You are on page 1of 39

Pag-aaral sa mga karanasang sikolohikal ng mga OFW ng probinsya ng Tarlac sa gitna ng krisis

at pandemya:

Kwalitatibo at Kwantitatibong pagsusuri

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Prof. Shindy Abigael Morales

Bilang pagtupad sa pangunahing pangangailangan sa

Asignaturang Mga natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan

Isinumite nina:

Harold Lee R. Sarmiento

Myca Santos

Carmie Sibayan

April Joy Sumido

Donnalyn Tolentino

Rowena Valdez

Disyembre 2020
Republika ng Pilipinas
TARLAC STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG PANGGURONG EDUKASYON
CENTER OF DEVELOPMENT
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of
Chartered and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

Pag-aaral sa mga karanasang sikolohikal ng mga OFW ng probinsya ng Tarlac sa gitna ng


krisis at pandemya:
Kwalitatibo at Kwantitatibong pagsusuri

ABSTRAK

Bayani kung ituring ang mga mangagawang Abroad o OFW. Sila ay masasabing bayani

dahil handa nilang isakripsyo ang kanilang buhay para lang sa kapakanan ng kanilang mga

pamilya. Marami ang napipilitang mangibang bansa dahil na rin sa kahirapan at mababang

pasahod sa ating gobyerno. Hindi biro ang mga pinagdaanan ng mga ito na kung minsan ay may

nakakaranas ng depresyon dahil sa matinding kalungkutan . Ang pagkawalay sa mga mahal sa

buhay ay isa sa mga negatibong kahahantungan ng pangingibang bansa. Layunin ng pag-aaral na

ito na malaman ang mga ibat – ibang karanasang sikolohikal ng mga OFW sa gitna ng krisis at

pandemya.. Saklaw ng pag-aaral na ito ang sampung OFW na siyang pinili batay sa kawilihan

nilang magbahagi ng kanilang karanasan. Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay sarbey at

ang resulta ng pag-aaral ay inalisa gamit ang mixed method na kinabibilangan ng Kwantitatibo at

Kwalitatibong pag-susuri. Ang resulta ng pag-aaral ay mariing inilahad ang mga pasakit at hirap

na kinakaharap ng mga OFW. Ang mga problema na karaniwan nilang kinakaharap sa

pangingibang bansa ay kanilang ibinunyag upang lubos na mabigyang linaw kung gaano ba ang

kanilang sitwsasyong mental sa kabila ng mga krisis at pandemya na kanilang kinakaharap. Ang
pag-aaral na ito ay produkto na maaring gamitin upang mabigyang boses ang mga OFW na

naghihirap sa ibang lunduyan.

MGA SUSING SALITA

Ang mga sumusunod na terminolohiya katawagan ay ipaliliwanag ng mananaliksik upang higit

na makatulong sa pang-unawa ng mga mambabasa.

Allowance – isang kabuuan ng pera, madalas sa pamamagitan pagbibigay ng magulang ng pera

pang-gastos ng anak.

Benefits – tumutukoy sa mga mabubuting epekto na maaaring makuha o matanggap mula sa

isang bagay, gawain o trabaho.

Covid 19 (Corona Virus Disease) – isang sakit na dulot ng virus na maaaring kumalat o

makahawa mula sa isang taong may sakit patungo sa taong nakausap o nakasalamuha nito.

Descriptive Survey Research Design – isang metodolohiya na ginagamit sa pananaliksik tulad

ng paghahanda ng mga katanungan na bibigyang kasagutan ng mga tagatugon o kalahok sa pag-

aaral.

Domestic Helper – kasambahay na gumagawa ng mga gawaing bahay sa ibang bansa.

Financial – pera, pananalapi na ginagamit sa mga gastusin sa araw-araw.

Home sickness – isang damdaming nararamdaman kapag malayo sa pamilyar na lugar at sa mga

mahal mo sa buhay tulad ng pamilya at mga kaibigan.

Migration – paglipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar o bansa patungo sa ibang lugar

o bansa.

Misunderstanding – pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa o higit pang

tao.

Monthly Expenses – gastusin sa loob ng isang buwan, maaaring bayarin sa bahay, tubig,

kuryente, pagkain.
Monthly Income – buwanang kita na nagsisilbing budget o panggastos ng buong pamilya.

OFW (Overseas Filipino Workers) ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa para sa

kanilang mga pamilya.

Pandemya – isang epidemya ng nakahahawang sakit na kumakalat sa isang malawak na

pulasyon o rehiyon.

Permanent Resident / Naturalized Resident – pagiging permanenteng residenteng

nanininarahan sa isang lugar o bansa.

Philippine Statistics Authority – isang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas na nagkokoordina

ng mga patakaran sa larangan ng estadistika sa Pilipinas.

Private – pribado na maaaring tumatalakay sa pribadong paaralan at maaari ring pribadong pag-

uusap o maselan.

Respondent – mga taong kalahok o tagatugon sa isang Gawain o pag-aaral.

Single Parent – nag-iisang magulang, wala ng katuwang na asawa sa pagpapalaki ng mga anak.

Statistical Table – ginagamit sa maayos na paglalahad ng mga datos na binubuo ng mga hanay

at kolum.

MGA SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may titulong Kwalitatibong pagsusuri sa mga karanasang sikolohikal ng

mga OFW sa ibat bang lalawigan ng Tarlac ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na

suliranin

1. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga ispesipikong kahingian:

Propayl ng mga kalahok


1.1 Edad o Gulang

1.2 Kasarian

1.3 Bilang ng taon sa ibang bansa

1.4 Buwanang sahod

2. Ano ang mga problemang mental ang iyong narasan sa pangingibang bansa?

3. Ano-ano ang iyong mga alternatibong paraan o solusyon upang maibsan ang mga sikolohikal

na problemang ito?

