You are on page 1of 28

4 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OF FICE
MARIKINA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


ICT/Entrepreneurship
Ikatlong Markahan-Modyul 7
Basic Photo Editing Tool

Manunulat: Gerald Jasper L. Abalon


Tagaguhit: Gerald Jasper L. Abalon
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay nakadisenyo at isinulat sa iyong
kakayahan. Makakatulong ito upang maunawan mo ang paksa
patungkol sa Basic Photo Editing Tool. Maaaring mong gamitin
ang modyul na ito sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral batay sa
iyong sitwasyon o estado. Ang mga salita na ginamit dito ay
nakabatay sa mga estudyanteng gagamit. Ang mga paksa ay
nakaayos batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELC). Ngunit ang pagkakasunod sunod ay maaaring mabago
depende sa ginagamit na libro.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa dalawang paksa:

 Nakaguguhit gamit ang drawing tool o graphic software


 Nakakapag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool

Pagkatapos ng module na ito, ang mag-aaral ay:

1. Nakatutukoy ng command buttons sa drawing tools o


graphics software.
2. Nakaguguhit gamit ang drawing tools o graphic software.
3. Nakapag-eedit ng larawan gamit ang basic photo editing
tools
4. Nakapagpapahayag ng pagkamalikhain sa pag-edit ng
larawan

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin

Tingnan mabuti ang mga larawan at ibigay mo ang pangalan


ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

_______1.

_______ 2.

_______ 3.

_______ 4.

_______ 5.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Modyul Basic Photo Editing Tool

Sa aralin na ito tatalakayin ang Drawing Tool o Graphic


Software. Ibibigay din dito kung paano mo magagamit ang
drawing tool o graphic software sa produktibong pamamaraan at
ang kakayahan mo na sumunod sa proseso upang makagawa ka
ng sarili mong likha.
Ang mga sumusunod na proseso ang makakatulong sa iyo
bilang estudyante upang makagawa ng malikhain larawan.
Alalahanin ang proseso at kung paano gawin upang hindi mo ito
makalimutan.

Balikan

Ayusin ang mga sumusunod na paraan upang ikaw ay


makapagpadala ng isang elektronikong liham (e-mail). Isulat ang
1 – 5 sa patlang, sagutan ito sa inyong kuwaderno.

_____ A. I-log in ang inyong g-mail account.


_____ B. I-type ang Email address ng iyong guro
_____ C. I- click ang Compose upang makagawa ng
mensahe.
_____ D. I-click ang send upang mapadala ang iyong
mensahe.
_____ E. I-click ang puting kahon sa baba ng subject, ito ay
tinatawag na message box na kung saan ay ilalagay mo ang
mensahe.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon. Maaaring ang


mga salita ay nakabaliktad, pababa, pahalang, pa-cross. Tingnan
mabuti.

A M L B V P F R S V R

P E A I V I H O E E E

U A R G F G V T H R S

P W I A N M S A S A I

M S K N G I O T U S Z

F A K D T N F E R E E

A F C I T T I I B R F

R I B B O N O W E Z N

L I C N E P Y O A R O

S E P A H S G Y L R J

J U P R Y S D K C S D

BRUSHES DRAWING AREA ERASER


MAGNIFIER PAINTTOOL PENCIL
RESIZE RIBBON ROTATE
SHAPES

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Drawing Tools o Graphic Software


Isang software na ginagamit upang makaguhit o makalikha
ng isang larawan. Maaari kang gumuhit sa pamamagitan ng
pencil tool at maglagay ng iba’t ibang kulay sa pamamagitan ng
brushes, o color tool. Napabibilis naman ang paglalagay ng hugis
sa pamamagitan ng shape tool.

Paint Tool Interface:

Paint Tool – dito nakalagay ang mga command tools na iyong


gagamitin sa paggawa ng bagong likha, makapagbukas at
makapag-save ng file.
Quick Access Toolbar – naglalaman ng tool shortcuts upang
mabilis mong mapindot o ma-access.
Ribbon – dito nakalagay ang iba’t ibang mga tools na maaaring
gamitin sa pagkulay, pagguhit at pag-edit ng mga larawan

Select and Crop – ginagamit upang maputol ang


isang bahagi ng larawan na gusto mong makuha.

Resize - ginagamit kung gusto mong pahabain pababa


(Vertical) o pagilid (Horizontal)
Rotate - ginagamit upang mapaikot ang isang larawan.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pencil - tulad ng lapis, ang linya na ginuguhit nito ay
manipis.

