You are on page 1of 17

MGA SALIK NA NAKAKA-APEKTO SA PAGPILI NG KURSO SA

KOLEHIYO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-12 BAITANG NG


AMA COMPUTER LEARNING CENTER – ANTIPOLO CITY

Isang

di-Gradwadong Tesis

na iniharap sa Kagawaran ng

Kaguruan ng Linangin ng Edukasyon ng

AMA Computer Learning Center

Antipolo City

Bilang bahagi ng

mga Kinakailangan sa Pagtatamo ng

Programang K-12 sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik

BACULANDO, ZYRA JANE M.


CASIANO, ISAH MARIE L.
DURANTE, MAESHA G.
GEMAO, GENNEN E.
GENEROSO, MIA MEI J.
SANDOVAL, JANE B.
TIBERIO, MISSEY

Marso 2020
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahalagang desisyon sa buhay na

dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang

umpisa ng kanilang buhay para sa hinaharap. Ang mga magulang ay may mahahalagang

papel sa desisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung

anong kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at ng

kanyang mga magulang.

Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng

estudyante. Kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging

kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharap na pamumuhay. Sa unang taon ng

isang estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin kung tama ba o

hindi ang kursong kanilang napili.

Ayon kay Bautista (2014). Tinutukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro.

Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa

paaralan. Karaniwan na naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman

na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man.

“ Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay lumilikha ng mahiwagang

susi ang mahiwagang susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang


buhay na hindi lamang nakalaan para sa sarili kundi sa pamilyang pinagmulan,

sa kapwa, sa bayan”. Valledor (2014)

Ang pag-aaral ang daan upang makabawi sa pinaghirapan ng magulang dahil ito

ang magiging daan tungo sa magandang kinabukasan. Ang pag-aaral ah maihahalintulad

sa kayamanan na hindi basta maagaw ng sinuman. Ang makapagtapos ng pag-aaral ay

isang tropeyo na maihahandog ng mag-aaral sa kanilang magulang bilang pasalamat sa

pinaghirapan nito na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak.

Sanlingan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning

Center – Antipolo Campus. Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral, guro at mga

magulang, dito malalaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa napiling paksa

sapagkat maraming mag-aaral ay hindi pa magawang makapagpasya sa kung anong kurso

ang kanilang kukunin sa pagpasok ng kolehiyo.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi

kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga

importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kaya’t

kung sasayangin ang mga ito dahil lamang sa pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa

buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Isa sa mga pinakamahirap na

desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sa sekondarya ang ang pagdedesisyon

sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo. Sapagkat, ang

desisyon na iyon ay makaka-apekto sa magiging buhay nila pagkatapos nila sa kolehiyo.


Sumakatuwid, ang pag-aaral na ito ay layuning makapagbigay kaalaman at

makapaglahad ng ideya sa tamang pagpili ng kurso sa mga mag-aaral na nasa ika-12

baitang sa kanilang pagpasok sa kolehiyo.

Balangkas Pang-teoretikal

Nakasaad dito ang mahahalagang teoryang binuo ng iba pang mananaliksik at

dalubhasa hinggil sa paksang may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay bumatay sa teorya ng “Risk Theory” ni Dennis Zocco,

nakasaad sa teoryang ito ang epekto ng mga posibleng kinalabasan sa proseso at bunga

ng mga uri ng pagpapasya. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng mga desisyon sa

pagpili ng kanilang kurso at isinasala-alang ang mga salik na nakaka-apekto sa

pagpapasya.

Naglalahad ng resulta sa isang empirical analysis na sumusukat sa mga pananaw

na nagbibigay salik sa apat na pangunahing kategorya na isinasaalang-alang ng mga mag-

aaral sa pagpili ng mga kurso sa kolehiyo – nakabatay sa paksa, propesor, kursong

pangkapaligiran, at grading.

Ayon kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa paggawa ng desisyon ng

mga kabataan ang kanyang mga kabigan. Ayon naman kay Laitsch (2006), naaapektuhan

ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaaring sa negatibo o positibong paraan.

Balangkas Pang-kaisipan

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang modelo na nagpapakita ng mga

impormasyon patungkol sa mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo


ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center, Antipolo

Campus.

Ang Lagak ay naglalaman ng mga propayl ng mga tagatugon na nasa ika-12

baitang ng AMA Computer Learning Center, Antipolo Campus.