4. Ano ang iyong dahilan kung bakit ka nangibang bansa?

5. Ano ang iyong suhestyon sa gobyerno upang hindi na mangibang bansa ang mga OFW?

6. Ano ang iyong kalagayan ngayong pandemya?

INTRODUKSYON

Isa sa mga dagok sa buhay ng mga Filipino ang salitang kahirapan. Ito ang dahilan kung

bakit marami sa mga mangagawang Filipino ay napipilitang mangibang bansa upang kumita ng

dolyar. Tingin ng iba ay ang migrasyon ang sagot upang makaahon sa buhay at hindi na nila

iniisip ang mga peligro na kanilang pagdadaanan sa kamay ng mga dayuhan

Migrasyon ang termino sa pandarayuhan ng mga tao patungo sa ibang bansa. Pagyaman

ang laging nasa isip ng mga tao kaya nila ito ginagawa. Sinasantabi na ng mga ito ang kanilang

karanasang sikolohikal na maaring maranasan kaya ganun na lamang kadali sa kanila na

dumayo sa ibang bansa.

Taon-taon libu-libong Overserseas Filipino worker sa Timog-silangang Asya ang

pinapadala sa ibat ibang dako ng mundo. Sa nagdaang apat na dekada, nagkaroon ng paglobo ng

bilang ng mga pilipinong migrante na umaalis sa bansa upang maghanap ng mas magandang

oportunidad sa trabaho at mas mataas na kita (International Organization for Migration [IOM]

2013).
Malaking pagsubok para sa isang OFW ang lisanin ang bansang tinubuan upang

makipagsapalaran sa mga ibang bansa. Ang kahirapan, mga isyu sa trabaho, mga alalahanin sa

pamilya, mga pangangailangan sa pananalapi, at ang mababang pasahod ay iilan lamang sa mga

dahilan kung bakit maraming pinoy ang pinipiling mangibang bansa kaysa manatili sa sariling

bayan

Ayon sa ulat ng IOM taong 2011, ang bilang ng mga Pilipinong migrante ay umabot na

sa halos 10.5 milyong katao na nagtatrabaho sa halos dalawang daang iba pang mga bansa. Sa

datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWA) taong 1900 nagsimula ang

migrasyon sa Pilipinas.

Sa dumaraming bilang ng mga OFW, marami na rin ang naiulat na lumago sa pananalapi.

Ito ang nag udyok sa maraming mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. Lumalakas din

umano ang Violence o karahasan sa mga OFW sa paglipat ng mga manggagawang Pilipino.

Dahil dito, ipinag-utos ni Rodrigo Roa Duterte, ang Pangulo ng Pilipinas, ang (temporary ban)

pagbabawal sa mga OFW sa ilang mga kinilalang bansa para sa kanilang kaligtasan (Aquino,

2018)

Sa kabila ng mga pagbabawal mula sa gobyerno ng Pilipinas, maraming mga OFW pa rin

na ayaw bumalik Pilipinas; nais nilang manatili at magtrabaho pa rin dahil na rin sa pinansyal na

pangangailangan. Sinabi ni Lim (2016) sa kanyang ulat na habang ang ilang mga Pilipino ay

isinasaalang-alang ang pag-uwi sa gitna ng karahasan, marami pa rin ang nagpasyang lumipat sa

mas ligtas na mga lokasyon kung saan maaari silang magpatuloy sa pagtatrabaho. Bukod sa tila

pagpupumilit na manatili, maraming mga Pilipino ang nais pa ring subukan ang kanilang

kapalaran sa ibayong dagat na nagpapakita ng kanilang lakas at determinasyon na kumita para

mabuhay
Ayon sa datos ng bayani care.com malaki ang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga

kinikita ng milyon-milyong Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa ibang bansa--mga 2.3

milyon na sila, ayon sa Philippine Statistics Authority (2017). Kaya ganun na lamang ang

suporta ng gobyerno sa mga ito.

Ang migrasyon ay may mabuti at masamang maidudulot sa ating bansa. Masasabi na

marami ang umaasenso sa mga nangingibang bansa ngunit marami din na ulat na nagsasabi na

marami din ang nagiging sawing palad dahil humahantong sila sa kagipitan at kahirapan.

Hindi porket nag-abroad mapera na, hirap at pasakit ang katumbas ng bawat sentimong

kinikita, kaya masasabi natin na ang pangingibang bansa ay hindi basta basta. Yumaman ka man

ng sandamakmak pero masaklap naman ang iyong emosyon dahil na rin sa kawalan ng oras sa

iyong pamilya

Ang buhay ng isang OFWs, ay isang pagsubok, bangungot na sila’y mawalay sa

kanilang mga mahal sa buhay. Malaki ang impluwesya ng mga Pamilya nila sa kanilang buhay

upang silang mag trabaho sa ibang bansa. Ngunit sa kabila ng nangyayari sa ating mundo ano

kaya ang sitwasyon at karanasan ng isang OFWs sa ibang bansa.

Hindi maitatanggi ang hirap ng buhay sa Pilipinas. Tinatayang nasa 4.6 milyon o

sampung porsyento ang bilang ng mga Pilipino ang walang trabaho nitong Hulyo batay sa

pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority.

Ang hirap ng buhay at kawalan ng trabaho sa Pilipinas ang nag-uudyok sa mga Pilipino

na mangibambayan. Pilit na nakikipagsapalaran sa ibang bansa at tinitiis ang sakit at

pangungulila sa pamilya.

Mga kadahilanan ng mga Filipino sa pangingibang bansa


Marami at iba-iba ang kadahilanan ng mga OFW kaya nangingibambayan ang mga ito

kahit walang kasiguraduhan ang landas na tatahakin nila sa ibang bansa kaya’t maraming mga

Pilipina ang naaabuso at napagsasamantalahan ng kanilang mga amo dahil karamihan sa mga

OFW ay hindi nakapagtapos ng pagaaral at dahil na rin sa gap ng wika at kultura.

Ayon sa DOLE ang nangungunang dahilan ng mga OFW sa pangingibang bansa ay ang

mataas na pasahod. Kaya maraming mga pinoy ang nagnaais na mangibang bansa dahil ang

mindset nila ay ang pagyaman.

Ang mga iba naman ay nangingibang bansa dahil na rin sa kagustuhan nila na manirahan

sa isang lugar upang makakuha ng permanenteng address o kung tawagin ay permanent

residency

Ayon naman sa datos ng PhilJob.net ang mga iba naman ay naniniwala na ang pag-

aabroad ang tanging paraan upang makahanap ng disenteng trabaho para maitaguyod ang

pamilya. Ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas ang isa sa mga punot dulo kaya marami ang

nangingibang bansa kaya hindi natin sila masisi.

