You are on page 1of 2

NAME: Annia Teresa G.

Bersabal COURSE/SECTION: Bachelor of Multimedia


Arts (BMMA) – MMA 202
INSTRUCTOR: Mr. Abram Nikolaus S. Buenconsejo DATE: September 20, 2021

Pre-Assessment/ Guide Questions

1. Ano ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagteteorya?

Ang wikang Filipino ay may napakayaman at dalumat na katangian. Ang katangiang ito
ang nagbibigay kahalagahan sa wikang Filipino sa pagteteorya. Ang napakaraming wika at
diyalekto sa bansa ay ang nagbibigay kalaliman sa wikang Filipino. Sa gamit ng mga wikang
ito, ay makatutulong ito sa pagpapalalim at pagpapalawak pa ng pagteteorya.
Mahalaga rin ito sapagkat maitataguyod pa nito ang wika sa larangan ng akademiko at
pananaliksik. Magkakaroon ng pagpapahalaga ang mga Pilipino sa wika at kanilang
matututuhan ang dalumat na paggamit nito lalo pa sa pananaliksik. Mas mapapayabong din sa
pamamagitan ng pagteteorya ang wikang Pambansa na magbibigay benepisyo sa bansa.

2. Bakit mahalaga ang mga sanggunihan sa pananaliksik?

Ang pananaliksik ay binubuo ng iba’t ibang ideya, literatura, at pagaaral na nanggagaling


sa iba’t ibang awtor o batayan. Ang parte ng pananaliksik na ito ay tinatawag na sanggunian.
Ang sanggunian ay mahalaga sa isang pananaliksik sa kadahilanang nagsisilbi itong suporta sa
aral na isinasagawa. Nagbibigay linaw rin ito sa iba pang ideya at penomenon na may ugnay sa
pananaliksik na isinasagawa. Nagpapalawak rin ang sanggunian sa pamamagitan ng pagbibigay
ng makabagong o lumang impormasyon.
Ang sanggunian din ay nagbubukas ng ideya patungkol sa iba’t ibang bagay na
nagpapalawak at nagbibigay ng eksplanasyon sa mga konektadong paksa sa pananaliksik.

3. Paano makakagawa ng malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis


na akma sa konstekstong Pilipino?

Sa pananaliksik at pagteteorya ay marapat ang paggamit ng akmang presentasyon at


analisis ng mga datos sa kontekstong Pilipino. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
batayang teorya sa pananaliksik. Magsisilbing suporta ito at nagpapainam ng teorya.
Napaloloob sa batayang teorya ang sari-saring teoryang akma sa iba’t ibang konteksto. Ang
mga teorya o diskursong ito ay tumutuon sa iba’t ibang paksa na nagbibigay ng espesipikong
tuon o layon ng pananaliksik. Teoryang Dependensiya, Marxismo, Pantawang Pananaw ay ilan
lamang uring sumasailalim sa batayang teorya. Ang mga ito ay may malaking gampanin sa
pananaliksik sapagkat mas nagbibigay linaw ito sa teorya at pananaliksik. Katulad ng
sanggunian ay nagtataguyod at nagpapayabong ito ng isang pagaaral na maaaring makatulong
sa pag-unawa ng isang penomenon o magpalawak pa ng kaalaman at kakayahan ng lipunan.

You might also like