You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Polytechnic University of the Philippines


Main Campus Sta. Mesa, Manila
College of Social Science and Development

‘ONLINE CLASS’ SA MGA SOSYOLOHISTANG ‘WORKING STUDENTS’ NG


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES TAONG 2021-2022

Isang Panukalang Pananaliksik na iniharap kay


Jackson Jake Llames
ng Polytechnic University of the Philippines
(Main Campus) Sta. Mesa, Manila

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang


Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Ipinasa nina:
Francine Completo
Marifei Cruz
Daziel Joy Manalo

A.Y. 2021-2022

PANIMULA
Lingid sa kaalaman ng mga tao na maraming mga estudyante ang pinagsasabay ang
kanilang pag-aaral at paghahapbuhay upang matugonan ang kani-kanilang mga pangangailangan
bilang isang mag-aaral. Gayunpaman, marami ring mga programa, ang SPES o Special Program
for the Employment of Students na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga ‘working
students’ ng bansa na sinusuportahan ng Department of Labor and Employment kaya naman
kahit na’y mahirap ipagsabay ang ganitong responsibilidad, kinikilala ng mga tagapangisawa ng
bansa ang ganitong mga isyu tungo sa edukasyon ng mga mahihirap (DOLE 2015). Ngayong
taon 2020 kung saan ang hindi inaasahang pag-atake ng nakakahawang sakit ang isa sa mga
naging sanhi ng kahirapan para sa mga ‘working students’ ng bansa. Ang mga pamamaraan ng
buhay ng mga ‘working students’ ay tila ba nagbago sa isang iglap lalo na’t nagbago rin ang
pamamaraan ng edukasyon ngayong pandemya. Ang ‘online class’ para sa mga ‘working
students’ ng paaralang Polytechnic University of the Philippines sa panahon ng pandemya.

Ang ganitong usapin ay tila matunog sa mga isyung pang-edukasyon lalo na’t ang Online
Class ay naging debate tungo sa kung paano matutustusan ang ganitong pamamaraan ng
edukasyon (Barrot Jessie et al, 2021). Kaya naman magandang pagtuunan ng pansin ang epekto
nito sa mga ‘working students’ bagamat kung ang pagtugon sa pinansyal na pangangailangan ay
isa sa mga pangunahing problema, hindi nakakabuti ang Online Class para sa mga mag-aaral na
ito ngunit ayon kay Zounek and Sudický (2013) na marami ring magagandang dulot ang ‘Online
Class’ para sa mga estudyante, kung usapin ang pinansyal ay makikitang, maliban sa gadyets,
pang-load at wifi ay pareho lamang ang gastusin kumpara sa mga gastusin ng ‘face-to-face’
ngunit ang usaping pinansyal ay maaaring lingunan para sa mga estudyanteg naghahanapbuhay
dahil ang pinakapunto ng problemang ‘online class’ ay ang paghawak ng kani-kanilang oras na
ginugugol para sa parehong responsibilidad.

Lingid sa kaalaman natin ang epekto ng ‘online class’ sa mga estudyante ngayong
pandemya, maraming apektado ang mental na kalusugan at maraming apektado ang kakayahang
makapag-aral. Sa kaso ng mga estudyanteng sumusuong sa ‘online class’ ngayong pandemya ay
nakakapagtakang kabaliktaran ng kanilang mga hinaing ang resulta sa kanilang mga gawaing
paaralan. Madali ang ‘online class’, lalo na para sa mga taong may mahigpit na oras, maraming
ginagawa at may trabaho, mga katangian ng isang ‘working student’. Malaya ang mga ganitong
uri ng estudyante sa kani-kanilang mga responsibilidad, mapa-edukasyon man o trabaho ayon sa
Grand Canyon University: Are Online Classes Easier Than In-Person Classes? (2020). Kaya
naman dito pumapasok ang mga namumuong katanungan na nais tugunan ng pananaliksik na ito.
Gaano nga ba naapektuhan ng ‘Online Class’ ang sitwasyon ng mga sosyolohistang ‘working
students’ sa paaralang Polytechnic University of the Philippines? Dito rin nagtutungo ang mga
palaisipang maaaring mas madali nga ‘online class’ para sa kanila o kaya nama’y karamihan pa
rin sa mga ‘working students’ na ito ang mas nais ang kanilang sitwasyon noong ‘face-to-face’.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pakay ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay masagot ang epekto ng “online
class”sa mga sosyolohistang ‘working students’ sa paaralang Polytechnic University of the
Philippines sa taong 2021-2022.
Ang pananaliksik na ito ay nais masagot ang mga katanungan na:

