You are on page 1of 35

School of Righteousness and Excellence 1

Ang mga Epekto ng Stress at Akademikong Pagganap ng mga nasa Ika-


11 at Ika-12 na Baitang na mga Mag-aaral ng Accountancy, Business
and Management sa Paaralan ng Moreh Academy Inc.: Isang
Programang School-Based Stress Management

Isang Pananaliksik na iniharap kay


Ginoong John Michael B. Timajo sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
sa Moreh Academy Inc.
Upper Bicutan, Taguig City

Ni:
Jana Angela L. Sambitan
(Grade 11- NOAH)

2021

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 2
PAG-APRUBA
Ang pamagat ng pananaliksik na ito ay “Ang mga Epekto ng Stress

at Akademikong Pagganap ng mga nasa Ika-11 at Ika-12 na Baitang na

mga Mag-aaral ng Accountacy, Business and Management sa Paaralan

ng Moreh Academy Inc.: Isang Programang School-Based Stress

Management” bahagyang pagtupad sa mga kinakailangan para sa

Baitang ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT Strand, inihanda

at isinumite ng Pangkat - 7 sa Qualitative Research at ito ay sinuri at

inirerekomenda para sa pag-apruba at pagtanggap.

Ginoong John Michael B. Timajo


Qualitative Research Teacher

Tinanggap bilang bahagyang pagtupad para sa mga

kinakailangan para sa Grade 11 Accountancy, Business and

Management Strand.

Ginoong John Michael B. Timajo


Qualitative Research Teacher

PAGKILALA
Sa paggawa ng pananaliksik na ito, nais ipahayag ng

mananaliksik ang pagpapahalaga at taos-pusong pasasalamat samga

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 3
sumusunod na tao na tumulong at sumuporta sa pagkuha ng

impormasyon na humantong sa katuparan ng pagaaral.

Ginoong John Michael B. Timajo, guro sa baitang 11 para sa

kanyang paggabay, pagsuporta, pagiging mabait at, maunawain sa

amin upang magawa at matapos ang pananaliksik.

Sa lahat ng respondents, na nakiisa at naglaan ng oras at

panahon upang makasagot sa inihandang survey.

Sa mga kaibigan, guro, kaklase at iba pang nagbigay ng

suporta sa mananaliksik upang matapos ang isinasagawang

pananaliksik.

DEDIKASYON
Nais ilaan ng mananaliksik ang pananaliksik na ito sa kanyang

guro na tumulong sa kanya sa pagwawasto nito. Sa kanyang mga

kaibigan, guro, kaklase at sa mga mag-aaral ng senior high school

Accountancy, Business and Management strand sa Moreh Academy.

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina ng titulo …………………………………………………………….. 1

Pag-apruba …………………………………………………………………. 2

Pagkilala ………………………………………………………………….….. 2

Dedikasyon ………………………………………………………………….. 3

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 4
Talaan ng nilalaman ………………………………………………………. 3

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN

Panimula …………………………………………………………………...... 6

Kaligiran ng pag-aaral ……………………………………………………. 6

Batayang teoretikal …………………………………….…………………. 8

Konseptwal na balangkas ……………………………………………….. 10

Paglalahad ng suliranin …………………………………………………… 11

Kahalagahan ng pag-aaral ……………………………………………... 12

Saklaw at delimitasyon ……………………………………………………. 13

KABANATA 2: KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na literatura ……………………………………………………. 14

Kaugnay na pag-aaral …………………………………………………… 18

Sintesis …………………………………………………….………………….. 22

Terminolohiya sa pag-aaral ………………………………….………….. 23

KABANATA 3: METODOLOHIYA

Disenyo ng pananaliksik ………………………….……………………….. 26

Lokal na pananaliksik ……………………………………………………… 26

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 5
Taktika sa pagkuha ng datos ……………………………………………. 27

Hakbang sa paglikom ng mga datos ………………………………… 28

Instrumento ng pananaliksik …………………………………………….. 28

Istatistikong pamamaraan …………………………………………………. 28

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 6
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT ANG KAPALIGIRAN NITO
Panimula
Ang pananaliksik na ito ay naglalaman patungkol sa epekto ng

stress at ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng ikalabing-

isa at labindalawang baitang ng Accountancy, Business and

Management strand sa paaralan ng Moreh Academy. Ang salitang

stress ay nagsasaad patungkol sa reaksyon ng katawan sa mga

sitwasyong nagbibigay ng hamon o mga hindi inaasahang pangyayari.

Ayon sa The American Institute of Stress(n.d.), ang mga responsibilidad

na ating ginagawa sa araw-araw tulad ng trabaho at pamilya

hanggang sa mga seryosong pangyayari sa ating buhay, halimbawa

na lamang ng bagong diagnosis, gera at pagkamatay ng mahal natin

sa buhay ay pwedeng maging dahilan upang makaramdam tayo ng

stress. Lahat tayo ay maaaring makaranas ng stress kahit pa ang mga

estudyante .

