You are on page 1of 4

ENTRY #3

Kristine Nicolle E. Dana


Samahan ng Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)
PAGSULAT NG SANAYSAY

1
ENTRY #3

Nagbagong istilo, mananatiling husay

Wala na ang umiikot na tagay. Hindi na rin uubra ang kanta ni Yeng Constantino na

“Hawak Kamay”. Ang karaniwang kamayan ng ating mga kadaupang palad at kabungguang-

balikat ay unti-unti nang nawawala. Marahil “social distancing” na ang nauusong talinghaga,

dinagdagan pa ng mga katagang “Save Money. Save Lives. Stay at Home.” Ang pagsuot ng

face mask at face shield ang siyang ating nakasanayan na.

Mag-iisang taon na nating niyakap ang pagbabago sa istilo ng ating pamumuhay dulot

ng pandemya. Hindi natin maiwasang mabalisa at mabahala sa para bagang tahimik ngunit

mabagsik na kalabang hindi nakikita. Ngunit sa kabila ng lahat, pinili nating maging matatag

at pinatunayang tayoy mamamayang nagkakaisang lumalaban.

Sa kabilang banda, hindi rin natin maipagkakaila na apektado ang larangan ng

edukasyon ng ating bansa. Una nang ipinahayag ng mga kawani ng Kagawaran ng

Edukasyon ang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa laban kontra COVID-19. Patuloy ang

pagsulong ng dekalidad na edukasyon na maghahanda sa bawat mag-aaral sa kanilang

maaliwalas na hinaharap.

Dagdag pa, sa ilalim ng tinatawag na “bagong normal” tinitiyak na hindi lang ang

kaligtasan ng bawat mag-aaral ang pinapahalagahan maging ang kanilang karunungan rin.

Isinasaalang-alang rin ang kapakanan ng mga magulang sa bagong paraan ng pag-aaral nang

sa gayon ay hindi maging dagdag pasanin sa kanilang panig. Isang Learning Continuity Plan

(LCP) naman ang inilunsad upang komprehensibong maisaayos ang kurikulum at maihanay

ang mga kagamitan sa pagkatuto.

Samantala, ang Commission on Higher Education (CHED) o Komisyon sa Mas

Mataas na Edukasyon ay patuloy pa ring nagpapakatatag sa bagong paraan ng pagkatuto ng

2
ENTRY #3

mga nasa kolehiyo. Maraming mga unibersidad at pamantasan ang naglunsad ng mga online

classes alinsunod sa memorandum ng CHED.

Isa ang Unibersidad ng Mindanao (UM) ang nagpatunay na mananatili ang

epektibong pagkatuto sa kabila ng ating pagkakalayo. Walong buwan na ang nakalipas nang

pinalakas ang koneksyon sa internet sa nasabing pamantasan bilang paghahanda sa inilunsad

na online blended learning. Sa pagtutulungan ng UM at Philippine Long Distance Telephone

(PLDT) Company, inaasahang mapalakas ang internet na makatutulong sa matagumpay na

implementasyon ng mga online classes. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang paggamit sa

Blackboard LMS bilang online learning platform para pangasiwaan ang pagkatuto sa

makabagong set up.

Kaugnay dito, kahanga-hanga pa rin ang tiwalang ibinibigay ng mga mag-aaral sa

unibersidad. Sa katunayan, iniulat ni Dr. Guillermo P. Torres Jr., UM President ang kabuuang

bilang ng mga enrollees sa nakaraang semestre na umabot ng halos 35,000 sa lahat ng

campuses. Kamakailan lang din, sinalubong ng unibersidad ang mahigit 19,301 na mga

freshmen at mga old students. Isang matibay na ebidensya ito na patuloy na namamayagpag

ang institusyon sa adhikaing walang mapag-iiwanang mag-aaral sa gitna ng pandemya.

Sa estado naman ng mga mag-aaral ng College of Teacher Education (CTE) ng

unibersidad, nanatili ang husay at talino hindi lang sa akademya maging sa mga extra-

curricular na mga gawain ay hindi rin nagpapahuli. Katibayan na hindi hadlang ang krisis na

ating kinakaharap upang maabot natin ang ating rurok ng tagumpay. Sa ginanap na virtual

graduation ceremony noong nakaraang taong-panuruan, marami ang umani ng kanilang mga

itinanim na pagtitiyaga’t pagsisikap sa pag-aaral. Ang maging mga lisensyadong propesyonal

na guro sa hinaharap ang kanilang sunod na pangarap. Hindi lang magtatapos sa paghawak

3
ENTRY #3

ng diploma ang kanilang inaasam kundi ang makahawak din ng chalk o whiteboard pen

bilang inaasahan.

Maraming mga kasalukuyang mag-aaral sa CTE ang patuloy na nakikipagsapalaran sa

kanilang makabuluhang pagkatuto--nagkukumahog na mapunan ang kanilang mga isipan ng

mga kaalaman at gintong aral na madadala nila sa kanilang bukas. Sariling disiplina at

tamang pamamahala sa oras ang puhunan kaakibat na rin ang tulong ng mga virtual

collaboration at conference. Marahil sa ating kalagayan ngayon, naging mas responsable at

mahusay tayong mag-aaral. Mahusay sa paraang pinagbutihan nating matuto sa sarili nating

kayod at hindi lang makasagot sa mga Let’s Check, Let’s Analyze at In a Nutshell na gawain

sa bawat Unit Learning Outcome (ULO) ng ating Self-Instructional Manual (SIM).

Tunay ngang tayo’y sinubok at pinatatag ng panahon subalit tayo ngayon ay malusog

at bumabangon sa pag-asang isang araw babalik sa nakasanayan ang ating kalagayan.

Nagbago man marahil ang paraan ng ating pamumuhay ngunit nananatiling buhay ang ating

ipinapakitang husay sa larangan ng pag-aaral. Maging baon sana natin ito patungo sa pag-

abot ng ating mga mithiin sa buhay.

You might also like