You are on page 1of 15

Kabanata I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon na dapat

isalang-alang ng mga kabataan ngayon. Upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa

mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil

naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang

edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang

sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon

ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat

ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at

kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik

sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang

oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita

mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi

kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga

importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat

kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring

sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.


Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos

sasekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o

kunin sa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa

magiging buhay nila pagkatapos ng kolehiyo.A y o n k a y R o d m a n W e b b a t

R o b e r t S h e r m a n ( 1 9 8 9 ) “ A n g s a l i t a n g career  ay maaaring tumutukoy sa

isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang

indibidwal.” Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbigay liwanag na

ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinagiisipan at binuo ayon sa

sariling kagustuhan at sa pangangailangan ng lipunan samakatuwid, iba-iba

ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karerang nais niyang

tahakin. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din

sa isang bokasyon-bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili pang hubugin ang

kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pagasa n gating bayan.


BALANGKAS AT TEORETIKAL AT KONSEPTWAL

Sa pananaliksik na ito pinagsisikapan ng mga mananaliksik na makahanap

na mga materyales para sa teorya at konseptwal na maaring pagbatayan sa paksang

pinag-aralan.

Maraming problema ang kinakaharap ang mga mag-aaral na maari rin

ihalintulad sa mga estudyanteng ICT sa unang taon. May mga pangumaghing problema

ang kinakaharap ng mag-aaral sa kolehiyo. Una ang problema sa pera, nagiging problema

ito ng mga mag-aaral sa kolehiyo sapagkat nauubos ang peran ng mag-aaral dahil sa

maraming pinaggagastusa, minsan pa ay hinde alam kung ng mga estudyante kung kalian

darating ang pera na ipinadala ng magulang nila kaya kung minsan ay nangungutang na

lamang siya sa kalapit na kaibigan. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ay mahilig gumimik

at magbarkada na hindi talaga maiiwasan kapag nandiyan ang pera na binigay ng

magulang imbes na ilaan ang pera sa paggagastusan sa pag-aaral ang iba ay ipagbibili ng

luho nila o kaya maglaro ng internet o games sa internet sa computer shop. Itong

problema na ito ay maaring ihalintulad sa estudyanteng ICT sa unang taon.

Ikalawa ang problema sa paaralan at klase, itong problema na ito ay

maihahalintulad din sa mga estudyanteng ICT sa unang taon, nagiging problema ito ng

mag-aaral dahil kadalasan ay hindi maiiwasan ang matambakan ng Gawain tulad ng

takdang aralin, proyekto, research o tesis na minsan ay dahilan ito para mapuyat at

minsan mahuli sa klase at inaantok tuwing leksyon ng kanilang propesor lalo sa bigayan

ng grado kung hindi pasang-awa na ibibigay minsan dalawang asignatura ang bagsak at

uulitin ito sa susunot na semester.


SULIRANIN

• Bakit nahihirapan ang mga estudyante na pumili ng kanilang kurso sa kolehiyo?

•Anu-ano ang mga balakid sa pagpili ng kurso?

•Bakit mas pinili nila ang medaling kurso kahit hinde in-demand?

•Makakaapekto bas a buhayy ng estudyante ang napiling kurso?

LAYUNIN

Sa Pagaaral na ito ay inaasahan ng mga mananaliksik ang?

1.) Mabatid ang sa pagpili ng kurso

2.) Maisaalang-alang ang sa pagpili ng kurso

3.) Maunawaang pahalagahan ang kursong pipiliin

4.) Mabatid ang pagpili ng kurso sa:

a.) Estudyante

b.) Magulang

c.) Komunidad
HAYPOTESIS

Malaki ang epekto ng pagpili ng kurso ng mag-aaral sa RTU Laboratory High

School.Sapagkat ditto nakasalalay ang kanilang kinabukasan at susi sa rurok ng

tagumpay ng kanilang buhay. Ito rin ang maaaring mag-ahon sa kahirapan ng kanilang

magulang. Higit sa lahat, ito ang mag-aangat ng estado ng komunidad ng kanilang

kinabibilangan.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa saloobin at mga salik na nakaiiimpluwensya

sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral. Sakop ng pag-aaral na ito