Ang Proseso ay pagpapakita ng pagsasagawa at pagsasakatuparan ng mga salik

na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng

AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus. Ito ay sa pamamagitan ng

pagsasagot ng talatanungan tseklis ng mga tagatugon, pagwawasto ng kanilang mga

kasagutan, pagtatali ng marka, pagsusuri sa mga nakuhang datos at ang pag-aanalisa nito.

Ang Bunga ay awtput o resulta ng isinagawang pananaliksik na kung saan

natukoy ang mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga mag-

aaral sa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

  Ang Pidbak naman ay ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat aspeto at nagpapakita

ng relasyon ng bawat isa upang matamo ang kinalalabasan ng pag-aaral.


Modelong Pang-kaisipan

Lagak Proseso Bunga

Mga salik na nakaka-  Pagbibigay ng  Matutukoy sa pag-


apekto sa pagpili ng talatanungang aaral ang mga salik
kurso sa kolehiyo ng tseklis na nakaka-apekto
mga mag-aaral na nasa  Pagkuha ng mga sa pagpili ng kurso
ika-12 baitang. datos sa kolehiyo.
 Konklusyon at  Rekomendasyon at
 Tagatugon lagom ng resulta konklusyon
at pag-aaral .
Mga mag-aaral na nasa
A. Estadistikang
ika-12 baitang ng AMA
Gawain
Computer Learning
a. Pagsasama-
Center, Antipolo sama ng mga
Campus datos.
b. Pagbuo ng
Propayl ng mga
“Survey
respondente ayon sa:
Form”.
 Edad
 Kasarian
 Track/Strand

PIDBAK

“Mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral sa ika-12


Baitang ng AMA Computer Learning Center – Antipolo City”
Pigura 1
Paglalahad ng Suliranin

Ang suliranin ng pagaaral ay isang problema na dapat malaman ng mga mag-aaral

kung ano ba ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng kursong nais nila sa kolehiyo

na kailangan sagutin o solusyunan ng mananaliksik.

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kanilang:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian at;

1.3 Track/Strand

2. Bakit may mga mag-aaral na hindi pa din nakapag dedesisyon ng kanilang

kurso?

3. Paano naka-aapekto sa mag-aaral ang pagpili ng kurso?

4. Sa paanong paraan nila pinag-iisipan ang kursong kanilang kukunin?

5. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa mga magaaral sa pagpili ng kurso?

Haka ng Pag-aaral

Isa sa layunin ng pag-aaral na ito ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga

makakabasa nito nang makadagdag impormasyon na makakatulong sa kanila na matukoy

kung paano ang proseso at pagpili ng kurso sa kolehiyo kung kaya’t nabuo ang haka na:

Walang kinalaman ang mga salik sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ang mga mga-aaral na

nasa ika-12 batay sa iba’t ibang baryabol ayon sa propayl ng mga respondente.
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning

Center – Antipolo Campus.

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa AMA Computer Learning Center – Antiplo

Campus na sumasaklaw sa mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ng AMA Computer

Learning Center – Antipolo Campus taong-panuruan 2019-2020.

Ang pag-aaral na ito ay gagawin lamang sa loob ng isang semester. Nagtataglay

ang pag-aaral na ito ng mga datos na kailangang makalap upang mapagtagumpayan ng

mga mananaliksik.

Ang mga respondente ay mayroong bilang na (80) walongpu na random na pinili.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungang tseklis para sa mga estudyanteng

nasa ika-12 baitang ng matukoy ang mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa

kolehiyo na siyang pakikinabangan ng mga mag-aaral na nangangailangan ng higit pang

datos o impormasyon hinggil sa paksang pinag-aralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ay makakapaghatid ng impormasyon na

makakatulong sa mga taong nasasaklaw ng pag-aaral na ito hindi lamang sa mga

mananaliksik kundi maging sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral

upang mabatid nila kung sila ay nasisiyahan sa kursong kanilang pinili at kung handa ba
sila sa magiging trabaho nila sa hinahanarap na may kinalaman sa kanilang kursong

pinili.

Sa mga magulang. Ang pag aaral na ito ay makakatulong upang mas maunawaan

nila ang nararamdaman ng kanilang mga anak ukol sa kursong nais nitong kuhain. At

upang malaman nila ang magiging epekto sa kanilang anak kapag napilitan lang sila sa

kanilang kurso, at kung kaya ba ng sapat na pinansyal para sa pag-aaral ng kanilang anak.

