You are on page 1of 12

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & Entrepreneurship

0
EPP - ICT and ENTREPRENEURSHIP 5

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL
(SIM)

Modyul 6-B
Komunikasyon at
Kolaborasyon Gamit ang
ICT

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Jeric R. Liquigan -Teacher II / Mexico Elem. School, Mexico South District
Patricia C. Magat-Teacher I / San Antonio Elem. School, Mexico South District

Editor : Anna Liza Intal-Pineda / Public Schools District Supervisor

Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Michael Q. Manansala – Teacher I / Palimpe Elem. School, Masantol North District
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
1
Alamin

Magandang araw! Ako si Ma’am Pat, ang iyong


gabay sa pag-aaral sa araw na ito. Tungkol saan
ba and modyul na ito?

Sa anumang uri ng gawain na nagtutulong-tulong ang dalawa o higit pang tao,


napakahalaga ng epektibong komunikasyon at kolaborasyon. Kapag hindi maayos
ang linya ng komunikasyon, maaaring maantala ang gawain o hindi ito matapos nang
maayos. Kaya naman napakalaking tulong ng makabagong teknolohiya sa
pagpapagaan ng maraming gawain maging sa tahanan, paaralan, o lugar ng
pinaghahanapbuhayan.
Ang internet ay ginagamit sa kolaborasyon, komunikasyon, at diskusyon o
talakayan tungkol sa iba’t ibang gawain. Maaaring salihan ang usapan ng iba’t ibang
tao saanman sila naroon sa mundo. Ang isang forum na may mga mensaheng
nakasulat ay maaaring mabasa ng mga tao at mapagkunan ng mahalagang
impormasyon kahit nakalipas na ang ilang araw. Ang chat naman ay nagaganap kung
ang lahat ng kasali sa usapan ay sabay-sabay na nagbibigay ng mensahe at nakikinig
o nagbabasa sa mensahe ng iba. Kung minsan, ang chat ay may record (text, audio,
o video) para sa mga hindi nakasali habang nagaganap ang usapan o talakayan.
Sa araling ito tatalakayin ang pakinabang ng internet sa maraming gawain.
Matututunan dito ang iba’t ibang ICT tools na magagamit sa komunikasyon at
kolaborasyon.
Learning Competency:

 Nakasusunod sa usapan sa online discussion forum at chat


 Nakakapag-post ng sariling mensahe sa discussion forum at chat
 Nakapagsisimula ng discussion thread o nakabubuo ng sariling discussion group

Subukin

Para sa una mong pagsubok sa modyul na ito, buuin ang salita sa


bawat bilang. Tukuyin ang katumbas ng bawat titik ng bawat
bilang upang mabuo ang mahahalagang salita na may
kinalaman sa kasalukuyang aralin at sagutin ang mga tanong.

A=1 G=7 M = 13 S = 19 Y = 25
B=2 H=8 N = 14 T = 20 Z = 26
C=3 I=9 O = 15 U = 21
D=4 J = 10 P = 16 V = 22
E=5 K = 11 Q = 17 W = 23
F=6 L = 12 R = 18 X = 24

2
1.

2.

3.

4.

5.

Mga tanong:

1. Ano ang napapansin mo sa mga nabuong salita?

2. Saan karaniwan ginagamit ang mga salitang nabuo batay sa


aktibidad na ginawa?

3. Sa anong aspeto sila magkakatulad?

Balikan

Ang internet ay maaaring gamitin sa pag-aaral


lalo na sa paggawa ng isahan o pangkatang
proyekto, lalo pa kung ang magkakapangkat ay
kulang sa panahon upang mapag-usapang mabuti
ang proyekto nila sa paaralan.

Tuklasin

May mga alituntunin din sa pagsali sa mga discussion


forum o chat. Chatiquette (chat etiquette) ang tawag naman
dito. Kahawig nito ang netiquette (internet etiquette). Kung
minsan, ang pakiramdam ng mga sumasali sa isang forum o
chat ay malayang-malaya sila na tila kahit anong isulat o
sabihin ay walang pupuna. Karamihan ng mga discussion forum
o chat ay nagbibigay muna sila ng mga babala para sa mga
nais sumali. Ang hindi sumunod sa mga alituntunin ay maaaring
i-block o ‘di na pinasasali sa usapan.