n a makapangalap ng mga impormasyon at datos tungkol sa mga naiisip at

nararamdaman nila dulot ng  pagpili ng kurso bilang propesyon, ano-ano

ang personal na saloobin ng mga mag-aaral ukol sa magiging bunga ng

pagpili nila ng kurso sa kolehiyo, at sa kung ano-ano ang nakaiimpluwensya

sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang kursongkinuha. Nilimitahan ang

pag-aaral na ito sa limampung (50) mag-aaral ng Kolehiyo sa unang taon sa

Rizal Technological University sa taong 2014-2015.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na ukol sa mga saloobin at impluwensya ng pagpili

ng kurso ay inaasahang magbibigay ng kapakinabangan sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-

aaralupang mabatid nila kung sila ay tunay na desidido sa kursong kanilang napilia  

M g a   M a g u l a n g . Ang pagaaral na ito ay makatulong upang mas maunawaan nila ang

saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kurong nais kunin.

Sa Mga Instruktor ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay magbibigay sa kanila ngk a a l a m a n

kung paano nila gagabayan ang kanilang mga mag-aaral. Gayundin,

k u n g  paano nila matutulungan ang mag-aaral upang mahikayat na

ipagpatuloy ang kursongnasimulan.

Sa mga manunulat. Ang pagaaral na ito ay maaaring magbigay ng sapat na

impormasyon sa kanilang pananaliksik ukol sa lagay ng mga estudyante na kasalukuyang

pumipili ng kurso.
KABANATA II

KONSEPTWAL NA LITERATURA

Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga batayan o pundasyon kaugnay sa paksa na

kanilang pinagaaralan:

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik inilathala ni Doris

Franche-Borja sa pahayagan na Pilipino Star Ngayon na nararapat na pumili ng kursong

may mataas na sahod ang piliin ayon sa pahayag ng DOLE Sec. Rosalinda Baldoz. Pilliin

ang mga kurso na nagbibigay sa kanila ng magandang pagkakataon at mataas na sweldo.

Ginagawa ng kalihin ang pahayag dahil na rin sa napipitong graduation ng daan-

daang libong estudyante ng sekondarya ngayong marso 2015. Payo pa ng kalihim, huwag

gayahin ng mga estudyante ang kanilang mga kaklse sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo,

kundi ang isaalang-alang ay mga in-demand na kurso.

“I also advice them to refrain from choosing courses based on what’s in vogue or

fashionable or to use the popular social lingo of the youth, what’s “trending” and popular.

Just because a neighbor’s son or daughter will take up this or that course does not mean

you should follow suit.” Paliwana g ni Secretary Baldoz. Binanggit ng kalihim ang 10

kursong may highest paying jobs base sa report ng bureau of local employment gaya ng
aviation. Banking and finance, business process outsourcing, creative industries, cyber

services, manufacturing at mining.

Inihalimbawa ng mga kalihim na ang isang art director na nasa ilalim ng creative

industries ay tumatanggap ng median salary na php69,286 kada buwan, habang ang

geologist ay nasa php64,889. Ang aircraft pilot, navigator, flight engineer ay nasa

php57,789 kada buwan. Ang mining engineer ay php55,638 kada buwan at ang computer

programmer ay nakakasweldo ng php43,573 kada buwan. Naniniwala si Sec. Baldoz na

maiiwasan ang problema sa labor mismatch kung ngayon palang ay nagiging matalino na

sa pagpili ng kurso ang mga mag-aaral.

SINTESIS

Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng

estdyante. Kaakibat nito ng pagpili ng kursong tatahakin sapagkat ito ang nagiging

kaakibat ng indibidwal sa kanyang panghinaharapna pamumuhay. Kaya nga ang unang

taon ng estudyante sa kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin nito kung tama

ba o hindi ang kursong una nilng pinipili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa

isipan ng tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin

itoaaksyunan.

Kung mararamdaman nilang tama ito, marapat lang na ito’y kanilng ipagpatuloy,

ngunit paano kung hindi tama ang pakiramdam nila sa kursong pinili? Dito pumpasok

ang paglipat ng kurso o “shifting”. Ang pagpalit ng kurso ay talamak na usapan hindi
lamang sa mga estudyante, kung hindianrin sa mga guro at mga magulang ng mga taong

sangkop sa usapang ito. Marami kasing magkakaibang opinion ukol sa paksag ito,

positiboman o negatibo. Maraming sitwasyon na iba’t iba sa bawat indibidwal ang

maaaring magingdahilan ng paglipat nito ng kurso. Ang iba ay nagpapaliapt ng kurso

dahil gusto nila ang kursong lilipatan, ang ilan ay dahil sa kahirapan, at mayroondin

naming “trip trip”lamang.


KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamaraan upang makalap

ang mga datos sa pananaliksik na ito. Pinili ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

sapagkat nababatid namin na kailangang masukat ang porsiyento ng bawat katanungang

aming inilahad sa respondante

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik sa kanilang pag-aaral ay paglikha ng

talatanungan upang makalap ang tamang impormasyon nakinakailangan. Ang

instrumento na kanilang isinasagawa upang masagot ang mga katanungan patungkol sa

mga magaaral.

MGA RESPONDANTE NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay pumili ng 50 respondante. Ang mga respondante ay

ang mga mag-aaral ng magsisipagtapos ng hayskul sa RTU Laboratory High School.


PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay nagpresinta ng sarbey sa mga piling estudyante at kinalap

ito matapos nilang sagutan ang bawat katanungan nakapaloob sa aming talatanungan.

Hiniling ng mga mananaliksik na punan ang lahat ng mga nakalap na datos. Nagtakda rin

ito ng petsa ang mga mananaliksik sa mga piling tao na kanilang kakapanayamin.

ISTATISTIKAL TRITMENT NG MGA DATOS

Gumamit ang mga mananaliksik ng percentage formula para makuha ang mga

datos.

P=f/n

Na kung saan :

P = porsyento

f = frequency

n = kabuuang bilang ng respondante


PARADIMO NG PAG-AARAL

Sa  pananaliksik  na  ito,  ipinapakita  ng  pigura  1  ang  persepsyon ng mga mag-

aaral tungkol sa tamang pagpili ng kurso ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ng

hayskul sa RTU laboratory Highschool (S.Y 2014-2015)

INPUT PROSESO AWTPUT


1. Pagpili ng kurso sa 1. Pagbibigay ng "Survey Mga impormasyon ukol
kolehiyo Form" sa tamang pagpili ng
2. Persepsyon ng mga kurso batay sa nakalap na
2. Pagkuha ng mga datos
mag - aaral sa kursong mga datos.
kukunin sa kolehiyo 3. Konklusyon at lagom
ng resulta ng pag-aaral:
A. Istatistikang Gawain
a. Pagsasama-sama ng
mga datos
b. Pagbuo ng "Survey
Form"

Pigura 1

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng hayskul

tungkol sa pagpili ng kanilang kursong kukunin. Sa pamamagitan ng istatistikang gawain,


pinagsama-sama ang nakalap na datos mula mula sa mga talatanungang ipinasagot sa

mga mag-aaral.

PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS

  Ang pag- aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay lubhang napakahalaga upang

maunawaan at mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa tamang pagpili ng kursong

kukunin sa kolehiyo.

TERMINOLOHIYANG GINAMIT SA PAG-AARAL

LHS – (Laboratory High School) Isang mataas na paaralan sa Rizal Tehnological

Highschool.

Career - A n g s a l i t a n g career  ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho

o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal. - R o d m a n W e b b a t

Robert Sherman (1989).

Kolehiyo – Pinakamataas na antas ng pag-aaral.

Edukasyon – Tumutukoy sa akademikong pag-aaral.


Kabataan- mga taong nasa edad nasa 17 taong gulang pagbaba.

PAGPILI NG KURSONG KUKUNIN SA KOLEHIYO NG MGA MAG-

AARAL SA RTU LABORATORY HIGH SCHOOL: ISANG PAG-

AARAL
Isang Panukalang Tesis na Iniharap sa Fakulti ng Kolehiyo ng Sining

at Agham ng Rizal Technological University Mandaluyong City

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan sa Asignaturang

Filipino II sa ilalim ni Dr. Dolores Sunga Tanawan

CALZADO, JUDITH ANN G.

RAMOSO, DAVE A.

ESCRIBE, ROBEL NOLITO B.

SEBUCAO, QUEENIE ROSE N.

GUIMERA, GEORGETTE

(MARSO 2015)

You might also like