Eraser - binubura nito ang mga kulay, sulat o guhit na iyong


nailagay sa drawing area

Fill with Color - ginagamit upang malagyan ng kulay ang


iyong ginuhit na larawan o hugis.
Color Picker - ginagamit upang makuha ang kulay na nais
mo kung wala ito sa iyong color box.

Text - ginagamit upang makapaglagay ng teksto o mga letra.

Magnifying - ginagamit sa maliit na larawan upang makita


ito ng malapitan

Shapes - magagawa mo ang iba’t ibang uri ng


hugis na gusto ilagay sa drawing area

Color Box - dito maaari


kang pumili ng kulay na gusto mong ilagay.

Ruler - ito ay lalagyan ng tsek kung nais mong makita


ang ruler sa iyong drawing tool.

Gridlines - pinapakita nito ang mga linyang pababa at


pahiga.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Drawing Area – ito ang area na iyong gagamitin sa pagguhit o sa
pag-edit ng larawan.

Iba’t ibang uri ng format.


JPEG o Joint Photographic Experts Group – ang pinaka-
compatible na format na maaari mong buksan sa lahat ng mga
devices at programs. Ginagamit ang format na ito kung nais
mong maglagay o mag-display ng mga larawan sa online/internet.

PNG o Portable Network Graphics – madalas ginagamit ito sa


mga logo, infographics at maliliit na larawan. Hindi lahat ng PNG
ay compatible sa lahat ng software at application.

GIF o Graphics Interchange Format – ginagamit sa mga maliit


na graphics tulad ng banners, charts at buttons.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Subukan natin ang iyong kakayahan, upang makita natin


kung kaya mong gumawa ng sarili mong larawan o ang nais
mong likhain. Tara at sundan ito.

Ang mga sumusunod na proseso ay makakatulong sa iyo


upang lalo mong maintidihan kung paano gagamitin ang isang
graphic software o drawing tool. Bago magsimula ay siguraduhing
nakabukas ang laptop o computer at my access ka sa internet o
kung wala naman ay mayroon larawan o picture sa inyong
computer.

Online Task (at para sa mga estudyanteng may laptop o


computer sa bahay)
Gumawa tayo ng sarili nating likha.

1. Buksan ang MS paint sa inyong laptop o desktop. Katulad


ng mga nakaraan mabubuksan o mahahanap ito sa
pamamagitan ng pag-search kaya buksan ulit ang Windows

Logo na makikita sa kaliwang ibabang bahagi ng ating


screen. (tingnan ang larawan)

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. I-click ang pencil at subukang gumawa ng malaking
bilog sa gitna ng drawing area. Para magawa ito ay
kailangan mong hawakan mabuti ang inyong mouse at i-
click hold ang left click button at igalaw ito ng dahan-dahan
hanggang makagawa ka ng isang malaking bilog.

3. I-click ang Fill with Color at maghanap ng kulay pink


sa Color Box at i-click ito sa loob ng bilog.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. I-click ang brushes at piliin ang Airbrush . Palitan

ang kulay na pink ng itim . Maglagay ng dalawang


katamtamang bilog sa loob ng bilog. Upang magawa ito ay i-
click hold ulit ang left click button at paikutin ito hanggang
ikaw ay makagawa ng dalawang bilog na katulad na nasa
larawan.

5. Gumawa ng oblong sa baba ng dalawang bilog, sa loob ng


oblong ay gumuhit ng dalawang bilog, siguraduhin na hindi
ito katulad ng nasa step 4.

6. Ngayon ay nakagawa na tayo ng mukha ng baboy ngunit


hindi pa yan tapos. Ang gusto ko, ikaw ang tumapos nito.
Maglagay ka ng sarili mong disenyo upang mapaganda ito.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. I-save ang nagawa. Ang file name na gagamitin ay
“Pangalan”anggawakongbaboy.
Halimbawa: Juandelacruzanggawakongbaboy.

Gumawa naman tayo ng bahay.

1. Buksan muli ang MS PAINT.


2. I-click ang hugis na tatsulok o triangle na makikita sa
shapes. Gumawa ng triangle sa loob ng drawing box, nasa
iyo na kung saan mo ito ilalagay. I-click hold ang left button
at galawin ng dahan-dahan ang mouse upang makagawa ng
triangle, nasa sayo kung gaano kalaki ang nais mong gawin.