3
Suriin

Chat
Ang Chat ay isang online communication ng mga tao sa internet. Maaari itong
gawin sa pagitan ng dalawang tao, o ng grupo na pinamahalaanan ng isang
moderator. Para sa gawaing ito, pag-uusapan natin ang panuntunan sa FB Messenger
at sa Chatroom.
A. FB Messenger:

1. Bumati muna bago Bilang respeto sa kausap, kailangan bumati muna


simulan ang chat. ang isang “sender” sa “receiver”. Makiramdam
kung ang receiver ay abala.
2. Makiayon sa Makibagay sa kausap ayon sa kanyang
lenggwahe o istilo ng lenggwahe o istilo upang magkaintindihan.
pananalita ng kausap
3. Huwag gumamit ng Ang “caps lock” sa internet ay nagpapahiwatig
“caps lock” ng inis o galit.
4. Maging maunawain Mapagpasensya kung hindi ito nakakasagot
agad.
5. Magpugay bago Pormal na tapusin ang pag-uusap upang hindi
tapusin ang pag-uusap manghula ang kausap kung nasaan ka na.

B. Chatroom:
Sa bawat Chatroom, mayroong panuntunan na kailangang sundin ng sinumang
gustong sumali. Ang mga sumusunod ay ang general rules na kung alam mo ang mga
ito, magiging maganda ang magiging karanasan sa pagsali ng chatroom .

1. Gumamit ng Ang paggamit ng angkop na avatar at handle ay


naaayong “avatar” makatutulong sa personalidad mo sa chatroom. Sa
at “handle” paggamit ng “fancy” o kakaibang avatar at handle,
maaaring magbigay ito ng pagkalito at duda sa
iyong pagkatao.

2. Hanapin ang Iba-iba ang isyu at personalidad ng bawat


chatroom na chatroom. Upang hindi maging iba sa kanila,
nababagay sa iyo humanap ng chatroom na naaayon sa iyong
intensyon.
3. Magpakilala ka Simulan ang pagsali sa pamamagitan ng
pagpapakilala. Kadalasan na kailangan sabihin ay
ang edad, kasarian at lugar. Hindi dapat magbigay
ng ano pa mang personal na impormasyon na
maaaring maging banta sa iyong seguridad.

4. Gumamit ng Gumamit ng font na madaling basahin at kulay na


tamang font hindi masakit sa mata. Ganoon din sa font size.

5. Tumugon sa loob Iwasang nakabitin ang kausap. Ibigay ang tuwirang


ng 20 segundo sagot sa itinatanong upang maging tuloy-tuloy at
maayos ang pag-uusap.
6. Maging maayos sa Kumausap gaya ng gusto mong pagkausap sa iyo.
pananalita

4
7. Magsalita ng Huwag gumamit ng mga salita ng diskriminasyon,
maganda at kanais- pag-abuso, bulgar, bastos, insulto at kahalayan.
nais
8. Bigyang ang Huwag mag “machine gun message”. Hayaan ang
kausap ng kausap na makasagot muna bago mo sundan ang
pagkakataong huli mong chat. Maging mapagpasensya at bigyan
makasagot ng “benefit of doubt” ang kausap. Huwag
mapanghusga.
9. Iwasan ang Kung maaari, huwag gamitin ang mga “canned
“canned text” text” maliban kung ang ibig mong sabihin ay 100%
din gaya ng sinasabi ng canned text. Ang canned
text ay kalimitan ginagamit sa customer service at
hindi sa mas personal na pakikipagusap.

DISCUSSION FORUM

Ang Discussion Forum ay isang diskusyon na online ng mga tao sa pamamagitan


ng pagpo-post ng kanilang mga sagot, tanong sa isang isyu o paksa.
1. Makiayon sa lugar Iba-iba ang lugar sa “cyberspace”. Dahil ang
Discussion Forum ay mas pormal na pag-uusap
kaysa sa chat, makiramdam at magbasa muna
kung ano ang pinag-uusapan bago sumali sa forum.
Ang sabi nga ay “lurk before you leap”. Iwasan o
huwag sumali sa mga forum na may malisya o
kabastusan. Huwag masyadong maniniwala sa mga
kausap dahil hindi ito lubos na kakilala.