Kaligiran ng Pag-aaral
Ang stress ay nararamdaman din ng mga mag-aaral. Maraming

dahilan para makaranas sila nito, ang iba rito ay ang hirap sa

pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at sa iba pang bagay dahil

kadalasan ay mas inuuna nila ang mga bagay na wala namang

maidudulot sa kanilang pag-aaral. Ang mga estudyante ay


ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT
School of Righteousness and Excellence 7
naiimpluwensyahan din ng mga barkada na gumawa ng mga bagay

na makasasagabal sa kanilang pag-aaral. Ang stress ay maaari ring

makuha sa loob ng tahanan, isa na rito ang problema sa pamilya,

halimbawa na lamang ng pagkakaroon ng broken family at ang

kakulangan sa pinansyal na budyet, lalo na at nagkaroon ng hindi

inaasahang pandemya at kinakailangan ng kagamitan para sa online

class learning.

Mas nakakaramdam ang mga mag-aaral ng stress dahil sa

nangyayaring pandemya. Nagkaroon ng blended learning na mas

lalong nagpahirap sa mga estudyante. Ang mga pagsusulit at sunod-

sunod na gawain ay nagiging dahilan din upang makaranas ang mga

estudyante ng stress. Ang iba pang nagdudulot nito ay ang kakulangan

ng kaalaman dahil hindi lahat ng mag-aaral ay may malawak na

kaalaman at pag-unawa lalo na sa mga mahihirap na asignatura tulad

ng sipnayan kaya naman maraming estudyante ang nahihirapan.

Ang stress ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Nakaaapekto ang stress sa pisikal at mental na pagkilos ng mga

estudyante (Stupart, 2018). Ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng

problema at nahihirapan sa kanilang mga akademikong pagganap

dahil sa epekto ng stress na kanilang nararamdaman. Hindi nila

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 8
nagagampanan nang maayos ang kanilang gampanin sa pag-aaral na

pwedeng magdulot upang bumagsak ang mga estudyante.

Batayang Teoretikal
General Adaptation Syndrome (GAS) Theory
Ito ang teorya ng isang endocrinologist na si Hans Selye, na kilala

bilang Ama ng pananaliksik sa stress. Inilalarawan ng teoryang GAS ang

pagbabagong pisyolohikal na nararanasan ng katawan kapag nasa

ilalim ng stress. Nagawa niya ang teoryang ito sa ginawang

eksperimento sa mga lab rats at kanyang naobserbahan ang

pisyolohikal na pagbabago na nangyari sa mga daga dahil sa

nakakastress na pangyayari. Kanyang nalaman na ang nangyari sa

mga daga ay dala ng stress dahil sa isinagawang eksperimento.

Nagkaroon ng tatlong yugto si Selye rito at ito ang alarm, resistance at

exhaustion.

Ang unang yugto ay ang alarm, ito ang inisyal na reaksiyon ng ating

katawan sa stress. Ang ikalawa ay ang resistance, dito magsisimula na

ayusin muli ng katawan ang sarili ngunit nananatili pa rin na mataas ang

antas ng stress na nararamdaman at kapag ang yugtong ito ay

tumagal, magiging resulta ito upang mangyari ang panghuling yugto.

Ang ikahuling yugto ay ang exhaustion, nangyayari rito ang pagkaubos

ng lakas ng mga tao na nakaaapekto sa kanilang emosiyonal, pisikal at

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 9
mental na pangkalusugan at ang mga ito ang nagiging dahilan upang

hindi magampanan ng isang tao nang maayos ang kanyang gawain

na mahahalintulad din sa mga mag-aaral na hindi magagawa nang

maayos ang akademikong pagganap kapag ang tatlong yugtong ito

ay kanilang pinagdaanan.

Lazarus' Theory of Stress

Ang teoryang ito ay mula kay Richard Lazarus na isang American

psychologist, propesor at mananaliksik. Isinasaad sa teoryang ito na ang

stress ay ating nararanasan kapag ang "mga pangangailangan ay

lumampas sa personal at panlipunang mga mapagkukunan na kayang

pakilusin ng indibidwal". Ayon kay Lazarus, ang epekto ng stress ay

nakabase sa nararamdaman na banta ng isang tao, kahinaan at ang

kakayahang makayanan kaysa sa mga pangyayaring nagbibigay ng

stress. Kanyang binibigyan kahulugan ang stress bilang ang ugnayan ng

tao at kapaligiran na tinatantya ng tao bilang pagbubuwis o

paglampas sa kanyang mga mapagkukunan at mapanganib sa

kanyang kapakanan. Naipapakita ng teoryang ito ang tungkol sa mga

estudyante na nakararanas ng stress dahil nalalagay sila sa sitwasyon

kung saan naiisip nila na hindi nila kaya itong lampasan at ang mga

inaatas sa kanilang gawain ay tingin nila ay hindi nila kayang gawin

kaya naaapektuhan nito ang kanilang mental na pangkalusugan.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 10
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay gagamitan ng

input-process-output model. Dito mas mauunawaan pa ang mga

epekto ng stress at ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

Ika-11 at Ika-12 na baitang ng Moreh Academy. Ang mga mga profile

ng mga tutugon sa isasagawang survey ay ang input ng balangkas. Sa

process ay maipapakita ang hakbang at kung paano makakakalap ng

impormasyon mula sa mga tagatugon. Ang panghuli ay ang output,

inilalahad nito ang resulta ng isinagawang pananaliksik.

