You are on page 1of 20

4 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OF FICE
MARIKINA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


ICT/Entrepreneurship
Ikatlong Markahan-Modyul 6
Electronic Mail

Manunulat: Gerald Jasper L. Abalon


Tagaguhit: Gerald Jasper L. Abalon
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay nakadisenyo at isinulat sa iyong


kakayahan. Makakatulong ito upang maunawan mo ang paksa
patungkol sa Electronic Mail. Maaaring mong gamitin ang
modyul na ito sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral batay sa iyong
sitwasyon o estado. Ang mga salita na ginamit dito ay nakabatay
sa mga estudyanteng gagamit. Ang mga paksa ay nakaayos batay
sa Most Essential Learning Competencies (MELC). Ngunit ang
pagkakasunod sunod ay maaaring mabago depende sa ginagamit
na libro.
Ang modyul na ito ay natuon sa dalawang paksa:

 Nakakasagot ng E-mail ng iba


 Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o
iba pang media file

Pagkatapos ng module na ito, ang mag-aaral ay:

1. Nabibigyan-kahulugan ang email


2. Nakakagawa ng sariling email account o address gamit ang
internet
3. Nakapagpapadala ng mensahe gamit ang sariling email
account o address
4. Nakasasagot sa email ng iba
5. Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o
iba pang media file

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin
Basahin mabuti at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang iyong
sagot.

1. Ano ang ibig sabihin ng e-mail


A. Electric Mail
B. Essence Mail
C. Electronic Mail
D. Essential Mail
2. Ano ang kailangan mo upang makapasok sa iyong e-mail?
A. Email Address
B. Email Essence
C. Email Essential
D. Email Application
3. Ano ang kailangan mong gawin kung wala ka pang e-mail?
A. Magpatulong nalang sa meron e-mail
B. Gumawa ng sariling e-mail account
C. Magpagawa ng e-mail account
D. Sabihin nalang na wala kang e-mail account
4. Maliban sa paglalagay ng email address mo, ano ang
kailangan mong ilagay upang makapasok sa mail server?
A. Access
B. Password
C. Passage
D. Address
5. Ano ang hinahanap sa bagong smartphone upang
makadownload ka ng mga application?
A. Google mail
B. Yahoo mail
C. Guogle mail
D. Outlook

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Ang Electronic Mail
1
Sa aralin na ito tatalakayin ang electronic email. Ibibigay
din sa aralin na ito ang kahulugan at mga bagay na dapat mong
tandaan sa paggawa ng email. Maliban dito ay susubukin ang
iyong kakayahan gumawa ng sariling electronic email account,
sumagot ng e-mail ng iba at maglagay ng dokumento o media file
maliban dito ang kakayahan mo na sumunod sa proseso upang
makagawa ka ng sariling tsart.

Ang mga sumusunod na proseso ang makakatulong sayo


bilang estudyante upang makasagot at makagawa ka ng sariling
mong email. Alalahanin ang proseso at kung paano gawin upang
hindi mo ito makalimutan.

Balikan

Ibigay ang mga pangalan ng mga sumusunod na larawan


na makikita sa word processor.
______________ 1.

______________ 2.

______________ 3.

______________ 4.

______________ 5.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon. Maaaring ang


mga salita ay nakabaliktad, pababa, pahaba, para cross. Tingnan
mabuti.

E M A N R E S U L Y A
P A S S W O R D D C C
L X J I C Z L I C N P
X D X O H Q U O Y Z F
I Q E V D V U G Z T U
D O M A I N D L K Z E
E L E C T R O N I C S

ACCOUNT DOMAIN ELECTRONIC


PASSWORD USERNAME

Suriin

Electronic Email / Elektronikong Liham


Ang E-mail ay isang paraan ng pagpapadala ng mga
mensahe sa pamamagitan ng dalawang elektronikong devices.

Username
Ang ginagamit ng mga tao tuwing maglologin gamit ang
kanilang mga email. Madalas ang ginagamit dito ay ang apelyido
o pangalan ng maglologin.

Pangalan ng Domain – Ito ang ginagamit mong domain ng mail


server na iyong pinapasukan o ginagawang account. Madalas
itong maaaring Google, yahoo o kaya naman ay outlook.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Uri ng domain – Naglalarawan kung sino ang gumagamit o saan
nanggaling ang domain. Madalas ay sinusundan ito ng isang
tuldok at ang pangalan ng domain na ginagamit.

