You are on page 1of 1

Hindi ka Nag-iisa

Naaalala niyo pa ba noong taong 2019? Tulad kong estudyante, lahat ay nasiyahan
noong idineklara ng mga paaralan ang isang linggong walang klase, ngunit lingid sa kaalaman
natin na ang isang linggo ay aabot pala ng buwan hanggang sa naging taon. Dito dumating ang
isang pangayaring di-inaasahan ng lahat na siyang malaki ang naiambag sa pagbabago ng
takbo ng buhay ng mga tao sa buong mundo. Nagkaroon ng pademya sanhi ng makabagong
virus na tinatawag na corona virus. Ito ay kumalat sa buong mundo at isa sa mga naapektuhan
nito ay ang sektor ng edukasyon. Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural
Organization (UNESCO), mahigit 800 milyong mag-aaral mula sa buong mundo ang
naapektuhan at naging resulta nito ay ang pagsasara ng mga paaralan at pagpatupad ng online
at modular na paraan ng pag-aaral. Sa araw na ito, isang kasiyahang maimbitahan bilang isang
panauhing tagapagsalita sa harap ng mga magagandang tao tulad ninyo. Magandang umaga sa
inyong lahat, ako si (pangalan).
Sa panahon ngayon, malaking papel ang ginampanan ng smartphones dahil ito ang
ginagamit natin upang makapagkomunikasyon sa ating mga kamag-aral at mga guro. Ngunit sa
pagbago ng paraan ng pag-aaral, ang gadgets ay naging isang pangangailangan ng bawat mag-
aaral sapagkat ito ang ginagamit na midyum upang makapagdalo sa klase. Isa itong hamon sa
mga mag-aaral, magulang, at mga guro dahil hindi lahat ay may kakayahan na bumili nito. Isa
ring hamon ay ang pagkaroon ng mahinang signal. Ito ang sitawayson na lahat ng estudyante
ay nakaranas at dahil dito ay hindi makapasok sa klase o makagawa ng gawain sa partikular na
asignatura ang isang mag-aaral at minsan ay kung saan-saan na pumpunta para lang
makahanap ng maayos na koneksyon. Dahil hindi sanay ang mga mag-aaral sa bagong paraan
ng pag-aaral, umaasa ang iba sa internet para kumuha, hindi lamang ng kaalaman, kundi pati
mga kasagutan sa mga aktibi na pinapagawa. Tayong mga mag-aaral lang din ang talo dahil
nag-aaral na lamang tayo upang magkaroon ng mataas na grado at hindi para makakuha ng
kaalaman mula sa paaralan. Kung malalampasan natin ang mga hamong ito, tiyak na ang ating
bukas ay maliwanag. Maaaring magtagal ang mga proseso na ating pagdadaanan upang muling
bumalik sa paraan ng pag-aaral bago pa man dumating ang pandemya, ngunit inaanyayahan ko
kayong gawin ang lahat para malampasan ang mga ito.
Kahit na hindi natin mahulaan ang hinaharap, ang pagpaplano ay palaging isang
magandang ideya. Sa kabila ng mga hamon, may mga pagkakataong gusto nating kumpletuhin
ang lahat nang walang kamali-mali, ngunit minsan kailangan nating tanggapin ang ating sarili
sa paggawa ng ating makakaya dahil ika nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.” Hindi natin hahayaang pigilan tayo ng COVID-19. Sa sitwasyong ito, lahat tayo ay
kailangan harapin ang mga hamon.
At kung dumating man ang araw na nakamit mo ang mga pangarap sa buhay dahil
sumikap ka habang isang mag-aaral ka pa lamang, masasabi mo sa iyong sarili, “Ginagawa ko
ang makakaya ko kaya ako’y naririto.” Gayunpaman, ang dapat nating itatak palagi sa ating
isipan, “Hindi ka nag-iisa.”

You might also like