Ang mga ngiti sa mga labi ng mga OFW ay pansamanatala lamang pero ang sakit ng

pagkawalay sa pamilya ay isang dagok na matagal na madarama.

Kinakaharap ng mga OFW sa ibang bansa

Sa pag-aaral ni Gerald Dizon ay kanyang natuklasan ang mga problema na kinakaharap

ng mga OFW sa ibang bansa.

Una na sa listahan ni Dizon ay ang Culture Shock, ang pagkagulat o dili kaya’y

pagkalito sa ilang kagawian ng mga dayuhan sa kanilang bansa. Isang pasakit sa mga OFW ang

makisabay sa kultura ng ibang bansa dahil sila ay mga dayo lamang.


Ikalawa sa mga naging resulta ay ang Bagong klima, isa sa mga masasabing pasakit sa

mga OFW ang klima dahil marami sa kanila ay naninibago dahil ito katulad ng nasa bansa natin.

Ikatlo sa listahan ang Gulo at kalamidad. Lubhang mahirap ito lalo na sa mga lugar na suki ng

mga gyero katulad na lamang ng bansang Iraq at Syria. Isang patunay lamang na ang

pangingibang bansa ay hindi biro dahil sila ay sumusuong sa posibleng kamatayan.

Isa din na maisasali natin sa mga posibleng problema ay ang Racism. Maraming mga

kano sa ibang bansa ang madalas na mag maltrato ng ibang lahi dahil sa kagustuhan nilang

magbaba ng iba. Normal lamang ito sa kanila dahil ginagawa nila ito sa mga kalahi nila katulad

na lamang ng mga Black american.

Ang mga problema at karanasan ng mga OFW sa Covid-19.

Ang Corona Virus ay nakahahawang sakit na nagmula sa Wuhan China Kung kaya’t

ang mga kababayanan sa ibang bansa ay mas pinili na manatili na lamang sa ibang bansa

ngayong panahon ng pandemya

Ang Pilipinas ay may isa sa pinakamalaking diasporas sa buong mundo. Tinatayang 10

milyong mga Pilipino sa ibang bansa, humigit-kumulang sa ikasampu ng populasyon ng bansa,

na nagtatrabaho para sa pangako ng mas mataas na sahod at mas mahusay na mga pagkakataon

para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga pamilya na nakauwi. Noong 2019, ang mga padala

mula sa mga OFW ay umabot sa isang record na mataas na $ 33.9 bilyon, na katumbas ng halos

10 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa. Sa nagpapatuloy na pandaigdigang

krisis sa kalusugan, paano ang isang bansa kung saan 12 porsyento ng mga kabahayan ay

nakasalalay sa OFW, ang makakapagpigil sa nalalapit na banta sa ekonomiya?


Noong Mayo 6, ipinagbigay-alam ng COVID-19 National Task Force sa publiko ng

Pilipino na may 45,000 pang mga OFW na inaasahang makakauwi sa pagtatapos ng Hunyo, na

magdadala sa listahan ng mga nagpapabalik na malapit sa 70,000. Ang mga nasabing pigura ay

konserbatibo pa rin dahil ang medium at pangmatagalang mga epekto ay hindi isinasaalang-

alang, tulad ng inamin ng pambansang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration

(OWWA). Sa isang maikling patakaran na isinulat ng isang nangungunang unibersidad ng

Pilipinas, halos 300,000 hanggang 400,000 mga OFW ang tinatayang maaapektuhan ng

pandemya, mula sa pagbawas sa bayad hanggang sa pagtanggal sa trabaho hanggang sa wakas na

maiuwi.

Kabilang sa mga OFW na napauwi ay si Dwayne Infante, na nagtrabaho bilang isang

customer service executive para sa isang pamamasyal na kumpanya ng bus sa Singapore. Bago

magsimulang mag-crawl ang pandemya sa bawat sektor ng ekonomiya, na-lumpo muna nito ang

industriya ng turismo at ang halos tatlong taon na pagtatrabaho ni Dwayne para sa kumpanya ay

hindi nagkaroon ng pagkakataon na ipagpaliban ang desisyon sa pagtanggal sa trabaho ng

kanyang amo.
METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay naka pokus sa mga karanasang sikolohikal ng mga OFW sa

pangingibang bansa. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mixed design o pag-aaral na binubuo

ng kwalitatibo at kwantitatibong pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan

upang makalap ang mga datos na hinihingi sa pag-aaral

Ang mga katanungan na ginamit sa pananaliksik ay mariin na dumaan sa validation

upang masiguro ang kawastuhan ng pananaliksik.

Ayon kay Joana Valdez ang “ kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri

ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at

ang dahilan na gumagabay rito. Ang mananaliksik ay nagbatay sa kwalitatibo dahil ito ang lubos

na sumasagot sa kahingian ng pananaliksik upang sa gayon ay mas mailahad ng lubusan ang mga

karanasan na hindi nila malilimutan. Bilang suporta ang mananaliksik ay ginamit ang

Kwantitatibong paraan upang makuha ang kabuuang istatiska ng mga karanasan ng mga OFW.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Mixed- method design. Pinili ng mananaliksik

ang disensyon na ito na gumagamit ng Open – Ended na mga katanungan at istatiska sa

pagbibigay kahulugan . Naniniwala ang mananaliksik na ito ay mabisa dahil ito ang tumutugon

sa pangangailangan ng pag-aaral , sa pamamagitan ng disenyong ito ay mabibigayang kasagutan

ang karanasang sikolohikal ng mga OFW. Sa pamamagitan ng dulog-kwalitatibo, masisiguro ng

mga mananaliksik na mas mailalahad ng mga kalahok ang kanilang mga sarili. Ayon kay

Lincoln ang Open – ended question ay nakakatulong upang mas lalong maibahagi ng mga

kalahok ang kanilang sarili


Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng panayam. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan para sa isasagawang panayam upang makuha ang

kabuuang datos na kinakailangan sa pag-aaral

Bilang ng kalahok

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binubuo ng sampung kalahok (10) na pinili mula sa ibat ibang

lalawigan ng Tarlac. Ang mga mananaliksik ay mariing pinaliwanag sa mga kalahok kung

tungkol saan ang pananaliksik upang masiguro ang kanilang sagot ay may pahahantungan.