2. Magpakilala ka Gumamit ng naaayon na avatar at handle. Ang


pagpapakilala ng iyong propesyon at karanasan ay
isang tulong sa malawak at magandang diskurso.

3. Ingatan ang mga Alalahaning maaaring makuha ng kausap ang


personal na tunay na address mo kahit hindi mo ito ibigay.
impormasyon Magandang sumali sa forum na mayroong kakila
gaya ng mga malalapit na kaibigan o kapamilya.

4. Huwag mag-“caps Ang “caps lock” ay maaaring magpakahulugang


lock” nagagalit o sumisigaw.
5. Ayusin ang spelling Sa internet, ang bawat salita mo ay ikaw, kaya
at grammar mahalagang maayos at organisado ang iyong
diskurso. Bago isubmit ang sagot o tanong sa forum,
i-check ang spelling at grammar.

6. Mabuting Kung ang kausap ay hindi pabor o sang-ayon sa


pagtanggap sa sinasabi mo, huwag itong pagtawanan o maliitin.
kausap at usapan. Kapag ang ka-chat naman ay may sinasabing hindi
kanais-nais, huwag nang sagutin at mas mabuting
isara na lang ang forum. Iwasan ang “bashing”.
Maging handa rin sa mga maaaring negatibong
pagtanggap nila sa iyong mga pahayag.

5
7. Ugaliing mag- I-check ang “recent comments” bago gumawa ng
check bago mag reaksyon sa “older comments”. Maaaring naayos na
comment ito habang wala ka sa forum.

8. Lenggwahe Huwag gumamit ng text lingo o slang, lalong lalo na


kung pormal at “educational” ang forum na
sinasalihan mo.
9. Sumali sa diskusyon I-share ang iyong kaalaman o “expertise” upang
lumawak at lumalim ang kaalaman ng bawat isa sa
forum.
10.Gawing positibo Sa pagtugon o paghayag, gawin itong positibo at
ang mga sagot nakabubuo sa layunin ng diskusyon.

11.Gawing kumpleto Pag nais sumagot sa forum, sagutin ito ng tama na


at may saysay ang may pinagbabasehang ebidensya, research o mga
sagot akda ng iskolar. Huwag manghula. Layunin ng
diskusyon ang magtulungan upang bigyan liwanag
at kasagutan ang isang paksa. Ito ay makatutulong
din sa pagtipid ng oras at bandwidth ng bawat isa.

12.I-summarize ang Kung sa palagay mo ay makakalagap ka ng


sagot na mahahaba maraming sagot sa tanong mo, ihiling mo ang
pagsagot gamit ang iyong email. I-summarize mo
ang lahat ng sagot sa email at i-post ito sa forum
upang sa ganon maraming makinabang sa bagong
kaalaman na ito.
13.Iwasan ang “me Makakatulong ang comment kung may sinasabing
too” at “I agree” dagdag kaalaman. Ang “me too” at “I agree” ay
nakahahaba lamang sa thread.

14.Alalay sa Dahil walang mukha at boses ang forum, mag-ingat


paggamit ng sa pagpost ng katatawanan. Maaaring hindi ito
katatawanan o maiintindihan at manapat magbigay ng maling
“humor” kahulugan.
15.Huwag mag- Sa gawaing ito, nauubos ang oras na dapat sana ay
“flooding” para sa mas may kapakinabangang forum.

16.Huwag mag- Ang forum ay para sa magandang layunin ng


“spam” marami at hindi para sa komersyo ng iisang tao.
Nakakasayang ito ng puwang na dapat sana ay
para sa gusto mag-post ng mas kinakailangang
komento o sagot sa paksa.
17.Huwag patulan Nakakadagdag lamang ito sa “traffic” sa forum.
ang “troll” at Bukod doon, ito’y maaaring mauwi sa banta, gulo o
“flaming” away sa forum.

6
Base sa iyong napag-aralan, magbigay at isulat ang iyong opinyon
sa espasyo sa kanan, kung ano ang mga mali sa kaliwang kahon.

Pagyamanin

Ngayon naman ay tuturuan ko kayong gumawa ng


discussion thread o discussion group gamit ang
Facebook. Narito ang mga hakbang.

