computer file system
file
patungo sa isang remote system.

__5. Teksto o impormasyon na maaaring


i-download tulad ng word processor file,
e. plagiarism
electronic spreadsheet file at portable
document format (o pdf) na files.
C. Hanapin sa puzzle ang mga salitang tinutukoy ng pangungusap.
Isulat ang mga sagot sa inyong kwaderno.
2 9 5 7 1

8 4 3

10

__________1. Ito ay isang halimbawa ng hardware device o drive.


(pababa)

__________2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan gamit


ang computer at application software. (pababa)

__________3. Ito ang mga hardware device o drive kung saan naka-
save ang mga file. (pababa)

__________4. Ito ay koleksiyon ng webpage na pinag-uugnay ng


hypertexts o image links.(pababa)

__________5. Ito ay ang libreng web browser na inilabas taong 2008 at


patuloy na tinatangkilik bilang isa sa mga
pinakapopular na web browser ngayon. (pababa)

__________6. Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas


na website.(pahalang)

__________7. Isang software system na ginagamit sa paghahanap ng


impormasyon sa internet. (pababa)

__________8. Teksto o impormasyon na maaaring i-download tulad ng


word processor file. (pababa)

__________9. Ito ay ang pagkuha ng kopya ng isang file mula sa isang


remote system patungo sa ating computer file system.
(pababa)
_________10.Natatanging pangalan ng isang file sa
computer.(pababa)
ASSESSMENT CARD
TAYAHIN
A. 1.Tama B. 1. B C. 1. Flash drive 6. Tab Name
2.Mali 2. C 2. Soft copy 7. Search Engine
3.Tama 3. E 3. Directory 8. Document
4.Mali 4. A 4. Website 9. Download
5.Tama 5. D 5. Google Chrome 10. Filename
ENRICHMENT CARD ( A. PAGYAMANIN )
Bansa Kapital Wika
1. Brunei Bandar Seri Begawan Malay
S D G S F
2. Cambodia Phnom Penh Khmer D O W O O D E L
3. East Timor Dili Tetum/Portuguese O F E W O I A A
C T B N G F R R S
4. Indonesia Jakarta Indonesian
U C S L L I E C H
5. Laos Vientiane Lao
M O I O E L C H D
6. Malaysia Kuala Lumpur Malay E P T A C E T E R
N Y E D H N O N I
7. Myanmar Naypyitaw Burmese
T R A R G V
8. Singapore Singapore Malay
O M Y I E
9. Thailand Bangkok Thai T A B N A M E N
10. Vietnam Hanoi Vietnamese E E
B. GUIDE CARD
1.Tama SUBUKIN
2.Tama A. B.
1.Thumbs up 1.Search Engine
3.Tama
2.Thumbs down 2.Web Browser
4.Tama 3.Thumbs up 3.Google Chrome
5.Mali 4.Thumbs down 4.Search Box
5.Thumbs up 5.Panipi
ISAGAWA ACTIVITY CARD
1.May pangalan ng TUKLASIN
manunulat o naglathala 1.
ng website at mga detalye 2.
kung paano siya maaaring 3. Maaaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral.
maabot 4.
2.May malinaw na layunin 5.
3.Bago at tama ang SURIIN
impormasyon 1.C
4.May balanseng opinyon 2.D
at walang pinapanigan 3.E
5.Mahusay na ayos at 4.B
disenyo 5.A

You might also like