Narito ang input-process-output model upang mas lalo pa itong

maintindihan.

Input Process Output


Ang mga profile ng
• Pagsasagawa • Pagsasagawa
tagatugon:
ng survey. ng isang
1. Edad programang
• Paggamit ng school-based
2. Kasarian
social media management.
3. Dahilan at upang
epekto ng stress sa makakalap ng
mga piling mag- datos.
aaral.

4. Mga dahilan
kung bakit hindi
nagagawa ng
estudyante ang
mga inaatas na
gawain sa
paaralan.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 11

Paglalahad ng Suliranin
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay “Ang mga Epekto ng Stress at

Akademikong Pagganap ng mga nasa Ika-11 at Ika-12 na Baitang na

mga Mag-aaral ng Accountacy, Business and Management sa

Paaralan ng Moreh Academy Inc.” Naipapakita dito ang mga epekto

ng stress sa mga mag-aaral at paano naaapektuhan ng stress ang

kanilang mga akademikong pagganap.

Hinahangad nitong sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang mga propayl ng mga sumasagot na naaapektuhan ng

stress?

1.1 Edad:

1.2 Kasarian:

1.3 Katayuang sibil:

1.4 Mataas na edukasyong natamo:

2. Ano ang mga dahilan at nagiging epekto ng stress sa mga tumugon

sa survey?

3. Ano ang programang maisasagawa upang makatulong sa mga

mag-aaral na nakararanas ng stress?

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 12
Kahalagahan ng Pag-aaral
Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng kaalaman ukol sa

mga nararanasang stress ng mga estudyante sa mga ika-11 at Ika-12 na

baitang na mga mag-aaral ng Accountacy, Business and Management

sa paaralan ng Moreh Academy at kung paano ito nakaaapekto sa

kanila at sa kanilang akademikong pagganap.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga estudyante: mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang

kahulugan ng stress. Kanilang malalaman ang mga dahilan at epekto

ng stress sa kanila na pwede nilang maiwasan upang hindi ito

makaapekto sa kanilang pag-aaral.

Sa mga magulang: makatutulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon sila ng kamalayan tungkol sa stress na nararanasan ng

kanilang mga anak. Magbibigay ang pananaliksik na ito ng kaalaman

upang matutukan nila at matulungan ang kanilang mga anak.

Sa mga guro: mas maiintindihan nila ang mga estudyante na

nagkakaroon ng problema sa kanilang pag-aaral. Mas matutulungan

ng guro ang kanilang mag-aaral upang magampanan nila nang

maayos ang kanilang akademikong pagganap.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 13
Sa paaralan: maaaring gumawa ng aksiyon o programa na

makatutulong sa mga estudyante na malampasan ang stress na

nararamdaman kapag ang institusyon ng paaralan ay nagkaroon ng

kamalayan tungkol sa stress ng mga estudyante.

Saklaw at Delimitasyon
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga

kinakaharap ng mga mag-aaral ng mga nasa ika-11 at 12 na baitang

na mag-aaral ng ABM strand sa paaralan ng Moreh Academy tungkol

sa epekto ng nararanasan nilang stress at pati na rin ang kanilang

akademikong pagganap.

Ang mga nasabing mag-aaral lamang ang sasagot sa survey, at

gagawan ng pag-aaral. Hindi na saklaw sa pananaliksik na ito ang mga

mag-aaral sa mas mababang baitang, ibang strand o ibang paaralan

kaya nalilimitahan nito ang mga respondente.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 14
Kabanata 2
Pagsusuri ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Literatura
Lokal
Ayon sa artikulo ng RiteMED (2021), ang stress ay ang reaksyon ng

ating katawan sa pressure mula sa isang sitwasyon o kaganapan.

Maaari itong maging physical stress, mental stress, o emotional stress.

Ang katawan ay gumagawa ng stress hormones na nagti-trigger ng

fight o flight response at pinapagana ang immune system ang katawan

ng isang tao kapag nakakaramdam nito. Nakatutulong din itong

mapabilis ang pagtugon sa mga mapanganib na sitwasyon.

