You are on page 1of 4

Kabanata 3 – Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay kinapapalooban ng panimulang tala na binubuo ng


pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit, pagpli ng respondents o mga tagasagot, instrumentasyon,
paraan ng pangangalap ng mga datos at ang ginamit na pagsusuring istadistikal.

Mahalagang bahagi ng kabanatang ito ang mga sumusunod:

Paraan ng Pananaliksik na Ginamit. Nagpapaliwanag ang bahaging ito ng disenyo ng pananaliksik


partikular na ang paraan ng pananaliksik na ginamit.

Ang mga Tagasagot/Respondents. Ang mananaliksik ay naglalarawan ng populasyon ng mga sasagot sa


talatanungan at kung paano pinili ang mga ito. Ang paraan ng pagpili ng tagasagot at ang bilang ng
kukuning tagasagot ay ipahahayag. Maaaring konsultahin ang statistician upang malaman kung paano
matutukoy ang kaangkupan ng sample size ng pag-aaral.

Mga Kagamitan. Dito ay inilalahad an gagamiting instrument kung ito ay standardisado o kung
pangkaisipang pagsubok ang kinakailangan. Tinutukoy din dito ang iba pang kagamitang may malaking
kaugnayan sa ikatatagumpay ng ginagawang pananaliksik.

Halimbawa:

Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagtataglay ng disenyo ng pananaliksik, teknik ng pagsusuri, paraan ng


pagbibigay-halaga sa mga datos patungo sa masusing pag-aaral. Ipaliliwanag nito ang pamantayan sa
pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyon.

Paraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito,ginamit ang disenyong palarawa at pasuri. Naniniwala ang nagsasagawa ng


pag-aaral na ito na sa pagsusuri ng isinakomiks na apat na Filipino Klasiks, ang kabuuang tinatakbo ng
mga ito ay nagpapakita ng mga puntong sosyal at moral. Sa pamamagitan nito, makikilala kung ang
komiks ay tunay na nagtataglay ng mataas na antas ng sining at magagamit bilang epektibong
instrumento sa pagtuturo ng Panitikang Pilipino sa kolehiyo.

Pinasagot din an 100 mag-aaral sa unang taon sa Pamantasan ng Adamson na kumukuha ng


Panitikang Pilipino noong unang semester ng taong pampaaralan 2002-2003 sa isang uri ng
talatanungang inihanda ng mananaliksik upang makakuha at makapagtipon ng mga datos batay sa
pagsusuring ginawa nila sa apat na Filipino Klasiks. Ang mga datos na ito ay ginamit upang masagot ang
mga katanungan sa pag-aaral na ito.
Sinasaklaw din ng pag-aaral na ito ang pamaraang pasuri dahil na rin sa pangangailangang
makabuo ng mga pamantayang maaaring pagbatayan sa isinagawang pag-aaral. Mahalaga ang ginawang
pagsusurisa apat na Filipino Klasiks upang kumakatawan sa iba’t ibang makabagong paraan ng
pagsasalaysay na palarawan.

Ginamit na batayan sa ginawang pamantayan sa pagsusuri ang walong pamaraan o prosesong


ginagamit sa pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan batay sa mga teorya nina Cooper at
Purves (Badanoy, 1999).

Ang mga ito ay ang (1) paglalarawan; (2) pagtatangi; (3); pag-uugnay; (4) pagsusuri; (5)
paglalahat; (6) pagpapahalaga; (7) pagtataya; at (8) paglikha.

Isinaalang-alang din sa pamaraang pasuri ang paksa, mga tauhan, istilo ng pananalita, tagpuan at
ang kabuuan ng mga pangyayari. Gayundin naman, binigyang-halaga rin ang mga ginamit na element sa
ilustrasyon ng mga pangyayari upang malinaw na mailarawan ang kabuuan ng mga akdang kasama sa
pag-aaral.

Teknik sa Pagsusuri

Binigyang-kalutasan sa pag-aaral na ito ang suliranin sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga


kaisipang iniuugnay sa mga datos na natuklasan

Sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga element ng akda na tumugon sa mga pamantayang ginagamit
sa pagsusuri ng akdang pampanitikan.

