Professional Documents
Culture Documents
Bagong Normal Sa Edukasyon
Bagong Normal Sa Edukasyon
Ibang-iba ang paraan ng pamumuhay natin ngayon kompara noon. Kung dati ay
malaya tayong nakakapaglakad sa gitna ng maraming tao na walang suot-sout na face mask
at faceshield, pero ngayon bawat galaw natin ay limitado. Maging ang pagpasok sa
paaralan ay hindi natin magawa bagama't patuloy parin tayong nakalugmok sa hirap, sakit,
at sagabal na dulot ng pandemya. Ngunit hindi ito magiging sapat na dahilan upang putulin
rin natin ang ating mga lubid sa pag-abot ng ating mga pangarap. "Bagong Normal" ang
kasalukuyang ganap ng ating buhay na maraming pagbabagong nararanasan lalong-lalo na
sa larangan ng edukasyon na mahigpit na ipinagbabawal parin ang pagkakaroon ng
harapang interaksyon ng mga estudyante at guro. Kaya't nakapag-isip ng isang
alternatibong solusyon ang Departamento ng Edukasyon na maipagpatuloy parin ang pag-
aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng "Online Class" at "Modular". Sa ngayon ay
sabay-sabay nating tuklasin kung ano nga ba ang mga pagsubok at kaganapan ng nga
estudyante sa panahon ng "Bagong Normal sa Edukasyon".