Ang stress ay maaaring maging kapaki-pakinabang o

nakakapinsala. Ang stress ay maaaring ikategorya bilang mabuti o

masama. Ang mga mabubuting stress ay ang mga tumutulong upang

maipalabas ang kagalingan at nagbubunsod sa mga taong gawing

mabuti ang mga gawain. Sa kabilang banda, ang mga masasamang

stress ay ang humahadlang sa mahusay na paggana ng tao. Itinuturing

na masama ang stress sa tao kapag nagagapi ng isang partikular na

stress (o grupo ng mga stresses) ang kakayang pamahalaan ito. Ang

mga masamang stress ay maaaring magresulta sa pagkabalisa, o sa

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 15
isang kalagayan kung saan ang tao ay hindi na makatugon sa mga

hamon sa buhay (AlaminNatin, 2019).

Ang pangmatagalang stress ay lubhang makakaapekto sa isang

tao sa kanyang pampisikal at sa pag-iisip. Ito ay maaring humantong sa

sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso, matinding

pagsakit ng ulo, at iba pa (akoaypilipino.eu,2018). Ang chronic stress, o

matagal at matinding stress, ay nakasasama sa mga mag-aaral.

Posibleng maapektuhan ang kanilang pisikal, emosyonal, at mental na

kalusugan kapag patuloy at paulit-ulit na ang stress na nararamdaman,.

Baka magbago rin ang kanilang pag-uugali at pakikitungo sa iba. Ang

ilan ay gumagamit ng droga o nalululong sa ibang bisyo. Maaaring

mauwi pa nga ito sa depresyon, sobra-sobrang pagod o burnout, o sa

pagnanais na magpakamatay para makalimutan ang nararanasang

stress (Manlapaz, 2021).

Hindi makakaiwas ang mga estudyante sa stress. Sa murang edad,

nakakaramdam na rin sila nito. Nakararanas din ng stress ang mga bata.

Ang ilan ay naaapi sa paaralan o napapabayaan sa tahanan. Biktima

naman ang ilan ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pang-aabuso.

Marami ang nakakaramdam ng stress dahil sa mga pagsusulit at grado

sa paaralan. May mga nahihirapan dahil sa paghihiwalay ng mga

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 16
magulang nila. Ang mga batang nakakaramdam ng stress ay posibleng

dumanas ng mga bangungot, mabagal matuto, magkaroon ng

depresyon, o may tendensiyang ihiwalay ang sarili sa iba. Hindi naman

makontrol ng ilan ang kanilang emosyon. Kailangang matulungan agad

ang mga batang nakakaramdam nito (JW, 2020).

Banyaga
Ang stress ay isang hindi maiiwasan sa bawat aspeto ng buhay ng

mga estudyante. Ito ay karaniwang isang emosyon na maaaring dahil

sa ilang mga kadahilanan tulad ng mga pagsusulit, takdang-aralin,

papel at proyekto, pagkakaroon ng kumpitensya sa larangan ng pag-

aaral, mga problema sa pananalapi, at pag-aalala tungkol sa mga

inaasahang trabaho sa hinaharap (Mazumdar et al., 2012).

Mayroong iba't ibang dahilan kung bakit nakararanas ng stress

ang mga estudyante at isa na rito ang kanilang akademiko. Ayon sa

KVC Kansas (2020), Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit

nakakaranas ng stress ang mga bata ay ang pang-akademikong

presyon. Ang mga bata ay nakakaranas ng pang-akademikong

presyon mula sa mas maagang edad kaysa dati bagama't hindi ito

isang bagong problema. Binago ng teknolohiya ang tanawin para sa

kung paano nakikipag-ugnayan ang mga bata sa kanilang mga

gawain sa paaralan, mga tagapagturo at mga kamag-aral bukod sa

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 17
panggigipit na magtagumpay. Patuloy pa rin silang naaapektuhan ng

akademikong stress kahit pa nagkaroon na ng distance learning.

Ayon sa artikulo nina Shankar, N. L. at Park, C. L. (2016), ang stress

ay nakakaapekto sa mga mag-aaral sa iba't ibang paraan. Kanilang

pinakita ang isang konseptong pangkalahatang-ideya ng direkta (hal.,

psychoneuroimmunological, endocrine) at hindi direktang (pag-uugali

sa kalusugan) mga landas kung saan ang stress ay nakaaapekto sa

pisikal na pangkalusugan, mental na pangkalusugan , at ang

nagbibigay-malay na epekto ng stress (hal., atensyon, konsentrasyon) sa

tagumpay sa akademya.

Nakakaapekto ang stress sa pisikal na pangangatawan.

Halimbawa ng mga karaniwang pisikal na epekto ng stress ay ang

mababang antas ng enerhiya, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan at

pagduduwal, insomnia, pananakit ng dibdib, madalas na sipon o iba

pang sakit at nanginginig o pinagpapawisan ang mga kamay. Mayroon

ding sikolohikal na epekto ang stress at ito ang depresyon, pagkabalisa,

mga problema sa paggana ng pag-iisip (hindi makapagpokus o matuto

tulad ng karaniwang ginagawa), mga pagbabago sa pag-uugali, tulad

ng pagiging magagalitin, galit, pagalit, pagkabigo, o pag-iwas

(University of Arizona Global Campus, 2021).