1. Ang unang hakbang sa paggawa ng Facebook account ay kailangan mong i-


type ang mga impormasyon na hinihingi at pagkatapos ay i-click ang Sign Up.

2. Pagkatapos makapag-sign-up ay maaari mo ng i-add friend ang mga kasama o


kaibigan na makakasama sa gagawin mong Discussion Thread o Group Chat.
7
3. Pagkatapos mong makapag-add friend ay i-click ang next button sa may
bandang kanan sa itaas. May mababasa kang upload a profile picture.
Kailangan mong maglagay ng iyong larawan para makilala ka ng mga taong
kasama mo lalo na sa gagawing Discussion Group.

4. Pagkatapos makapaglagay ng Profile picture ay may makikita kang button na


gaya nito . Ito ang button kung saan ka makakagawa ng Group Chat
o Discussion thread.

FB Messenger

5. I-click lamang ang button para sa FB Messenger at pwede ka ng makagawa ng


Discussion Thread o Group Chat. Kailangan maglagay ng group name at pwede
mo nang i-add ang mga makakasama mo sa discussion thread or group chat at
i-click lamang ang button na create.

8
Sa pagsali sa mga discussion thread o group chat ay may
mga alituntunin o “chatiquette” na dapat sundin. Dito ay
maipapakita mo ang tamang pagsagot sa mga tanong ng
may paggalang at tamang kasagutan sa mga tanong ng
iyong kasama sa group chat.

Isaisip

Maging mahinahon sa internet. Iwasang maging emosyonal. Piliin nang


mabuti ang mga bagay na dapat sagutin at hindi. Huwag ding maging
mainitin ang ulo. Kung ikaw ay ganito, marahil ay hindi para sa iyo ang
social media.

Isagawa
Sa pagsubok na ito ay gagawa ka ng isang
group chat gamit ang facebook messenger
kung saan ang mga kasali rito ay iyong mga
magulang at kapatid. Sa pagsali sa isang
Discussion Group ay dapat isaalang-alang
ang mga alituntunin.

Tayahin
Basahin at intindihing mabuti ang mga tanong at
piliin ang titik ng tamang sagot.

1. May nagpapadala sa iyo na hindi naaangkop na “online message”, ano ang


dapat mong gawin?

9
A. Panatilihin ito ng isang lihim
B. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang
padalhan ng hindi naaangkop na mensahe
C. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service
Provider
D. Huwag na lang pansinin

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng responsableng


pamamaraan sa pagsali sa discussion forum at chat?
A. Gumamit ng tamang pananalita sa pakikipagchat
B. Gumamit ng kilalang chat application
C. Hindi pag-log-out ng account pagkatapos makipagchat
D. Pinag-iisipang mabuti bago rumehistro sa mga kahina-hinalang website

3. Sa isang online discussion forum o chat, kailangan ang mga miyembro ay


__________ upang makasali sa usapan.
A. Offline
B. Online
C. Member
D. Open

4. Ito ay isang impormal na pagtitipon sa online ng mga indibidwal upang


magpalitan ng impormasyon hinggil sa isang bagay.
A. Discussion board
B. Discussion class
C. Discussion group
D. Online chat

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring gamitin sa paggawa ng discussion


thread o discussion group?
a. Facebook
b. Google
c. Internet
d. Yahoo

Hanapin at markahan ang mga sagot sa puzzle.

- Internet - Netiquette
- Facebook - Chatiquette
- Forum

N E T I Q U E T T E S
D R U H G B G O Y K S
I N T E R N E T B D R
D K O O B E C A F F R
F D A T I D O Y P D E
F G F G P I F J Q Y W
T D G U M U R O F T Q
C H A T I Q U E T T E

10
11
Subukin:
F A C E B O O K
M E S S E N G E R
I N S T A G R A M
T W I T T E R
G M A I L
Tayahin:
1. B
2. C
3. B
4. C
5. C
N E T I Q U E T T E S
D R U H G B G O Y K S
I N T E R N E T B D R
D K O O B E C A F F R
F D A T I D O Y P D E
F G F G P I F J Q Y W
T D G U M U R O F T Q
C H A T I Q U E T T E
Modyul 6-B
Susi sa Pagwawasto

You might also like