You are on page 1of 5

PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Performance Task No.1


Pangalan: Jaica C. Dionaldo Grado at Seksyon: XI- Mt. Pulag
Kasanayan: STEM Petsa: Abril 9, 2021
Balangkas ng Teksto
Iba’t-ibang Klase ng Bakuna para sa COVID-19
I. Tungkol sa Bakuna
A. Ang Dulot ng Bakuna sa Immune System
a.Pinipigil ng immune system ang pagkabuo ng sakit
b. Iniibsan nito ang sintomas ng sakit
B. Ang mga klase ng bakuna para sa COVID-19
a. Ang Pfizer-BioNTech, Moderna at Sputnik Vaccine na may efficacy rates
na 95%, 94% at 92%
b. Ang Novavax, AstraZeneca, Johnson and Johnson, at Sinovac na may
efficacy rates na 89%, 70%, 66% at 50%
C. Ang immune response na dulot ng bakuna sa katawan
a. Pinoprotektahan ng anti-bodies ang katawan mula sa mikroorganismo
b. Lumilikha ng mga kopya ng protina nang hindi nagdudulot ng sakit.
II. Proteksyon sa Pagbabakuna
A. Ang pagbabakuna sa mga mamamayan
a. Hindi sapilitan ang pagbabakuna sa mga tao
b. Ang Bakuna na BioNTech ay maaaring magamit sa 16 na taong
pataas samantalang 18 na taong gulang naman pataas sa bakunang
AstraZeneca
B. Epekto ng Bakuna sa Katawan
a. pamumula o pamamaga ng sa lugar na pinag turukan ng bakuna ,
lagnat,pagkapagod
b. Pagkahilo, pagtatae o pagduduwal
C. Ang Kahalagahan ng Pagbabakuna
a. Prinoprotektahan ng bakuna ang ating sarili laban sa sakit
b. Nagliligtas ng milyon-milyong buhay
III. Mga Suliranin at Dapat Isaalang-alang sa Panahon ng Pandemya
A. Mga Hamon sa Paglabas ng Bakuna
a. Paglabas ng mga pekeng pagsusuri, bakuna at paggamot sa
Coronovirus
b. Pagsasamantala ng mga tao at kumpanya upang kumita sa illegal na
paraan
B. Kailangan gawin pagkatapos ng pagbabakuna
a. Hindi pagdidikit-dikit ng mga tao
b. Mabuting kalinisan sa kamay at pagsusuot ng mask sa publiko, upang
mabawasan ang panganib ng pagkakahawa at makahawa.
C. Dulot ng COVID-19
a. Pandaigdigang suliranin sa kalusugan
b. Peligro sa kalusugan lalong-lalo na sa nakakatanda
PAGSULAT NG TEKSTONG NARATIBO
Performance Task No. 1
Pangalan: Jaica C. Dionaldo Seksyon at Grado: XI-Mt. Pulag
Kasanayan:STEM Petsa: Abril 9, 2021