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 18
Ayon sa Navigate 360 (2021), nakakaapekto rin ang stress sa

mental na pangkalusugan at kapag walang tamang suporta sa

kalusugan ng isip, ang stress ay maaaring maging talamak, na

humahantong sa ilang mga masamang resulta para sa mga mag-aaral

tulad ng:

• Sakit sa katawan

• Pagkabalisa at depresyon

• Hindi sapat na pagtulog

• Pagkairita o pagkasumpungin

• Pagbaba sa akademikong pagganap

• Social withdrawal

• Eksperimento sa droga

• Pandaraya

Kaugnay na Pag-aaral

Lokal
Ang mga magaaral sa ika-11 at ika-12 na baitang ng Moreh

Academy na nakararanas ng stress sa iba’t ibang dahilan ay

nakikitaang may malaking epekto sa akademikong pagganap pati na

rin sa kanilang sarili. Ang stress ay isang likas na reaksyon ng katawan sa

napakahirap na sitwasyon. Ayon kay Bondoc (2010), ang mga maaaring

epekto ng stress sa mga mag-aaral ay ang kahirapan sa pag-iisip nang

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 19
mabuti, pagiging makalimutin, kawalan ng pagiging malikhain at

paggawaw ng mga desisyon, at ang pagkawala ng kakayahang

makita ang mga bagay na nakakatawa.

Ang stress ay bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng bawat

indibidwal kung saan ang tao ay nahihirapan sa sitwasyon, hindi na

mapakali, labis napagkalungkot at kapaguran, nawawalan ng pag-asa

at iba pa. Bilang estudyante ay hindi maiiwasan sa pang-araw-araw

ang stress. May dalawang uri nito; ang stress na nakakatulong at stress

na nakakasama o tinatawag na chronic stress. Ang nakakatulong na

stress ay tutulong sa taong kumilos sa mga gusto niyang gawin. Magiging

motibasyon ito ng isang tao upang paghandaan at maging mahusay.

Samantala, ang nakakasama o chronic stress ay magkakaroon ng

epekto sa pisikal, emosyonal at mental na kalusugan. Maaring

makaramdam ng labis na katamaran, depresyon at hindi pagkain

(Loralaine, 2013).

Ayon sa pag-aaral ni Austria-Cruz (2019), karamihan sa mga mag-

aaral ay nahihirapan sa pakikitungo sa mga guro, pagkumpleto ng mga

kinakailangan gawain, at nagkakaroon ng mga estudyanteng

nandaraya dahil sa akademikong stress. Ang mga mag-aaral ay

sumang-ayon na dahil sa akademikong stress, sila ay napapagod at

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 20
natutulog nang higit o kulang na nakakaapekto sa kanilang self-

confidence at nagiging pabago-bago ang kanilang emosyon.

Hindi lamang akademiko ang dahilan kung bakit nakakaranas ng

stress ang mga estudyante. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Reyes

(n.d.), marami rin ang nagsasabi na dahil ito sa kakulangan sa oras para

sa lahat ng bagay, lalo na’t kapag kinain na ng mga gawain ang lahat

ng oras na dapat para sa ibang bagay tulad ng pamilya at libangan.

Marami pang ibang mga rason ang mga estudyante kung bakit sila

nakakaranas ng pagkahapo tulad ng pamilya, pera, o kung ano mang

mga nakakalungkot at nakakainis na mga pangyayari sa kanila.

Ang lahat ng nabanggit na epekto ay nararanasan ng ilan sa mga

mag-aaral sa tuwing sila ay nakakaramdam ng stress. Ayon sa pag-aaral

ni Bagalayos (2014), 96% ng mga mag- aaral ay nagsasabing ang stress

ay may epekto dahil sa nakaaapekto ito sa isipan. 45% ng mga mag-

aaral ang nagsabi na ang pinakaepekto nito ay ang pagsakit ng ulo

dahil sa daming gawain sa bahay at sa paaralan.

Banyaga
Ayon sa ginawang deskriptibong pag-aaral nila Bekoe et al. (2015),

ang stress ay nauugnay sa mahinang pagganap sa akademiko. 85% ng

mga respondente ang nagpahiwatig na ang stress ay nakaaaapekto sa

akademikong pagganap. Pinagmumulan din ng stress sa mga

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 21
estudyante na senior high school ang problema sa relasyon ng

kasintahan, mga aktibidad sa lipunan, pagpili ng kurso, pagsusuri,

kakulangan/hindi sapat na suporta ng pamilya at pakiramdam ng

pangungulila.

Ang stress ay lubhang nakakaapekto sa mga estudyante. Ayon sa

isinagawang pag-aaral nina Hachintu at Kasisi (2021), maraming

estudyanteng hindi kinakaya ang stress. Sila ay humahantong sa pag-

uugaling alkoholismo at sa substance abuse tulad ng dagga

(marijuana). Humahantong din sila sa pagliban sa paaralan kaya

tumataas ang bilang ng mga tumitigil sa pag-aaral.

