You are on page 1of 8

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

ICT & Entrepreneurship

0
EPP - ICT and ENTREPRENEURSHIP 5

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL
(SIM)

Module 5
Pangangalap at
Pagsasaayos ng
Impormasyon Gamit ang
ICT

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Onica S. Tigue -Teacher I / Laug Elem. School, Mexico South District

Editor : Anna Liza Intal-Pineda / Public Schools District Supervisor

Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Michael Q. Manansala – Teacher I / Palimpe Elem. School, Masantol North District
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division1Coordinator
Alamin

Magandang araw! Ako si Ma’am Nhicz, ang


iyong gabay sa pag-aaral sa araw na ito.
Tungkol saan ba and modyul na ito?

Sa araling ito malalaman natin kung paano matitiyak ang kalidad ng


impormasyong nakalap at ng mga website na pinanggalingan nito. Maraming mga
website ang maaaring puntahan sa internet. Nariyan ang mga website na tungkol sa
mga laro, mga larawan, mga video at mga website na naglalaman ng mga artikulo
at impormasyong nagpapataas ng ating kaalaman. Ngunit hindi lahat ng makikita
nating impormasyon sa internet ay mapagkakatiwalaan. Hindi lahat ay de-kalidad na
impormasyon o nagsasaad ng katotohanan. Kung kaya kailangan nating malaman
kung paano matitiyak na may kalidad ang nakalap nating impormasyon.
Learning Competency:
 Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap
ng impormasyon
 Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon
 Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na
pinanggalingan nito
 Nakakapag-bookmark ng mga website
 Naisasaayos ang bookmark

Subukin
Basahin ang mga pahayag. Isulat kung ito ay TAMA o MALI.
_____1. Ipamahagi ang dokumento o media files kahit walang pahintulot ng may-ari.
_____2. Ano mang uri ng dokumento o media file na pagmamay-ari ng iba ay dapat
munang ipagpaalam bago ipamahagi.
_____3. Gamitin ang flashdrive ng hindi ini-scan sa pagkuha at pamamahagi ng
dokumento at media file.
_____4. Ang simbolo para sa bookmark ay kahon.
_____5. Hindi na nababalikan ang mga websites na na-bookmark na.

Balikan

Ang chat ay pakikipag-usap sa impormal


na paraan ng dalawa o higit pang tao sa
pamamagitan ng internet.

2
Tuklasin

Isulat sa patlang ang pangalan ng search engine na nasa larawan.

____________________ _____________________
Pamilyar ka ba sa mga search engine na ito?
Alin sa dalawa ang madalas mong gamitin sa pangangalap ng impormasyon?

Suriin

Ano ang Search Engine?


Ang search engine ay isang program na naghahanap at tumutunton sa mga
impormasyon o iba pang bagay tulad ng mga larawan tungkol sa keyword na ibinigay
ng user.
Narito ang mga popular na mga search engine na maaari mong gamitin sa
pangangalap ng impormasyon:
1. Bing 6. Wow
2. Yahoo 7. WebCrawler
3. Search 8. MyWebSearch
4. Ask 9. Infospace
5. Aol Search 10. Blekko

Mga Hakbang sa Pag- access ng Search Engine:


1. Buksan ang inyong web browser (Google Chrome).
2. I-click ang Settings sa ilalim at piliin ang Advanced Search o i-type sa address
bar ang sumusunod na URL address:
https://www.google.com/advanced_search.
3. Magbubukas ang Advanced Search Form.
4. Simulang i-fill up ang search form textboxes ng mga key words na gagamitin sa
pagsasaliksik.
5. Subuking i-search ang mga sumusunod na files sa Google:

6. Subukan din mag-advanced searching gamit ang Internet Explorer.

3
Pagsusuri ng Nahanap na Impormasyon
1. I-check ang domain o URL address.
May mga “conventions” ang URL address ng mga pinanggagalingan ng
mga impormasyon. Ang mga ito ay pamilyar sa netizen. Kapag mayroong
domain na hindi pamilyar o kakaibang mga karakters, malamang ito ay
kaduda-duda.
2. Paano mo napuntahan ang webpage na iyon?
Ito ba ay nirekomenda ng iyong guro? Galing ba ito sa isang katiwa-
tiwalang website? Mas maganda kung nakita mo ang impormasyon sa
pamamagitan ng mga search engine gaya ng Google, Yahoo, Bing, MSN,
Ask, AOL, atbp.
3. Tingnan ang may-akda o “Author” ng impormasyon.
Ang author ba ay miyembro o kasapi ng mga lehitimo at katiwa-tiwalang
asosasyon tungkol sa kanyang sinusulat? Mayroon ba siyang address na
maaaring konsultahin o sulatan para sa iyong mga tanong.? Sinasabi ba niya
ang kanyang mga “credentials”?
4. Pagkasabay sa panahon ng impormasyon.
Napapanahon ba ang mga impormasyong ito? Kailan ito nagawa at
ginawan ng pagbabago? Ang mga links ba nito ay napapanahon din?
5. Katumpakan at kawalang kinikilingan ng impormasyon.
Ang impormasyon ba ay base sa statistics o datos para suportahan ang
mga sinasabi nito? Ito ba ay katunayan, opinyon o propaganda? Mayroon
ba itong iniendorso o inaanunsyo para sa motibo ng may-akda? Patas ba ang
pagpapakilala ng kanyang mga sinasabi.?
6. Laman ng pinanggagalingan ng impormasyon.
Nali-link ba ito sa ibang site? Madali ba itong gamitin para mapag-aralan
ang kanyang mga ipinakikita o sinasabi? Gumagana ba ang kanyang mga
link?

Bookmarking
Ang bookmarking ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga impormasyon na
nakuha sa internet.
Ang bookmark ay ginagamit upang madaling mabalikan ang isang website
kung saan nakita ang isang bahagi ng impormasyong hinahanap.

Pag-bookmark ng Website:
Ang bookmark ay napakahalagang katangian ng isang search engine na
makikita sa window. Halimbawa ay Google na gaya ng nasa ibaba. Ang bookmark ay
parang minahan ng piling-pili mong mga gawa, datos, presentasyon at marami pang
iba.

4
Pagyamanin
Alamin ang kahulugan ng mga salita gamit ang ibinigay na search engine.

Google Yahoo Search

1. Bookmarking _______ _____________


2. Online library _______ _____________
3. Database _______ _____________
4. Powerpoint _______ _____________
5. ICT _______ _____________

Isaisip

Malaki ang tulong ng mga website sa pangangalap ng mga impormasyon.


Siguraduhin lamang na pasado ang napiling website sa pamantayan ng may kalidad
na website. Bawat website ay may layunin. Maaaring magbigay ang mga ito ng

5
makabuluhang impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto, maging daan sa mas
mabilis na komunikasyon, magbenta o ‘di kaya ay makapaglibang. Mahalagang
maging mapanuri sa pagpili ng website na pagkukunan ng impormasyon. Dapat ding
tandaan na maging responsable at mapanuri sa mga impormasyong makukuha sa
internet dahil hindi lahat ng mga ito ay tunay at may basehan. Upang maiwasan ang
pagkuha ng maling impormasyon, pumunta lamang sa mga website na kilala at
mapagkakatiwalaan.

Bisitahin ang mga sumusunod na websites. Kilalanin at suriin kung anong uri ng
impormasyon ang maaaring makuha rito. Itiman ang bilog ng bilang na tumutukoy sa
gamit ng website.

Tayahin
Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto
ang ipinapahayag at MALI kung hindi.
______1. Ang mga gumagamit ng site na mayroong .edu sa address ay mga
eskwelahan o di kaya ay may kinalaman sa edukasyon.
______2. May kinalaman ang petsa sa kalidad ng impormasyon lalo na kung ang paksa
ay madaling maapektuhan ng panahon tulad ng teknolohiya o kaya’y
ekonomiya.
______3. Upang makatiyak sa kalidad ng impormasyon na makukuha sa internet,
maaaring magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa awtor.
______4. Hindi na importanteng malaman kung saan nakalap ang mga impormasyon.
_____5. Alamin kung napapanahon ang impormasyon.

6
7
Subukin:
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Mali
Tuklasin
1. Yahoo
2. Google
Isagawa:
1. 2
2. 2
3. 5
4. 3&1
5. 4
Tayahin:
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Modyul 5
Susi sa Pagwawasto

You might also like