Lugar ng pag-aaral

Ang pag-aaral ay inilunsad sa pamamagitan ng mga social media platform upang sa gayon ay

masiguro ang kaligtasan sa pagtamo ng mga tugon o kasagutan. Ang messenger at facebook ang

social media platform na ginamit upang mas madaling makuha ang mga tugon ng mga kalahok

Treatment ng mga Datos

Ang mga datos ay ginamitan ng Kwalitatibo at kwantitatibong pagsusuri. Ang mga

kalahok ay tinanong batay sa kanilang opinyon at ang mga kanilang kasagutan ay linikom upang

makabuo ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga kasagutan nila ay hinanay batay

sa pagkakapareha ng mga ito.

Ginamit ng mga mananaliksik ang prosesong ito upang lubos na maunawaan ang mga

karanasan na hindi kailanman masasagot ng oo at hindi. Naging mabisa ang pamaraan na ito

dahil mas nakapag bahagi ang mga kalahok ng kanilang saloobin sa mga katanungan.
RESULTA , DISKUSYON AT ANALISIS

Ang pananaliksik na ito na may titulong Kwalitatibong pag-aaral sa mga karanasang

sikolohikal ng mga OFW ay naglalayong malaman ang mga ibat ibang kwento ng mga OFW sa

kanilang pangingibang bansa. Ang resulta ng pag-aaral ay mailalahad sa mga sumusunod:

Talahayanan 1: Demograpikong Propayl ng mga Kalahok

Pangalan Kasarian Edad Taon sa Buwanang Lugar Trabaho

ibang bansa Sahod

1.Catherine Samson Babae 30 3 taon 50,000 Japan Sales Clerk

2. Adrian Samson Lalake 22 2 taon 30,000 Japan Factory

3.Michelle P. Diego Babae 29 4 taon N/A China Manager

4.Louie Michael Aliac Lalake 34 7 taon Sapat lang Dubai Factory

5.Mirasol P. Prindiana Babae 31 7 taon 50,000 Dubai Company

Worker
6. Marcial Valdez Lalake 35 4 taon 300 riyal Saudi Housekeeping

Supervisor

7. Guillerma Marquez Babae 48 18 taon 15 riyal Qatar Domestic

Helper
8. Luisa Ellamedo Babae 36 3 ytaon 27,000 Saudi Domestic

Arabia Helper
9. ( Opsyonal) /NA Babae 32 2 taon N/A Abu Cashier

Dhabi

10. ( Opsyonal) N/A Babae 40 3 taon N/A Abu Factory

Dhabi
Ang mga kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng pitong babae (7) at tatlong lalake (3) na

nagmula sa mga ibat ibang lalawigan ng Tarlac. Ang mga edad ng aming kinapanayam ay mula

sa edad na 22 hanngang 48. (22-48). At ang minimum at maximum na taon ng kanilang

pagtratrabaho sa ibang bansa ay mula 2 taon hanggang 18 na taon.

A. Sa iyong pangingibang bansa, Ano- ano ang iyong naranasang mental na nagbigay

pasakit sa iyo?

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: Para sa akin ang mental na nararanasan ko ay ang pagkasabik ko sa aking pamilya, lagi

ko silang naiisip yan yung tinatawag nilang homesick at pangungulia sa pamilya.

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Taon sa ibang bansa: 2 taon

Tugon: Mga pasakit sa trabaho dahil sa pagod na biglaang pag-iisip na sumuko. Pagalala sa mga

taong iniwan sa pilipinas at minsan kulturang ginagalawan

Kalahok 3

Pangalan: Michelle P. Diego

Taon sa ibang bansa: 4 taon

Tugon: Yung malayo sa pamilya mo yung makaranas ka ng stress at maraming isipin sa

financial
Kalahok 4

Pangalan: Louie Michael Aliac

Taon sa ibang bansa: 7 taon

Tugon: maraming karanasan ang nagbigay pasakit saken lalo na sa aking trabaho ngunit ang

pinaka malala sa lahat ay ang ung pakiramdan na para akong nagiisa sa pagharap sa mundo.

Kalahok 5

Pangalan: Mirasol Prindiana

Taon sa ibang bansa: 7- taon

Tugon: Stress sa trabaho at homesick

Kalahok 6

Pangalan: Marcial Valdez

Taon sa ibang bansa: 4 na taon

Tugon: Culture shock, Homesick, Climate,Country Rules

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Taon sa ibang bansa: 18

Tugon: Malungkot,mahirap mapalayo sa pamilya,nagtitiis sa hirap nalampasan ng gutom kahit

kumakalam na ang sikmura namin nahihirapan na pero tinitiis pa rin namin lahat ng paghihirap

dito sa abroad ,minsan nappagalitan ng amo at nasisigawan pero tinitiis na lang nmin wala kami

magagawa kundi pakisamahan sila kasi wala kami sa sarili namin lugar

Kalahok 8
Pangalan: Luisa Ellamendo

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: Ang naranasan kong mental na nagbigay pasakit sa akin ay yung iniisip ko yung pamilya

ko, yung mga anak ko na naiwan ko sa Pilipinas dahil malayo ako sa kanila at naiisip ko na baka

sa pag-uwi ko ay malayo na ang loob nila sa akin dahil hindi ko sila naaalagaan at wala ako sa

tabi nila. Iniisip ko rin yung pandemic nato dahil nga hindi ko nagagabayan yung pamilya at mga

anak ko.