Iba’t ibang uri ng domain:

.com – ang ibig sabihin ay commercial.

.edu – ang ibig sabihin ay education.

.net – ang ibig sabihin ay network.

.org – para sa salitang organization.

.gov – para sa salitang government.

.pro – ginagamit ng mga professionals.

.info – para sa mga informational.

.int – kumakatawan sa salitang international

Pagyamanin

Subukan natin ang iyong kakayahan makasunod sa step by


step upang tayo ay makagawa ng account, makapag e-mail at
makapag attach ng file at reply

Ang mga sumusunod na proseso ay makakatulong sayo


upang lalo mong maintidihan ang paggawa ng table at tsart
gamit ang spreadsheet. Bago magsimula ay siguraduhing
nakabukas ang laptop o computer at my access ka sa internet.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Online Task(para sa Online Learners)

Paggawa ng E-mail Account


1. Buksan ang web browser application ng inyong laptop o
computer.
2. I-type sa address bar ang “gmail.com” at I-press ang enter

3. I-click ang “Gumawa ng Account/Create an Account”.

4. I- type ang mga hinihingi upang makagawa ng sariling account.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tandaan: Ang Username at password ay sayo at pansarili
lamang. Kung ikaw ay makakalimutin ay dapat mo itong
isulat sa maliit na notebook.

5. Tapusin ang mga hakbang sa paggawa ng email. Matapos


gawin ang lahat ng mga ito ay magkakaroon ka na ng sarili
mong e-mail address o account sa Gmail Server.

Magpadala tayo ng E- Mail


6. Pumunta ulit sa “Gmail.com” at mag sign-in tayo.

6.1 I-type ang e-mail address na iyong ginawa.

6.2 I-type ang password upang makompleto ang pag sign-


in

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. I- click ang Compose upang makagawa ng mensahe

8. I-type ang Email address ng iyong guro at sayo dito sa “To:”


siguraduhin na meron (,) bago mo ilagay ang email address
mo. Parehas kayong makakatanggap ng mensahe na iyong
pinadala.
Halimbawa:
JuanDC@gmail.com, MariaDC@gmail.com

Paalala para sa mag-aaral: Ibibigay ng guro ang kanyang e-


mail address upang makapagsend ka ng iyong mensahe at
matanggap niya ito.

Paalala para sa guro: Wag kakalimutan na magibigay ang e-


mail address kung saan nila ipapadala ang kanilang liham.

9. I-type sa subject ang “Unang mensahe para sa aking guro”.


Dito inilalagay ang paksa ng iyong mensahe.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10. I-click ang puting kahon sa baba ng subject, ito ay
tinatawag na message box kung saan ay ilalagay mo ang
mensahe. I-type ang mga sumusunod:

Hi, Ako po si (pangalan ng mag-aaral), (edad) taong gulang,


nag-aaral sa (pangalan ng eskwelahan). Ang aking mga
magulang ay sina (pangalan ng tatay), at (pangalan ng
nanay), (numero) po kaming magkakapatid/nag-nagiisang
anak. Ang akin seksyon ay (Pangalan ng seksyon) at ang
akin Tagapayo ay si (pangalan ng adviser).

Halimbawa:

Hi, Ako po si Juan Dela Cruz, 9 taong gulang, nag-aaral sa


Fortune Elementary School. Ang aking mga magulang ay si
Mario Dela Cruz at Maria Dela Cruz, 3 po kaming
magkakapatid. Ang aking seksyon ay IV –
Mapagkawanggawa at ang akin Tagapayo ay si Juanita Dela
Cruz.

11. I-click ang send upang mapadala ang ang iyong


mensahe.
Sumagot tayo sa Liham
Paalala sa Guro: Sagutin ang mga liham ng iyong mga estudyante
dahil ito ang kanilang gagamitin upang makagawa ang mga
prosesong ito.

12. Buksan ang liham na iyong natanggap sa iyong guro.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13. I-click ang reply upang lumabas ang Message box.

14. I-click ang attach files.

15. I-click ang pictures, maghanap ng larawan na maaari


mong ipadala sa iyong guro. Siguraduhin na hindi lalagpas
ang iyong ilalagay na larawan o litrato na 25mb

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
16. I-click ang Ok
17. Makikita mo na magkakaroon ng ganito ang iyong
mensaheng ipapadala. Ang Ibig sabihin niyan ay meron
kang nailagay na litrato o larawan.