Gumawa ang mananaliksik ng mga angkop na pamantayan upang makabuo ng isang


pangkalahatang anyo na maaring sundin sa mga gagawin pang pag-aaral hinggil sa komiks-magasin at
mga implikasyong sosyal at pagpapahalagang moral na matatagpuan sa mga ito.

Bukod sa mga nabanggit na, ginamit din ang mga sumusunod na paraan

 Pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan, journals, gayundin ng mga di-nalimbag na tesis
na tumatalakay tungkol sa pag-aaral na naisagawa na hinggil sa komiks-magasin bilang
epektibong instrument sa pagtuturo, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa
man.
 Pagbabasa nang masusi sa apat na Filipino Klasiks na kasama sa pag-aaral na ito.
 Pagtitipon ng mga kaugnay na klipins mula sa iba’t ibang sanggunian tulad ng magasin, aklat,
pahayagan at mga kauri nito.
 Paggamit ng kompyuter upang makuha ang mga datos sa Internet at mga Websites hinggil sa
paksang pokus sa pag-aaral na ito.
 Pagsangguni sa mga iba pang tesis na tumatalakay rin sa mga paksang may kaugnayan sa pag-
aaral na isinagawa mula sa mga aklatan ng:
a. Pamantasan ng Pilipinas
b. Pamantasan ng De La Salle sa Maynila
c. Pambansang Aklatan
d. Pamantasan ng Adamson
e. Aklatan ng SIBS Publishing House, Inc.

Paraan ng Pagbibigay-halaga sa mga Datos

Ang pangangalap ng mga datos ay hindi nagging makabuluhan kung hindi pinag-uukulan ng
sapat na pagpapahalaga ang mga ito.

Masusing hinimay at lubos na inunawa ang mga nakalap na datos nang sa gayon ay makabuo ng
tunay na larawan at anyo ng isang makabuluhang babasahin tulad ng komiks-magasin.

Gumagamit ng pamaraang istadistika upang mabigyan ng kaukulang interpretasyon ang mga


naitalang datos na nakatulong upang mabigyang-linaw ang pag-aaral na ito.

Narito ang pormulang ginamit

P = _F_ x 100
N

Kung saan ang P = percentage o bahagdan


F = frequency count
N = total frequency

Kaugnay nito, sinuring mabuti ang mga akdang tuon ng pag-aaral na ito. Sinikap na maitala ang
kahalagahan ng bawat elementong kasangkot sa kabuuan nito upang maisa-isa ang mga puntong sosyal
at moral na taglay at kahalagahan nito bilang susi sa pagtaas ng antas ng kalidad ng panitikan na gamit
ang komiks-magasin.

Inaasahan na sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, walang pasubaling mapatutunayan na malaki


ang papel na ginagampanan ng komiks-magasin bilang kaugnay na akdang magagamit bilang instrumeto
sa pagtuturo ng panitikan.

Paksa ng Pag-aaral

Sinadyang pinili ang apat na isinakomiks sa Filipino Klasiks – ang Ibong Adarna, Florante at
Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ito ang napili sapagkat tinugo ng mga ito ang
pangangailangan na makapagbigay-solusyon sa mga suliranin sa pag-aaral hinggil sa mga uri ng mga
babasahing pinag-uukulan ng pansin ng mga kabataan tulad ng komiks-magasin. Inalam kung ang
isinakomiks na bersyon ay nagtataglay pa rin ng mga elemrntong pampanitikan na magagamit sa
pagtuturo sa paaralan kasama na ang mga puntong sosyal at moral.

Sinikap din ng mananaliksik na ito na patunayan na maaring ituring ang komiks-magasin bilang
instrumento sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbbigay-pansin sa mga napupulot na mga
pagpapahalagang moral at sosyal na kumakatawan sa buhay sa lipunan.
Pamamaraan ng Pagsusuri

Matapos na malikom ang lahat ng mga datos, sinikap ng mananaliksik na makabuo ng


pamantayan sa pagsusuri na maaaring magamit sa mga susunod pang pag-aaral na may tuon sa paksa,
mga tauhan, istilo ng pananalita o dayalogo, tagpuan, balangkas ng mga pangyayari at ang ilustrasyon.
Ito ay gagamitan ng paglalarawan, pagtatangi, pag-uugnay, interpretasyon o pagsusuri, paglalahat,
pagpapahalaga, pagtataya at paglikha.

You might also like