Kalahok 9

Pangalan: Opsyonal (N/A)

Taon sa ibang bansa: 2 taon

Tugon: Homesick,ayan naman ang kadalasang nararanasan ng isang ofw once na nag ibang

bansa ka

Kalahok 10

Pangalan: Opsyonal ( N/A)

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: - home sick, lalo na pag lalo nang december

Talahayan 2:Buod ng Panayam tungkol sa mga karanasang mental ng mga OFW

Karanasang Mental Mga tugon Rank/ Pwesto


Home Sick 10 nakakaranas 1
Culture Shock 2 nakakaranas 2
Maltrato ng Amo 1 nakakaranas 3

Sa unang talahayanan ay malinaw ang resulta na sampu (10) sa mga kalahok ay

nakakaranas ng sakit na home sick. Ang homesick ay isang sakit na karaniwang nararanasan ng

mga bagong salta sa ibang bansa. Ang sakit na ito ay normal lamang sa mga nangingibang bansa
dahil hindi pa sila gaanong sanay sa lugar na kanilang tinitirahan. Ayon kay Louie Michael

Aliac ang karanasan na nagbigay pasakit sa kanya ay yung pakiramdam na parang nag-iisa

siyang humaharap sa mundo. Isang sakit sa mental na mahirap kalabanin lalo na tuwing ikaw ay

nag-iisa sa iyong silid. Pumangalawa naman sa listahan ang Culture Shock o paninibago sa

kultura. Ang pagyakap sa kulturang hindi mo nakasanayan ay isang obligasyon ng mga OFW

upang sila ay makasabay sa bansa na kanilang ginagalawan. Pangatlo naman sa listahan ay ang

pagmamaltrato ng amo. Ayon kay Guillerma Marquez ,”minsan napapagalitan ako ng aking ng

amo at nasisigawan pero tinitiis ko na lang dahil wala rin kaming magagawa kundi

pakisamahan sila kasi wala kami sa sarili namin lugar. Masakit isipin na may mga amo sila na

iba ang pakikitungo at ang tanging magagawa na lamang ng mga OFW ay ilugar ang kanilang

sarili upang hindi nila ito maranasan

B. Ano-Ano Ang Iyong Mga Alterenatibong Paraan Upang Malimutan Ang Mga Ito?

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Tugon: Kapag break ko ay tintawagan ko ang pamilya ko sa pamamagitan ng video call para

kahit papaano ay nkakausap ko sila at nakikita.

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Tugon: Makipagkaibigan sa kapwa pinoy, pamamasyal sa araw ng dayoff, panonood ng mga


nakakatuwang pelikula o comedy shows at marami pang iba na kailangan makaraos lagi sa araw
araw sa bansang ginagalawan.

Kalahok 3

Pangalan: Michelle P. Diego

Tugon : Mag libang at gumamit ng social media.Manalangin sa panginoon


Kalahok 4

Pangalan: Louie Michael Aliac

Tugon: upang malimutan ang mga ito ay gumagawa ako ng maraming pagkakaabalahan at sa

tulong din ng social media ay naiibsan ang aking nararamdaman.

Kalahok 5

Pangalan: Mirasol Prindiana

Tugon: Magprapray sa Panginoon upang tulungan sa lahat ng pagsubok at tibayan ang loob

Kalahok 6

Pangalan: Marcial Valdez

Tugon: Fucos my self to sport, to learn there language to be able to communicate to local

people

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Tugon: Maging matatag ka at tiis sa sarili lakasan ang loob at labanan ang homesick at

magdadasal lagi sa Diyos dahil siya lng ang kakapitan sa lahat ng oras at nagpaplakas mga loob

at tawagan ang pamilya para maging masaya ng mabawasan ang lungkot na nararamdaman sa

sarili.

Kalahok 8

Pangalan: Luisa Ellamendo


Tugon: Ang mga alternatibong paraan na ginagawa ko para malimutan ito ay ang pagpopokus ko

sa trabaho ko at ang palaging pananalangin

Kalahok 9

Pangalan: Opsyonal (N/A)

Tugon : Mag pokus sa trabaho at manalangin sa panginoon

Kalahok 10

Pangalan: Opsyonal ( N/A)

Tugon: paggamit ng social media

Talahayanan 3: Alternatibong pamaraan upang malimutan ang problema

Alternatibong kapamaraanan Tugon Pwesto/Rank


Magdasal sa panginoon 5 1
Gumamit ng Social Media 4 2
Mag pokus sa trabaho at 1 3

makipagkaibigan

Sa talahayanan 3: Alternatibong pamaraan upang malimutan ang problema ay nanguna

ang magdasal sa panginoon na nakapagtala ng limang (5) tugon. Lubos sa ating mga Pilipino ang

tumawag sa Diyos kapag dumaraan sa kahirapan dahil ito ang nagbibigay lakas ng loob sa atin

upang maging kalmado sa kabila ng mga problema na ating kinakaharap. Ayon kay Guillerma

Marquez, “magdadasal lagi sa Diyos dahil siya lang ang kakapitan natin sa lahat ng oras at

nagpaplakas ng ating mga loob. Ang pahayag na ito ay patunay lamang ng pagkamaka Diyos ng

mga OFW. Sinundan naman ito ng gumamit ng social media na nakapaglista ng 4 na tugon.

Malaking tulong sa kanila ang Social media dahil ito ang nagbibigay ng pampalibang upang

pansamantalang malimutan nila ang home sick. Naging huli naman sa listahan ay ang magpokus

sa trabaho at makipag kaibigan


C. Ano ang iyong dahilan kung bakit ka nangibang bansa?

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Buwanang Sahod: 50,000

Tugon: Una sa lahat kapos sa pera, madami ang opurtunidad sa ibang bansa di gaya sa ating
bansa na hindi ganon kataas ang sahod.

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Buwanang Sahod: 30,000

Tugon: Una sa lahat pangarap na makapasyal sa ibang dako ng mundo, tumulong sa kamag-anak

sa pilipinas, makapagipon-ipon para sa future

Kalahok 3

Pangalan: Michelle P. Diego

Buwanang Sahod: N/A

Tugon: Para sa pamilya para makapag pagawa ng bahay ang goal ko lang naman ay mapagawa

bahay namin kaya nag sumikap ako makapag abroad at mabigay ko yung pangangailangan ng

magulang ko

Kalahok 4

Pangalan : Louie Michael Aliac

Buwanang Sahod : Sapat lang


Tugon : ang pinaka dahilan ng aking pangingibang bansa ay ang aking pangarap para sa aking

pamilya at sa aking magiging pamilya. Gusto ko silang bigyan ng marangyang buhay.