Ayon kay Chew-Graham et al. (2003), ang mag-aaral ay patuloy

na nahaharap sa iba't ibang stressors tulad ng pangangailangang

magtagumpay sa kanilang akademiko, takot sa mga hindi inaasahan,

takot na maging miyembro ng sistema ng lipunan, takot na matanggap

sa lipunan, takot sa pagharap sa mga problemang pang-ekonomiya at

emosyonal na problema mula sa mga miyembro ng pamilya, kung saan

ang lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral o

kakayahan upang maging matagumpay sa kanilang akademya.

Ang katotohanan ay ang stress ay maaaring permanenteng

makaapekto sa kalidad ng buhay na tinatamasa ng isang mag-aaral,

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 22
at sa gayon ay nasisira ang maaaring maging isang adventurous at

kasiya-siyang oras na puno ng pag-aaral at paggalugad. Higit pa rito,

ang kanilang akademikong pagganap ay maaaring bumaba kung ang

stress at pagkabalisa ay hindi maaagapan (Dserb.com, 2022).

Sa kasalukuyan, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga

sitwasyong pang-akademiko ng stress ay maaaring makabuluhang

ikompromiso ang pagganap ng edukasyon ng bata. Ang mga

sitwasyon ng stress ay may negatibong impluwensya sa paggana ng

pag-iisip ng bata, lalo na ang pagbabawas ng aktibidad ng memorya.

Ang isang nakababahalang kapaligiran ay maaaring sanhi na

maglalagay sa mga mag-aaral sa isang mahirap na sitwasyon, kapwa

sa paaralan at sa pamilya o panlipunang kapaligiran. Kinakailangang

matukoy ang mga kadahilanan ng panganib at ang antas ng stress ng

mga mag-aaral upang mabawasan ang stress at mapabuti ang

pagganap (Instrumentul Bibliometric National, 2019).

Sintesis
Ang stress ay tunay na nakaaapekto sa mga taong nakakaranas

nito. Ang mga nabanggit na mga epekto ng stress ay nararanasan din

ng mga mag-aaral. Hindi sila ligtas sa stress kahit pa sa murang edad

dahil ang pag-aaral ay nagdudulot ng stress sa kanila. Dagdag pa rito

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 23
ang ibang problema tulad ng problema sa pamilya, kapaligiran at sa

pinansiyal. Ang stress sa mga mag-aaral ay nauuwi na sa depresyon,

anxiety o pagkabalisa, paggamit ng droga, at ang iba ay gusto nang

magpakamatay.

Ang mga epektong ng stress na ang nagiging dahilan upang

mapabayaan na ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral.

Nawawalan na sila ng motibasyon na magpatuloy dahil puro problema

na ang kanilang naiisip. Kanila nang hindi nagagawa nang maayos ang

kanilang akademikong pagganap. Dapat itong mawala sa kanila kahit

pa may magandang epekto ang stress para sa ilan sa mga mag-aaral.

Ang mga estudyante ay maaari nang bumagsak sa kanilang pag-aaral

kung sakaling hindi maagapan o magtuloy-tuloy pa ang stress na

kanilang nararamdaman.

Terminolohiya sa Pag-aaral
Akademikong pagganap - ang akademikong pagganap ay ang

pagsukat ng tagumpay ng mag-aaral sa iba't ibang asignaturang

pang-akademiko.

Blended learning - ay ang kombinasyon ng pag-aaral sa online o virtual

at ang tradisyon na pag-aaral o ang face-to-face class.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 24
Chronic stress - ay isang matagal at patuloy na pakiramdam ng stress

na maaaring negatibong makaapekto sa iyong kalusugan kung ito ay

hindi ginagamot.

Depresyon - ang depresyon (major depressive disorder) ay isang

pangkaraniwan at malubhang sakit na medikal na negatibong

nakakaapekto sa nararamdaman ng isang tao, paraan ng pag-iisip at

kung paano kumikilos.

Immune system – isang complex network ng mga cell, tissue, organ, at

mga substance na tumutulong sa katawan na labanan ang mga

impeksyon at iba pang sakit.

Insomnia - isang pangkaraniwang karamdaman sa pagtulog na

maaaring magpahirap sa pagtulog, mahirap manatiling tulog, o

maging sanhi ng iyong paggising nang masyadong maaga at hindi na

makabalik sa pagtulog.

Psychoneuroimmunological - ang pag-aaral ng interaksyon sa pagitan

ng isip, nervous system, at immune system.

Social withdrawal - ang pag-iwas sa mga tao at aktibidad na

karaniwang kinagigiliwan.

