You are on page 1of 16

Ikalawang

Grupo para sa
Panukalang
Proyekto
Filipino sa Piling
Akademik
Larang:
MGA BAHAGI
✗Pamagat ng Panukalang Proyekto
✗Nagpadala
✗Petsa
✗Pagpapahayag ng Suliranin
✗Layunin
✗Plano ng Dapat Gawin
✗Badyet
✗Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito

2
1 Panukalang proyekto
para sa mga mag-aaral
ng Masantol High
School: Laptop para sa
aking pangarap
(Pamagat ng Panukalang Proyekto)
NAGPADALA
✗ Acerdano, Precious Deborah Grace (Dike Candelaria, Macabebe, Pampanga)
✗ Guintu, Care Josiah (Zone 4, Bulan, Sorsogon)
✗ Lopez, Alexis Jane (Bebe Anac, Masantol, Pampanga)
✗ Manalang, Aaron Joshua (Sua, Masantol, Pampanga)
✗ Payumo, Kare Catlene (Alauli, San Vicente, Apalit, Pampanga)
✗ Santiago, Joyce (Bebe Matua, Masantol, Pampanga)
✗ Tubig, Phoemela Jane (San Nicolas, Masantol, Pampanga)
✗ Usi, Franz Nathaniel (Bebe Anac, Masantol, Pampanga)
✗ Vasquez, Jamill (Bebe Matua, Masantol, Pampanga)
✗ Yamat, Mark Angelo (Danga Colgante, Apalit, Pampanga)

4
PETSA
Tinatayang aabot sa mahigit
1-3 buwan ang aabutin ng
proyekto. Kung ito naman
ay magiging regular na
aktibidad, tinatantiyang
mangyayari ito taon-taon.

5
Pagpapahayag ng
Suliranin
Sa panahon ng pandemya, ang mga taong nawalan ng trabaho, mga negosyong napaisara, at
maging sa mga kasanayan na pawang nalilimutan na ay iilan lamang sa mga sitwasyon at aspeto na
nakaka-apekto sa mga estudyante upang mawalan ng kagustuhan na ipagpatuloy ang kanilang mga
pag-aaral dahil narin sa dagdag na kahirapan sa buhay. Maraming mag-aaral ang nagnanasang
makatuntong ng kolehiyo, ngunit hindi lahat ng mga magulang ay may kakayahang magbigay ng
suporta upang makasabay sa mga kinakailangang pamantayan ngayon sa pagsasagawa ng
edukasyon. Nakadagdag pa rito ang gayong halos birtwal o online na ang mga nagaganap na klase
maging sa mga pampublikong unibersitidad, tiyak na kinakailangan talaga ng mga estudyante ang
mga maayos na gadyet na magagamit nila at internet connection upang makasama sa mga birtwal na
pagtitipon.

6
Pagpapahayag ng
Suliranin
Bilang mga mag-aaral na kabilang sa mga ipinagtutuloy ang edukasyon sa kabila ng
kasagsagan ng pandemya, malaking problema rin sa amin ang aming mga kakulangan sa
gadget, lalo na at kadalasan ay online class lamang ang aming maaaring paraan upang
matuunan ng pansin at magabayan ng aming mga guro sa paaralan.

Sa aming survey na isinagawa, lumitaw na hindi rin sapat para sa aming mga kapwa
estudyante ang cellphone bilang nag-iisang kagamitan lamang sa kanilang mga pag-aaral at
bagkus ay hinahangad rin ng marami ang pagkakaroon ng sariling laptop upang mapadali at
matiyak na maaabot nila ang kanilang mga kaniya-kaniyang mga pangarap sa buhay.

7
RESULTA NG SURVEY NA
NAISAGAWA:
Mga Resulta sa usaping Online Class

Mga nagsabing
14%
nakatutulong ito
14% Mga nagsabing hindi
ito gaanong epektibo
Mga nagsabing
depende ito sa
sitwasyon
71%

8
RESULTA NG SURVEY NA
NAISAGAWA:
Mga paraan na kanilang isinasagawa kapag kulang ang in-
struksiyon sa modyul
Gagamit ng Internet
8% Pupunta sa Google
8% 21%
Hahanap ng eksplanasiyon
13% sa Youtube
Kokontakin ang guro

21% 29% Lalapitan ang kaklase


Sariling pagsisikap o Self
Study

9
LAYUNIN
Ang "Panukalang proyekto para sa mga mag-aaral ng Masantol High School: Laptop Para Sa Aking
Pangarap" ay naglalayon na makapag bahagi ng secondhand laptop para sa mga mag-aaral na nasa Baitang labing-
dalawa (12) na nakakakuha ng mataas na karangalan sa kanilang pagtatapos at higit na napatunayan ang kanilang
katiyagaan sa pag-aaral bilang munting handog na makatutulong sa kanilang kinabukasan. Ang mga estudyante na
dumadanas ng kasalatan ang nilalayon na masaklaw ng proyektong ito.