Kalahok 5

Pangalan: Mirasol P. Prindiana

Buwanang Sahod: N/A

Tugon : Para makatulong pamilya at sa ibang tao na nangangailangan

Kalahok 6:

Pangalan: Marcial Valdez

Buwanang Sahod: 300 riyals

Tugon : First. salary differences, Second. Career opportunities , Third. Lack of opportunities at

Philippines

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Buwang Sahod: 15 riyals

Tugon: Para sa pamilya para kinabukasan nila kailangan magtrabaho sa malayo kahit mahirap

dahil sipag at tiyaga ang kailangan at tiyaga sa sarili at magtiwala lang sa Diyos.

Kalahok 8

Pangalan: Luisa Ellamedo

Buwang Sahod: 27,000


Tugon: Nangibang bansa ako para sa mga anak ko. Single parent ako at kahit ganoon ay gusto

kong mabigyan at mapaglaanan ng magandang kinabukasan yung mga anak ko, at dahil nga sa

walang mapasukan na maayos sa Pilipinas.

Kalahok 9

Pangalan: N/A

Buwang Sahod: N/A

Tugon : Para sa future at para sa mga anak kaya sinubukan mag ibang bansa

Kalahok 10

Pangalan: N/A

Buwanang Sahod: N/A

Tugon: para sa future para pagkakaroon ng magandang kinabukasan

Talahayanan 4 : Mga dahilan sa pangingibang bansa

Mga Dahilan Tugon Rank/Pwesto


Para sa pamilya 6 1

/Para sa anak
Future 2 2
Malaking opurtunidad 2 2

Ang nanguna sa talahayanan 4 : mga dahilan sa pangingibang bansa ay ang Para sa

pamilya at para sa anak. Ito ang mga pangunahing dahilan ng mga OFW dahil na rin gusto nilang

maiangat sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ang pag-asam na makabangon sa matinding

kahirapan ay siyang nagiging baon nila upang magpatuloy sa pangingibang bansa. Ayon kay

Luisa Ellamendo , isang single parent. “Nangibang bansa ako para sa mga anak ko, gusto kong

mabigyan at mapaglaanan ng magandang kinabukasan yung mga anak ko, at dahil nga sa walang
mapasukan na maayos sa Pilipinas. Masakit sa mata na nakikita mo ang iyong pamilya sa

matinding kahirapan kaya ganun na lamang ang pagpupursige nila upang umahon sa isang kahid

at isang tuka na pamumuhay. Naging tabla naman sa posisyon ang mga dahilan na para sa future

at dahil sa malaking opurtunidad sa ibang bansa. May mga OFW na nangingibang bansa para

makapag ipon para sa hinaharap dahil nais rin nila na maging magarang pamumuhay

D. Sa iyong palagay bakit ang dami pa rin na Filipino ang nangingibang bansa?

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: Konti lang ang trabaho dito sa pilipinas at hindi mataas ang pasweldo

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Taon sa ibang bansa: 2 taon

Tugon: Dahil sa laki narin ng sahod at marami oportunidad sa ibang bansa

Kalahok 3

Pangalan: Michelle P. Diego

Taon sa ibang bansa: 4 taon

Tugon: Dahil sa kahirapan kaya madami paring umaalis para kahit papanu makatulong sa

pamilya na nasa pinas

Kalahok 4:

Pangalan: Louie Michael Aliac


Taon sa ibang bansa: 7 taon

Tugon: sa aking palagay, marami pa ring Filipino ang nais mangibang bansa dahil sa kagustuhan

na magkaroon ng sapat na kita at magkaroon ng maayos at marangyang buhay.

Kalahok 5:

Pangalan: Mirasol P. Prindiana

Taon sa ibang bansa: 7 taon

Tugon : Dahil Hindi sapat ang kinikita sa pilipinas

Kalahok 6

Pangalan: Marcial Valdez

Taon sa ibang bansa: 4 taon

Tugon : Salary differences,Career Growth ,more job opportunities than Philippines

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Taon sa ibang bansa: 18 taon

Tugon: Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pinas kaya kahit anong hirap sa abroad tinitiis namin

para lang may maipadala na pera sa pamilya tinitiis namin ung hirap at lungkot sa sarili mahirap

man pero kailangan namin magtiis para sa pamilya at para sa kinabukasan nila etc

Kalahok 8
Pangalan: Luisa Ellamedo

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: hh

Kalahok 9

Pangalan: N/A

Taon sa ibang bansa: 2 taon

Tugon: Sa ibang bansa kasi walang qualification unlike dito sa pinas even nakapag tapos ka ng

pag aaral ang hirap mag hanap ng trabaho,at sa salary narin di hamak na mas malaki ang sahod

sa ibang bansa.

Kalahok 10

Pangalan: N/A

Taon sa ibang bansa: 3 taon

Tugon: Mas malaki ang sahod sa ibang bansa kumpara sa atin

Talahayanan 5: Dahilan ng mga Filipino sa pangingibang bansa

Dahilan ng mga Filipino sa Tugon Pwesto/Rank

pangingibang bansa
Salary Differences 6 1
Kahirapan sa bansa natin 3 2
Job oppurtunities sa ibang bansa 1 3

Sa talahayanan 5: Dahilan ng mga Filipino sa pangingibang bansa, ay nanguna ang salary

differences. Madalas na maging dahilan ng mga OFW ang sweldo dahil ito ang pangunahin

nilang kailangan kung bakit sila kumakayod sa ibang bansa. Ang mababang pasahod sa ating

bansa ang punot dulo kaya marami nang mga trabahador ang umaalis sa sariling bansa. Ayon kay

Louie Michael Aliac marami daw ang nangingibang bansa dahil na rin sa pagnanais nila na
magkaroon ng sapat na sweldo at mabuhay sa marangyang pamumuhay. Pumangalawa naman sa

listahan ng mga dahilan ay ang kahirapan. Numero unong problema ng mga pinoy ang

kahirapan. Marami pa rin sa atin ang nabubuhay sa isang kahid at isang tuka na buhay na kung

saan ang mga iba ay isang beses lang sa isang araw kung makatikim ng kain. Masakit ang

realidad na ito na marami ang pondo ng bayan ngunit walang singkong duling ang nilalaan sa

mga mahihirap nating kababayan. Ayon nga kay Elloisa Mandellio, “Sa aking palagay kaya

maraming Pilipino ang nangingibang bansa ay dahil sa matinding kahirapan sa bansa natin.