Sa mga manunulat. Ang pag aaral na ito ay maaring magbigay ng sapat na

impormasyon sa mga mambabasa ukol sa kalagayan ng mga mag-aaral na kasalukuyang

pumipili ng kursong nais nilang kuhain sa kolehiyo.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay

magagamit ng mga susunod na mananaliksik na nagsasagawa ng isang pag-aaral. At

upang magsilbing gabay na may kinalaman sa paksa.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang bawat terminolohiya na binigyang-kahulugan ng mga mananaliksik ay

makakatulong sa mga mambabasa upang mas higit na maunawaan ang mga salitang

ginamit sa pag-aaral na ito.

AMA Compter Learning Center – Antipolo Campus. Lugar kung saan

isinagawa ang pag-aaral ng mga mananaliksik.

Edukasyon. Tumutukoy sa akademikong pag-aaral.

Estudyante. Taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino.


Kabataan. Gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata at hustong edad.

Kolehiyo. Pinakamataas na antas ng pag-aaral.

Kurso. Tumutukoy sa isang pagsasanay at pagaaral sa isang partikular na

larangan ng propesyon.

Propesor. Guro na may pinakamataas na ranggong akademiko sa kolehiyo.

Risk Theory. Teoryang ginamit ng mga mananaliksik upang maging basehan sa

pagsasagawa ng pag-aaral.

Salik. Bagay, pangyayari o sitwasyon na  maaaring magkaroon ng impluwensya

sa maaaring kahinatnan ng ano mang paksa.

Talatanungang tseklis. Instrumentong gamit ng mananaliksik sa pagkuha ng

datos o impormasyon sa mga respondente.


Kabanata II

METODOLOHIYA NG PAG AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pag aaral ng disenyo ng pananaliksik,

kalahok sa pag aaral, lugar ng pag aaral, pinagkuhaan ng datos at estadistikang ginamit.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungang tseklis, nagsilbi itong paraan upang

makakalap ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik bilang gabay sa pagtuklas ng

mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ang mga mag-aaral sa ika-12

baitang sa AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

Ang paraang deskriptib ay ginamit ng mga mananaliksik upang mas mapadali ang

paglikom ng mga impormasyon sa pananaliksik na makakatulong sa pagtukoy ng dami

ng tagatugon, pagpapaunlad ng mga pamantayang batay sa paksang pinaguusapan,

pangangalap ng datos ayon sa nakalahad na pamantayan, at paglalapat ng mga resulta ng

pagtataya sa ikauunlad ng proseso, kalagayan o ng gawaing itinaya.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng (2) dalawang parte ng talatanungang

tseklis bilang pangunahing instrumento sa isinasagawang pag-aaral. Ang unang parte ng

talatanungang tseklis ay pumapatungkol sa propayl ng respondente ayon sa edad,

kasarian at track/strand. Pangalawang parte naman ay binubuo ng (10) sampung mga

pangungusap na nagsasaad ng mga salik na nakaka-apekto sa pagpili ng kurso sa

kolehiyo ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center.
Lugar ng Pag-aaral

Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa AMA Computer Learning Center – Antipolo

Campus na nagtataglay ng mga datos na kailangang makalap upang mapagtagumpayan

ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito.

Ang AMA Computer Learning Center ay naghahandog ng mga maayos at kapaki-

pakinabang na pagpili sa pagtatapos ng pagkatuto sa paaralang nasabi na may kurikulum

na diploma.

Ang AMA Computer Learning Center ay naghuhubog ng mga kasanayan ng may

kaakibat na maayos at masusing iba’t ibang paraan ng pag eensayo patungkol sa larangan

ng Teknolohiya sa loob lamang ng dalawang taon. Ang magiging basehan ng pag-aaral

ay ang mga mag-aaral sa Senior High.

Ang AMA Computer Learning Center - Antipolo Campus ay nasa ika-4 na

palapag ng Femar Building, M.L. Quezon St., Brgy. San Roque, Antipolo City at ito ay

mayroong humigit kumulang (800) walong daang estudyante na kumuha ng kursong

Accountancy and Business Management (ABM) at Information and Communication

Technology (ICT). Sa loob ng AMA Computer Learning Center - Antipolo Campus ay

mayroong isang Computer Laboratory, isang Library, isang Multi-Purpose Room

(Webcast) at (8) walong silid-aralan. Itinatag ang sangay ng paaralan sa Antipolo noong

Pebrero, 1998.