Ang tunguhin ng proyektong ito ay upang maging kapaki-pakinabang ang mga secondhand laptop na
malilikom o kaya naman ay mabibili na kanilang matatanggap sa kanilang pagtahak ng kolehiyo sa mga
eskuwelehang nangangailangan ng maayos na gadyet upang makasali sa mga online classes at para narin maisagawa
ang mga aktibidades na hindi madaling maisakatuparan gamit lamang ang mga cellular phones. Dugtong pa rito, ang
hangarin ng proyektong ito ay upang makapag –dulot rin sa kagaanan ng mga pangangailangan ng mga nasabing
mag-aaral patungo sa lakbayin nila sa walang patid na agos ng edukasyon upang maka-angat sa buhay.

10
LAYUNIN
Sa pagkaka-sakatuparan nito, nilalayon din ng proyektong ito ang paghimok sa
mga naging estudyante o alma mater ng nasabing paaralan na may kakayahan na sa
buhay upang magbigay donasyon at magkaloob ng kahit kaunting tulong sa mga
estudyante na karapat-dapat makatanggap sa handog ng mula proyektong ito.

Higit pa rito, hinihikayat din ng proyektong ito ang mga taong may bukas-palad
na sumuporta sa pagsa-sakatuparan ng proyektong ito na magiging daan sa pagkamit ng
mga pangarap at ambisyon ng mga mag-aaral na magbubunga rin sa kanilang mga
matagumpay na kinabukasan.

11
PLANO NA DAPAT GAWIN
A. Pag-hingi ng permisyon upang ma-aprubahan ang proyekto at kinalkulang badyet.
B. Pag hahanap ng mga secondhand laptop na na aayon sa badyet at nasa maayos pa na
kalagayan.
C. Pag likom ng mga donasyong pang-pinansyal at pagkontak pa sa ibang mga
kinauukulang nais magbigay ng tulong.
D. Pagbili ng mga laptop na pasok sa nalikom at kinalkulang badyet.
E. Paghahanap ng mga estudyante sa mga mag-aaral ng ika-labingdalawa (12) ng
Masantol High School na may maayos na academic performance at mayroong
kinakaharap na kahirapan sa buhay kaya’t hindi kayang bumili ng sariling gadyet.

12
PLANO NA DAPAT GAWIN
F.Pag i-interbiyu sa mga napiling estudyante na pumasa lahat sa criteria na kinakailangan
upang makatanggap ng handog sa proyektong inilahad.

G.Pag sasagawa ng kasunduan sa pagitan ng estudyante at sa grupo na na-


ipagsakatuparan ng proyekto.

13
Badyet
Presyo ng bawat isang secondhand laptop:
✗Limang libo (Php 5,000.00) hanggang sampung libo
(Php 10,000.00)

Php 35,000.00

14
Ang mga sumusunod ay ang mga benepisyo at pakinabang ng proyektong ito:

✗ Mga mag-aaral – ito ay lulutas sa kanilang suliranin na maghanap ng gadyet sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo
✗ Mga magulang - makababawas ito sa mga gastusin ng mga magulang at mailalaan nila sa mga sekondaryong
gastusin ang kanilang mga salapi
✗ Mga mag-aaral sa hinaharap – ito ay magiging kaluwagan sa kanila sapagkat hindi na nila iisipin pa kung
paano makakatamo ng laptop. Maaaring magsilbi rin ito upang maging inspirasyon sa kanila na pagbutihin
ang kanilang pag-aaral, maging ano mang sitwasyon o hadlang ang dumating sa kanilang buhay

BENEPISYO NG PROYEKTO AT MAKIKINABANG NITO


15
Salama
t
sa inyong pakikinig!

16

You might also like