You are on page 1of 3

MODULE 4

Pagbati! Mahusay mong napagtagumpayan ang mga gawaing kalakip ng modyul na ito.
Ngayon naman, bilang paglalagom ng mga natutuhan, isagawa ang kahingian sa ibaba.

Panuto: Balikan ang iyong ipinasang SA1 sa SHSKomfili. Mula sa pangkalahatang


paksa na iyong tinalakay, tumukoy at magtala ng 3 tiyak na paksa o suliranin na
maaaring gamitin sa pagbuo ng panimulang pananaliksik. Mula sa mga naitalang paksa
ay pumili ng isang pinakaangkop at sumusunod sa katangiang dapat taglayin ng paksa
ng pananaliksik. Matapos ito, maglahad ng tesis na pahayag at 3-5 tanong-pananaliksik
kaugnay ng paksa/suliranin. Sundin ang talahanayan sa ibaba.

Aspektong Lingguwistiko at/o Kultural/Isyung


Pangkalahatang Paksa Panlipunan ng Komunidad na Kinabibilangan

1. Epekto ng Pagsasagawa ng Online


Tala ng mga Tiyak na Paksa Learning Modality sa Akademikong
Pagganap ng mga Mag-aaral ng Senior
High School STEM Strand ng De La
Salle - Lipa Mula 2021 hanggang sa
Kasalukuyan
2. Epekto ng Social Media sa Tamang
Paggamit ng Wikang Filipino ng mga
Mag-aaral na Senior High School
STEM Strand sa De La Salle - Lipa
3. Epekto ng Online Learning Mode sa
Aspektong Sikolohikal ng mga Ika-12
Baitang na Mag-aaral ng STEM Strand
ng De La Salle - Lipa Mula Taong 2021
hanggang sa Kasalukuyan
Napili at Nalimitahang Paksa
Epekto ng Pagsasagawa ng Online Learning
Modality sa Akademikong Pagganap ng mga
Mag-aaral ng Senior High School STEM
Strand ng De La Salle - Lipa Mula 2021
hanggang sa Kasalukuyan

Tesis na Pahayag Nang dahil sa pandemyang COVID-19 ay


umusbong ang makabagong pamamaraan ng
pag-aaral o ang Online Learning Modality.
Samakatwid ay nagresulta ito ng negatibong
epekto sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral ng Senior High School ng De La
Salle - Lipa dahil hindi ito ang nakasanayan.
1. Ilang porsyento ng mga mag-aaral ang
kumportableng lumahok sa mga online
3-5 Tanong-Pananaliksik na klase bilang alternatibong paraan ng
edukasyon?
2. Ano ang antas ng akademikong
pagganap ng mag-aaral bilang resulta
ng epekto ng online learning mode?
3. Ano ang maaaring gawin ng mga mag-
aaral upang mapataas ang kanilang
mga marka sa harap ng ganitong uri ng
kapaligiran?

MODULE 5

Panuto: Balikan ang iyong naging output sa Modyul 4: Paglalahat kung saan ikaw ay
nagtala ng mga tiyak na paksa na maaaring gawan ng pananaliksik. Bigyang pokus ang
paksang napili mula sa mga naitalata at ilahad ang tugon sa bawat aytem. Ilimita
lamang sa 2-3 pangungusap ang tugon sa bawat tanong.

NAPILING TIYAK NA PAKSA: Epekto ng Pagsasagawa ng Online Learning Modality


sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral ng Senior High School STEM Strand ng
De La Salle - Lipa Mula 2021 hanggang sa Kasalukuyan

1. Tungkol saan ang paksang napili? Maglahad ng 2-3 pangungusap na


maglalarawan sa paksa.
Sa kadahilanang mabilis na tumataas ang kaso ng COVID-19 ay minabuti
ng pamahalaan na itigil muna ang aktwal na pagpasok sa klase ng mga mag-
aaral. Kaya’t bilang alternatibo ay nagpatupag ang pamahalaan ng Online
Learning Modality upang malimitahan ang umaangat na bilang ng kaso ng
COVID-19. Nagkaroon man ng solusyon sa pag-aaral ay kasabay naman nito
ang pagkakaroon ng negatibong epekto sa akademikong paggawa ng mga mag-
aaral.
2. Bakit mahalagang gawan ng pananaliksik ang napiling paksa?
Nararapat na gawan ito ng pananaliksik sapagka’t ito ay kasalukuyang
nararanasan ng mga mag-aaral ng De La Salle - Lipa. Kung ito ay mabibigyang
linaw ay magkakaroon ng mas magandang epekto ang Online Learning Modality
sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong-pananaliksik na makatutulong
upang maging maayos ang resulta ng akademikong paggawa ng mga mag-aaral.
3. Sino-sino ang magiging kalahok ng iyong gagawing pananaliksik/pag-aaral?
Ang mga magiging kalahok ng aking gagawing pananaliksik ay ang mga
mga mag-aaral na Senior High School na nalilimita lamang sa strand na STEM
(Science, Technology, Engineering, and Mathematics) ng De La Salle - Lipa.
4. Ano-anong paraan ang iyong isasagawa upang makapangalap ng datos kaugnay
ng napiling paksa?
Nang dahil sa hindi pa nagkakaroon ng face-to-face na pag-aaral, ay
aking gagamitin ang online website na Microsoft Forms sa pangangalap
ng datos mula sa mga napiling kalahok. Sa pamamagitan ng paghahatid
ng mensahe na kung saan ay nakapaloob ang link ng kwestuneyr ay mas
mapapadali ang pangangalap ng impormasyon.

You might also like