1. Ano ang dahilan ng pagtatrabaho habang nag-aaral?

2. Ano ang naging epekto ng online class sa kanilang pagtatrabaho?

3. Ano ang naging epekto ng kanilang pagtatrabaho ngayong online class?

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Kwantitatibong uri ng Pananaliksik na deskriptibo


ang paglalarawan upang mabigyan ng kasagutan ang mga inilatag na katanungan ng mga
mananaliksik. Para sa mga katanungan na nagbibigay katibayan sa pananaliksik na ito,
gumumamit ang mga mananaliksik ng online sarbey bilang instrumento sa pagkuha ng kasagutan
ng mga nararapat na repondente ng pananaliksik. Ang mga respondente para sa pananaliksik na
ito ay ang mga ‘working students’ ng kursong Bachelor of Arts in Sociology sa Polytechnic
University of the Philippines.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente para sa naturang online sarbey sa
pamamagitan ng prosesong Stratified Sampling kung saan binukod-bukod ng mga mananaliksik
ang malaking populasyon ng mga estudyante sa sosyolohiya ayon sa pagkakapare-pareho nilang
katangian i.e. ‘working students’. Upang malaman ng mga mananaliksik ang laki ng
populasyong gagamitin para sa mga respondente ay gumamit sila ng pormula ni Taro Yamane
n=N/(1+N*E*E) kung saan ang N ay katumbas ng populasyon ng mga sosyolohistang ‘working
students’ ng Polytechnic University na nagmula sa prosesong pagpili ng Stratified Sampling at
Simple Random sampling (lottery). Ang online sarbey na inihanda ng mga mananaliksik ay
naglalaman ng mga closed questions na inilarawan sa uring rating scale na pamamaraan nang
pagtanong.

Ang mga katanungang inihanda ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Bilang isang ‘working student’ sa panahon ng pandemya, nahirapan ka ba sa


pamamaraang online class?
2. Ano ang mas naapektuhan sa iyo? Ang pag-aaral?
3. O ang oras mo sa pagtratrabaho?
4. Sang-ayon ka ba na mas madaling hawakan ang iyong oras ngayong online class bilang
isang working student?
5. Sang-ayon ka ba na mahirap panatiliin ang kaayusan ng pag-aaral mo sa online class
habang ikaw ay nagtratrabaho?
6. Mas maganda ba ang resulta ng iyong pag-aaral bilang isang working student ngayong
online class?
7. Mas nais mo ba bilang isang working student ang face to face na pamamaraan kaysa sa
online class?

Matapos punan ng mga respondente ang online sarbey na inihanda ng mga mananaliksik
ay kanilang sinuri at pinag-aralan ang mga resultang natanggap upang makamit ang kasagutang
makakatulong sa pag-alam ng mga ipiniprisintang teorya ng pananaliksik na ito. Teorya ng
pananaliksik na ito ang mga sumusunod; sa pag-aaral na ito matitimbang ang epekto ng ‘online
class’ sa mga sosyolohistang ‘working students’ ng paaralan. Ang timbang ng epekto nito sa mga
mag-aaral ay maaaring maging sanhi sa apektado nilang gawaing klase o kaya nama’y mas
mapabuti nito ang resulta ng mga apektadong mag-aaral pagdating sa kanilang praktikalidad,
dahil maaari ring makatulong ang online class pagdating sa paghahanapbuhay ng mga
estudyante.

SANGGUNIAN

Trisha Lovedorio, THE EXPERIENCES OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS OF ST.


GREGORY COLLEGE OF VALENZUELA IN ONLINE CLASS IN THE SCHOOL YEAR
2020-2021, (2021)
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/66271839/PutunganLovederioResearch-with-cover-
page-v2.pdf?
Expires=1644214030&Signature=glBPnzNF71AvpeXsE4Jvx9EhQRqQGops~avRPBLGNE
wkzjgHOJa9pgegMzBM~YKJKR0QNI2dDrlpafYml9AHwlKcYKvoqnIhc6LFP73ZneC~4
x5~tRoTsrYPU4RcKEOqbFHJpkQ8Z7irdQvC1AmTklQ8sx0iZxqRMeeSgu5-
E2WH92MLzsqxy25KPmLNoHf95H-6Qq34NHRl52FNdVYUtH~G6miSPF2-tt3uISL--
uKBBIjvZe58ZEd-
28l8eZgpuVDnTfka8HEKRPVmj4zmzBvBOBwGZcjWoMlLXYdBBU3ErITQibzvGSw8z
Q8NDABVb4C1MgZOavNoaoVCXJxJdQ__&Key-Pair-
Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA

Grand Canyon University, Blog; Are Online Classes Easier Than In-person Classes? (2021)
https://www.gcu.edu/blog/gcu-experience/are-online-classes-easier
Jessie S. Barrot et al, Students’ online learning challenges during the pandemic and how they
cope with them: The case of the Philippines (2021)
https://link.springer.com/content/pdf/10.1007/s10639-021-10589-x.pdf

William Barry V. Codera, YES TO SPES? The Special Program for the Employment of Students
(SPES) Through the Manila Youth Development and Welfare Bureau, (2015)
https://www.iosrjournals.org/iosr-jhss/papers/Vol20-issue9/Version-3/K0209393105.pdf?
fbclid=IwAR2o4B0jChDUU6WRZdgbLOs4saGMpxs1Tta_HOZU4KQUr-
3RZ6e5vKA6fFw

You might also like