You are on page 1of 2

Epekto ng Mabagal na Internet Connection sa mga Mag-aaral ng DLSUD Baytang

11 sa Panahon ng Pandemya ng Covid19

Mula nang dumating ang pandemya, ang mundo ay nabigyan ng mga problema
na magbabago sa pangkaraniwang buhay ng sanlibutan. Napilitan ang populasyon na
umangkop sa bagong itinatag na "normal". Bawat isa ay natamaan ng pagbabago,
walang nakaligtas. Kasama na dito ang sektor ng edukasyon ng lipunan at ang ating
ekonomiya. Inutusan ang lahat na huwag lumabas para sa kanilang kaligtasan
sapagkat mayroong virus na kumakalat sa paligid. At dahil nanganganib na ang ating
ekonomiya, hindi natin kayang pigilan ang daloy ng edukasyon. Lalo lamang babagsak
kapag mawala na ang mga trabahador, wala pang papalit sakanila. Kaya naman ang
mga guro at estudyante ay lumipat mula sa pisikal patungo sa online na klase.

Ngunit mayroon ulit na problema ang lumitaw sa paraan na ito, ang kabagalan
ng internet connection sa ating bansa. Maraming mga kabataan at mga guro ang
naghihirap na maka-konekta sa internet tuwing sila ay nagkaklase. Isa itong malaking
suliranin lalo na sa mga naninirahan sa malalayong lugar na hindi naabot ng mga
internet provider. Mayroon din namang alternatibong paraan kung walang internet, ito
ay ang modular mode ng pag-aaral. Ngunit mahirap din ang paraang ito dahil kailangan
mong lumabas upang kumuha at ipasa ang iyong mga module. Mahalaga na pag-
aralan ang mga paksang ito dahil ito ay napapanahon. Kasalukuyan parin tayong
dumaranas ng mga hirap at suliranin dahil sa pandemya kahit halos dalawang taon na
tayo nakikibaka rito.

Ang paraan na aming gagamitin sa pagkuha ng aming datos at pagsusuri ng


aming paksa sa pananaliksik ay ang pag gamit ng sarbey o kaya questionnaire. Dito
mas mapapadali ang aming pagsusuri dahil sa karamihan ng mag aaral na
nagrereklamo sa kanilang sitwasyon, sa pag gamit ng sarbey o questionnaire makikita
natin kung sinong mag aaral ang naapektuhan sa kanilang internet connection kung
saan bumabagal sa kadahilanan ng nagaganap na pandemya sa panahon na ito. Sa
aming pagsusuri, ang komparatibo ang aming maaaring gamitin dahil ito ang maaaring
mag kumpara o may paghahambing ng aming maaaring datos sa pananaliksik na ito.

Sa tulong ng mga datos na nakuha sa pag-aaral na ito ay makakakuha ng


solusyon sa mahinang internet connection sa mga lugar kung saan ito apektado.
Samakatuwid, ang iba pang mga alternatibo ay matutuklasan gamit ng sariling
karanasan ng mga kalahok sa survey. Malaki ang maitutulong ng kanilang karanasan
upang makabuo ng makabuluhang solusyon at agarang aksyon sa problemang ito.
Pangkalahatang layunin:
Upang mailarawan ang mga hamong hinaharap ng mga mag-aaral sa birtuwal na
klase, gamit ang deskriptibong paraan.

Tiyak na layunin:
1. Matukoy ang internet speed ng mga mag-aaral ng DLSUD Baytang 11 at
ikumpara ito sa ibang lugar sa Pilipinas.
2. Makapag lahad ng anekdota ng mga mag-aaral na nagpapakita ng mabuti at
hindi mainam na karanasan nila sa birtuwal na klase, na maiu-ukol sa bilis ng
kanilang internet connection.
3. Mag bigay ng mga bagay na makakatulong sa mga mag-aaral, upang gumanda
ang karanasan sa pag-aaral, kahit walang harapang klase.

You might also like