You are on page 1of 3

FIL 412 (2647) – Introduksyon sa Pananaliksik-Wika at Panitikan

Linggo 1-3

ULO 1. Maipapaliwanag ang kahulugan, katangian, pananagutan at suliranin ng


pananaliksik.

Suriin Mo

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Elleine Rose A. Oliva, EdD

Agosto 13, 2021


a. Pagtuturo

Nakatutulong ang pananaliksik upang mapalawak at maging mabisa ang


pagtuturo. Nagsisilbi itong gabay at patnubay sa mga tagapagturo upang mas
makatuklas sila ng mga kaalaman at mahahalagang impormasyon na kanilang
maibabahagi sa kanilang mga mag-aaral. Nagiging mas makatotohanan rin ang kurso
ng pagtuturo kung susuportahan ito ng mga lipon ng pananaliksik.

b. Pagtatasa at Ebalwasyon

Sa pagtatasa at ebalwasyon naman, napapaunlad nito ang kabisaan at


kaangkupan ng metodolohiya o instrumento na gagamitin. Matitiyak na masusubok o
matatasa ang kaalaman at maging ang kakayahan ng mga mag-aaral hinggil sa isang
tiyak na paksa. Sa tulong ng pananaliksik napag-aalaman natin kung anong estilo o
estratehiya ang pinakamainam na gagamitin para sa pagtamo ng inilalatag na mga
layunin sa loob ng isang aralin.

c. Mag-aaral

Sa panig naman ng mga mag-aaral, nalilinang ang kanilang kakayahang mag-


isip ng kritikal at analitikal. Mas napupukaw ang kanilang panglipunang kamalayan at
nahihikayat ang kanilang partisipasyon sa paglutas ng mga suliranin ng ating bansa.

Dagdag pa, ang mga mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataon upang


makapaggalugad at makapaghanda para sa kanilang pinapasok na karera sa
kadahilanang nahasa na ang kanilang kakayahan sa pag-aanalisa ng mga datos na
magbibigay daan upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa napiling
propesyon.

d. Pedagogi

Habang sa sining naman ng edukasyon o pedagogi, malaki ang naiaambag ng


pananaliksik sapagkat mas nadadagdagan ang mga kasangkapan o materyales na
magagamit ng mga guro sa pagtuturo. Nakapag-aambag rin ito upang mas maging
organisado at sistematiko ang agham sa pagtuturo ng isang indibidwal. Nabibigyang
kalinawan nito ang mga isyu na malabo o yaong umiiral na problema sa larangan ng
edukasyon.

You might also like