You are on page 1of 1

Talumpati ukol sa limitadong Face-to-Face Classes

Ang ating bansa ngayon maging ang buong mundo ay kinakaharap ang isa sa matinding dagok ng
kasaysayan. Mayroon tayong kaaway na hindi nakikita ng ating mga mata lamang at ito’y patuloy na
lumalakas at walang habas na kumikitil ng buhay ng ilang mga biktimang naakakapitan nito; bata, man o
matanda, may kaya man o wala. Sa kadahilanang ito, kumilos ang ating gobyerno upang ma protektahan
ang mga mamamayan, isinara ang mga pyier, mga Paliparan at iba pang mga transportasyon ng bansa,
at maging ang mga negosyo at mga paaralan sa lahat ng antas na syang naging hudyat na mag bago ang
ating “normal” na pamumuhay. Kung saan hindi natin nagagawa ang maraming bagay na noo’y parati
nating ginagawa. Isa sa pinaka naapektohan nito ay ang pag aaral ng maraming mga estudynte. Mula sa
tradisyunal na pag-aaral ay biglang pinalitan ng modyular na pag aaral. At ayon sa pahayagang The
Philippines star mahigit sa limang milyong estudyante mula elementarya hanggang hayskul ang hindi
nakapag enrol sa taong 2021. At isa pang kaugnay na isyu nito ay ang mga umanoy estudyanteng kinikitil
ang kanilang sariling buhay dahil hindi kinakaya ang ganitong pamamaraan ng pag aaral. Kaya ang
magiging paksa ng talumpating ito ay ang pag hihimok ng pagkakaroon limitadong face-to-face classes.

Hindi natin maipagkakaila na hindi pa tayo ligtas mula sa pandemyang kinakaharap natin. Ngunit
sa pamamagitan ng pag sunod ng minimum health protocols gaya ng pag susuot ng mask, pagpapanatili
ng isang metrong distansya sa bawat isa, palaging pag huhugas ng kamay at pinaka importante sa lahat
ay ang pagpapabakuna. Ang mga ito ay ang mga elemento upang magkaroon ng limitadong klase nang
sa gayon ay mas may matutuhan ang mga estudyante lalo na pagdating sa mga klaseng may mga
laboratoryo. Ayon naman sa Chair ng CHED (Commission on Higher Education) noong Disyembre ng
nakaraang taon ay umabot na sa 45% ng mga estudyante sa koleheyo ang nakapagpabakuna na.

Sa kabilang dako naman, ayon kay Mario Alvaro Limos isang manunulat sa isang artikulo sa
esquiremag.ph, kahit na ang Timog-Silangang Asya ang may pinakamaraming naitatalang bagong kaso
ng Delta Variant ay pinili pa rin ng ating mga karatig na bansa na mag bukas ang mga paaralan habang
ang ating bansa at ang bansang Venezuela na lamang ang nananatilign walang pisikal na klase sa buong
mundo noong nakaraang taon.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mas pinipili na buksan ang mga pasyalan gaya ng
mga mall. Habang sang ayon sa isang artikulo sa internet na onenews.ph, na ang SM supermalls foot
traffic o bilang ng mga taong pumappasok sa isang establisyimento ay umabot sa 120% sobra kumpara
noong wala pa ang pandemya. Habang ang mga paaralan ay walang nakakapasok na mga estudyante
ang mga pasyalan naman ay dinadagsa ng mga tao. Kaya napapatanong ako, mas matimbang ba ang
ekonomiya kumpara sa hinaharap ng mga kabataan?

Sa aking pag tatapos ay mag iiwan ako ng mga katanungan na aking napag isip isip as
kalagitnaan ng pandemyag ating nararanasan: Marami nang hindi naka pag enroll at nag drop out dahil
sa pagiging magastos ng online learning, hahayaan nalang ba nating maging ganoon nalang? Ang bansa
natin ay isa sa dalawang bansang nahuhuli sa pagbabalik ng pisikal na klase, mannatili nalang ba tayong
ganito nalang? Panghuli, habang ang mga pasyalan ay dinadagsa ng mga tao partikualr ng mga
estudyante, hahayaan ba ang mga paaralan na nakasara nalamang? Sa wari ko’y wala tayong dapat
sayangin na oras dahil habang tumatagal ang online classes ay mas kumukonti ang natututunan ng mga
mag aaral, ,mas dumadami ang hindi nagpapatuloy sap ag aaral at nahihirapn sa ganitong paraan ng pag
aaral kaya kalian nang magkaroon ng limited face to face classes sa mga estudyanteng
nakapagpabakuna na , dahil kung hindi ngayon, kalian pa? at kung kinaya nila, tayo pa kaya hindi ba?

You might also like