Lahat naman tayo ay gusto ng maayos na pamumuhay yung hindi ka magugutom at natutugunan

yung mga pangangailangan natin sa araw-araw”. Naging huli naman sa listahan ang Job

Oppurtunities sa ibang bansa. Mas maraming opurtunidad ang naghihintay sa ibang bansa

kumpara sa bansa natin na limitado lamang ang mga napapasukan na trabaho.

E. Na apektuhan ba ang iyong trabaho ngayong may pandemya

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Tugon : Nawalan ako ng trabaho dahil pansamantala kaming pinatigil dahil narin sa pandemya

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Tugon : Nawalan ng trabaho dahil na rin sa pandemya

Kalahok 3

Pangalan: Michelle P. Diego

Tugon : Pinauwi na kami sa Pilipinas kaya pansamantala na wala kaming trabaho ngayon

Kalahok 5
Pangalan: Mirasol Prindiana

Tugon : Nawalan ng trabaho

Kalahok 6

Pangalan: Marcial Valdez

Tugon : Pansamantalang inalisan ng trabaho dahil na rin sa pandemya

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Tugon : Pinatigil muna. Oo, talagang nawalan ng trabaho

Kalahok 8

Pangalan: Luisa Ellamedo

Tugon : Naapektuhan ang aking trabaho. Wala na dahil naging strikto na sa bansa na aking

piangtrabauhan

Kalahok 9

Pangalan: Opsyonal (N/A)

Tugon : Tinanggal na kami dahil tigil operasyon na ang aming kumpanya

Kalahok 10

Pangalan: N/A

Tugon : Nawalan ng trabaho dahil na rin sa pandemya

Talahayanan 6: Naapektuhan ba ang iyong trabaho ngayong may pandemya?


Naapektuhan ba ang iyong trabaho Tugon
OO 10
Hindi 0

Sa talahayanan 6 ay malinaw ang naging resulta na sampu sa mga kalahok ay

naapektuhan ang trabaho dahil sa krisis na dala ng Covid-19. Marami sa mga kalahok ang

pansamantalang pinatigil ang kanilang trabaho para din naman sa kanilang kaligtasan. Ang

pandemya na ito ay siyang naminsala sa lahat ng kabuhayan ng mga OFW. Gusto man nilang

tumuloy ay wala rin silang magagawa dahil hindi naman sila ang masusunod. Isang dagok sa

mga OFW na ang tanging pag-asa lamang ay ang kabuhayan nila sa ibang bansa.

E. Ano ang iyong suhestyon sa gobyerno upang hindi na mangibang bansa ang mga OFW

Kalahok 1

Pangalan: Catherine Samson

Tugon: Siguro magkaroon ng sapat na hanapbuhay sa bansa at maaayos na pasahod upang dito

nalang manatili at makasama pa ang mahal sa buhay. Salary Increases

Kalahok 2

Pangalan: Adrian Samson

Tugon: Oportunidad lalo nasa mga kapos at hirap makapaghanap ng trabaho

Kalahok 3:

Pangalan : Michelle T. Diego

Tugon: para sa akin ay dapat maglaan ng maraming opurtunidad sa trabaho ang ating gobyerno
Kalahok 4:

Pangalan: Louie Michael Aliac

Tugon : una sa lahat nais ko magbigay ng suhestyon para sa ating mga kababayan na dapat

matuto ang bawat isa na maging masinop at magkaroon tamang disiplina upang matulungan ang

gobyerno ng Pilipinas sa pag unlad ng ating bansa. Pangalawa sa ating gobyerno na dapat

magbigay sila ng mas maraming trabaho upang may pagkakakitaan ang ating mga kababayan at

taasan ang pasahod upang ang bawat mamamayang Pilipino ay kayang harapin ang bawat

gastusin sa araw araw. Dapat din maging strikto ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas gaya ng

mga gobyerno dito sa ibang bansa sapagkat ang gobyernong matatag ay katumbas ng bansang

maunlad.

Kalahok 5:

Pangalan: Mirasol P. Prindiana

Tugon : Sana magkaroon ng marami proyekto ang gobyerno at taasan ang minimum wages

upang Hindi mangibang bansa ang mga Filipino.

Kalahok 6

Pangalan: Marcial Valdez

Tugon : More job opportunities in our country

Kalahok 7

Pangalan: Guillerma Marquez

Tugon : Dagdagan pa ang trabaho sa ating bansa


Kalahok 8

Pangalan: Luisa Ellamedo

Tugon: Ang masasabi ko lang ay sana ay taasan na ang sahod ng mga manggagawang Pilipino

para hindi na kailangan pang lumayo ng mga workers sa kanilang mga pamilya para lamang sa

mas malaking kita

Kalahok 9

Pangalan: Opsyonal

Tugon: Tamang pagtangap ng trabaho at age limit tangalin,hanggat kaya mag trabaho gawin

nilang qualified hindi ung namimili sila at palakasan narin.

Kalahok 10

Pangalan : Opsyonal

Tugon: magkaroon ng job opportunities

Talahayan 7: Buod ng mga suhestsyon ng mga OFW

Mga suhestsyon Tugon Pwesto


Job Oppurtunities 6 1
Salary Increase 3 2
Pag alis ng age limit sa trabaho 1 3

Ang resulta ng talahayan 7 ay nagsasaad na ang suhestyon ng mga OFW upang hindi na

mangibang bansa ang mga Filipino ay magkaroon ng Job-opportunities sa ating bansa. Ang

paglalaan ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan ay siyang makakatulong upang

malimitihan ang pangingibang bansa ng mga Filipino. Sa panamayam kay Louie Michael Alliac

isang OFW sa Dubai ay mariin niyang sinabi na ang kailangan sa maunlad na bansa ay disiplina.
“Dapat maging strikto ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas gaya ng mga gobyerno dito sa

ibang bansa sapagkat ang gobyernong matatag ay katumbas ng bansang maunlad.” wika niya sa

aming panayam. Pumangalawa naman sa listahan ang Salary Increase. Ang alokasyon ng pondo

para mapataas ang sahod ng mga mangagawa ay isang direktang solusyon upang hindi na sila

maghanap ng ibang trabaho sa ibang bansa. Naging huli naman sa listahan ang Age Limit sa

trabaho na siya din na isang balalikd sa mga mangagawang pinoy kaya hindi sila

nakakapagtrabaho sa ating bansa.

