You are on page 1of 4

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Glichielle M. Vitug Dalumat ng/sa Filipino


BSA – 2E DALFIL 123 W&F 3:00-4:30

1. Magsaliksik ng iba’t ibang kahulugan at paliwanag sa salitang “Dalumat.”


Ayon sa CHED Memorandum Order No. 20 na na-implementa noong taong 2018-2019
bilang mga bagong asignatura sa mataas na paaralan kasama na ang “Dalumat sa/ng Filipino”
binigyang kahalintulad ang salitang “Makapagdalumat” bilang “Makapag-teorya” sa Filipino.
Sinasabing ang asignaturang ito bilang magpapalawak at magpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino. Samakatuwid, ang pagdadalumat na binubuo ng pagbasa, pagsulat
at pananaliksik ay makakabuo ng isang kaisipan sa mga instrumentong ito, na nakatuon sa mga
partikular na isyu ng lokal at makadayuhang talakayan.
Bilang parte naman ng pagpapakahulugan sa salitang ito, sa pananaliksik ni Benitez
mula sa Ateneo De Manila University ang salitang Dalumat sa nangangahulugang
Deconstruction sa ingles. Ang Deconstruction ay isang anyo ng pilosopikal at pagsusuri anyo
ng pilosopikal at pagsusuri sa panitikan, na nagmula pangunahin sa gawaing sinimulan noong
1960s ng pilosopo ng Pranses na si Jacques Derrida, na nagtatanong sa pangunahing mga
pagkakaiba-iba ng konsepto, o "mga pagsalungat," sa pilosopiya ng Kanluran sa pamamagitan
ng isang malapit na pagsusuri ng wika at lohika ng pilosopikal at tekstong pampanitikan.
Noong 1970s ang termino ay inilapat sa literatura nina Derrida, Paul de Man, J. Hillis Miller,
at Barbara Johnson, bukod sa iba pang mga iskolar. Noong 1980s, itinalaga nito nang higit na
maluwag ang isang hanay ng mga radikal na teoretikal na negosyo sa magkakaibang lugar ng
mga humanidad at agham panlipunan, kasama na - bilang karagdagan sa pilosopiya at panitikan
— batas, psychoanalysis, arkitektura, antropolohiya, teolohiya, feminismo, gay at lesbian na
pag-aaral, pampulitika teorya, historiograpiya, at teorya ng pelikula. Sa mga polemical na
talakayan tungkol sa mga intelektwal na uso sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ang
deconstruction ay ginamit nang inabuso upang magmungkahi ng kawalan ng pananampalataya
at walang pag-aalinlangan sa pag-aalinlangan. Sa tanyag na paggamit ang termino ay naging
kahulugan ng isang kritikal na pagbungkos ng tradisyon at tradisyonal na mga bahagi ng pag-
iisip ang dalumat.

1
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng pagdadalumat at pananaliksik?