3. I-click ang square sa shapes at iguhit ito sa ilalim ng


triangle upang maging katawan ng ating ginagawang bahay.
Kung nahihirapang gumawa ng square ay sundin ang
proseso na katulad sa paggawa ng triangle.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Ngayon nakagawa ka ng bahay, pero hindi pa yan tapos.
Gusto ng iyong guro na ikaw ang tumapos niyan lagyan mo
ng bintana, pintuan, maaaring i-guhit mo ang buong
pamilya at lagyan mo ng kulay. **Tandaan puwede mong
balikan ang unang hakbang kung paano tayo gumawa ng
baboy**

5. I-click ang Text ilagay ang text sa ibaba ng gawa at i-


type ang mga salitang ang aming munting bahay. Puwedeng
palakihin ang mga salita sa pamamagitan ng pagpapalit sa
font size at ang font style ay baguhin depende sa iyong
gusto

6. I-save ang file name ng inyong gawa


“pangalan”angamingmuntingbahay.
Halimbawa: Juandelacruzangamingmuntingbahay.

Mag-edit at gumawa ng sariling negosyo.

1. Magbukas ng MS Paint

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. I-click ang paint tool tapos mag-open ng larawan sa folder ng
pictures ng kahit anong maaari mong gamitin. (larawan ng
produkto)

3. I-click ang select at pumili lang ng maliit na


parte o bahagi ng larawan o produkto.

Ganito ang
magiging
hitsura ng
larawan kapag
ito ay na
SELECT na.

4. I-click ang crop upang makuha ang na select na larawan.

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. I-click ang maliit na puting square na iyong makikita sa gilid
ng larawan at unti-unti itong palakihin sa gusto mong
sukat na iyong gagamitin.

6. I-click ang right click button sa inyong mouse sa drawing


area. I-click ang select all.

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. Galawin ang larawan kung saan mo ito nais ilagay.
Maglagay ng Text malapit sa larawan na nagbibigay ideya
patungkol sa inyong negosyo at sa inyong produkto.
**Huwag gagayahin ang nasa larawan mag-isip ng maaaring
ilagay**

8. I-save ang file name na ilalagay ay


“pangalan”angakingprodukto.
Halimbawa: “Juandelacruzangakingprodukto”.

Maaaring pumunta sa website na ito.

https://www.wikihow.com/Use-Microsoft-Paint-in-
Windows#/Image:Use-Microsoft-Paint-in-Windows-Step-2-
Version-3.jpg

** I-send ang mga obra sa pamamagitan ng e-mail. Hintayin


kung kalian sasabihin ng guro ang pasahan ng mga obra.**

Offline Task (para sa mga modular class).

Gawin ang tatlong activity sa pamamagitan ng paggamit ng short


bond paper, siguraduhin na malinis ang mga likha, may kulay, at
nakasunod sa pamantayan sa online class kahit walang
computer or laptop.

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
**Ang Rubrics ay nasa pinakadulo ng module**

Isulat ang tinutukoy sa bawat numero. Basahing mabuti bago


sagutan.

___________ 1. Si Anne ay nag edit ng kanyang gawa gamit ang


isang drawing tool, gusto niyang maglagay ng teksto. Ano ang
kailangang gamitin na tool upang makapaglagay ng teksto?

___________ 2. Magaling si Ronnie na gumuhit sa papel. Ngayong


nasa ikaapat na baitang na siya anong klaseng software ang
kailangan niyang gamitin upang makapagguhit sa laptop o
computer?

___________ 3. Anong tool ang iyong gagamitin kung nais mong


maglagay ng kulay sa isang hugis na iyong iginuhit?

___________ 4. Anong tool ang gagamitin upang makuha mo ang


isang parte o bahagi ng larawan at mailagay ito sa iyong
ginagawang likha?

___________ 5. Ano ang tawag sa puting area na kung saan ay


maaari kang magkulay, gumuhit at maglagay ng mga larawan?

Isaisip
Sa Aralin na ito nakatuon tayo sa Basic Photo Editing Tool.

Bilang isang mag-aaral katulad mo sa edad na mahilig


lumikha ng mga larawan, magkulay, at sa mga batang mahilig at
magaling gumawa ng mga larawan. Kailangang matutunan ang
paggamit ng basic editing tools.

City of Good Character 16


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ayusin ang mga jumbled words upang makuha ang tamang
sagot, isulat sa sagutang papel.
___________ 1. Inilalagay ang mga larawan na gusto mong i-edit o
kaya pagguguhitan.( rdwaing reaa )
___________ 2. Madalas na ginagamit sa maliit na graphics
katulad ng banners, charts at buttons. ( FIG )
___________ 3. Dito nakalagay ang iba’t ibang tools na maaari
mong gamitin sa paglikha ng isang larawan o pag-edit. ( ibborn )
___________ 4. Nakalagay ang mga command tools na iyong
gagamitin sa paggawa ng bago, makapagbukas at makapag-save
ng file. ( ptain otol )
___________ 5. Isang software na ginagamit upang makaguhit o
makalikha ng isang larawan.( patin )

Isagawa
Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang, isulat ang
sagot sa angkop na kahon.