Iba’t-ibang Klase ng Bakuna para sa COVID-19


Ang mga tagapagsaliksik at kompanya sa buong mundo ay gumagawa ng
potensyal na mga bakuna laban sa COVID-19. Hinahanda ng mga bakuna ang immune
system ng katawan upang matukoy nito at malabanan ang mga nakakahawang sakit.
Kung nalantad sa sakit, maaalala ng immune system ang karamdaman at mabilis na
tutugon upang mapigilan itong mabuo. Maaaring mapigilan ng mga bakuna anga ating
pagkakasakit o gawing di-gaanong seryoso ang karamdaman. Ang mga bakuna ay
maingat na sinusubukan bago aprobahan upang matiyak na ang mga ito ay ligtas at
mabisa. Ang pagkakaroon ng mabisang bakuna laban sa COVID-19 namagagamit para
sa lahat ng tao sa Pilipinas ay makakatulong sa pagpoprotekta sa iyo, sa iyong pamilya
at komunidad laban sa Corona Virus. Ang Pfizer-BioNTech ay isa sa mga bakuna na
nagkakahalaga ng P 2,379 sa Pilipinas at 95% na epiktibo upang maiwasan ang
nakumpirmang sakit na COVID-19. Kasunod rito ang Moderna Vaccine at Sputnik
Vaccine na may 94 % at 92% na efficacy rate, ayon sa pagkakabanggit. Ang Novavax
naman na galing sa United States ay may efficacy rate na 89%. Samantala, ang
AztraZeneca, Johnson and Johnson at Sinovac naman ay may efficacy rate na 70%,
66% at 50%. Ang mga bakuna ay magkakaiba sa kanilang komposisyon at kung paano
sila nagpapalitaw ng immune response upang lumikha ng mga antibodies.
Pinoprotektahan ng mga antibodies na ito ang katawan mula sa mga mikroorganismo at
nagsisilbing proteksyon sa sandaling ang isang tao ay mahawahan ng sakit. Ang mga
bakuna ay maaaring hindi maaktibo, magpahina o pumatay ng mga kopya ng kabuuan
o bahagi ng virus o bakterya, o produktong genetiko (tulad ng mga bakunang mRNA)
na lumilikha ng mga kopya ng protina nang hindi nagdudulot ng sakit.
Ang bakunang BioNTech ay maaaring magamit sa mga indibidwal na may edad
16 taong gulang pataas at ang bakunang AstraZeneca ay maaaring magamit sa mga
indibidwal na may edad 18 taong gulang pataas.Hindi sapilitan ang pagbabakuna ngunit
lubos na hinihimok ng gobyerno ang publiko na magpabakuna at maprotektahan laban
sa nakakahawang sakit. Ang mga posibleng epekto ng isang bakuna ay kasama ang
sakit, pamumula, kati o pamamaga sa lugar ng pag-iiniksyon (na maaaring tumagal ng
ilang oras); lagnat; pakiramdam ng kahinaan o pagkapagod; sakit ng ulo; pagkahilo;
pagtatae; o pagduduwal. Kumunsulta sa pinakamalapit na propesyonal sa
pangangalagang pangkalusugan kung nakakaranas ka ng alinman sa mga ito. Ang
pagbabakuna ay isang ligtas at epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Ang mga
bakuna ay nagliligtas ng milyon-milyong buhay kada taon. Kapag tayo ay
nababakunahan, hindi lang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili, ngunit pati na rin
ang mga taong nasa paligid natin.
Habang tayo ay nagtutulungan upang mapabagal ang pagkalat ng sakit na
coronavirus (tinatawag din na COVID-19), ang ilang mga tao ay maaaring matuksong
bumili o gumamit ng mga kaduda-dudang produkto na nagsasabing makakatulong sa
pagsusuri, paggamot, paglunas at pag-iwas sa COVID-19. Samantala, ang ilang mga
tao at kumpanya ay sinusubukan na kumita mula sa pandemikong ito sa pamamagitan
ng pagbebenta ng mga hindi napatunayan at ilegal na ipinagbebentang mga produkto
na gumawa ng maling pag-angkin, tulad ng pagiging epektibo laban sa coronavirus. Sa
makatuwid, kailangan nating mag-ingat sa mga pekeng pagsusuri , bakuna at
paggamot para sa Coronavirus. Ang proteksyon sa antas ng populasyon ay hindi
makakamit sa maikling panahon. Mayroong pangangailangan na ipagpatuloy ang mga
diskarte sa kalusugan ng publiko sa iba pang mga interbensyon, kabilang ang hindi
pagdidikit-dikit ng mga tao, mabuting kalinisan sa kamay at pagsusuot ng mask sa
publiko, upang mabawasan ang panganib ng pagkakahawa at makahawa. Mayroong
pagtaas ng katibayan na ang co-sirkulasyon ng COVID-19 virus at influenza virus ay
maaaring magkaroon ng isang makabuluhang epekto sa antas ng pagkamatay, at hindi
magandang kinalabasan sa mga kasamang nahawahan. Sa konteksto ng
pandaigdigang pandemya ng COVID-19, partikular na mahalaga na matiyak ang mga
tao na mas may peligro mula sa mga impeksyon o komplikasyon ng parehong
trangkaso at COVID-19, tulad ng mga manggagawa sa pangangalagang
pangkalusugan at mga mas nakakatanda
Talasanggunian/Bibliograpi

Internet:
“Impormasyon sa COVID-19’’. Nakuha noong Abril 8, 2021.
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/COVID19-vaccine-information-for-
public-tl.aspx

“COVID-19 na Bakuna”. Nakuha noong Abril 8, 2021.


https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/pdfs/fact-sheet-about-
covid-19-vaccines-1_Tagalog.pdf

“Matuto ng higit pa Tungkol sa Bakuna sa COVID-19 Mula sa FDA”.


Nakuha noong Abril 8, 2021. https://www.fda.gov/consumers/consumer-
updates/matuto-ng-higit-pa-tungkol-sa-bakuna-sa-covid-19-mula-sa-fda

“Mga Bakunang Panlaban sa COVID-19”. Nakuha noong Abril 8, 2021


https://www.health.gov.au/node/18288

You might also like