18. I-click ang send

Tara Sign-out tayo


19. Pindutin ang bilong na meron letra sa kanang bahagi
ng window display at pindutin ang sign out.

Tandaan na palaging mag sign-out ng email kung ikaw ay


nasa computer shop dahil maaaring gamitin at mapalitan
ang iyong password ng taong makakakita nito.

Offline Task(para sa Modular Learners)


Isulat ang tinutukoy sa bawat numero. Basahin mabuti
bago sagutan.

___________ 1. Button na i-click upang makagawa ng bagong


mensahe sa pamamagitan ng e-mail.
___________ 2. Button na dapat i-click para makagawa ng sariling
e-mail account.
___________ 3. Upang makapaglog out sa iyong e-mail account ito
ang dapat mong i-click upang makalabas.

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
___________ 4. Ang button na i-click kung gusto mong
magmensahe ulit sa taong nagmensahe sayo.
___________ 5. Button na iyong i-click kung nais mong maglagay
ng file.

Isaisip
Sa Aralin na ito nakatuon tayo sa electronic mail/
elektronikong liham. Gusto kong malaman ano ang inyong
natutunan, sagutan mo ang nasa ibaba.

Basahin mabuti ang bawat diskripsyon at isulat ang sagot sa


patlang.

___________ 1. Tumutukoy sa dulo ng isang account na iyong


pinapasukan na website, halimbawa ay .net,.org,.int, at etc.
___________ 2. Ginagamit upang makapasok sa kanyang email at
ginagamitan ng password upang hindi magamit ng ibang tao.
___________ 3. Nilalagyan ng @ bago ilagay ang mail server at
madalas ang ginagamit ng mga tao ay gmail o yahoo.
___________ 4. Paraan ng pagpapadala ng mga mensahe sa
pamamagitan ng dalawang elektronikong devices.
___________ 5. Pinipindot upang makagawa ng e-mail.

Isagawa
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot

Maglista ng 10 website na kinakailangan ng e-mail account


upang makapasok o makapaglog-in sa kanilang mga website,
isulat ang buong website.(Hal. https://www.google.com)

1. __________________ 6. ___________________
2. __________________ 7. ___________________
3. __________________ 8. ___________________
4. __________________ 9. ___________________
5. __________________ 10. __________________

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Bilugan ang tamang sagot. Basahin mabuti ang mga


sumusunod na tanong.
1. Isa sa mga mabilis na paraan upang makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa ibang tao gamit ang internet?
A. Call
B. Email
C. Inbox
D. Text

2. Bahagi kung saan mo inilalagay ang paksa ng iyong


mensaheng pinapadala.
A. Attach File
B. Message Box
C. Subject
D. To

3. Ano ang tawag sa button na ito ?


A. Compose
B. Drafts
C. Inbox
D. Sent

4. Dito inilalagay ang iyong ginawang email account upang


makapasok sa mail server?
A. Pangalan ng domain
B. Password
C. Username
D. Uri ng domain

5. Inilalagay ito upang maprotektahan ang iyong account sa


ibang tao at ikaw lang ang natatanging nakakaalam nito?
A. Email Account
B. Pangalan
C. Password
D. Uri ng Domain
6. Button na i-click upang makagawa ng panibagong account.
A. Create Account
B. Create Password
C. Reset Account
D. Reset Password
City of Good Character 14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. Anong tawag sa button ang nakikita mo sa icon na ito .
A. Attach File
B. Compose
C. Reply
D. Sent
8. Ano ang ibig sabihin ng domain na .org?
A. Organic
B. Organization
C. Organize
D. Original

9. Ang button na i-click pagkatapos mong gumawa ng isang


mensahe at nais mo ng ipadala.
A. Compose
B. Draft
C. Reply
D. Send

10. Ang button na i-click upang makapili ng ilalakip sa iyong


email.
A. Attach
B. Browse
C. Ok
D. Picture

Karagdagang Gawain

Mag e-mail sa iyong kaklase at iyong guro ng isang


mensahe ng pagpapasalamat at pagpapakilala. Para sa mga mag-
aaral ng modyular ay gumawa ng liham ng pagpapakilala sa guro
isulat sa malinis na papel.

