You are on page 1of 3

Likas na satin bilang isang indibidwal na makapagtapos ng pag aaral sapagkat ito’y

makakatulong sa pag unlad hindi lamang para saating sarili pati na rin sa ikauunlad ng ating
bansa. Sa pamamagitan ng edukasyon, marami tayong pwedeng matuklasan o malaman na
kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang paggawa ng matalinong desisyon, isa sa epekto ng
edukasyon dahil sa pamamagitan nito mas nagiging kritikal at mausisa tayo sa pag iisip ng mga
bagay bagay kaya’t magdudulot ito ng mas mabuting resulta para saatin. Subalit binago ng
pandaigdigang pagkalat ng sakit na dulot ng virus na Covid-19 ang mga buhay ng tao. Dahil sa
pandemya, Isa sa mga sektor na lubos na naapektuhan ay ang edukasyon. Dahil sa banta na
dulot ng Coronavirus, napilitan ang mga paaralan sa buong bansa na magsara at lumipat mula
sa on-campus face to face learning patungo sa distance learning. Ano kaya ang nagging epekto
nito sa mga mag-aaral?

Mahigit dalwang taon na ang


nakakalipas ng magsimulang
lumaganap ang COVID19 sa ating
bansa.
Marami na nabago at patuloy na
binabago ng pandemyang hindi
natin inaasahan. Ang mga
karaniwang
pagtitipon noon ay hindi na
maaring isagawa. Lahat ay
kailangang manatili sa loob ng
bahay, magsuot ng
facemask at dumistansya sa ating
kapwa. Bukod dito , lubhang
naapektuhan din ang edukasyon ng
bawat
kabataan.
Mahigit dalwang taon na ang nakakalipas ng magsimulang lumaganap ang COVID19 sa
ating bansa. Marami na nabago at patuloy na binabago ng pandemyang hindi natin inaasahan.
Ang mga karaniwang pagtitipon noon ay hindi na maaring isagawa. Lahat ay kailangang manatili
sa loob ng bahay, magsuot ng facemask at dumistansya sa ating kapwa. Bukod dito, lubhang
naapektuhan din ang edukasyon ng bawat kabataan, isa na ako roon. Ako ay nasa ika walong
baiting ng lumaganap ang pandemya, Ilang linggo na lamang noon at matatapos na ang school
year. Ang mga eskuwelahan na binubuhay ng halakhak at paglalaro ng mga bata, mistulang
nawalan ng kulay. Sapagkat kaming mga estudyante, ang aming tahanan ay siyang nagsisilbing
paaralan. Ang online class o virtual class ay namayagpag at siyang tinatangkilik. Hindi nagging
madali sa umpisa ang aking karanasan sa online class sapagkat madaming pagsubok, una dito
ang hamon ng walang matatag na internet koneksyon, ako’y nahihirapan sa pagpasok sa link ng
aming klase o kung kaya kahit ako ay nakapasok na ang kakulangan ng stable na internet ay
siyang nagpapawala sa akin sa pokus sa tinatalakay ng aming guro sapagkat hindi ko
naiintindihan ang kanilang sinasabi dahil sa aking banda sila ay parang robot na kung magsalita.
Sa pamamagitan din ng online class ako ay natutong mag puyat, sapagkat madami ang binigay
na mga Gawain, naalala ko pa noon dahil nga sa kakulangan ng koneksyon hinihintay ko pa ang
madaling araw upang makagawa ng mga gawain, at assignments sapagkat sa oras lamang na ito
lumalakas ang aming internet. Hindi ko din malilimutan, ang pagsasagot ko ng madaling araw ng
aking mga exam buti na lamang at mabait ang aking guro at binigyan kami ng mahabang oras
upang sagutan ang exam. Tunay ngang napakahirap ng epekto ng pandemya subalit sa kabila
nito nalaman ko kung sino ang siyang mas totoo saakin. Naalala ko pa noon ang mga kaklase ko
na hindi ko nakakausap sa personal ay biglang mag c-chat saakin, yun pala ay hihingi lang ng
sagot sa mga gawain. Dahil sa online class mas nakilala ko ang mga taong handa kang tulungan
upang hindi ka maiwan sa mga aralin at ang gagamitin ka lamang para sila ay mapadali.
Gayundin, ang komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral ay mahirap din sapagkat sa
pamamagitan ng mga chat o e-mail lamang maaring makipag-usap. Hindi ito tulad ng face to
face classes na kaming mga estudyante ay lalapit sa guro at magtatanong kung meron kaming
hindi nauuwaaan sa aming pinag-aaralan, kumbaga ay mas mabilis ang diskurso sa pagitan ng
mga guro at mag-aaral. Ngunit kung iisipin, sa pamamagitan ng online class ay napapanatili ko
ang aking sariling at ang aking pamilya ligtas at malayo sa pagkahawa ng sakit na kumakalat
ngayon sa ating bansa.
Bilang pangwakas, para sa akin ang pagkakaroon ng online class sa gitna ng pandemya ay
napakahirap ngunit ito ay nakakatulong saming mga estudyante pati na mga guro upang
ipagpatuloy ang aming pag- aaral at maging ligtas. Ngayon, ako ay isang ganap na senior high
school student na at ako ay natutuwa sapagkat ang aking hirap at pagod na dinanas sa pag-aaral
sa gitna ng pandemya ay sulit at ngayon ako ay ganap ng Iskolar ng bayan. Bagamat maraming
mga hamon ang dala ng online class ang mapapayo ko lang ay wag mawalan ng pag asa at
magpatuloy sa pag abot ng pangarap sabi nga nila kapag may itinanim, may aanihin. Subalit
wag din nating kalimutan alagaan ang ating sarili sapagkat nariyan pa din ang covid sa paligid
pero kahit anong hamon ng buhay tumingin ka sa positibong daan.

You might also like