Pahiga

City of Good Character 17


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. ginagamit upang makapaglagay ng teksto o mga letra
6. ginagamit upang makuha ang kulay na nais mo kung wala ito
sa iyong color box
7. ginagamit upang mapaikot ang isang larawan
8. ginagamit kung gusto mong pahabain pababa (Vertical) o
pahiga (Horizontal)
9. ginagamit upang malagyan ng kulay ang iyong ginuhit na
larawan o hugis.
10. katulad na ginagamit na lapis, ang linya na ginuguhit nito ay
katulad ng lapis
Pababa
1. ginagamit upang maputol ang isang bahagi ng larawan na
gusto mong makuha.
2. ginagamit sa maliit na larawan upang makita ito ng malapitan
3. magagawa mo ang iba’t ibang uri ng hugis na gusto ilagay sa
drawing area
5. binubura nito ang mga kulay, sulat o guhit na iyong nailagay
sa drawing Area.

Tayahin

Binabati kita at natapos mo na ang mga activity na inihanda


sayo ng iyong guro, ngayon naman tignan natin kung
matatandaan mo sila.
Bilugan ang tamang sagot. Basahin mabuti ang mga
sumusunod na tanong. (Maaari mong isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno)

1. Isang software na ginagamit upang makaguhit o makalikha


ng isang larawan. Maaari kang gumuhit sa pamamagitan ng

City of Good Character 18


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pencil tool at maglagay ng iba’t ibang kulay sa pamamagitan
ng brushes, o color tool.
A. Drawing Color
B. Drawing Pencil
C. Drawing Process
D. Drawing Tool
2. Inatasan si Junnie na gumawa ng isang larawan na
nagpapakita ng pagkakaiba ng Porous materials sa non-
porous materials at maaari niya itong gawin sa MS paint.
Ano ang kailangan niyang gamitin na tool upang
mapagsama sama ang mga ito sa iisang larawan?
A. Resize and Crop
B. Resize and Drag
C. Select and Crop
D. Select and Drag

3. Ano ang tawag sa button na ito ?


A. Crop
B. Fill
C. Pencil
D. Resize
4. Alin sa mga sumusunod na icon ang tinatawag na Fill with
Color?

A.

B.
C.

D.

City of Good Character 19


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Si Joy ay gumagawa ng kanyang proyekto sa kanilang
asignaturang Sining. Nakakita siya ng isang kulay na
ikagaganda ng kanyang proyekto ngunit hindi niya alam
kung anong klaseng kulay ito. Na-copy at paste niya ito sa
MS paint. Anong klaseng tool ang kanyang gagamitin upang
makuha ang kulay na ito?
A. Color Picker
B. Fill
C. Fill Color
D. Outline
6. Madalas ginagamit ito sa mga logo, infographics at maliliit
na larawan. Hindi lahat ng software ay maaaring
makapagbukas nito.
A. APEG
B. GIF
C. JPEG
D. PNG
7. Ano ang ibig sabihin ng JPEG?
A. Jot Photographic Express Group
B. Join Photographic Experts Group
C. Joint Photographic Experts Group
D. Joint Photosynthesis Express Group

8. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa icon na ito ?


A. Magnetic
B. Magestic
C. Magnifying
D. Magnificent

City of Good Character 20


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9. Naglalaman ng tool shortcuts upang mabilis mong mapindot
o ma-access.
A. Drawing Area
B. Paint Tool
C. Quick Access Tool
D. Ribbon
10. Pinapakita nito ang mga linyang pababa at pahiga.
A. Fill
B. Gridline
C. Outline
D. Ruler

Karagdagang Gawain
Gamit ang MS paint mag edit ng isang family picture,
makikita dapat dito ang pangalan ng bawat miyembro, ang pag-
edit ng larawan. Maaari kayong maglagay ng iba’t ibang klase ng
kulay, at magdagdag ng larawan na ilalagay.
Para sa mga modular maaaring gawin ito sa pamamagitan ng
collage at ilalagay sa Short Bond Paper at siguraduhin na
nakasunod sa pamantayan.
RUBRICS:
5-4 3-2 1
Nakasunod sa pamantayan
Malinis na pagkakagawa
Nagpapakita ng pagiging malikhain
Nakasusunod sa mga tamang
kagamitan sa paggawa.