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Huling Pagtatasa (Post Test)
A. Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang tamang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

1. Si Marco ay merong matalik na kaibigan na nag ibang


bansa at doon na tumira, ngayon ay nais niya itong
makausap. Anong maaari niyang gamitin upang
mapadalhan ito ng mensahe?
A. Dove Mail C. Snare Mail
B. Electronic Mail D. Ware Mail
2. Alin sa mga sumusunod na domain ang palagi nating
nakikita sa mga website na nilalagay natin sa address bar?
A. .com C. .gov
B. .info D. .org
3. Si Betty ay nasa isang email server, at gusto niyang buksan
ang kanyang e-mail ngunit nakalimutan niya ang kanyang
password. Ano ang kailangan gawin ni Betty?
A. Gumawa ng bagong e-mail
B. Hayaan nalang ito at wag nalang gawin
C. I-forgot password at gumawa ng panibagong password
D. Lahat ng nabanggit
4. Ito ang madalas hinihingi sa mga website na iyong
pinapasukan katulad ng facebook, e-mail at mga onlines.
Madalas mo itong makalimutan at palagi mo itong i-reset.
A. Passage C. Passcode
B. Passion D. Password

City of Good Character 16


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Si Dannica ay wala e-mail na gagamitin upang makapag
submit ng kanyang gawa sa kanyang guro ngayon
pandemya. Ano ang kailangan niyang gawin upang
makapagsubmit na siya?
A. Pabayaan nalang at hintayin na bumalik ang lahat sa
normal
B. Magpatulong sa nakakatandang kapatid upang
makagawa ng sariling e-mail at maipadala.
C. Gamitin ang e-mail ng kanyang nanay para mapadala
ang gawa
D. Sulatan ang kanyang guro na pagbigyan siya na hindi
nalang niya ito ma-submit.

B. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi.

________ 1. Kung gusto ng isang tao na gumawa ng sarili niyang


account ng email. Ang kailangan niyang gawin ay pindutin ang
Create an account.

________ 2. Ang send button ang ginagamit upang ikaw ay


makagawa ng bagong liham sa taong nagpadala sa iyo ng liham

________ 3. Ang Log in button ang pinipindot kung nais mo ng


lumabas ng iyong e-mail.

________ 4. Ang button na ito ay tinatawag na attach file.

________ 5. Ang compose button ang iyong dapat hanapin kung


gusto mong gumawa ng bagong liham at dito din inilalagay ang
e-mail address ng taong tatanggap ng liham na iyong ginawa.

City of Good Character 17


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
18 City of Good Character
Tayahin: Isaisip
1. B 1. Domain
2. C 2. Email
3. A Address
4. C 3. Pangalan ng
5. C Domain
6. A 4. Email
7. A 5. Create an
8. B account/
9. D Create
10.A account
Pagyamanin:
Offline Task Subukin:
1. Compose Balikan:
2. Create an 1. C
1. Sort Ascending
account/ 2. A
2. Cell Reference
Create 3. B
account 3. Filter
4. Sort 4. B
3. Sign out 5. A
4. Reply Descending
5. Attach File 5. Cell
Karagdagang Gawain: Tanggapin ang sagot ng mag-aaral
Isagawa: Tanggapin ang sagot ng mag-aaral
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian

1. E-mail at Pagsagot at Pagpapadala ng Email na may


attachment

Entrepreneur & ICT – Eden F. Samadan, Marlon L.


Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R Benisano.
Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group, Inct.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan: Kagamitan ng
Mag-aaral
P. 151 – 167

City of Good Character 19


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerald Jasper L. Abalon (FES)


Editor: Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES))
Pablo S. Salazar Jr. (Master Teacher I, MALES)
Jesseca M. Mandapat (Teacher III, SNES)
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Language Editor:
Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES)
Tagasuri –Panloob:
Marciana R. De Guzman (Principal, Parang Elementary School)
Reingelyn P. Donato (Principal, Leodegario Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Tagasuri- Panlabas: PNU Validators
Tagaguhit:
Gerald Jasper L. Abalon (FES)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Taggalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Josepeh T. Santos
Education Program Supervisor - EPP/TLE

Ivy Coney A. Gamatero


Education Program Supervisor - LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 20


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like