You are on page 1of 6

ARALIN 5: LIHAM

PANGNEGOSYO

GUIDE CARD

Alamin

Ang araling ito ay dinisenyo at isinulat nang may pagsasaalang-alang sa iyo. Ito ay naglalayong tulungan ka
nang maging bihasa ka sa pagsasagawa ng mga sulating teknikal-bokasyunal sa Filipino na nakabatay sa iyong
napiling larang. Ang aralin ay isinaayos sa paraang maaaring magamit sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang
wikang ginamit ay ibinatay sa antas ng kaalaman at talasalitaan ng mga mag-aaral.

Ang aralin ay tungkol sa magkakaugnay na konsepto tungkol sa liham.


Matatalakay ang mga uri at bahagi nito. Makagagawa ka rin ng iyong sariling liham.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES

Naiisa-isa ang mga hakbang Maisa-isa ang mga uri at bahagi ng liham
sa pagsasagawa ng mga pangnegosyo.
binasang halimbawang
sulating teknikal- bokasyunal Makapagsusuri at makagagawa ng isang liham
pangnegosyo.

Sa nakaraang aralin , ang iyong napag-aralan ay ang Manwal at kung papaano ito nagagamit bilang isang
sulating-teknikal. Ang konseptong iyong natutuhan ay maaaring iugnay sa iyong bagong paksang iyong pag-
aaralan. Ang iyong natutuhang konsepto sa paggamit ng mga salitang-teknikal sa Manwal ay higit na
makatutulong sa iyong pag- aaral sa bagong aralin.
Bilang pagbabalik-aral sa dating napag-aralan, magbigay ka ng apat na konseptong iyong
natatandaan tungkol sa Manwal.

MANWAL
Sa iyong pagtuklas sa bagong aralin, kinakailangan mong hulaan ang mga salitang
nakakubli sa larong tinatawag na “Wikarambolan”.

B. Huhulaan mo ang mga salitang mabubuo sa pinagsama-samang salita mula


sa Ingles. Alamin kung ano ang mabubuong salita sa Filipino.

Wikarambolan
1. CAT A ONE

2. FAT TWO NEW WHO ONE

3. BAY TEA FAN WAY CAST

4. FAME YOU HE ATE TAN

5. LOG DOUGH

6. BUT THING FAME KNEEL MOLE LAND

Suriin

Ang Liham Pangnegosyo o Pangangalakal ay ay sinusulat upang


makapag-ugnayan sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay
mahalagang instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal
at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais makipagkalakalan sa
kanila. Ang ganitong uri ng liham ay kailangan ang mga katangiang malinaw,
maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado o encoded.

MGA URI NG LIHAM PANGANGALAKAL

Liham ng Aplikasyon - Isinusulat upang humanap ng trabaho.

Liham Pagpapakilala - Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang

bagay / produkto na iniendorso.


Liham na Nagtatanong - Isinusulat upang humingi ng impormasyon

Liham na Nagrereklamo - Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing

Liham ng Subskripsyon - Isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng

pahayagan, magasin at iba pang babasahin


Liham ng Pamimili - Isinusulat upang bumili ng paninda na ipinadadala sa koreo
Bahagi ng Liham

1. Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat.

Halimbawa: #120 Poblacion Street, Sta Maria Minalin, Pampanga.

Mataas na Paaralang Pambansa ng San Matias San


Matias, Sto. Tomas, Pampanga.

2. Petsa – araw, buwan, at taon kung kalian isinulat ang liham.

Halimbawa : ika-20 ng Hunyo, 1998

3. Patunguhan – Ito ang tumatanggap ng liham.

Gng. Virginia Q. Tizon G. Freddie P. Regala


Geng’s Flower Shop Punong Guro IV
Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga San Matias National High School
San Matias, Sto. Tomas, Pampanga

3. Bating Panimula-ito ay magalang na pagbati na maaaring pinangungunahan ng


Ginoo, Ginang, Mahal na Ginang o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong
padadalhan ang liham ang bating panimula o ginagamit.