Lagom ng pag-aaral, Kongklusyon at Rekomendasyon

Maraming krisis ang mga kinakaharap ng mga OFW sa ibang bansa. Masasabi natin na

masarap ang kwarta na kanilang pinapadala ngunit hindi natin alam ang mga sakit na kanilang

pinagdadaanan. Ang mga krisis na patuloy na sumisira sa mga karanasang sikolohikal ng mga

OFW ay kinakailangan na malunasan upang hindi ito maging sanhi ng depresyon o

anupanamang sakit na mental.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay pawang mga sakit na lagi na lamang umuusbong sa

lipunan ng mga OFW. Ang sakripisyo nila para sa kanilang pamilya ay hindi kailanman

matutumbasan ng anumang halaga. Kaya marapat lamang sila na pasalamatan sa kanilang

kabayanihan.

Ang mga sumusunod na resulta ang siyang natuklasan ng mga mananaliksik sa

pagsasagawa ng pag-aaral na may pamagat na Pagsusuri sa mga karanasang sikolohikal ng mga

OFW sa Tarlac sa gitna ng krisis at pandemya

 Ang home-sick ay ang karanasang mental na laging nararanasan ng mga OFW

 Ang pagtawag sa panginoon o pagdadasal ang isa sa mga alternatibong paraan ng

mga OFW upang maibsan ang mga mental stress.


 Ang nangungunang dahilan ng mga OFW (sa lalawigan ng tarlac) sa

pangingibang bansa ay upang mabigyan ng sustento ang kanilang pamilya at mga

anak

 Ang Salary Differences ay isa sa mga nangungunang dahilan kung kayat

maraming mga pinoy ang nangingibang bansa

 Karamihan sa mga OFW ay naapektuhan ang kabuhayan dahil sa problema na

dulot ng pandemya

 Upang hindi na mangibang bansa ang mga Filipino ay kinakailangan na

magkaroon ng proyekto ang gobyerno sa pagdadagdag ng trabaho o job

opportunities.

Ang mga krisis na siyang natuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay siya parin

na lumilitaw sa kasalukuyan. Marami pa rin ang nagkukumahog na mangibang bansa

dahil sa lubos na kahirapan. Masakit isipin na hindi mabigyang halaga ng gobyerno ang

mga sarili nitong mangagawa. Kakarampot pa rin na halaga ang binibigay sa mga

mangagawang Filipino na hindi kailanman magiging katumbas ng kanilang

pinagpaguran.

Ang mga sakit na kanilang dinaranas ay isang karanasan na mahirap maibsan. Ang

malawakang pag-intindi sa kanilang kalagayan ay marapat lamang na ipaunawa sa ating

gobyerno upang sa gayon ay hindi na sila mangibang bansa at mahirapan pa

Ang mga sumusunod ay ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik sa mga

natunghayan sa pag- aaral

Para sa Gobyerno
1. Maglaan ng pondo para sa mga mangagawang Filipino upang mabawasan ang

mga nangingibang bansa

2. Gawing permanennte ang mga mangagawang Filipino at tanggalin na ang

balakid na kontraktwalisasyong pamamaraan

3. Bigyan ng sapat na sahod ang mga mangagawang Filipino at huwag silang

tipirin dahil sila ay may pamilya rin

4. Maglaan ng ayuda sa mga OFW na naapektuhan sa malawakang pandemya.

5. Alisin ang mga Qualification katulad na lamang sa age limit sa mga trabaho

upang hindi pahirapan ang paghahanap ng trabaho

Para sa mga OFW

1. Ugaliin na makipagkaibigan sa mga kapwa pinoy sa ibang bansa upang

maiwasan ang pagkainip o Home Sick.

2. Aralin muna ang mga kultura ng bansang iyong pupuntahan upang maiwasan

ang culture shock

3. Huwag kailanman makakalimot na tumawag sa Panginoon dahil siya ang

nagbibigay lakas ng loob sa ating buhay

4. Maging pasensyadong tao, at pairalin ang disiplinang Filipino upang

maiwasan ang anumang gulo


TALASANGGUNIAN

Aguilar, F. V. (1999). Ritual passage and the reconstruction of selfhood in international

labour migration. Journal of Social Issues in Southeast Asia 14(1), 98 -139

International Organization for Migration. (2013). Country Migration Report in the Philippines.

Makati: International Organization for Migration.

Llorente, S. R. (2007). Filipino Diaspora: trends, issues, and implications. Asia Pacific

Perspective, 11(1).

Manzano, J. (2014). (Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga

Pilipinong Seaman. Daluyan, 117-138

www.academia.edu. PANANALIKSIK SA PAGKILALA NG MGA OFW SA IBANG BANSA

SA PATALASTAS NA” OPEN HAPPINESS” NG COCA -COLA

www.scribd.com FILIPINO THESIS OFW

www.researchgate.net EPEKTO NG PADALANG SALAPI NG MGA OFW


Listahan ng mga talahayanan

Talahayanan 1 : Demograpikong Propayl ng mga Kalahok

Talahayan 2:Buod ng Panayam tungkol sa mga karanasang mental ng mga OFW

Talahayanan 3: Alternatibong pamaraan upang malimutan ang problema

Talahayanan 4 : Mga dahilan sa pangingibang bansa

Talahayanan 5: Dahilan ng mga Filipino sa pangingibang bansa

Talahayanan 6: Naapektuhan ba ang iyong trabaho ngayong may pandemya?

Talahayan 7: Buod ng mga suhestsyon ng mga OFW


Dokumentasyon

You might also like