Stress - Ang stress ay ang pakiramdam ng pagiging sobra o hindi

makayanan ang mental o emosyonal na presyon.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 25
Stress hormones - ang mga stress hormone ay inilalabas ng mga

glandula ng endocrine upang baguhin ang panloob na kapaligiran ng

isang tao sa tuwing nakakaramdam ng stress.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 26
Kabanata 3

Metodolohiya

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik,

lugar ng pag-aaral, mga respondante ng pananaliksik, instrumentong

gagamitin sa pananaliksik at ng planong isang programang school-

based stress management. Naglalaman din ang kabanatang ito ng

paraan sa pangangalap at ang pag-aanalisa ng mga datos na ginamit

sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito na may titulong ”Ang mga Epekto ng Stress

at Akademikong Pagganap ng mga nasa Ika-11 at Ika-12 na Baitang na

mga Mag-aaral ng Accountacy, Business and Management sa

Paaralan ng Moreh Academy Inc.” ay isasagawa upang mas lalo pang

maintindihan ang epekto ng stress sa mga estudyante at kung paano

ito makaaapekto sa kanilang akademikong pagganap.

Lokal na Pananaliksik
Ang Moreh Academy ay isang non-sectarian at non-stock na

pribadong institusyong pang-edukasyon sa lungsod ng Taguig at ito ay

naitatag noong 2002. Hinahanda ng paaralang ito ang mga mag-aaral

para sa isang produktibong buhay sa lipunan sa pamamagitan ng

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 27
mahusay na akademiko, mga holistic na programa, at mga aktibidad

na nagpapadali sa kabuuang pag-unlad ng tao.

Ang Moreh Academy ay nagpapatupad ng K-12 basic education

curriculum na nag-aalok ng preschool, grade school, junior at senior high

school. Sa senior high school ay mayroong dalawang programa. Ang

academic track; Accountancy, Business and Management, Humanities

and Social Sciences, Science, Technology, Engineering and

Mathematics, General Academic Strand at ang TVL track; Information

and Communications Technology at Home Economics.

Ang Moreh Academy ay mayroong buong scholarship para sa

mga mag-aaral na nagtapos ng junior high school sa mga

pampublikong paaralan. Wala ring tuition para sa mga ESC at PEAC

grantees, walang bayad na top up at hidden charge.

Taktika sa Pagkuha ng Datos


Ang mananaliksik ay magsasagawa ng survey o talatanungan na

ipapasagot sa mga estudyanteng nasa ika-11 at ika-12 baitang at nasa

strand na Accountany Business and Management. Gagamitin ang

talatanungan upang makalikom ng datos na manggagaling sa mga

piling respondante.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 28
Hakbang sa Paglikom ng mga Datos
Ang mananaliksik ay manghihingi muna ng permiso mula sa guro

at punong-guro ng paaralan upang payagan na makalikom ng datos

tungkol sa epekto ng stress at akademikong pagganap ng mga mag-

aaral. Ang sunod na hakbang ay ipapasagot na sa mga piling mag-

aaral ang inihandang survey sa pamamagitan ng social media.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang lahat ng makukuhang datos mula sa isinagawang survey ay

aanalisahin.

Validity at Reliability

Ang instrumentong ginamit ng mananaliksik ay ang isinigawang

survey tungkol sa epekto ng stress at akademikong pagganap upang

makalikom ng datos para sa isinasagawang pananaliksik. Ang

isinagawang talatanungan ay mapapatunayan at susuriin ng aming

guro sa Filipino sa Piling Larangan, G. John Michael B. Timajo at ng aming

adviser, Bb. Joy R. Labutap.

Istatistikong Pamamaraan
Ang istatistikal na pamamaraan na gagamitin para sa pananaliksik

na ito ay ang pagkuha ng porsyento o bahagdan. Maipapakita sa

resulta ang porsyento ng mga mag-aaral na naaapektuhan ng stress.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 29
Malalaman din ang mga dahilan ng stress at ang kanilang

akademikong pagganap.

HALIMBAWA NG SURVEY

1. Buong pangalan:

2. Edad:

3. Kasarian:

4. Baitang:

Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng iyong sagot.

Ano-ano ang mga dahilan kung bakit ka nakararanas ng stress?

Problema sa pamilya

Maraming gawain sa paaralan

Mababang pagtingin o kawalan ng tiwala sa sarili

Kakulangan sa gamit para sa online learning

Nakararanas ng mataas na expectation at pressure mula sa iba

Problema sa pinansiyal

Iba pang sagot (opsyonal):

Ano-ano ang nagiging epekto sa iyo nito?

Nawawalan ng gana gumawa ng gawain na ibinibigay ng guro

Nagiging iritable o magagalitin

Nagkakaroon ng depresiyon, anxiety, panick attack at iba pa

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 30
Nagiging sakitin

Nawawalan ng pokus

Pagbaba ng grado

Iba pang sagot (opsyonal):

Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang iyong ginagawa upang makayanan ng iyong stress?

2. Sa iyong palagay, bakit hindi nagagawa o hindi agad nagagawa ng

estudyante ang mga inaatas na gawain sa paaralan?

3. Mayroon bang naidudulot na maganda sa iyo ang stress? Kung

meron, ano ito?

4. Ano-ano sa tingin mo ang mga maaaring gawin ng estudyante para

mabawasan o mawala ang kanilang stress?

