You are on page 1of 4

Pananaw ng mga mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang sa The College of

Maasin tungkol sa Online Distance Learning Ngayong Pandemya

Konseptong Papel

Senior High School Department

The College of Maasin

Tunga-Tunga, Maasin City

Bilang Katuparan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Daison, Cherie Mae C.

Mantilla, Chastine B.

ABRIL 2020
THE COLLEGE OF MAASIN
Nisi Dominus Frustra
Maasin City, Southern Leyte
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT

Inilarawan ni Allen & Seaman; Shelton & Saltsman ang online education bilang
isang paraan ng pagtuturo at pakikipag-ugnayan ng guro sa studyante ng hindi nagkikita
ng harapan, ngunit ginagamit ang internet at anumang gadgets kagaya ng computer,
laptop, at smartphones para magturo at mag-aral. Ayon kay Allen & Seaman; Shelton &
Saltsman, ang online education o online class ay hindi na bago sa iilang mga
studyanteng nag-aaral gamit ang platapormang ito noon paman. Ang online class o
learning noon ay hindi gaanong kakilala sapagkat iilan lang ang mga paraalan ang nag-
aalok ng online classes noon at karamihan sa mga studyante ay nag-aaral mismo sa
silid-aralan Mayroon ng online class noon kahit may face-to-face classes pa sapagkat
may mga studyanteng gustong mag-aral sa kanilang mga bahay lamang at may mga
hindi magawang makapasok sa paaralan dahil sa kanilang sitwasyon na kinalalagyan
kagaya ng may mga artista na may trabaho. Ang mga studyanteng ito ay ginagamit ang
internet at kanilang mga gadgets upang makapag-aral at makipag-ugnayan sa kanilang
mga guro kahit pa’y hindi sila nagkikita ng harapan.

Nang magkaroon ng pandemya dahil sa COVID-19, ang paraan ng pag-aaral ng


mga studyante ay nabago sapagkat ang online distance learning ay naiplementa upang
maiwasan ang pagkalat ng virus. Naging “new normal” na pag-aaral at pagtuturo ang
online distance learning sa lahat ng mga studyante at guro ngayong pandemya. Marami
ang nahirapan sa pag aakma at pagsasanay sa kanilang mga sarili sa bagong metodo
ng pag-aaral dulot ng pandemya. Maraming studyante ang nahirapan sa paraan na ito
dahil sa kakulangan ng kakayahang maibigay ang mga bagay na kakailanganin nila sa
online distance learning, mabagal na internet connection, at ang kapasidad nila bilang
isang studyante. Marami din namang nagustuhan ang paraan na ito dahil komportable
silang mag-aral sa bahay. Makikita dito ang pagkahati ng opinyon at pananaw ng mga
studyante sa online distance learning ngayong pandemya.

Nais ng papel na ito na malaman ang iba’t-ibang pananaw ng mga mag-aaral sa


ikalabing-isang baitang sa The College of Maasin kung ano ang kanilang mga
karanasan sa paraan ng pag-aaral na ito. Nais ng papel na ito na matutukan ang mga
opinyon at persepsyon ng mga studyante upang maintindihan sila at maaaring
makagawa ng paraan
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – S.Y. 2020-2021 | 2
THE COLLEGE OF MAASIN
Nisi Dominus Frustra
Maasin City, Southern Leyte
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT

na makatutulong sa kanila kung sakali’y nahihirapan sila. Nais ng papel na ito na


maipakita ang pagkakaiba-iba ng mga pananaw ng studyante sa online distance
learning dala ng kanilang mga kinalalagyang sitwasyon, antas ng buhay at kakayahan
bilang isang mag-aaral.

Sa ngayon at base sa mga naririnig namin mula sa kapwa studyante namin ay


iba-iba ang kanilang mga pananaw ngunit karamihan sa kanila ay nagpapahayag na
talagang nahihirapan sila sa online distance learning kaysa sa face-to-face na pag-aaral
dahil sa mahinang internet connection, hindi sapat na kakayahan para maibigay ang
mga bagay kakailanganin kagaya ng smartphones, laptop, wifi o load, hirap mag-aral
mag-isa

batay sa kapasidad nila bilang studyante at hindi madaling pakikipag-ugnay sa guro at


kaklase. Dahil dito, ipinahahayag ng papel na ito na ang Internet ay maaaring maging
mahalaga para sa edukasyon, ngunit ang online distance learning ay hindi angkop
para sa lahat ng mga mag-aaral at sa lahat ng mga sitwasyon at ang online class
man ay nagbibigay ginhawa sa pamamagitan ng pag-aaral sa bahay ngunit hindi
ito gaanong ka epektibo sa pagkatuto ng mga studyante.

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pag-iinterview sa ilan sa mga


mag-aaral na nasa ikalabing-isang baitang sa The College of Maasin bilang paaran o
metodo na gagamitin sa pagkalap ng mga impormasyon na siyang tutugon sa layunin ng
pananaliksik na isasagawa. Ang pagbibigay din ng mga survey forms o questionnaires
na pasasagutan sa mga napiling respondent ay isa sa mga metodo na gagamitin upang
mas tumatag ang mga gagamiting datos bilang ebidensya mula sa mga sagot nila.

Inaasahang makabubuo ng 15 pahinang output ang pananaliksik na isasagawa


na siyang tutugon sa layunin ng konseptong papel na ito. Inaasahan ding maipapakita
ng konseptong papel na ito ang iba’t-ibang pananaw ng mga studyante sa online
distance learning sa panahon ng pandemya at magbigay ng kalinawan sa kung ano ang
rason ng kanilang mga pananaw upang matukoy kung saang panig ang mas

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – S.Y. 2020-2021 | 3


THE COLLEGE OF MAASIN
Nisi Dominus Frustra
Maasin City, Southern Leyte
ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT
matimbang. Inaasahan ding makapagpahayag ng pwedeng maging solusyon sa kung
anumang problemang mababangit sa pagsagawa ng pananaliksik.

*Ang bahaging nakasulat nang madiin ay ang pahayag ng tesis o thesis statement ng
pananaliksik na ito

MGA SANGGUNIAN:

https://www.onlineschools.org/visual-academy/

https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-
mga-kabataan/

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – S.Y. 2020-2021 | 4

You might also like