City of Good Character 21


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Huling Pagtatasa (Post Test)
A. Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang tamang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Si Annie ay gusto paliit ang larawan na kanyang nakuha sa


internet para mailagay niya ito sa proyekto na ginagawa niya.
Alin sa mga sumusunod na button ang kailangan niyang
gamitin?
A. Resize and Crop C. Resize and Drag
B. Select and Crop D. Select and Drag

2. Gumawa ng likha si Allen at nais niya itong ilagay sa kanyang


social media, ngunit hindi niya anong uri ng format ng
kanyang gagamitin.
A. GIF C. PNG

B. JPEG D. YWZ

3. Alin sa mga sumusunod na icon ang tumukoy sa Color Picker

A. C.

B. D.
4. Isang malawak na puting kahon ano ang tawag dito na kung
saan dito ka maaaring lumikha ng iyong obra.

A. Drawing Area C. Drawing Chart


B. Drawing Board D. Drawing Dash

City of Good Character 22


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Naglalaman ito ng tool shortcuts upang mabilis mong mapindot
o ma-access.

A. Quick Access Bar C. Quick Access Set


B. Quick Access Manager D. Quick Access Tool
B. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi.

_______ 6. Nilalagyan ng tsek ang button na ito kung nais


mong makita ang ruler sa iyong drawing tool.

_______ 7. Ang button na iyong gagamitin upang makuha ang


parte ng larawan na gusto mong ilagay sa iyong proyekto ay
tinatawag na Magnifying.

_______ 8. Ang Color Picker Tool ang iyong gagamitin kung gusto
mong lagyan ng kulay ang hugis na iyong nilikha.

_______ 9. Ang button na Gridlines ay tumutukoy sa mga linyang


pababa at pahiga na maaari mong gamitin kung nais mo itong
makita.

_______ 10. Fill Color ang tawag sa mga hilera ng mga kulay na
maaari mong pagpilian.

City of Good Character 23


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
24 City of Good Character
Pagyamanin:
Offline Task
1. Text
2. Drawing
Tool o Subukin:
Graphic Balikan:
Software A. 1 1. Paint Brush
3. Fill Color o B. 3 2. Paint Pile
Fill with C. 2 3. Spray Paint
color D. 5 4. Coloring
4. Select and E. 4 Pencil
Crop 5. Shapes
5. Drawing
Area
Isagawa:
Pahiga:
Tayahin:
4. Text
1. D
6. Color Picker
2. C
7. Rotate
3. C
8. Resize Isaisip:
4. D
9. Fill Color 1. Drawin
5. A
10. Pencil g Area
6. D
7. C 2. GIF
Pababa: 3. Ribbon
8. C
1. Select and Crop 4. Paint
9. D
2. Magnifying Tool
10.B
3. Shapes 5. Paint
5. Eraser
Karagdagang Gawain: (Tanggapin ang sagot ng mag-aaral)
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian

Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software at pag-edit ng larawan


gamit ang basic photo editing tool.

Entrepreneur & ICT – Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio


L. Laggui, Marilou E. Marta R Benisano. Inilimbag sa Pilipinas ng
Vibal Group, Inct.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan: Kagamitan ng Mag-aaral
P. 168 – 188

Pictures used

https://c2.staticflickr.com/8/7408/10481725136_4ccc7c40be_z.jpg
http://www.freeimageslive.com/galleries/workplace/designarts/previ
ew/primary_paints.jpg
http://1.bp.blogspot.com/-
0qbeER12WdQ/VbS9ObgM9wI/AAAAAAAAGDo/bncrDZMI4fw/s1600
/Shapes.png
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/21/64_
365_Color_Macro_%285498808099%29.jpg/1200px-
64_365_Color_Macro_%285498808099%29.jpg
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/b1/Spr
ayCans.svg/768px-SprayCans.svg.png
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/04/New_York_
Empire_Apples.jpg

City of Good Character 25


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gerald Jasper L. Abalon (FES)
Editor: Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES))
Pablo S. Salazar Jr. (Master Teacher I, MALES)
Jesseca M. Mandapat (Teacher III, SNES)
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Language Editor:
Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES)
Tagasuri –Panloob:
Marciana R. De Guzman (Principal, Parang Elementary School)
Reingelyn P. Donato (Principal, Leodegario Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Tagasuri- Panlabas: PNU Validators
Tagaguhit:
Gerald Jasper L. Abalon (FES)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Taggalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Josepeh T. Santos
Education Program Supervisor - EPP/TLE

Ivy Coney A. Gamatero


Education Program Supervisor - LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800,


Philippines

City of Good Character 26


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like