Sanggunian
_13, S. (2016, April 26). Konseptong Papel tungkol sa Pagkahapo o

Stress.Academia.edu https://www.academia.edu/24766071/Konsepton

g_Papel_tungkol_sa_Pagkahapo_o_Stress

A. (2021, March 15). Effect of Stress on Academic Performance of

Students. BohatALA. https://bohatala.com/effect-of-stress-on-

academic-performance-of-students/

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 31
A.(2019, October 15). Ang Stress o Tensiyon at ilang paraan na

maiwasan ito. Ako Ay Pilipino.https://www.akoaypilipino.eu/gabay

/ang-stress-o-tensiyon-at-ilang-paraan-na-maiwasan-ito/

B. (2020, December 8). How Does Academic Stress Affect Mental

Health in the Age of Digital Learning. KVC Kansas.

https://kansas.kvc.org/2020/11/10/how-does-academic-stress-affect-

mental-health-in-the-age-of-digital-learning/

Bekoe, R. (2015, December 30). The Effects of Stress on Academic

Performance of Senior High School Students in Ghana | Advances in

Social Sciences Research

Journal. https://journals.scholarpublishing.org/index.php/ASSRJ/article/

view/1758

Cummings, J. A. (2019, June 28). Page not found – Introduction to

Psychology.Pressbooks. https://openpress.usask.ca/introductiontopsych

ology/chapter/stress-andcoping/

Dr Seb. (2019, January 10). Effects of Stress on College Students | Dr

Seb. Dr. Seb. https://drseb.com/how-stress-affects-college-students/

Hachintu, M. (2021, January 1). The Effects of Stress on Academic

Performance Among High School Students in Lusaka.

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 32
medRxiv. https://www.medrxiv.org/content/10.1101/2021.05.26.2125787

5v1

Higuera, V. (2018, October 6). What Is General Adaptation Syndrome?

Healthline. https://www.healthline.com/health/general-adaptation-

syndrome#definition

J. (2014, March 20). Pagkahapo. Jbagalayos’s

Blog. https://july161995.wordpress.com/2014/03/20/pagkahapo/

Manlapaz, I. M. (2021, September 5). 20 Epekto Ng Stress Sa Kalusugan

At Paano Ito Maiiwasan. theAsianparent Philippines: Your Guide to

Pregnancy, Baby & Raising

Kids. https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-stress-sa-kalusugan

N. (2021b, November 23). How Does Academic Stress Affect Mental

Health? | Navigate360. Navigate360 - Navigate Modern

Safety. https://navigate360.com/blog-news/how-does-academic-

stress-affect-mental-health/#

Pompilus, S. E. (2021, September 5). THE IMPACT OF STRESS ON

ACADEMIC PERFORMANCE.Academia.edu. https://www.academia.

edu/51142077/THE_IMPACT_OF_STRESS_ON_ACADEMIC_PERFORMANCE

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 33
The Effects of Stress on College Students & Ways to Overcome it. (n.d.).

UAGC | University of Arizona Global Campus. https://www.uagc.edu/

blog/the-effects-of-stress-on-college-students-ways-to-overcome-it

The impact of stress on students in secondary school and higher

education. (n.d.). Taylor &

Francis. https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/02673843.2019.15

96823

https://tl.nsp-ie.org/teoria-estres-lazarus-7864

https://brainly.ph/question/13211166

https://www.slideshare.net/UDDent/theories-of-stress

https://www.coursehero.com/file/38697872/3docx/

https://www.jw.org/tl/library/magasin/gumising-blg1-2020-mar-

abr/ano-ang-stress/

https://journals.scholarpublishing.org/index.php/ASSRJ/article/view/175

https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2015.01028/full

https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/21683603.2016.1130532

https://psycnet.apa.org/record/2017-25308-003

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 34
https://ibn.idsi.md/vizualizare_articol/95228

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/22146091

https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0%2C5&q=effects+o

f+stress+on+students&oq=effects+of+stress#d=gs_qabs&t=16499859745

79&u=%23p%3DxWISddxxhrUJ

https://www.edutopia.org/blog/can-stress-help-students-renee-jain

https://ik-ptz.ru/tl/russkijj-yazyk/stressy-v-shkolnom-obuchenii-i-

stressoustoichivost-prichiny-vozniknoveniya.html

https://www.ritemed.com.ph/articles/ano-ang-stress-at-paano-ito-i-

manage

https://alaminnatin.com/article/ang-mga-alalahanin-o-stress-at-mga-

pinagmumulan-nito/

https://www.jw.org/tl/library/magasin/gumising-blg1-2020-mar-

abr/mga-dahilan-ng-stress/

https://www.researchgate.net/publication/345674750_Effect_of_stress_

on_students'_academic_performance

https://thetrumpetwlu.org/4284/opinion/stress-can-positive-effects-

students/

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT


School of Righteousness and Excellence 35
https://www.coursehero.com/file/46149746/Konseptong-Papel-tungkol-

sa-Pagkahapo-odocx/

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT

You might also like