Bago natin talakayin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pananaliksik at pagdadalumat,
aalamin muna natin ang kahulugan ng pananaliksik. Ayon kay Sevilla, ang pananaliksik ay
paraan ng paghahanap ng teoriya, pasgsubok sa teoriya o paglutas ng isang suliranin. Kung
may nais tayong mapatunayan na isang malawak na kaisipan, maghahanap tayo ng teoriya
upang idiin ang gusto nating mapatunayan gamit ang mga teoryang ito. Ayon naman kay Gaza,
ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga esensyal
na impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan
ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isang
esensyal na gawain – ang paghahanda ng kaniyang ulat pampananaliksik. Naibahagi din niya
ang mga kailangan itangi ng isang mahusay na mananaliksik. Sinuri at pinalalim ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng pagdadalumat at pananaliksik base sa proseso, baryabol,
nilalaman, at iba pa.
Ang proseso ng pananaliksik ay nakatuon sa limang bahagi, Pamimili at Pagpapaunlad
ng Paksa ng Pananaliksik; Pagdidisenyo ng Pananaliksik; Pangangalap ng Datos; Pagsusuri ng
Datos; Pagbabahagi ng Pananaliksik. Sa kabilang banda naman ang pagdadalumat naman ay
nakatuon sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat gamit ang makabuluhang pananaliksik sa
wikang Filipino. Makikita na ang proseso ng pananaliksik ay maraming proseso upang
makagawa ng pormal at matagumpay na pananaliksik. Ang pagdadalumat naman ay nais
lamang matukoy ang kahalagahan ng isang pag-aaral sa masusing pagbasa at pagsulat upang
maka-ambag sa wikang Filipino. Nagkakapareho ang pagdadalumat at pananaliksik dahil iisa
ang layunin nito na makalutas ng suliraning lokal man o pang dayuhan. Ngunit, nagkakaiba pa
din dahil ang pananaliksik ay nagbibigay ng solusyon ngunit ang pagdadalumat ay nagbubuo
lamang ng posibleng kaisipan na walang sapat na batayan.
Ang baryabol ng pananaliksik ay may apat na uri ang Malayang Baryabol; Di-
Malayang Baryabol; Baryabol na Mababago; Baryabol na Di-mababago. Ang baryabol ng
pagdadalumat ay walang pinipiling uri dahil sinasakop nito ang makrokasanayan sa lahat ng
bagay. Ang pananaliksik ay may pinipiling baryabol dipende sa paksang tinatalakay at ito ay
dapat nakalagay sa pormal na papel ng pananaliksik dahil dito nakatuon lamang nakatuon ang
paksa.

2
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Ang teorya na ginagamit ng pananaliksik ay kinakalap at pinag-aaralan upang isuporta


sa ninanais saliksikin ng mga mananaliksik na maaaring isa sa mga teoryang ito ay isang
dalumat dahil ayon sa silabus na binigay ng CHED tinawag din itong pagtteorya. Kaya malaki
ang pagkakaiba nila sa katangian ng nilalaman sapagkat ang isa ay nangangalap ng maraming
kaisipan at kabilang banda panig naman ay nangangalap ng isa lamang kaisipan mula sa binasa
o nasaksihang mga pangyayari.
Malawak at puno ng saysay ang dalawang salita kahit ito ay magkaiba sa kanilang
nilalaman at ayos. Ngunit ang mga salitang ito naman ay nagkakatulad sa ninanais makapag-
ambag sa wikang Filipino. Mayroong mga manunulat at tagasuring ang dinadalumat ay ang
paggamit ng sariling wika upang magsaliksik at gamitin ang mga ito upang mapayabong ang
sariling wika ng Filipino, hindi lamang sa wika gayundin sa karunungan na maaaring
magpayaman at maisalba ang ating bansa sa kinakaharap na sularin nito.

3
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Sanggunian :

Internet:
David Michael, atbp. (2017, Nobyembre 16). Limang Bagong Silabus sa Panitikan at
Filipino sa Kolehiyo. Nakuha mula sa https://www.researchgate.net/publication/321097303_
LIMANG_5_BAGONG_SILABUS_SA_PANITIKAN_AT_FILIPINO_SA_KOLEHIYO

The Editors of Encyclopedia Britannica. (2018, Setyembre 27). Deconstruction.


Nakuha mula sa https://www.britannica.com/topic/deconstruction

Elise, H., (2018, Marso 14). Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik - SlideShare.
Nakuha mula sa https://www.slideshare.net/mushthart/mga-bahagi-at-proseso-ng-pananaliksik

Libro:
Sevilla, C. G., (1998). Pananaliksik (Isang Primer). Nakuha mula sa
https://www.worldcat.org/title/pananaliksik-isang-primer-pananaliksik-para-sa-mga-baguhan/
oclc/989427288/viewport

Journal:
Benitez, CJ. R., (2007). Tungo Sa Dalumat Ng Bayan Isang Metonimiya. Nakuha mula
sa https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/kk/article/view/KK 2017.02917

Gaza, JI. C., (2015, Marso 19). Ano ang Pananaliksik at ang mga Katangian nito -
Scribd. Nakuha mula sa https://www.scribd.com/doc/259271186/Ano-ang-Pananaliksik-at-
ang-mga-Katangian-nito

You might also like