(Gng.) Ginang: Mahal na Ginang:


(G. ) Ginoo: Mahal na Binibini:

4. Katawan ng Liham – ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais


ipabatid ng sumusulat sa kanyang sinusulatan.

Magandang araw!
Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga
bulaklak na aming kailangan sa pagtatapos sa Abril 19, 2020.

4 na dosenang Daisy (pink)


4 na dosenang Rosas (puti)
2 dosenang Gladiola
(dilaw)

Kalakip po nito ay money order na isang libong piso (P1,000).


Ang karagdagang kabayaran ay ibibigay pagtanggap namin ng mga bulaklak

3. Bating Pangwakas –Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa


kuwit (,).

Sumasainyo, Nagmamahal, Lubos na gumagalang,

4. Lagda – pirma ng sumulat sa liham

Halimbawa:
Juan dela Cruz Magdalena Quiroz

C. Ang gawain sa ibaba ay higit na magpayayaman sa kaalamang iyong natuklasan.


Pumili sa mga uri ng liham pangnegosyo at maglalahad ng pagsusuri sa napiling
liham gamit ang graphic organizer.

Anyo

Napiling Uri ng
Layunin Nilalaman
Liham

Wika

D.Sa gawaing ito kinakailangan mong buuin ang AKROSTIK sa ibaba,batay sa


inyong natutuhan sa tinalakay na aralin

L-
I-
H-
A-
M-

E.
Sa iyong palagay, anu-ano kaya ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagsulat ng isang liham?

DAPAT GAWIN LIHAM ‘DI DAPAT GAWIN


PANGNEGOSYO

1. 1. _

2. 2.

3. 3.

4. 4.
F. Gumuhit ng isang simbolismo batay sa natutuhan mong konsepto tungkol sa
liham. Ipaliwanag ito sa 3-5 pangungusap.

Paliwanag:

G.
Pamantayan 20 15 10 5

NILALAMAN
Ang nilalaman ng Ang nilalaman Ang liham na
liham ay angkop, ng liham ay Ang liham na ginawa ay
kumpleto, at may sapat at ginawa ay may may kulang
maayos ang mga angkop na kaunting at maling
nilalaman at nilalaman at impormasyon. impormasyon
impormasyon. impormasyon. g inilahad.

PAGLALAHAD Maayos, malinaw


Maayos ang Hindi gaanong Mahina at
at proseso ng maayos ang hindi maayos
malakas ang
paglalahad paglalahad ng ang
proseso ngunit
ng may mga ideya. May paglalahad ng
iilang
paglalahad ng mga ideyang dalawang mga ideya.
hindi nailahad
ideya at konsepto. bahaging May tatlo at
Kumpleto ang mganang malinaw. nawawala sa higit pang
bahagi ng liham May isang liham. bahagi ang
bahaging nawawala sa
nawawala sa liham.
liham.
BALARILA Maayos at wasto Maayos ngunit Hindi gaanong Mahina at
ang paggamit ng may ‘di wastong nagamit nang maraming
mga rehistro ng paggamit ng wasto ang mga kamalian sa
wika at bantas. salita at bantas salita at may balarila.
sa rehistro ng pagkakamaling
wika pambalarila.

H. Bilang pagtataya ng iyong natutuhang mga kaalaman, susuriin mo ang iyong sariling liham na ginawa sa
bahaging “ISAGAWA”.

May mga nakahandang katanungan na magsisilbing gabay para sa iyong maayos at masusing pagsusuri.

Mga Gabay na Tanong para sa Pagsusuri:


Tungkol saan ang liham na binasa?
Anu-ano ang mga bahagi ng liham na binasa?
Anong uri ng liham ang binasa?
Ibigay ang tiyak na layunin ng sumulat?
Paano ito naiba sa impormal na pagsulat ng liham?

You might also like