You are on page 1of 2

Jonrei Kendrick T. Espiritu Ms.

Nocillado,
Carina

12STEMA9
FIL003

Posisyong papel ukol sa pag-papatuloy ng Face to Face Classes sa panahon ng pandemya

KALUSUGAN AY BIGYAN TUON: ALTERNATIVE LEARNING AY IPAGPATULOY,


HUWAG ISAKRIPSYO ANG KALUSUGAN NG MGA ESTUDYANTE PARA SA PAG-AARAL .

Sa patuloy na paglaban sa pandemya ng bawat Filipino sa ating bansa, maraming sektor at mga
salik ng lipunan ang naapektuhan. Isa sa mga pinaka malaking hamon, ay ang pagpatuloy ng pag-aaral.
Ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw saatin ninuman kaya’t ito’y pahalagahan.
Nakakasawa man pakinggan ay totoo ang katagang ito. Ang DepEd (Department of Education) ay naka-
isip ng paraan upang hindi maging hadlang ang pandemic sa pagkatuto ng mga estudyante. Pinatupad ang
Blended Learning na isang strategy na pinaghahalo ang tradisyonal at online na paraan ng pagtuturo,
dahil dito naging posible ang birtwal na mga klase na tinatawag na “online class.” Naging pabor ito sa
mga may kaya sa buhay dahil kaya nilang bumili ng mga gadget na kinakailangan samantala, ang mga
hirap naman sa buhay ay lalo pang nahirapan dahil sa dagdag gastusin. Marami din ang nahihirapan at
napagiiwanan dahil sa mabagal na koneksyon sa internet. Pati mga guro ay madalas din nagkakaroon ng
mga teknikal na isyu dahil sa mga ingay,internet, at mic.

Dahil sa mga komplikasyong nabanggit ukol sa Online classes, nagpaplano ang DepEd na ibalik
ang face to face classes sa mga piling lugar. Ayon din sa Comission on Higher Education o CHEd
pinayagan na ang ibang mga kolehiyo sa ating bansa na mag Face to face class. Hindi ako sang ayon sa
desisyon ng DepEd at CHEd sa kadahilanang: patuloy padin ang pagtaas ng kaso ng mga Covid-19 na
kaso sa ating bansa at karamihan ng mga estudyante ay hindi pa nababakunahan. Paano pa kaya kung
pinayagan na ang face to face classes, maari itong dumoble o tumriple pa. Sapat bang dahilan ang mga
suliranin sa internet, mic,gadget at iba pang teknikal na isyu upang isakripisyo ang kalusugan ng mga
estudyante, guro pati na din mga tauhan sa paaralan makamit lang ang pagkauhaw natin sa edukasyon?
Hindi, mas lalong lalala at dadami ang kaso ng Covid-19 at mawawalang bisa ang lahat ng pag titiis natin
sa mga lockdown: Gcq, Ecq at Mecq.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong ika 15-28 ng oktubre ay nagkaroon ng
mahigit sa 70,000 na kaso para sa total na 2.77 milyon na kaso sa buong Pilipinas. Patulo’y parin ang
pagtaas ng mga kaso kaya hindi pa pwedeng magkaroon ng face to face classes. Maraming lugar na ang
namimigay ng libreng gadget at allowance pang load o internet halimbawa nito ang mga tablet na
pinapamigay sa lungsod ng Maynila, Taguig, Pasig, Makati at iba pang mga lugar. Wala rin maayos na
sistema kapag nagkaroon man ng face to face at paniguradong hindi makokontrol ng mga paaralan o
unibersidad ang pakikisalamuha ng mga estudyante. Hindi din bakunado ang ilang mga estudyante ng
dahil sa hindi pa aprobadong bakuna sa mga under 18 at kahit na limitado ang mga papayagan na
paaralan ay malaki padin ang panganib dahil hindi lahat ay may sariling sasakyan upang maghatid sundo,
karamihan ay bumabyahe o nag cocommute araw araw.
Oo mahalaga ang pag-aaral at ito’y kayamanan ngunit hindi ito sapat na dahilan upang
isakripisyo ang ating mga kalusugan. Kulang na sistema, bakuna, disiplina at gobyernong walang
koordinasyon. Ang bansang Pilipinas ay hindi pa handa sa ganitong hakbang ngunit malay mo magkaroon
ng matinding pagbabago sa darating na halalan sa ating bansa.

You might also like