You are on page 1of 5

Mga Epekto ng Mabagal na Access sa mga Internet Websites sa mga Mag-

aaral ng Bilang Labing Isa(11) ng Senior High School ng Odiongan National


High School

Isang Pamanahong Papel na iniharap kay Bb. Christine Garcia

Isang Pananaliksik ng Pangkat III ng STEM-Grade 11/ BLK 1

Nina:
Dexter Ferrancullo
Noralyn Forteza
Blislen Famini
Rizza Mae Malacad
Diabell Maybanting
KABANATA 1

I. INTRODUKSYON

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang makapakonekta ang

mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng

telekomunikasyon. Sa panahon ngayon, napakalaki ng naitutulong ng internet sa mga trabaho at

lalong lalo na sa edukasyon. Kung noon ay kinakailangan mo pang pumunta as silid aklatan para

maghanap ng mga impormasyon para sa iyong takdang aralin o nais malaman, ngayon

napakabilis na ng proseso gamit ang internet. Ita type mo lamang ang iyong nais hanapin at

lalabas na agad ang kasagutan sa iyong tanong. Napapagaan nito ang mabibigat nating gawain at

ang isa pang benepisyo ay mas nakakatipid tayo sa oras.

Ang internet ay nakatulong rin upang mapa-gana ang mga iba’t ibang sites katulad ng

Google, kung saan halos lahat ng kasagutan sa iyong katanungan ay nakalahad na sa iba’t ibang

pagpipilian. At dahil nga tayo ay namumuhay na sa modernong panahon, karamihan sa mga

kolehiyo ay may subject kung saan nangangailangang gumamit ng internet.

Ngunit napapansin na pabagal nang pabagal ang internet connection sa ating bansa na

nagbibigay ng epekto sa pamumuhay at pag-aaral lalo na sa mga mag-aaral. Patuloy na

naiimpluwensiyahan ng ineternet ang ating buhay, kung gaano ito kabilis ganoon din kabilis at

kagaan ang daloy ng bawat bagay. Sa kabilang banda, kung gaano ito kabagal ganun din kalaki

ang epekto nito sa pag uugali at kilos ng tao . Ang mabagal na access sa internet ay naka-aapekto

sa pag-aaral ng mga estudyante upang magawa ang kanilang mga takdang aralin, proyekto, at

makakuha ng iba’t-ibang impormasyon gamit ang website sa internet na nagiging dahilan ng

pagbaba ng grado. Sa kasalukuyan, itinuturing na malalang problema sa Pilipinas ang mabagal


na internet. Habang tumatagal lalo pa itong napapabilang sa problemang kinakaharap ng bansa.

Dahil sa malawakang sakop nito sa buhay ng mga tao, nakakaapekto narin ito sa pagdedesisyon,

pagkatuto, komunikasyon at ugnayan ng bawat isa. Habang dumarami ang nakikinabang pabagal

nang pabagal naman ang kakayang makapasok sa iba’t ibang websites.

II. LAYUNIN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may layuning malaman ang mga epekto ng mabagal na access sa

iba’t ibang internet websites sa pag aaral ng mga estudyante ng. Layunin nitong masagot ang

sumusunod na tanong:

A.) Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng access sa internet websites?

B.) Ano ang kaugnayan nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

C.) Paano nakaaapekto sa mga mag aaral ang mabagal na internet?

III. KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pagsasaliksik na ito ay naglalahad ng mga posibleng epekto ng mabagal na internet access

sa pag aaral ng mga estudyante kaugnay narin nito ang pag-unlad ng kakayahan nila na matuto at

makalikom ng kaalaman. Makakatulong ang pananaliksik na ito iba’t ibang paraan:


A.) Makabagong estilo sa pagbibbigay ng takdang aralin na may kaugnayan sa mga internet

websites.

B.) Maibahagi ang impormasyon sa mga guro at mga mag aaral.

C.) Maipakaita ang suliraning kinakaharap ng mga estudyante patungkol sa pag access sa

iba’t ibang websites.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw ng papel pananaliksik nito ang mga piling mag aaral sa bilang labing Isa ng

Senior High School sa Odiongan Nation High School. Inilalahad sa pananaliksik na ito ang

mga epekto nag mabagal na internet access sa mga mag aaral.

V.DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

A.) INTERNET

Operational: Susi upang makaacess sa anumang websites na nais buksan.

Konseptuwal: isang Sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta

ang mga kopyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase

ng telekomunikasyon.
B.)WEBSAYT

Conceptual: Koleksyon ng magkakaugnay na webpage, ns tipikal na matatagpuan

sa isang particular na domain name o subdomain. Ito rin ay bahagi ng World

Wide Web.

Operational: Kinapapalooban o pinagkukunan ng iba’t ibang impormasyon.

C.)MAG AARAL

Conceptual: taong nag aaral at maaring bihasa sa talino. Tinuturuan ng mga guro.

Operational: Mga respondent sa isasagawang pananaliksik

You might also like