Itinatag ni Dr. Amable R. Aguiluz V ang Pamantasan ng AMA (AMA University)

at Pamantasang Pangkompyuter ng AMA (AMA Computer College) na nangungunang

pamantasan sa larangan ng ICT sa buong Pilipinas at Asya. Nakita ni Dr. Aguiluz V ang
potensyal at kakulangan ng bisaha sa mga kompyuter kaya naitatag ang Pamantasan ng

AMA upang tugunan ito. Sa ngayon, marami ng pamantasan ang naitayo sa ilalim ng

AMA Computer College upang magbigay ng kaalaman patungkol sa makabagong

teknolohiya
Mapa ng AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus

Pigura 2
Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang kalahok sa pag-aaral sa isinagawa ng mga mananaliksik ay mga estudyante

na nasa ika-12 baitang sa AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

Mayroong (6) anim na pangkat sa ABM baitang 12 habang (7) pito naman sa ICT baitang

12 na may kabuuang labing tatlong (13) pangkat. Ayon kay Ginang Lyndie Lindo,

School Director ng paaralan, tinatayang kabuuan ng mag aaral ay humigit kumulang

(800) walong daan.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Simple Random Technique, kung saan ito

ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng mga naging tagatugon sa pag-aaral.

Ang mga respondente ng pag-aaral nito ay mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang,

sila ang lubos na nakatulong na malaman ang maganda at hindi mabuting epekto ng

teknolohiya sa kanilang pag-aaral na siyang pakikinabangan naman din ng mga mag-

aaral.

Pinagkuhaan ng datos

Ang nilalaman ng tseklis ay mga proprayl ng mga respondente, kaalaman sa

teknolohiya at mga pangungusap patungkol sa maganda at hindi mabuting epekto ng

paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante na nasa ika-12 baitang. Bago ito

ipamigay ng mga mananaliksik ay ipinabalido muna ang tseklis sa mga panel ng pag-

aaral na ito upang matiyak na maayos at malinaw ito.


Matapos mapabalido ang talatanungang tseklis ipapasagot ito sa mga mag-aaral.

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa isinigawang pag-aaral ay

talatanungang tseklis na siya namang binigay sa mag-aaral sa Senior High School ng

AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus.

Ang tseklis ay ginamit sa iskalang:

ISKALA PUNTOS BERBAL NA INTERPRETASYON

3 4.20 – 5.00 Lubos na Sumasang-ayon

2 2.60 – 4.19 Sumasang-ayon

1 1.00 – 2.59 Hindi Sumasang-ayon

Patakaran ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang pananaliksik ukol sa mga salik na

posibleng makaka-apekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral sa ika-12

baitang ng AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus, upang maihambing ang

mga aralin na magkakatulad para maging batayan ng pag-aaral. Matapos makabuo ng

talahayanan ng espesipikasyon, ito ay isinagawa sa pamamaraang pa-sarbey sa mga

estudyante na nasa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center, Antipolo

Campus.

Upang malaman ang mga posibleng mga salik sa mga mag-aaral sa ika-12 baitang

sa nasabing paaralan, gagamit ang mananaliksik ng talatanungang-tseklis at lalapatan ito

ng berbal na interpresasyon. Nang napagsama-sama ang mga datos, makabubuo ang mga

mananaliksik ng konklusyon batay sa mga resulta na nakuhang impormasyon.


Estadistikang Ginamit

Sa pagtatamo ng makabuluhang bunga ng bawat prosesong nakapaloob sa pag-

aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng mga kaukulang pamamaraan.

1. Bilang, Bahagdan at Ranggo – ay gagamitin upang matukoy ang propayl ng

mga respondente sa AMA Computer Learning Center – Antipolo Campus ayon sa

edad, kasarian at track/strand.

2. Weighted Mean Formula – Upang matukoy ang antas ng mga salik sa pagpili ng

kurso na makaka-apekto sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo ng mga mag-aaral na

nasa ika-12 baitang ng AMA Computer Learning Center – Antiplo Campus.

You might also like